Casper's POV
~Earlier~
Habang nasa kotse ako, naka-dungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang aming dinadaanan ng bigla kong maalala ang dahilan kung bakit namin kailangan umuwi dito sa Pilipinas para mag-for good.
~Flashback~
French: Je lisais juste un livre de poche quand maman est soudainement entrée. D'après son visage, elle était triste. Je ne peux pas le voir sur son visage mais c'est trop évident dans ses yeux. Quand vous regardez son visage, elle essaie de sourire. Mais, ses yeux parlaient trop avec trop de tristesse.
Translation: Nagbabasa lang ako ng pocket book ng biglang pumasok si Mommy. Base sa mukha niya ay malungkot siya. Hindi kita sa mukha niya pero sa mata niya kitang-kita. 'Pag tintigan mo ang mukha niya ay pilit ang pag-ngiti. Pero, ang mga mata niya ay sobrang nangungusap sa sobrang kalungkutan.
French: Pourquoi a-t-elle l'air si triste? Elle ne parlait qu'au directeur. À moins que le directeur ne leur demande de faire quelque chose. Mais elle n'est plus comme ça maintenant? Le directeur les ordonne toujours, mais maintenant je la vois si triste après avoir parlé au directeur. Parlant. Où est papa?
Translation: Bakit kaya siya malungkot? Si Director lang naman ang kausap niya. Unless nalang na may i-pinagawa si Director sa kanilang dalawa ni Daddy. Pero, ba't ganiyan siya ngayon? Lagi naman sila inu-utusan ng Director, pero, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan kalungkot after kausapin ng Director. Speaking. Asan nga rin pala si Daddy?
French: "Salut, Maman!" Ma saluer à Maman.
Translation: "Hi, Mom!" Bati ko kay Mommy.
"Hello, Anak. Can we talk?" Mommy asked.
Tanging tango lang ang naging tugon ko sa tanong ni Mommy.
"Gusto mo bang sumama sa amin sa Pilipinas? Kasi, may ipinapagawa kasi sa amin ang Director. Baka gusto mo lang sumama. Pero, kung ayaw mo, pwede ka rin naman mag-stay dito." Mommy asked me.
"Of course! I want to come with you. Is that a question, Mommy?" My answer to her question.
Mommy take a deep sigh and said.
"My Prince, can I take a favor?" Mommy asked again.
"Yes, of course." My respond.
"Prince, from now on, you need to speak Tagalog. You need to remember all the things that I teach you, please." Mommy said.
"I'll try my best po, Mom." Sagot ko.
Yumuko si Mommy, saka nag-sabi ng "Thank you." Sabi ni Mommy sa mahinang tinig.
"Puwede po magtanong? Bakit po? Why do I need to speak Tagalog? Are we going to the Philippines for vacation? I asked Mommy.
Kung ako ang tatanungin, okay lang naman sa akin na bumalik sa Philippines. Yumuko siya ulit pero hindi siya nag-angat ng tingin sa akin.
Tinuruan ako ni Mommy mag-salita ng Tagalog nung 8 years old ako. Kasi, kailangan namin umuwi ng Pilipinas dahil namatay ang kaibigan niyang si Zoey sa sakit na Aneurysm.
Yumuko na naman si Mommy. Ba't ba ang hilig niyang yumuko?! At, 'saka nag-salita.
"No. For, for good." Sagot sa akin ni Mommy. Rinig sa boses niya ang pagka-lungkot. Ramdam ko na anytime babagsak na ang luha niya. Pero, pilit niyang hindi iyon pinapakita sa akin.
"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko 'saka nag-salita. "May inutos kasi ang Director sa amin, Anak. Kaya kailangan sumunod kami sa kaniya ng Daddy mo. Medyo urgent kasi. Alam kong magiging malaking adjustment ang gagawin natin. Maging ako ay paniguradong mahihirapan dahil sanay na tayo dito. Nakaka-lungkot lang dahil napamahal na rin ako dito sa lugar na 'to at marami na rin tayong natulungan na tao. Sana kayanin mo kapag umuwi tayo ng Pilipinas." Mahabang sabi ni Mommy.
"Okay po." Tanging na-i-sagot ko kay Mommy para matapos na ang usapan. Kasi, kapag pinatagal ko pa, magiging emosyonal siya.
Pagkatapos naming mag-usap, umalis na siya at kaka-usapin niya raw si Daddy.
Kung ako ang tatanungin, agree ako sa sinabi ni Mommy. Napamahal na rin ako dito at marami na rin kaming natulungan.
Parehas na Doctor ang aking mga magulang.
Dra. Diana Olivia Margarette Castañeda-Laurent
Dr. Foster Andres Alfonso-Del Valle
~End of flashback~
Biglang bumalik sa katinuan ang aking sarili ng tawagin ako ni Mang Dante.
"Sir, nandito na po tayo." Tawag sa akin ni Mang Dante.
"Salamat po. Anong oras po ninyo ako susunduin?" Tanong ko kay Mang Dante.
"5pm po. 'Yun 'yung sabi sa akin ng Mommy niyo." Sagot sa akin ni Mang Dante.
"Sige po." Tugon ko sa sinabi niya.
Tumango lang siya at kumayaw ako bilang hudyat ng kaniyang pag-alis.
Bumuntong hininga muna ako saka naglakad papunta sa may gate. Medyo malayo ang entrance ng eskwelahan. Kaya kailangan kong mag-lakad ng medyo mabilis para hindi maubos ang oras ko.
Pagkatapos ng ilang minutong lakaran, nandito na ako sa harap ng gate ng eskwelahan.
Manila International School
"Welcome students and our new Bearkada here in Manila International School. Kindly check your names in the billboard and go to your respective sections and rooms." Sabi ng Announcer.
Bearkada? Parang barkada? Anyway, tinanaw ko muna kung nasaan 'yung billboard. Nang mahagip ng mata ko 'yung billboard, biglang nanlumo ang mga mata ko.
Ang daming estudyante. Parang lumabas ang result ng bar exam, dikit-dikit sila. For sure, kung may isang zombie jan, kagat lahat 'yan.
Bigla akong napatalon sa gulat ng may magsalita sa gilid ko.
"Hoy! Umaandar ang oras! Pumunta ka na do'n at tignan mo 'yung pangalan at section mo pagkatapos hanapin mo 'yung room ng section mo!" Singhal sa akin nung babae.
I blink my eyes twice habang naka-tingin sa kaniya. Nagulat ako doon sa singhal ng babae. Ba't siya galit? Ang daming estudyante ta's makikipag-siksikan ako doon, pero, ang ganda niya. 'Yung saktong ganda lang, tama lang 'yung hugis ng katawan niya, medyo matangkad. Pero, mas matangkad pa rin ako kaysa sa kaniya. 'Yung ganda niya, hindi swak sa ugali niya. Red flag, agad-agad!
"Oh, tinitingin mo pa?! Pumunta ka na doon. 'Nak nang putcha! Ano, magtitigan nalang tayo dito?!" Singhal na naman sa akin ng babae.
Ba't ba siya galit? Namura pa ako. Hanep rin ang first day of school. Remarkable! Jusko! Aalis na nga ako dito sa harapan nitong babaeng 'to! Mamaya hindi lang mura maabot ko dito at baka masapak na rin ako nito.
"Sorry po, Miss. Pupunta na ako doon sa billboard." Pagpapa-kumbaba kong sabi.
Tanging tango lang ang tinugon niya sa sagot ko. Hanep! Ang astig niya! Sayang ganda mo hindi swak sa ugali mo!
"Excuse me!" Sigaw ko doon sa lalaki.
"Asan ka na ba? Aha! Gotcha!" Sabi ko sa sarili ko.
Grade 12: Sapphire
#24 Prince Casper Blancaflor Robles Laurent-Del Valle
"Mierda!" Bulong ko sa sarili ko ng maka-alis ako doon.
Napatalon na naman ako sa gulat ng may magsalita sa tabi ko. Lintek na 'yan!
"Ano, nahanap mo ba?" Tanong niya sa akin.
"Aalis ba ako doon kung hindi ko nakita?" Pilosopo kong sagot sa kaniya.
"Psh. Ano bang section mo? Para mahatid na kita." Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Mamaya kung saan-saan pa ako dalhin nitong babaeng to eh.
"Hoy! Tinatanong kita! Pasalamat ka at gwapo ka kasi kung hindi, baka binigwasan na kita." Sabi niya sa akin.
Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Sasabihin ko ba o hindi? Sabihin ko nalang at baka bigwasan niya nga talaga ako. Masakit ba 'yon?
"Sapphire." Sabi ko sa kaniya.
"Naks naman! Magkaklase pa nga tayo. Tara sumunod ka sa akin. Magiging maganda ang pagsasama natin, Honey." Malambing niyang tinig.
Bwiset! Kanina, siga ang tono ngayon lumandi na. Nalaman lang section ko, may pa Honey-Honey nang nalalaman ang king ina!
Hindi ako pala-mura pero naiinis na napipikon ako. Ba't ganon? Kanina 'yung mukha niya pang-siga. Ta's nung nalaman na magkaklase pala kami, biglang nag-iba ang mukha niya, lumandi agad.
