Bumilis nga lalo ang pagtakbo ni Bogart. Pero napaisip din ako na paano ko siya mapapatamaan ng aking espada kung hindi ko siya maaabot? "Bogart, bagalan mo ang pagtakbo!" utos ko sa kaniya. "Ano ba talaga, Master Bobo? Bibilisan o babagalan?!" "Bagalan!" sagot ko. Nagulat ako sa biglang pagpreno ni Bogart. Dahil doon ay muntik ng sumubsob si duwag sa akin mabuti na lang at nakaiwas ako. Parang slow motion na dumaan sa gilid ang lumilipad na duwag. Nanlalaki ang mga mata kong kaagad kong iwinasiwas ang espada sa kaniya bago pa siya makalagpas sa akin. "Hiiiikkkkkkkk!" Parang nakakabingi ang malakas na tunog na iyon ng duwag. Sigurado akong nasugatan ko siya at nasaktan siya. Inabot kasi ng espada ko ang kaniyang buntot at malamang ay nahiwa iyon kahit papano. "T-tinamaan mo siya, Ma

