Chapter 1

1038 Words
Casper's POV "Anak, gising na. May pasok ka pa sa school ninyo, first day pa naman, ayoko kitang ma-late." Malambing na sabi ni Mommy. "Mmm." Ungot lang ang na-i-sagot ko kay Mommy. "Oh, siya. Tumayo ka na jan, maligo ka na, magbihis ka na, pagkatapos bumaba ka. Kakain na. Maliwanag ba, Señorito?" Mataray na sabi ni Mommy sa akin. "Yes, Mommy. 5 minutes." Tugon ko. "Anong 5 minutes? Ako pa talaga, Casper? 5 minutes-5 minutes, sabihin mo ina-antok ka pa! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kailangan mo ng masanay dito, wala na tayo sa France. Oh siya, bababa na ako, hihintayin kita. Kumilos ka na! As in ngayon na!" Mahabang sabi ni Mommy. Umagang-umaga, sermon agad. Pagkalabas ni Mommy sa kwarto ko ay dumiretso na agad ako sa CR para maligo. "Kaya mo 'to. Ito na ang umpisa ng biggest adjustment sa buhay mo, Prince. Kayanin mo, kung ayaw mong ma-lintikan sa Director." Sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ko maligo, nag-ayos na ako sa sarili ko at sinuot ang bagong uniform na gagamitin ko sa bagong school. Bumuntong hininga ako saka tumitig sa salamin. "Naks naman! Walang kakupas-kupas. Ikaw pa rin ang Prince Casper na hanep sa kagwapuhan. For sure---" Hindi ko na natapos ang sasabihin kong papuri sa sarili ng may biglang sumigaw. Biglang bumalik sa katinuan ang buong sistema ng katawan ko ng dahil sa sigaw na 'yun. Hanep sa lakas. Parang 100 Regine na sabay-sabay na bumirit! "PRINCE CASPER BLANCAFLOR ROBLES LAURENT-DEL VALLE! ANO NA?! YOU STILL HAVE 50 MINUTES! ANO, U-UBUSIN MO 'YANG ORAS MO SA KAKA-PURI JAN SA SARILI MO?! KAYA, TAPUSIN MO NA 'YANG PAGPU-PURI NA GINAGAWA MO SA SARILI MO! ALAM NATIN NA IKAW NA ANG HOT AT GWAPO SA PAMILYA, PERO, BILISAN MO NA! KA-KAIN KA PA, IHA-HATID KA PA. PAYAT ANG SINGKWENTA MINUTO SA'YO!" Matining at malakas na sigaw ni Mommy. Kung ako ang tatanungin, buong bahay rinig na rinig ang boses niya. Masiyado siyang OA kahit kailan. "Psh! Kailangan ba buong pangalan kapag tinawag? OA talaga ni Mommy kahit kailan." Bulong ko sa sarili ko. "Mom, bababa na po ako." Malumanay kong sagot kay Mommy para matigil na siya. Ang ingay! "Hey, my Prince! Good morning!" Bati sa akin ni Daddy. "Good morning too, Dad!" Bati ko rin sa kaniya. "Kumusta? Kaya mo ba? Kailangan mong kayanin kung ayaw mong mapagalitan ka ng Director." Tanong sa akin ni Daddy na pa-tungkol sa first day of school. "Okay naman po. Yes po, opo. Advantage na rin po na kaya kong mag-salita ng Tagalog. Para hindi ako mahirapan makipag-communicate sa kanila." Sagot ko kay Dad. "Nice to hear that. Infairness, direstong-diretso ka na mag-Tagalog ah. Anyway, napapansin namin ng OA mong Mommy--" Biro ni Dad. Tinaasan siya ng kilay ni Mommy sabay irap papunta sa kusina upang kunin 'yung pagkain, ta's pa-bagsak niyang inilapag sa lamesa ang plato para parehas kaming magulat. "Sorry na, Hon. I didn't mean to say that. Hindi ka naman mabiro. Tsaka, 'wag mong ibagsak sa lamesa 'yung plato, nagulat ako eh. Sorry na pows. Hindi ko na sasabihing OA ka kahit napaka and certified with verified check na OA ka. Hon, sorry na." Mahabang paliwanag ni Dad pero iniripan lang siya ni Mom saka tumalikod ulit. Tibay! Inulit pa. "Hahaha!" Ngisi kong tawa kay Dad. "Parang hindi mo naman siya kilala, Dad. Kunyari lang 'yan. Jusko! Ipakita mo lang 'yang katawan mo, patay na patay na sa'yo 'yan ulit." Bulong ko kay Dad, sabay kaming natawa. Matinding suyuan na naman ang magaganap. Hahaha! "Ma! Tara na! Kain na tayo!" Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya sa balikat niya hanggang sa maka-upo na siya. Nangibabaw ang katahimikan sa lamesa habang kumakain kami. Tanging kutsara't tinidor lang ang naririnig sa lamesa. "Hon. Hon. Hon. Hoy, ano ba? Ba't ayaw mo na ako kausapin?" Basag ni Dad sa katahimikan saka nag-puppy eyes na akala mo ay anytime i-iyak na. Hahaha! Ang cute niyang tignan. Pero, hindi siya pinansin ni Mommy at nagpatuloy sa pagkain. "Ehem!" Kunyari kong samid at ubo. "Baby, ayos ka lang?" Puno ng pag-aalalang tinig ni Mommy. "Yes po, Mom." Sagot ko, sabay inom ng tubig sa baso ko. Maya-maya. "Mom, Dad, tapos na po ako. Pasok na po ako sa school. Sakto at mayroon pa akong 30 minutes. Para makarating at mahanap ang classroom ko po." Pagpa-paalam ko sa kanilang dalawa. "Tara na! Ihatid na kita jan sa may gate." Sabi ni Mommy na sumunod naman si Daddy at niyakap siya sa bandang tyan at ipinatong ang ulo sa balikat nito. Hahaha! Matinding suyuan na naman 'to. Good luck, Dad. Hahaha! "Mang Dante! Mang Dante! Pahatid si Prince sa School niya, alam niyo naman po iyon 'di ba? At, nasabi ko na rin sa inyo kagabi." Sabi ni Mommy kay Mang Dante. "Opo, Ma'am." Sagot ni Mang Dante kay Mommy. "Oh, ingat doon, Anak. Umayos ka ha." Pagpa-paalam ni Mommy. "Opo, Mom." Sagot ko kay Mommy. "Bye, Blancaflor!" Pagpa-paalam ni Dad. Sinamaan ko siya ng tingin kasi ayokong tinatawag ako sa pangalan na 'yon. Blancaflor. Mukha akong kape. Kopiko Blanca-flor. "Good luck rin sa inyo, Dad." May pagkakadiin lahat ng salita na sinabi ko. Iniripan ko siya at saka tumalikod na may biglang sumigaw na naman ng pagka-lakas-lakas. Alam ko na kung sino 'yun. "Wait!" "Ano po 'yun?" Tanong ko kay Mommy. "Extra shirt para incase na may mangyari, may pamalit ka." Sabi ni Mommy. "Thank you po. I have to go, Mom. 25 minutes left." Pagpa-paalam ko sa kaniya. "Sige, bye and good luck! Hihihi!" Pagpa-paalam rin sa akin ni Mommy. 15 minutes later. "Sir, nandito na po tayo." Tawag sa akin ni Mang Dante. "Salamat po. Anong oras po ninyo ako susunduin?" Tanong ko kay Mang Dante. "5pm po. 'Yun 'yung sabi sa akin ng Mommy niyo." Sagot ni Mang Dante. "Sige po." Tugon ko. Bumuntong hininga muna ako saka naglakad papunta sa may gate. Medyo malayo ang entrance ng eskwelahan. Kaya kailangan kong mag-lakad ng medyo mabilis para hindi maubos ang oras ko. Pagkatapos ng ilang minutong lakaran, nandito na ako sa harap ng gate ng eskwelahan. Manila International School P R I N C E O F L A U R E N T S
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD