Chapter 14

1712 Words
Natapos ang klaseng hindi ko nakikita si Keius ‘hayst kumusta na kaya siya ngayon?’ tanong ko sa utak‚ gusto siyang silipin sa office niya kaso nahihiya talaga ako eh‚ bakit ko ba kasi hinayaang gawin niya sakin 'yon‚ ang landi mo talaga self Mag isa kong tinatahak ang daan papunta sa paradahan ng mga jeep papunta samin ng makita ko ang sasakyan ni Keius kaya agad akong pumasok sa isang grocery ket wala naman talaga akong bibilhin “hayst bakit ba andito siya?” tanong ko sa sarili at naghanap ng bibilhin‚ sa paghahanap may nakita akong kisses at daily milk kaya agad ko itong kinuha‚ may aircon kasi dito sa grocery nato kaya di ito natutunaw Pumunta ako sa counter para bayaran ito “magkano po?” tanong ko sa cashier “357” sabi nito‚ ang mahal naman‚ kung wala lang si Keius sa labas siguro hindi nako nakapag gastos ng 357‚ kinuha ko ang wallet ko at ibinigay sakanya ang 500 napabuntong hininga ako ‘nabaryahan tuloy’ sabi ko sa utak Binigay niya na ang barya ko kaya lumabas ako para silipin si Keius‚ nakita kong wala na yung sasakyan niya na nakaparada lang sa tabi kanina kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsimulang maglakad Nakarating ako sa bahay na maayos‚ himala walang Kiero na sumulpot‚ dumiretso ako sa kwarto ko at agad na binagsak ang katawan sa kama “hay buhay na nakakaumay” mahinang sabi ko at kinuha yung aking selpon Boring naman‚ ano kayang nangyayari kay Keius ngayon? Hmm gusto ko talaga siyang makausap kaso wag naman sana sa face to face. Kinuha ko ang selpon ko at nag-online‚ pala online ko agad kong chineck kung ol din ba si Keius pero napasimangot ako ng makitang hindi “san naman mag ol na siya” sabi ko sa sarili at nag iscroll scroll habang inaabangan na mag online siya Mga 2 hours na ata ako sa sss kaya napagod nako sa kakanood at kakascrooll ‘wow napagod kana non Winslet?’ tanong ko sa utak‚ napagdesisyunan kong mag out kaya for the last time tinignan ko ulit kung naka online ba siya Keius Nagliwanag ang mata ko ng makita ko ito na active now‚ agad ko ito minessage ‘good evening?’ chat ko dito‚ maya maya nagseen na ito ‘it's afternoon’ reply nito kaya napangiti ako‚ first time niyang magreply sakin! Sa wakas naranasan ko na ding mareplayan ng aking crush!! Tinignan ko ang oras at nakitang 5:00pm lang pala haha sorry naman akala ko kasi 6pm na ‘sorry naman hehe‚ kumusta?’ tanong ko dito after 2 mins nagreply siya‚ bakit ang tagal niyang magreply? Siguro ang dami nitong ka chat?? ‘fine’ Nakita kong reply niya‚ hayst ano naman ang isasagot ko sa napakaikli niyang sagot? Wala na akong maisip na topic kaya nagisip ako ng magandang gagawin haha ilylyrics prank ko siya‚ galing mo talaga self ‘can I call you baby?’ reply ko ng napagpasyahan na ang kantang at my worst ang gagamitin para iprank siya ‘better’ reply niya kaya napatili ako dito sa loob ng aking kwarto better daw? Omg kilig ba to?? ‘can you be my friend?’ sabi ko dito ‘no’ ‘can you be my lover up until the very end?’ chat ko ulit dito‚ matagal bago nito iseen mga 5 mins ata ramdam ko tuloy ang aking pagiging pagkaimportante ‘I know that lyrics’ biglang reply nito ‘Are you pranking me??’ tanong nito na ikinatawa ko ‘got yah’ reply ko ‘haha I knew it’ Nakalimutan ko mahilig pala ito sa music‚ mana kay tita Avi‚ siguro mana din niya yung boses ng kanyang ina? Pero kahit kailan di ko pa ito narinig kumanta Hindi kona ito rineplayan di kona alam ang sasabihin eh kaya nag out ako. Maya maya may narinig akong katok “sino yan?” tanong ko dito “si Kiero to” sabi niya‚ hayst ano naman ang ginagawa niya dito? Tamad akong bumangon at tinungo ang pinto ng aking silid tsaka binuksan ito “ano naman?” bungad na tanong ko dito “wala‚ halika may ipapakita ako sayo” sabi nito‚ bago pako makareact ng hilain na nito ang kamay ko “teka nga lang san mo ba ko dadalhin?” tanong ko dito habang tuloy parin siya sa paghila sakin “basta sumama ka nalang” sabi niya‚ dinala niya sa left side ng mansyon tsaka niya binitawan ang kamay ko‚ taka akong tumingin sa kanya‚ ngumiti lang ito at tinalikuran ako Mula sa kanyang bulsa may kinuha itong susi‚ diko alam kung anong gagawin niya don eh wala naman pinto sa pader na yan na natatakpan ng mga ewan kong halaman‚ baging? Tama baging haha Mula sa likod ng lalaking to nakita ko itong tinatanggal yung mga baging na nakaakyat na sa pader. