CHAPTER TWO

1045 Words
Umuwi ako sa bahay matapos kong mag-isip ng ayos. Kailangan ko na lang muna ng pahinga para sa sarili ko. Malapit na rin naman ang final examinations namin kaya mas kailangan ko na roon na mag-focus. Hindi ako pwedeng bumagsak dahil mawawala ako sa may mga scholarships. Kapag nawalan ako, tapos na ang buhay ko. Hindi ko pa kaya na mawalan ng matitirahan.         “Yuck, nag-inom ka ba ng beer? Ang baho mo tuloy,” sambit agad ni Ricselle nang maka-uwi ako. Ang arte talaga niya. “Sorry. Magsha-shower na ako para hindi na ako mangamoy,” sambit ko. Dumeretso na agad ako sa banyo upang mag-shower. Nakakahiya naman sa kasama ko rito sa kwarto.         Lumipas ang ilang linggo at mataas muli ang mga marka na nakuha ko. Mabuti naman dahil sigurado na ako ngayon na kasama muli sa dean’s lister. Kailangan kong mapanatili na uno lahat ang grado ko. Hindi ko na magawang sumuko ngayon dahil patapos na rin naman ako sa pag-aaral. Isang taon na lang at graduate na ako. ‘Yon na lang ang tanging pag-asa ko. Baka sakaling magkaroon ako ng maayos na buhay sa oras na makapag-tapos na ako ng pag-aaral.         Hanggang sa lumabas na ang resulta ng rankings ng third year college. Natuwa naman ako dahil kasali pa rin ako sa top ten. Naiinggit na naman ako sa mga estudyante na nasa paligid ko. Lahat sila ay may mga kasamang kaibigan at nagkakasiyahan dahil sa ranggo na nakuha nila. May mga kasama rin sila na ipagdiwang ang mga nakuha nila. Samantalang ako ay kailangan muling magtrabaho mamaya para kumita ng pera. Mas magastos daw ang fourth year college lalo na at may OJT pa. ‘Yon ang kailangan kong pag-ipunan dahil hindi na kasali sa scholarship at allowances.   Humanap muli ako ng panibagong trabaho ko. Tapos na ang school year namin at bakasyon na ulit. Kaya naman ay mas kailangan ko na magsipag dahil puro trabaho lamang ang aasikasuhin ko sa bakasyon ko. Wala namang bagong kaganapan na mangyayari sa buhay ko kung ‘di ang magtrabaho lang hanggang sa makapag-ipon ako ng pera. Ganoon lang ang buhay ko sa kada taon na lumilipas.       Makakahanap ako ng bagong trabaho, ngunit may isa ulit sa mga trabaho ko na mawawala. Tapos hahanap muli ako ng bago. Ganoon lang umiikot ang buhay ko. Kaya nga gusto ko nang makapagtapos ng pag-aaral para naman magkaroon na ako ng permanenteng trabaho sa tamang panahon.         Ngunit hindi ganoon ang nangyari… Hanggang sa lumipas ang isang taon at tapos na akong mag-aral ay mas lalong humirap ang pamumuhay ko. Dahil hindi na ako isang estudyante ay kailangan ko nang umalis sa dormitory. Humanap ako ng isang maliit na apartment na matitirahan ko. Sapat na ‘yon para sa lahat ng mga kagamitan ko. Sapat na rin ‘yon para sa sarili ko. ‘Yon na rin ang pinakamura na apartment na nahanap ko sa lugar. Doon din malapit ang mga maaari kong pagtrabaho-an na kumpanya.         Inalisan ko na ang lahat ng mga part-time jobs ko. Dahil oras na upang maghanap ako ng permanente kong trabaho. Iginugol ko na ang oras ko sa paghahanap ng trabaho na tugma sa kurso na natapos ko. I studied business administration. Kaya naman ay gusto kong makapasok sa mga business companies.         Halos lahat na ng mga kumpaniya ay napuntahan ko na. Pati ang mga interviews nila ay nalagpasan ko na. Ngunit wala ni isa sa mga ‘yon ang nagmensahe muli sa akin. Hindi ba ako natanggap sa trabaho? Ayaw ba nila sa akin? Matalino naman ako at inilagay ko rin sa resume ko ang mga naging trabaho ko na noong estudyante pa lamang ako. Ang alam ko ay gusto nila ng marami nang experiences sa trabaho at hindi mga first timers. Kumpiyansa ako na matatanggap ako sa trabaho.         Naghintay pa ako ng isang linggo upang makarinig ng kahit na anong balita sa mga kumpaniya na in-apply-an ko, ngunit wala talaga akong natanggap. Isa-isa ko naman na silang tinawagan at tinatanong ko kung tanggap ba ako o hindi. Baka sakali na nagloloko lang ang mga emails at numbers ko, kaya hindi ako makatanggap ng mga balita tungkol sa kanila.       “Hello, I’m sorry to say but we cannot hire you. Please try to other company.”       “Oh, you’re Reign Victoria? I’m sorry to say but you are not qualified enough for our company.”       “Miss Reign Victoria, right? I’m sorry but your application was declined due to some circumstances.”         Kay rami ko nang natawagan na mga kumpaniya na na-apply-an ko. Ngunit halos pare-parehas lang sila ng isinasagot sa akin. Pinapalakas ko na lang ang loob ko na baka sakali isa sa kanila ay tanggapin ako.         “What do you mean, Ma’am? Why am I not hired? I graduated as top five in our university with the degree of business administration. My grades are fine and I have many experiences in work. Why am I not qualified to your company?” tanong ko. Pinipigilan ko na ang aking sarili na maiyak.  ”That’s why we cannot hire you. You already had more than fifteen jobs before. It means, you’re not consistent in your jobs. Our boss thinks that you can’t stay in one job for more than three months. It’s whether you’re resigning to your jobs immediately because you don’t like it, or your boss was firing you for poor performance. It’s not about your grades and degrees, it’s about how you work. I bet some of the companies that you applied too are thinking the same with us.”         “But how can you be so sure that I am not a hard-working person? I can do the job that you will give to me right. I can manage it.”         “I’m really sorry. Just try to other companies. They might hire you.”         Namatay na ang tawag matapos niyang sabihin ‘yon. Hindi ko na nakayanan kaya naman ay mabilis na akong napa-upo sa sahig at umiyak. Ganito ba talaga kalupit sa akin ng mundo? Hindi pa naman nila nakikita kung paano ako magtrabaho, but they wouldn’t give me at least a chance to show them what I have got.       Life is really unfair and I want to end this f*****g life of mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD