Nakaupo ako ngayon dito sa balikat ni Bogart. Mula nang malaman ko kanina na para kaming nagniig na dalawa sa pagligo lang namin sa talon, mistula na akong pipi dahil wala talaga akong masabi. Ang isa pang gumugulo sa aking isipan ay ang mahikang taglay ng mundong ito. Paano kung magbuntis nga ako? O kay si Bogart? Magkakaanak ako rito tapos anong itsura? Paano kung kamukha ni Bogart? Paano ko siya isasama sa mundo ng mga tao? "Huwag ka ng masyadong mag-isip, Master Bobo. Kung sakaling mabuntis man ako, ipinapangako kong aalagaan ko siyang mabuti," saad ni Bogart na nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Bogart?" gulat kong tanong sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya ang mga mangyayari kung sakali man... "Ikaw ang una kong nakasama sa talon. Kaya pahahalagah

