Napailing na lang ako. Bakit ba kasi nagbabanggit ako ng mga bagay na hindi niya naiintindihan. Tapos iyon pang ahas, kung hindi ahas ang tawag niya roon, ano? "Iyong nakaharap natin kanina bago tayo maligo sa talon. Anong uring nilalang ba sila?" tanong ko na lamang. "Iyong mga ilat?" balik tanong niya sa akin. "Ilat. Ilat pala ang tawag sa kanila," sambit ko. "Oo. Sila ang mga ilat. Iniiwasan sila dahil kahit sinong makita nila ay basta na lamang nilang kinakain upang manatili silang malakas at huwag kaagad mapaupo sa kanilang sisidlan," sagot niya sa akin na hindi ko na naman masyadong maintindihan. "Sagutin mo na lang ang tanong ko, Bogart. Paano mo nasabing ina ng malaking aha—malaking ilat iyong ilat na nasa sisidlan na sinasabi mo?" buti na lang pala mabilis naman kaagad akong