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may maliit na kulay berde na pinto‚ kakulay lang nito ang mga halaman nakatakip dito kaya hindi ko ito napansin kanina ‘luh diko alam to ah’ sabi ko sa utak‚ nabuksan si Kiero ang pinto kaya pumasok na kami Ganon nalang ako nagulat ng makita kung ano ang nasa loob nito‚ may fountain! Meron palang fountain dito sa bahay ni Sophia? Sa gilid nito maayos itong na samiento at sa ground naman puno ito ng mga damo‚ sa itsura nito lugar mukhang matagal na itong hindi nalilinisan sa isang sulok may isang malaking puno‚ at sa isang sanga nito may nakasabit na swing at mukha na itong luma‚ siguro ang ganda ng lugar nato kapag may nag-aayos o kapag maayos “bakit mo ko dinala dito?” takang tanong ko at tumingin sa kanya‚ sa mga mata nito na ngayon ay makikita mo ang nakatagong kalungkutan May pindot siya sa gilid ng pinto dahilan ng pagliwanag ng buong paligid dito. “buti hindi pa nasira ang mga ilaw dito‚ you know‚ ang ganda ng lugar nato dati” paninimula niya kaya nanahimik muna ako para makinig “kaso napabayaan na noong kinuha si dad samin” dagdag na sabi niya‚ binuka ko ang bibig ko kaso walang lumabas na salita kaya nanahimik ulit ako “eto kasi ang paburito niyang lugar‚ lagi siyang andito nung nabubuhay pa siya” sabi niya pa “nung nawala siya balak sana ni mommy na buwagin itong lugar at gawing parking lot kaso ipinagbawal ko at isinara nalang ito” pagkukwento niya‚ ayon sa nakikita ko dati daddy's boy itong si Kiero halos magdamag nga silang magkasama eh kaya nung namatay ang kanyang ama ay siya ang pinaka naapektuhan sa lahat‚ matagal din itong nakarecover dahil hindi matanggap tanggap na iniwan na siya ng kanyang ama. Naalala ko nga dati nong hinanap ko ang susi ng kwarto ni Kiero para dalhan siya ng tray ng pagkain kasi maghapon itong hindi lumalabas ng kwarto kaso tinabig niya ito at sinigaw ako “no! I'm not hungry! I don't need that! Or anything! All I just need is my dad! Get out!” kaya lumabas nalang ako‚ hays ang bait kasi ni tito kaya sa tingin ko mas mahal siya ni Kiero kaysa kay Sophia. Laging busy kasi si Sophia sa trabaho eh kaya hindi masyadong malapit ang loob ni Kiero dito dati pero ngayon ayos lang naman na sila. Yon lang naman ang naaalala ko kasi mga 8 years old pa kasi ata ako non eh Sa tingin ko ito ang mga dahilan kung bakit lumaki siyang salbahe‚ tapos hindi pa siya mabigyan ni Sophia ng atensyon dahil focus na focus ito sa trabaho “diko alam kung bakit sinasabi ko to sayo‚ eh ang puropse ko lang naman kung bakit kita dinala sa lugar nato ay para humingi ng tulong para buhayin ulit ito” sabi nito “ewan ko ba sayo pero sige tutulungan kita” sabi ko dito “so kailan tayo magstastart‚ ayusin ito?” dagdag na tanong ko sa kanya “tumorrow‚ kasi gabi na” sabi niya na ikinatango ko‚ ayos ah si Kiero maglinis‚ first time “bat ano bang nakain mo at napagpasyahang linisin to?” tanong ko dito “none‚ I just decided na buhayin ang mga alaala ni dad dahil ito nalang ang pinaka magandang iniwan niya sa'min” sabi nito kaya napatango ulit ako‚ siguro ngayon naghilom na ang sugat sa puso ni Kiero finally “minsan talaga kailangan nating tanggapin na wala na ang isang taong importante sa buhay natin para hindi na tayo masaktan at ito na din ang dahilan ng pagpapatuloy natin sa buhay” sabi ko na ikinatango niya “ganon talaga diba? May mawawala pero may dadating din‚ at ang taong dumating ay andito na sa tabi ko” bulong niya pero sapat na para marinig ko “ha?” “hakdog” “tsk gaya gaya ka” sabi ko na ikinatawa niya “tara na nga” sabi niya at nauna palabas nitong lugar kaya sumunod nalamang ako Sana kasabay ng paghilom ng matagal ng sugat ni Kiero sa puso ang kanyang pagbabago “san kayo galing?” salubong samin ni Mio kakalabas lang ng Kusina‚ habang may hawak hawak na croissant at ngumunguya “sa garden” sabi ni Kiero‚ di naman nakatakas sakin ang pagkagulat sa mukha ni Mio “bakit? Binuksan mo? Anong nakain mo at muling pinuntahan yon?” tanong ni Mio habang nakataas ang isang kilay “wala I just realized something” sagot ni Kiero‚ na nagpatango tango kay Mio “nice” sabi ni Mio at tinapik ang braso ni Kiero “uhm punta lang ako sa kwarto” pagpapaalam ko sa dalawa‚ na ikinatango nila Umakyat ako sa taas at pumasok saking kwarto “yes holiday bukas” bulong ko at ibinagsak ang aking katawan sa kama Kinabukasan maaga akong gumising mga 10:00Am
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD