CHAPTER THREE

1022 Words
Wala ako sa sarili na naglakad papunta sa tulay na malapit sa apartment na tinitirahan ko. Ano pa bang silbi ng buhay ko ngayon? Ni wala man lang tumatanggap sa akin sa trabaho. Akala ko kapag nakapagtapos na ako ay ayos na. Akala ko ay magkakaroon na ako ng permanenteng trabaho. Akala ko ay makakamit ko na ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. Ngunit akala ko lang pala ang lahat ng ‘yon. Wala na akong iba pang dahilan pa para mabuhay sa mundong ito. Hirap na hirap na akong mag-isa. Bakit ganito kalupit sa akin ang Panginoon? Para bang may malaki akong kasalanan para parusahan niya ako ng ganito. Wala nang nangyaring tama sa buhay ko simula noong pinanganak ako. Hindi man lang ako sumaya sa tanang buhay ko. Madilim na sa parte ng tulay at wala na masiyadong dumaraan na mga sasakyan dito. Alas-onse na rin naman ng gabi. Hawak ko ang isang gin sa kanang kamay ko habang patuloy lang sa paglalakad. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin ngayon. Hindi ko na rin naman alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin sa mundong ito. “Ah! What a f*****g s**t!” sigaw ko saka ininom ang alak na hawak ko. Hindi ko na ininda pa ang pait na naramdaman ko sa aking lalamunan. Nahihilo na ako dahil purong alak ang iniinom ko ngayon, pero wala akong pakialam. Ang gusto ko na lang na mangyari ngayon ay ang matapos na ang buhay kong ito. Kapag nawala na ako sa mundo ay hindi na ako mahihirapan pa. Makakasama ko na rin ang mga magulang ko sa langit. Humarap ako sa ilog na nasa ibaba ng tulay. Tinitigan ko ang pag-agos ng tubig. Mukhang malalim ‘yon. Lalo na ngayon na malakas ang agos ng tubig. Matatangay ako agad kung sakaling tatalon na ako. Wala na akong ibang paraan pa na naiisip. Ito na lang ang tanging option na mayroon ako. Hindi ko na kaya ang malupit na buhay na ibinigay sa akin. Hindi ko na kaya pang tumagal sa mundong ito. Sa mundo kung saan hindi lahat ay tinuturing ng ayos. Kapag may pera ka at may malakas na kapit ka sa mga may matataas na ranggo, saka ka lang aasikasuhin at ituturing ng tama. Pero ang mga katulad ko na mahirap lamang ay hindi man lang binibigyan ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili. Naiyak na ako habang umiinom ng alak na hawak ko. Umiikot na ang paningin ko at hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin. Hindi na ako natutuwa sa mga tao na nasa paligid ko. Kung pwede lang ay sana mapunta ako sa kakaibang mundo, kung saan hindi katulad ng mga tao na nakakasalamuha ko sa mundong ito. “Tama na… Hindi ko na kaya pa sa mundo na ito. Kung may iba pang mundo, sana ay doon na lang ako mapunta! Ayoko na rito! Ayoko nang mabuhay!” Sinisigaw ko lang ang lahat ng mga hinanakit ko. Ngayon ko lang ito ginawa sa buong buhay ko. Ngayon ko lang ilalabas ang lahat ng mga hinanakit at problema ko. Ito ang una at huling beses na gagawin ko ito. “Wala namang malulungkot o may pakialam kapag nawala na ako sa mundo na ‘to! Matagal na akong nagtitiis para lamang ipagpatuloy ang buhay ko na ‘to! Pero hindi ko na talaga kaya ngayon. Hirap na hirap na ako! Sobrang hirap na ako!” sigaw ko pa. Nagitla ako nang mabitawan ko ang bote ng alak na hawak ko. Kaya naman ay nabasag ito at gumawa ng malakas na tunog. “Ah! Tangina, malas talaga!” sigaw ko pang muli. Nadali ang paa ko sa basag kaya naman ay dumugo ‘yon dahil sa sugat. Sobrang malas talaga ng buhay ko. Hanggang sa ganitong mga pangyayari ay wala akong kawala. Muli kong tinitigan ang pag-agos ng tubig sa ibaba. Huminga ako ng malalim at hindi na nagdalawang-isip pa. Itinuon ko ang dalawang kamay ko upang sumampa sa tulay. Binabalak ko nang tumalon upang tuluyan na akong mawala sa mundo na ito. Nang tuluyan akong makasampa ay dinama ko ang hangin na tumatama sa mukha ko. Napapikit ako. Nahihilo na rin ako dahil sa alak. Napangiti ako dahil sa sarili ko. Ito na nga talaga ang katapusan ng walang kwentang buhay ko. Wala na akong dahilan para mabuhay dito. Isa pa ay hindi na ako dapat magpaalam pa sa ibang tao dahil wala naman akong kaibigan. Walang mapapa-isip kung patay na ba ako o hindi pa. Paalam sa mundong ito… Ngunit akmang tatalon na ako nang maramdaman ko na may humawak sa akin. Nakakunot ang noo ko na tiningnan kung sinong walang-hiya ang pumipigil sa pagtalon ko ngayon. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata ay hindi ko maaninag ng ayos ang kaniyang mukha. Mas lalo akong nahilo at nakakaramdam na nasusuka na ako. “Sino ka ba?! Bakit mo ako hinahawakan ngayon?! Wala kang karapatan na pigilan ako! This is my f*****g life!” sigaw ko sa kung sino man ang humawak sa akin ngayon. “Are you crazy? Life is precious, why are you going to end it here?” “Wala kang pakialam! Bitawan mo ako! Buhay ko ito kaya hayaan mo akong tapusin na ang buhay ko rito!” “Tss, just give me your damn life if you want to end yours now. Give it it to me for free. I want your f*****g blood. A fresh blood from a fresh human like you.” “Ano bang mga pinagsasabi mo riyan?! Sino ka ba?! Bitawan mo na ako, please! Gusto ko nang mawala rito!” Nagpupumiglas ako sa hawak niya ngunit masiyado siyang malakas kaya nagawa niya akong maibaba sa pinapatungan ko. Hindi ko akalain na makakaya niya akong ibaba sa isang glap lang. Mas lalo akong nahilo at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. Kung sino man ang lalaki na ‘to, sana ay hayaan na talaga niya akong mawala sa mundong ito. Wala na akong pag-asa pa na maging masaya at matuwa sa buhay na mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD