Chapter 3

640 Words
Naguguluhan man ay ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. At dahil sa hindi ako narinig ni Prime ay naisipan kong pumunta nalang sa library at ng matapos na ang gawain ko. Bahala na si Prime nung kanya. "Good morning, Ma'am.  Ano po bang gagawin namin dito sa library? Dito kasi ako itinuro ni President para sa punishment," nakangiting tanong ko sa librarian ng school pagkapasok ko. "Ikaw ba ang kasama ng lalaking pumasok dito kanina? Susunod daw kasi yung kasama niya eh. Nandoon siya sa mga lumang libro, ayusin niyo lang daw," sagot ng librarian habang nakapokus ang tingin sa librong binabasa. "May lalaking pumasok kanina dito? Di naman po lalaki kasama ko, bakla ho. Bakla," pagkaklaro ko. Aba, bakla si Prime.  Paano naging lalaki eh ang arte-arte kumilos nun? Inangat niya ang tingin niya at nagbuntong-hininga. "Lalaki yung pumasok, walang make up, walang lipstick. Lalaki kung maglakad at astigin ang pormahan. Di ba, lalaki yun?" Sabi niya at biglang may itinuro. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nanlaki ang mata ko sa nakita.  Si Prime, nagbubuhat ng mga libro. Take note, sobrang hot niya tingnan dahil pumapatak pa ang pawis niya. s**t! "Lalaki diba?" Pagsingit ng librarian na nagpabalik sa huwisyo ko. "Ah oo. HAHAAHA!" At nagsimula akong maglakad papunta sa kung saan si Prime. Pagkarating ko ay mas nagulat pa ako sa nakita. Mas nilapitan ko pa ito para masiguradong siya talaga yung nakikita ko. "Aba bakla, wala kang make up ngayon. Bilis natin magpalit ng anyo ah," pang-aasar ko sa kanya. Parang hindi lang nagsabunutan ang peg kanina. HAHAHAHA! "Tigilan mo ko, Drea ah. Wag mo kong simulan," wika niya sa baritonong boses na ikinakunot ng noo ko. "Teka, nasapian ka ba? Bakit panlalaki na boses mo? Ano? Asan na yung baklang kaagaw ko?" Naguguluhang tanong ko. Taena kasi, kanina lang, bakla siya tas ngayon, lalaki na? Wow! Amazing! Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng mga libro at para akong hangin na nakatayo sa harapan niya na hindi niya pinansin. Nagsimula na rin akong mag-ayos. "Hoy, ano bang nangyari dun sa baklang ikaw ? Parang lalaki ka na ah? Galing!" At nagpapapalakpak pa ako. Hindi niya ulit ako pinansin. Piste! "Ang snob mo na ah, kahit maging lalaki ka pa pala, ang arte mo parin. Pero on the second thought, maayos na rin to, pwede na kitang jowain." Syempre, joke lang yung huli. Agad siyang napaangat ng tingin, "Jowang -jowa ka na ba at hindi ka matigil diyan sa bibig mo at hindi mo ko matigilan?" Aba, putang ina! "Hindi naman masyado. HAHAHA! Pero kasi alam mo yun, sa ganda kong to, dapat magkajowa na ako. Alam mo yun?" At ngumuso ako. Binalik niya ang tingin sa ginagawa at nagsimula na rin ulit siyang mag-ayos. "Edi magjowa ka. Problema ko ba yun?" Walang ganang sabi niya. Aba tang ina niya ulit! "Hindi, kaso magiging problema mo na yun kasi ikaw gusto kong maging jowa," may supil sa ngiting sabi ko. Bigla namang may nahulog at nang tingnan ko ito ay yung libro palang hawak niya yung nahulog. "Pinaglololoko mo ba ako?" Agarang sabi niya. Pinagloloko ko ba siya? Hindi naman ah. "Hindi. HAHAHAHAAH! Pero kung ayaw mo sa akin, madali akong kausap. Si Kyro nalang. Si Kyro kasi, gusto ako. Si Kyro lalaki, gwapo rin naman. Ayos na rin--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana nang biglang may lumapat na labi sa labi ko. Agad na nanlaki ang mata ko. s**t! "BA'T MO KO HINALIKAN?!" Nanlalaki ang matang malakas na sigaw ko pagkatanggal ng pagkalapat ng labi namin. Nagkibit-balikat lang siya at nagsimulang maglakad paalis. "Bat mo ako hinalikan?! Tang ina mo, PRIMO!" Dahan-dahan siyang lumingon at ngumiti. "Hindi lang ikaw ang pwedeng manghalik ng manghalik. Ninakawan mo'ko remember? I'm just returning the favor. See you, babe!" At umalis na nga siya. What the actual f**k?! Naiwan akong nakatulala sa ginawa niya. Aaminin ko, nakakagulat ang pagbabago niya. Nakakapanindig balahibo at nakakapanginig ng tuhod. Pisteng bakla!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD