[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Hanggang ngayon ay binabagabag ako ng naging usapan namin kanina nina Jaira at Reign. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napoproseso sa utak ko ang mga nalaman ko kanina. Imposible talaga ang kanilang mga sinabi, pero hindi ko rin naman pwedeng baliwalain ‘yon. May pakiramdam ako na kailangan kong maniwala sa mga sinabi nila sa akin. “W-What? Totoo ba ang sinasabi mo na ‘yan, Jaira?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Alam ko na hindi siya nagsisinungaling sa oras na nakatingin na siya ng deretso sa mga mata ko. ‘Yon ang isa sa patunay na hindi nagsisinungaling ang kausap ko at totoo talaga ang sinasabi niya sa akin. Gano’n ang isa sa m

