Bago ako humakbang palapit sa kinahihigaan ni Husa ay nilingon ko muna si halihayop. Bahagya siyang tumango sa akin kaya nagpatuloy na ako sa paglapit kay Husa. Si Jila naman na nasa tabi ni Husa ay hindi ko tinatapunan kahit panandaliang tingin. Hindi ko alam, pero parang nakakaramdam ako ng hiya sa kaniya na hindi ko naman madalas maramdaman sa amin. Marahil ay kakaiba talaga ang mundong ito sa akin... "Husa..." bigkas ko sa kaniyang pangalan bago ako bahagyang lumuhod sa gilid ng higaan niya. Pero hindi ako lumuluhod na parang humihingi ng kapatawaran. Kailangan ko lang talagang lumuhod dahil masyadong mababa ang kinahihigaan niya at wala naman akong makitang upuang malapit dito. "Tapos na ang iyong limang minuto... Makakahinga ka na nang maluwag," mahinang saad ni Husa sa akin. "Per

