[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] I knew this would happen… I knew it all along… Bago pa man dumating ang nakatakdang araw daw ng kasal namin ay naghanda na ako. Alam ko na may posibilidad na may mangyaring hindi maganda sa araw ng kasal namin ni Reign. Ilang araw akong seryoso at naghahanda. Pagod ako palagi kaya hindi ko masiyadong kinakausap si Reign nitong mga nakaraan na araw hanggang sa ngayon na araw na ng kasal namin. Inalam ko kung ano ba ang mga posibilidad na mangyari sa kasal namin ni Reign. Naisip ko nang baka sumugod na naman ang mga kalaban. Kahit gaano karami ang aking mga tauhan, alam ko na malalakas pa rin na kalaban ang mga miyembro ng Simul Clan. Gagawin nila ang lahat para magulo nila ang kasal namin ni Reign. Nasabihan din ako ni Ama na hindi niya alam kung sino ang ma

