She Kissed A Gay
Paano nga ba kung yung akala mong pang-aasar mo lang na halik ay mauwi sa pagbabago sa paniniwala ng isang tao? Papanindigan mo ba iyon? O aarte kang wala kang alam at hindi mo kasalanan?
Meet Prime...
"Bakla! May bago akong lipstick dito. Dali, mag-order ka sa akin," pang-aalok na bungad sa akin ng bakla kong kaibigan. Linggo ngayon kaya schedule niya sa pagbebenta ng mga cosmetics niya.
Crush ko siya dati nung high school. Nung lalaki pa siya. Di ko nga alam kung bakit naging bakla to ngayon eh.
"Wala akong pera, Mamsh,"nakasimangot na sagot ko sa kanya. Wala talaga akong pera ngayon kasi dami naming bayaran sa school.
"Naku bakla! Palagi ka nalang walang pera. If I don't know, marami ka kaya,"maarteng wika niya nang may paflip hair pa.
"Pfft, wala talaga. Naubusan ako eh,"sagot kong muli at siya naman ang sumimangot.
"Ikaw pa naman una kong binentahan nito tas wala ka palang pera. Hmp! Tampo ako sayo!", nakasimangot na wika niya at umarteng nasaktan.
Oo, alam kong nag-iinarte lang to.
"Sige na nga, ano ba yang lipstick mo?" Biglang sumigla ang mukha niya pagkasabi ko niyon. Mayaman talaga siya. Ewan ko ba diyan, daming raket.
"Talaga Mamsh?! O sige, ito bago,"masiglang wika niya sabay abot sa akin ng iba't-ibang lipstick na may iba't ibang shade rin ng kulay.
Kinuha ko naman ang mga ito agad at inilatag sa mesa para suriin, "Mamsh, ang dami naman nito. Ang hirap,"reklamo ko sa kanya. Masyadong maganda ang quality ng mga lipsticks niya.
"Ito Mamsh try mo, ganyan rin yung lipstick ko,"sabi niya at inabot sa akin ang isang kulay pink na lipstick.
"Kita mo tong lips ko? Yan yung ginamit ko, Mamsh,"dagdag niya pa at tinuro ang labi niya.
Agad ko namang tiningnan ang labi niya at nainggit ako. Langyang bakla, ,as babae pa ang lips kaysa sa akin.
"Talaga ba?"natatawang tanong ko sa kanya.
"Oo naman, Mamsh! Masarap pa talaga. Sigurado, pag hinalikan ka ng crush mo o nung jowa mo, babalik-balikan ka nun,"wika niya na ikinataas ng kilay ko.
"Talaga? Gaano kasarap?"may lokong ngiting tanong kong muli. Tae, may naisip ako.
"Di ko maexplain eh pero masarap talaga," hmm. Nagsimula akong lumapit sa gawi niya.
"Sure ka ha? Titikman ko,"nakangiting wika ko papalapit sa kanya habang nakatingin sa labi niya.
"Mamsh, bat ganyan ka makatingin sa labi ko? Wag ka namang maiingit,"may kaba sa boses na sabi niya.
Lumapit pa ako ng lumapit hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa.
"Mamsh, anong ginagawa mo?"nakakunot ang noong tanong niya na nginisihan ko lang at mas inilapit pa ang mukha ko.
"Mamsh! Ano yang ginagawa mo?!"
"Titikman ko lang yung lipstick na binebenta mo,"nakangiting sabi ko nang hindi parin inaalis ang paningim sa labi niya.
"Hawak mo na yang lipstick oh! Bat nakatingin ka sa labi ko?! Shoo!"pagtataboy niya sa akin kaya natawa ako.
Mabilis kong inilapit ang labi ko sa labi niya at nang malasahan ko ang flavor ng lipstick, agad akong lumayo.
"BA'T MO KO HINALIKAN?!"malakas na sigaw niya na ikinatawa ko.
"Gusto ko nga kasing tikman. Sabi mo diba, masasarapan crush ko pag hinalikan ako, so sinubukan ko lang kung masasarapan ako kapag ikaw yung hinalikan ko na may lipstick na ganyan, pfftt!"
"Pwe! Ang bastos mo! Ewwww! Kadiri ka!" Hala?!
"Ang arte ah?! Smack lang yun. Para namang di mo ko hinalikan dati!" Nanlalaki ang matang tiningnan niya ako. Oo, nanghahalik yan dati. Nabiktima nga niya ako dati eh.
"Bata pa ako nun! Malaki na ako ngayon! Kadiri talaga!"pag iinarte niya pa. Abat!
"Makapandiri ka ah para namang may virus ako," sabi ko. Sobra na siya ah.
"Meron kang virus! Kadiri ka talaga! Makaalis na nga!"inis na wika niya at madaliang niligpit ang gamit.
"Aalis ka agad? Magsnacks ka muna," pagpipigil ko sa kanya.
"Di na! Baka di nalang panghahalik gawin mo at gahasain mo pa ako dito!"at padabog siyang nagtungo sa may pintuan.
Napatingin ako sa lipstick na hawak ko at napangiti.
"Hoy! Nakalimutan mo yung lipstick mo!"pahabol na sigaw ko.
"Taena sayo na yan! Di na ako babalik!"sigaw niya mula sa labas na ikinatawa ko.
"Nakahalik na ako may libre pang binebenta niya. HAHAHAHAHAH! Isang halik ulit Prime, magiging lalaki ka na talaga,"natatawang wika ko. Akala niya ah. Ako magpapabalik sa kanya.
SWEET.