Nagulat ako sa sinabi ni Zaros sa amin ngayon. Hindi ko inaasahan na may mamamatay na naman sa mundong ‘to. “Paano siya namatay?” tanong ko naman sa kaniya. “That vampire was murdered. Kung miyembro ng Simul Clan ang nakapasok dito noong nakaraan at pumapatay, hindi imposible na gano’n din ngayon.” “Are you sure about that?” seryoso na tanong ni Brickell sa kaniya. Napansin ko na napakuyom si Brickell ng kaniyang mga kamao. Ramdam ko na agad ang galit na nararamdaman niya. Nginisian naman siya ni Zaros na para bang nang-aasar pa siya ngayon. “Why? Hindi mo ba matanggap na may namatay na naman sa mga nasasakupan mo? That’s why I told you to just give up on your position here. Hindi ka naman nararapat para sa posisyon na ‘yan. Mas magagampanan ko pa ng ayos ang posisyon na ‘yan kaysa sa

