TODO ang ngiti ko pagkapasok ko palang sa room namin. Plano ko kasing mas asarin pa si Prime. Wala lang, ang cute lang kasi.
"Huy bes! Ano nangyari dun sa kay Prima kahapon? Ba't diring-diri yun?" Agad akong napalingon dahil sa tanong ni Lyca, ang isa ko pang kaibigan na bakla. Nandito kami ngayon sa classroom at naghihintay nalang sa subject teacher namin.
Nagkibit-balikat ako, "Aba'y ewan ko." Kunwari, di ko alam. HAHAHAAH!
"Naku! Hawak hawak niya labi niya at pinagpapahid pa kahit saan. Kadiri ka daw. Ano? Tinuka mo?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Gaga! Anong tinuka?!" Bulalas ko na ikinalingon ng mga kaklase namin. Nagpeace sign ako sa kanila at agad-agad rin naman silang bumalik sa pinagkakaabalahan nila.
Pinanlakihan ko ng mata si Lyca, "Tinuka? You know, one lips plus one lips, tulips! HAHA!" Putra!
"Hindi ka mati-" naputol ang sasabihin ko nang mahagip ng mata ko ang pigura ng lalaking naglalakad papunta sa gawi namin. Para namang biglang nagslowmo ang paligid at para akong nilipad sa langit. Chour!
Ang sarap niya talagang tingnan sa malayo. HAHAHAAH!
"Huy bruha! Kadiri ka, naglalaway ka oh!" Malakas na sigaw sa akin na nagpabalik sa huwisyo ko.
Nilingon ko ito nang nanlalaki ang mata, "Bwesit ka!" At sinapak ko si Lyca. Binalik ko naman agad ang tingin sa papalapit na si Prime.
"Hi Prime!" Pagbati ko sa kanya pagkalapit niya sa amin. Bigla namang umasim ang mukha niya at sumimangot. Umiwas rin siya sa akin. Abang bakla, ang arte.
"It's so early pa lang, sira na naman ang day ko," maarteng sabi niya sabay ikotan ako ng mata. Psh!
"Sino sumira sa araw ng baby Primo ko? Aawayin ko!" At nagkunwari akong susugod.
"Eww ka sa baby ha. Yuck!" Wika niya sabay flip pa ng kanyang buhok. Para namang mahaba ang buhok nito. Pwe!
"Aweeee! Gusto mo kayang tinatawag kang baby. Baby, baby! Baby!" Pang aasar ko at hinahaplos haplos pa ang balikat niya.
Mabilis niyang hinawi ang kamay ko at parang nandidiring nagtatalon-talon.
"Isa kang virus na dikit ng dikit! Nakakadirdir kang bobita ka! Di kita type!" Aba, di daw? HAHAHAHAHAH
"Pero type kita. Wala kang magagawa, bleh!" Pang-aasar ko pa.
"WUY! MAGPAKALALAKI KA NA KASI, PRIME!"
"ANG KYUT NIYONG DALAWA. HAHAHAHA!MAGPAKALALAKI KA NA PRIME!"
"WOOH! BIBIGAY NA YAN, BIBIGAY NA YAN!" Cheer ng mga kaklase namin na ikinatuwa ko. Ha! Ano ka ngayon?!
"Paano ba yan, bigay ka na daw?" Malapad ang ngiting pang-aasar ko sa kanya.
"Di ako bibigay kasi di nga kasi kita type! Lalaki type ko. LA-LA-KI! Kagaya ni Kyro kaya stop na. Stop na! Wahhhh!" Wtf?! TYPE NIYA SI KYRO?!
"PERO HINDI IKAW ANG TYPE NI KYRO. TYPE NI KYRO ANG MGA BABAENG KASINGGANDA NI DREA. KAYA WALA KA NG PAG-ASA! KAY DREA KA NALANG!" Malakas na sigaw ng mga kaklase ko na ikinalaki ng mata niya.
Akala ko'y wala lang yun sa kanya pero biglang umusok ang ilong niya at agad-agad akong sinugod. Putang!
"Walang hiya ka talaga! Mang-aagaw na magnanakaw ka! Wahhhh!" Galit na wika niya at pinagsasabunutan ako. Gaguuuu!
"A-aray! Ang buhok ko Primo!" At sinubukan kong tanggalin yung kamay niya sa buhok ko. Pero dahil sa sobrang kapit niya ay di ko magawa.
"Masasaktan ka talaga! Inagaw mo jowabells ko!" Abay putang ina!
"HOY! TAMA NA YAN!"
"PRIMO, BITAWAN MO NA ANG BUHOK NIYA!"
"PIGILAN NIYO NGA SI PRIMO!"
"Di ko inagaw jowabells mo. Kasi unang una palang, di mo yun jowa!"
"Wahhhh! Mapanakit, mapanlait, mang aagaw na magnanakaw kang babae ka! Kadiri ka!" At mas sinabunotan pa ako. Tang inang baklang to! Matatanggal anit ko nito!
"Tang-"
"GIRLS! STOP THIS! IN MY OFFICE NOW!"
Tf?!