__
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita si Liah na nakaupo sa lap ni Keius. wtf? they were hooking up! ‘awts pain‚ pighati‚ kirot’ natigil ang mga ito ng makita ako
“Winslet what are you doing here?” walang emosyong tanong sakin ni Keius tila ba parang wala siyang pake na nakita ko silang naghahalikan “hindi mo ba alam kumatok?” dagdag na tanong nito
“yeah b***h did you know how to knock?” mataray na tanong sakin ni Liah‚ tinignan ko lang ito ng matalim bakit ba andito siya?
“hindi niyo din ba alam mag lock ng pinto bago mag lampungan gosh na sa school kayo hindi sa mot—
“If i were you umalis kana‚ nakakadisturbo ka lang” pagputol ni Liah sa sasabihin ko‚ aba tangina mo
“aalis talaga ako baka mahawaan pa 'ko sa ka pokpokan mo” sabi ko at agad lumabas‚ grabe ang sakit nun ah
“you're so careless Liah why didn't lock the door?” rinig kong sigaw ni Keius sa loob‚ bakit kaya hindi ginawang sound proof yung office niya?
“I’m sorry na babe pls. Don't be mad at me” pabebeng sabi ni Liah‚ mas lalo akong nainis dahil sa narinig kaya dumiretso nalang ako sa classroom
Papasok na sana ako ng harangin ako nina Nubela‚ ano ba talagang problema ng mga to?
“tabe” sabi ko at sinubukang pumasok ngunit hinarangan ulit nila ako “anong bang problema niyo mga ulupong kayo?” mataray na tanong ko
“problema namin? Ikaw” sabi ni Nubela at tinulak ang kanang balikat ko kaya napaatras ako ng konti
Tumingin ako ng matalim sa kanya “badtrip ako ngayon Nobela kaya kung ayaw mong basagin ko yang pagmumukha niyo mas mabuting padaanin niyo ako” sabi ko‚ nakita kong nakatingin na samin ang ibang kaklase ko sa loob ng room
“gusto ka ni boss‚ gusto niyang sumali ka sa gang group namin kaya andito kami para imbitahin ka” sabi ng isang kasama ni Nubela‚ tsk baka pagsumali pa ako dyan sa grupo nila ay baka mahawaan pa 'ko sa kasamaan ng budhi nila kaya wag nalang
“ano bang gang yan?”
“bull gang‚ sumali kana” sabi nito‚ bull? My gosh pangalan palang hayop na
“no thanks” sabi ko at linagpasan sila‚ bakit may myembro ng mga gang sa school na 'to? Natatawa nalang talaga ako “at pwede ba itigil niyo ang pambubully sa mga taong walang kalaban laban‚ wag niyong masyadong ipahalata na sila lang ang kaya niyo” dagdag na sabi ko‚ yung mga mahihina pinag didiskitahan pero yung mga katapat nila hindi binabangga
“sino ka para utusan kami?” tanong ni Nubela‚ master niyo ako chariinngg
Sino nga ba ako? well ako lang namn to si Winslet “isipin mo‚ wag kang bobo” bored na sabi ko at umupo kinuha ko ang selpon ko at kinalikot
“turuan ba namin yan ng leksyon?” rinig kong tanong ng isang alipores ni Nubela‚ paano nila ako matuturuan ng leksyon kung mga bobo naman sila? sa grupo nga nila walang man lang nakasali sa with honors so how? Pano nila ako matuturuan ng leksyon??
“palalagpasin ko ngayon ang inasal mo Winslet pero sa susunod hindi” sabi ni Nubela‚ ows talaga “tara‚ sundin niyo ako” sabi niya sa kasama niya at naglakad sumunod naman ang kanyang mga aso
Nadismiss kami ng wala akong natutunan‚ lumabas ako sa room at hinanap yung bike ni Mio na iniwan ko lang sa labas ng school kaninang umaga
Agad ko naman itong nakita sa gilid ng gate kaya kinuha ko na ito at sumakay ‘kahit kailan talaga ang tamad mo Winslet‚ biruin mo natulog ka lang magdamag hanggang uwian na’ sabi ko sa utak at umiling iling habang nakangiti
“kailangan ko pa bang sa gilid dumaan eh wala namang sasakyan” sabi ko sa sarili at pumagitna sa kalsada “yahoo” sigaw ko ng nasa medyo matarik na daan ako sabay taas ng dalawang kamay “ang saya—‚ whaaa may hummppppss!” di ko na naipreno yung bike dahil agad akong tumilapon
“aray ko p—
‘beeeeeep!’ nanlaki ang aking mata at agad nagpagilid ng makita ang mabilis na Van papunta sa direksyon ko‚ hindi man lang ito humito at linagpasan ako “amp*ta kita nga niyang pababang daan to eh‚ hindi pa niya dinahan dahan ang pagpapatakbo sa Van!” inis na sabi ko‚ pinuntahan ko yung bike na nasa gitna parin ng kalsada at agad nadagdagan ang aking inis dahil nadalisan ang isang gulong nito “bwisit paano ako makakauwi nito‚ ano nang gagamitin ko?” tanong ko sa sarili ko “atsaka anong sasabihin ni Mio pag nalaman niya 'to?” tanong ko ulit sa sarili ko ‘hay nako kasalanan mo lahat to Winslet eh!’ sermon ko sa utak ko
“ano ng gagawin ko dito‚ alangan naman buhat buhatin ko tong bike na 'to hanggang makauwi ako eh ang layo pa naman samin?” sabi ko sa sarili ‘mag taxi ka bobo’
“talino mo talaga utak”
Gumilid ako para maghintay ng dadaan na taxi‚ maya maya napa upo ako sa gilid ng kalsada dahil wala paring dumadaan na masasakyan ko‚ dumidilim na pero wala paring dumadaan “kapagod palang mag hintay sa wala”
Kinuha ko yung bike‚ hayst maglalakad nalang ako‚ sa hindi inaasahan may biglang huminto na sasakyan sa harap ko kaya huminto din ako sa paglalakad
Binaba nito ang bintana ng kanyang kotse kaya nakita ko yung driver‚ si sir Math‚ yung bagong gwapong prof. namin sa math! teka ano palang pangalan nun?
