Nagising ako sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at napakaganda ng buong kwarto. Mas kakaiba ang disenyo at halatang hindi basta-basta ang mga marbles na ginamit sa pader. Para bang ganito ang pinapangarap ko na makita ko sa pagdilat ng aking mga mata, ang magising na para bang isa akong mayamang babae. Ngunit naalala ko ang mga kaganapan kagabi. Hindi ako sigurado kung gabi na ba ulit ngayon o hindi dahil wala naman akong maaninag na araw sa labas. “The miracle will about to happen!” Nang isigaw ‘yon ng isang lalaki ay agad na silang sinaksak ni Mr. Brickell. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita na para bang tinuhog silang tatlo dahil isang kahoy lang naman ang ginamit ni Mr. Brickell, tapos magkakasunod na isinaksak sa tatlong mga lalak

