Ipinakita ni Brickell sa akin ang litrato ng aking ama, ina at ng kaniyang ama na magkakasama. Napatakip pa ako sa aking bibig nang malaman na totoo nga ang sinabi ni Brickell. “Dating mga vampire hunters ang mga magulang ko?” hindi makapaniwala pang sambit ko sa kaniya. “Nagulat din ako nang malaman ko ang tungkol d’yan. Mabuti na lang at nakita ko ang litrato na ito sa isang photo album ng aking ama noon. May kapangyarihan ako na malaman ang nakaraan gamit lamang ang isang litrato. Pero hindi ko makita ang nakaraan sa litrato ng ins mo lamang kahapon, dahil walang nakaraan sa litrato na ‘yon. Tapos nalaman ko rin kung paano namatay ang iyong mga magulang. Noong araw na ipinanganak ka sa mundo ay pinatay ang iyong ina. Hindi siya namatay dahil naipanganak ka sa mundo. Pinatay siya gamit