“hi you're Winslet Cratus right?” tanong nito kaya napatango ako bilang sagot “uhmm anong nangyari diyan?” turo niya sa sirang bike na hawak hawak ko
“nadalisan” maikling sabi ko‚ hayst nakakahiya talaga ako
“oww I think‚ kailangan mo ng tulong‚ mind if I’ll send you home?” nagliwanag naman ang mata ko dahil sa tanong nito like totoo ba? syempre hindi ako tatanggi‚ sino ba naman ang gustong maglakad sa 20km ang layo
“seryoso po kayo? Sige po haha” sabi ko at walang kahiya hiyang binuksan ang back sit at pinasok yung bike ni Mio‚ umikot ako at binuksan ang front sit tsaka umupo ‘hindi niya naman siguro ako itatangay hindi ba?’
“uhm sorry po sir sa abala hehe‚ ano kasi‚ kanina pa kasi ako naghihintay ng taxi kaso walang dumadaan‚ kaya napagpasyahan ko nalang na maglakad” mahabang sabi ko
“don't be sorry its okay btw diba sa San Ignacio ka nakatira ang layo naman ng lalakarin mo?” tanong nito‚ nagtaka naman ako kung bakit niya alam kung saan ako nakatira‚ stalker ba siya? “that's not what you think‚ nakita kasi kita sa bahay nina Kiero nung nagpa pool party siya‚ then I asked him kung sino ka then he said that you're his younger sis” paliwanag nito habang nakatingin sa daan
“o-okay po sir‚ so you're one of Kiero friend?” tanong ko kahit obvious naman dahil sa sinabi niya‚ ano ba kasing sasabihin ko? hayst nasasabog nanaman ako
“yup” sabi nito tumango naman ako
“btw sir‚ ano po palang pangalan niyo?” tanong ko
“I’m Throne Velda you can call me Rone for short” sabi niya‚ ahh ganda namang pangalan niyan trono
“okay po sir Rone”
“we're here” sabi nito at ihininto ang sasakyan sa harap ng bahay ni Sophia‚ bumaba ako at binaba nadin yung sirang bike ni Mio mula sa back sit
“salamat po sir” nakangiting sabi ko
“no worries‚ sige alis na ako” pagpapaalam niya tumango naman ako
“sige po ingat sa daan” sabi ko
“thanks” sabi niya‚ kumaway naman ako sa papaalis na sasakyan
“sino yon? Boyfriend mo?” biglang sulpot ni Kiero my gosh buti nalang talaga wala akong sakit sa puso‚ tumingin ako sa kanya ng masama
“bakit ka ba nang gugulat ha? Tsaka hindi ko 'yon boyfriend noh‚ tumabi ka” sabi ko at linagpasan siya
“pero parang pamilyar sakin yung kotseng yon‚ san ko na ba nakita?” nakakunot noo niyang sabi habang nakasunod sa'kin‚ kotse ng kaibigan mo yon
“si Throne yon” maikling sabi ko
“Throne? Sinong— ahh naalala kona si Throne pala yung matalinong playboy” sabi‚ playboy kagaya niya haha “sabihin mo nga sakin‚ bakit ka hinatid?” tanong nito‚ bakit ba? Ano bang pake niya?
“it's none of your bus—
“ANONG GINAWA MO SA BIKE KO!” 'di ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw si Mio‚ kakalabas lang ng bahay siguro may pupuntahan to o bibisitahin nanaman ang kanyang jowa
“hehe naaksidente” sabi ko
“nakakainis ka talaga Winslet hindi mo na pinaalam sakin na hihiramin mo yung bike tapos pagbalik mo sira na‚ hindi mo ba alam na ang mahal nito‚ ipaayos mo yan t*ngina ka” padabog na sabi nito‚ ano bang problema niya? Madami naman siyang pera eh
“naaksidente na nga 'tong mangkukulam na 'to tapos yung pisteng bike mo pa ang inaalala mo‚ mabuti nga't umuwi to ng buhay eh tsk dyablo ka talaga” sabat ni Kiero‚ pinagtatanggol niya ba ako? Perstaym
“sino ba namang hindi magagalit eh ginamit niya ito ng hindi nagpapaalam sa totoong may-ari” sagot ni Mio‚ oo na ako na may kasalanan “tapos bobo pa namang mag bike ayan tuloy naaksidente‚ kasalanan niya 'yon” dagdag na sabi niya‚ wow kung makabobo naman to kala mo naman kasing galing ni Einstein
“sinong bobo? Ipapaayos ko sana kaso wag nalang‚ bahala ka dyan‚ mabubulok to sa bodega!” sabi ko at pumasok sa loob ng bahay‚ oh diba kung sino pang may kasalanan siya pa yung may ganang magalit haha‚ bahala siyang magpaayos nun mas madami kayang allowance na binibigay sakanya ni Sophia kay sa sakin
. . .itutuloy