Prologue
Winslet Cratus
Hey pips‚ I will introduce my self first before proceeding to my story. I'm Winslet Cratus and I am a spoiled brat na ampon sabi nila at wala akong pake don kasi totoo naman. Isa pa‚ isa akong magandang dilag maniwala man kayo o hindi wala akong pake 'cause i just don't care hahaha. Isa din akong tamad at di marunog mag-ayos ng sarili‚ sinasabi ko to kasi totoo. Yan lang bye
The beginning
_____
I'm here laying on my bed here on my room then suddenly I heard a loud knock outside the door‚ ano ba yan ang aga-aga nambubulabog
"seriously Sophia‚ you came here just to blame me the failure of your f*****g company because of your own stupidity!?" sigaw na tanong ko‚ ako pa may kasalanan ngayon? bakit sino ba yung nagmamanage!?
My gosh aga-aga pinapasakit niyo ulo ko‚ maslalo tuloy akong nabobo
"gosh winslet magkano nanamn ba yung kinuha mong pera ng companya!?" sigaw ni Sophia sa labas ng kwarto ko
'ha bakit ako? As far as i remember wala akong ninanakaw sa p*nyetang companya nila‚ ako nanaman ba yung pagbabayarin nila sa kasalanan di ko naman ginawa!?'
"wala akong kinukuha sa companya niyo‚ umalis ka na nga isturbo‚ tsaka matutulog pako!" sigaw ko at nagtalukbob kinuha ko ang unan para itakip sa tainga ko
Pinilit kong matulog kaso hindi ako makatulog ang ingay ingay ni Sophia sa labas "ano ba yan" sabi ko at padabog na bumangon kinuha ko ang headset at lumabas
"buti naman lumabas ka sa lungga mo‚ from now on your grounded" sigaw sakin ni Sophia sakin ng paglabas ko palang‚ ha ako grounded eh wala nga akong kasalanan!
"grounded mukha mo! Eh kung itanong mo nalang kaya sa mga g*go mong anak kung sino ba talaga yung kumaha ng p*tangenang pera mo‚ hindi 'yong pupunta ka sa kwarto ko tas pagbibintangan‚ tumabi ka!" sigaw ko muli nakakasawa ng mapagbintangan‚ sino ba naman yung hindi magagalit sa ganyang bagay
"aba‚ bastos ka talagang ba-
"kung ako sayo paimbistigahan mo wag kang b*bo‚ grumaduate kang cumlaude diba?? my gosh sophia naiistress ako sayo eh!" sigaw ko muli at sinalpak yung headset sa tainga ko tsaka lumabas sa bahay ng mga Cratus
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa maputol yung connection ng wifi sa selpon ko 'magpapaload nalang ako' sabi ko sa utak
Tuloy lang ako sa paglalakad ng makarating ako sa pinagtatambayan ko‚ store ito medyo malayo sa mansion ni Sophia
"paload nga po aling Marta" sabi ko sa nagtitinda
"magkano?" mataray nitong tanong‚ sungit ah mas mabuting mag close nalang kayo at huwag magbenta‚ pasalamat kayo may bumili
"mabangkrupt sana tong store nato‚ amen" sabi ko
"anong sabi mo?" mukhang galit na sabi ng nagbebenta habang nakatingin sakin ng masama‚ gosshh matatawa bako sa facial expression nito konti nalang magkamukha na talaga sila ni King Kong
"wala po hehe‚ paload po 300 keep the change po" sabi ko sabay lahad ng 350‚ osige maging mabait nalang ako sa kanya kahit masungit‚ sabi nga ni Selena‚ kill 'em with kindness
"may pa keep the change pang nalalaman kala mo naman ang yaman yaman‚ eh ampon lang naman ng mga Cratus" bulong nito‚ edi sana all hindi ampon‚ bubulong na nga lang maririnig ko pa
"sana all chismosa" sabi ko dahil alam naman ng lahat na si Aling Marta yung master mind ng mga chismosa dito sa barangay nato‚ kinakalat kahit di naman talaga totoo pero yung pagiging ampon ko 101 percent legit yon
"anong sabi mo!?" galit na tanong nito‚ oh diba pag nakakarinig ng katotohanan magagalit‚ siguro maghahanap nalang ako ng ibang pagtatambayan
"hakdog" sabi ko at akmang aalis ng sumigaw si aling Marta
"kahit kailan talaga bastos ka‚ siguro kaya ka nagkakaganyan dahil wala kang magulang palibhasa kasi ampon‚ nakakaawa ka neng" sigaw nito at tumawa pa
"ako nakakaawa baka naman ikaw? gosh bakit sino ba yung lumaking hindi alam yung tama at mali palibhasa kasi lagi kang kinukunsinte ng mga magulang mo imbes na itama ka sa mali mong kasalanan‚ tignan mo nga oh kulubot na mukha mo ang hilig hilig mo paring makipag away! Makaalis na nga!" sigaw ko din sa kanya sana magtanda na yang matandang yan
"hoy! anong sinasabi mo sa anak namin ha!" sigaw ni Nenang ang ina ni marta "andito ka nanamang ampon ng mayaman‚ umalis ka sa lugar namin!" dagdag na sigaw niya habang papalabas ng bahay nila‚ ayan nanaman kakampihan ang magaling na anak
"aalis talaga ako‚ baka mahawa pako sa kapangitan niyo‚ yockss byee" sabi ko at inirapan sila
"anong bang nangyayari diyan ang aga-aga‚ sino ba yan ah" sabi ng isang kapitbahay nila na kakalabas lang‚ ayan na po nabulabog na yung mga tao dito dahil sa laki ng bunganga ng mag-ina
"hoy winslet andito ka nanaman ba para makipag-away‚ naku kung makikipagbasag ulo ka wag dito!" sabi ng isang babae habang nakadungaw sa kanilang bintana 'ha ako nanaman bang may kasalanan? p*tanginang buhay to' sabi ko sa utak
"sino ba yang winslet na yan‚ hoy umalis ka sa lugar naman" sabi naman ng isang matandang kakalabas lang‚ luh g*go pinagtutulungan nila ako
"bago niyo 'ko pagtulong tulungan‚ alamin niyo muna kung sino ba talaga yung na una‚ hindi yung puputak kayo kahit hindi niyo naman alam yung totoong nangyari‚ kaya hindi gumaganda ang barangay nato eh‚ kasi puno ng mga taong mapanghusga!" sigaw ko kasi totoo naman
"anong sabi mo‚ lumayas ka dito kung hindi hahampasin talaga kita nitong walis tinting!" sigaw ni marta habang papalapit‚ sige subukan niya lang akong galawin isusubsob ko talaga siya sa basurahan kung saan siya nababagay
Maya maya may humintong kotse sa likuran ko kaya napalingon ako 'pamilyar tong kotse nato ah' sabi ko sa utak
Tumahimik ang lahat ng lumabas dito si Keius 'ang handsome naman talaga nitong si crush emeghed' sabi ko sa utak
'Sino yan‚ ang gwapo'
'Ang pogi naman'
'Pogiii'
Yan ang narinig kong bulung-bulungan nila "what are you doing here?" tanong nito sakin‚ nuks sana ol pinapansin ng crush‚ sanaol inglesero
"wala" maikli kong sagot 'magtatambay sana kaso may paepal' sabi ko sa utak
"let's go ihahatid na kita sainyo" sabi niya
"ayoko-
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang tumuli "omg bhe si Keius ba yon!?" tili ng isang istudyante sa di kalayuan sabay turo sa gawi namin‚ tumingin naman yung iba niya kasama
"oo siya nga! tara mag magpapicture!" sigaw ng isa tapos patakbo na sila papunta samin
Bigla akong hinila ni cwash tas binuksan yung pinto ng passenger sit "get in" utos niya‚ pumasok naman ako siguro ayaw niyang magpapic HAHAHAHHAA umikot siya at umupo sa driver sit tsaka pinaandar yung kotse
"ayokong umuwi" sabi ko ng iliniko niya yung kotse sa daan papunta sa bahay ni Sophia
"tita soph called me to find you‚ pinapauwi ka niya" sabi niya habang naka-focus parin sa daan
"matandang yon" bulong ko tsk‚ uuwi ako para ano? Para sermonan nanaman?
"what did you just called her? tita soph is still your mother" sabi niya‚ inglisero mayaman kasi sana ol
"ah basta ayokong umuwi‚ ibaba mo 'ko‚ dito na 'ko" sabi ko‚ ayoko nga kasi bakit ba ang kulit nila
"no‚ I'll take you home" maikling sabi niya
"sige‚ payag na 'ko‚ iuwi moko basta sa bahay natin" sabi ko at tumingin sakanya sabay ngiti
"what?‚ I mean iuuwi kita sainyo‚ stop that nonsense winslet" sabi nito
"ayoko‚ kiss mo muna ako" sabi ko at ngumuso‚ tinignan ko siya tapos mukhang naiinis na "sige na‚ sige na naman oh" dagdag na sabi ko at tinuro yung lips kong nakanguso
"tumahimik ka jan ang kulit mo" sabi niya
"blah blah blah‚ ba't ba kasi ayaw mo akong icrashback ha!?" pasigaw na tanong ko "maganda naman ako? bakit hindi ba ako kamahal mahal!?" tanong ko ulit
"stop it we're cousins!" biglang sigaw nito‚ buti nalang di nasira eardrums ko
"anong cousins‚ hindi tayo magkadugo alam mo yan" sabi ko "rason mo lang yan eh kasi ayaw mo talaga sakin" sabi ko maya maya pinark niya yung kotse nakarating na pala kami sa harap ng mansion
"baba kana"
"hindi ako bababa hangga't hindi mo ko kinikiss" sabi ko at nag cross arm
Tumingin ito sakin "please bumaba kana malalate nako sa date namin ni Liah" sabi nito‚ tsk may liah na si cwash ang sakit naman
Pain‚ pighati‚ lamahati‚ dalamhati‚ kirot‚ lumbay‚ sakit‚ kamatayan
"ayoko‚ ikaw nalang kaya yung bumaba" sabi ko at ng makitang natahimik siya ngumisi ako siguro pikon na pikon na si cwash "osige bababa ako basta I break mo si Liah" sabi ko‚ bigla nalang siyang bumaba at pabalibag sinara yung pinto ng sasakyan 'sige lang‚ kotse mo naman' sabi ko sa utak
"get out" sabi niya pagbukas ng pinto dito sa harap ko
"ayoko" pagkasabi ko non hinila niya yung braso ko palabas "aray pag ako nagkascars isusumbong kita kay mama Avi" pagbabanta ko ng mag tagumpay siya ilabas ako sa loob ng kanyang kotse
"then go ahead" sabi niya tapos naglakad papunta sa driver sit "bye" dagdag na sabi niya at pumasok sa loob ng sasakyan
"hoy sandali lang-
Diko na natapos ang sasabihin ko ng paharurutin niya yung sasakyan hanggang sa tuluyan na siyang makalayo sakin
"hayst kainis‚ mag dadate nanaman sila ni Liah‚ aagawin parin kita Keius ko‚ pasensya na Liah!" inis na sabi ko at padabog pumasok sa loob
"oh san ka nanggaling?" tanong ng isang anak ni Sophia si Phiana siya yung panganay maganda‚ matalino‚ matangkad‚ sexy‚ at higit sa lahat may pera‚ sana all talaga ako kasi palamunin lang
"pake mo ba" sabi ko at linagpasan siya‚ nakakatamad makipag usap
"b***h‚ mom took all your gadgets‚ deserve matigas kasi yung ulo" sabi nito na nag pahinto sakin 'what bakit niya 'yon ginawa wala naman akong kasalan!
Humarap ako sa kanya sabay pakita ng selpon na hawak "see this‚ hindi lahat kinuha‚ tanga lang?" mapang asar kong sabi "sabihin mo nga sakin piranha este Phiana‚ sino ba talaga yung nagnakaw ng pera sa companya niyo? bakit ba palaging ako yung pinagbibintangan niyo?" tanong ko sa kanya
. . .itutuloy