Sana hindi ka katulad sa mga nabasa kong pocket book. May nabasa kasi akong libro at favorite na favorite ko talagang libro 'yon. Ang title ay He's Into Her. Born to be siga kasi si Maxpein.
Eh itong babae ganun kung umasta. Siga. Buti nalang sakto lang ang pagka-payat niya at sakto lang rin ang ganda niya. 'Yung masasabi mong, hindi panget, hindi maganda, pwede na. Hindi ko na natapos ang mga imahinasyon ko tungkol sa kaniya ng bigla siyang mag-salita.
"Hoy! Buhay ka pa ba? Kung hindi ka lang gwapo i-isipin kong naka-drugs ka!" Singhal niya sa akin.
Hindi ko na siya nasagot. Pinagmamasdan ko ang nasa harapan ko at doon ko lang napagtanto na nandito na ako sa pintuan ng section ko.
"Kanina pa tayo nandito?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, gunggong! Kanina pa tayo nandito! Mga tatlong minuto na!" Singhal niya sa akin.
Ba't ba palaging galit ang tinig nito. Parang pasan ang problema ng gobyerno kung maka-singhal sa akin.
"Ano? Tatanga nalang tayo dito sa pintuan buong maghapon? Ayaw mong pumasok?" Tanong niya sa akin. Medyo hindi na galit ang tinig niya pero pang-siga pa rin ang mga pinagsasabi. Ba't ba sa daming estudyante ito pa ang makakaharap ko? Bakit? Bakit? Bakit?
Pumasok na kami at kapag sinuswerte ka na nga naman, dalawang upuan nalang ang bakante at magkatabi pa sa third row. Hanep!
Umupo na ako at no choice naman ako. Kung ako ang tatanungin, ayoko siyang makatabi. Nai-ilang ako sa presensya niya. Parang anytime, papatayin ako nito.
Kapag tumitingin ako sa kaniya, medyo hindi ako natatakot kasi may taglay siyang kagandahan na swak lang sa gusto ko. Pero, doon talaga ako sa ugali niya natatakot. Kung ano ang kagadahan ng kaniyang mukha, siyang kapangitan ng ugali niya.
Nagulat na naman ako ng may isang 40's na babae ang pumasok. Base sa suot niya, baka siya ang magiging adviser ko. Ba't ba ang gugulatin ko ngayon?
"Good morning, Class! I am Sherina Aldama and I'll be your adviser for this school year. Nawa maging mabait kayong estudyante sa taon na ito." Pagpapakilala ni Ma'am Sherina Aldama.
"Ngayong araw, wala tayong gagawin kundi magpakilala lang sa isa't isa." Dagdag niya sa sinabi niya.
"Okay. Ang pagpapakilala natin sa isa't isa ay magsisimula dito sa first row hanggang sa dulo. Pwede niyo ring lagyan ng mga kasabihan. It's optional naman. Okay. Let's start!" Sabi niya.
Nagsimula na nga ang pagpapakilala. Pinanood ko sila kung paano sila magpakilala. Natuon ang aking atensyon sa susunod na magpapakilala. Bakla siya. Siguradong masaya 'to kapag nagpakilala.
"Good morning everybody! Ang gwapo nung lalaki sa may bandang third row! Lalandiin ko 'yan mamaya pagkatapos nitong pagpapakilala natin. Anyway, I am Jio Valdez aka Chikanna. Jio sa umaga, Jia sa gabi. And to you, my Choupapi, kung hindi ako ang para sa'yo, kawawa ka naman. And I thank you!" Pagpakilala niya.
Sino kaya 'yung tinutukoy niyang Choupapi sa third row? At, ano 'yung Choupapi? Umalis muna si Ma'am Sherina Aldama. Pero gusto niya, pagbalik niya, tapos na ang pagpapakilala. Nagtuloy-tuloy na ang pagpapakilala, hanggang itong sigang babae na ang sumunod.
"Good morning to my friends, to newbies and to my fellow students--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang sigawan ni Jio.
"Hoy, gaga! Pagpapakilala tayo hindi speech sa SONA. Chusera! Ang daming good morning! Ayaw nalang sabihing everybody para tapos!" Sigaw ni Jio sa kaniya.
"Hoy! Manahimik ka nga, Jio, kung ayaw mong bigwasan kita!" Sigaw niya pero dinilaan lang siya ni Jio sabay irap.
"From the top!" Sigaw ni Jio.
"Good morning, everybody! I am Sarah Abigail Dela Veja at naniniwala ako sa kasabihang, Jio, 'wag ka nang magtaka kung pangit ka, nasa lahi ninyo 'yan. And I thank you!" Pagpapakilala niya. Sabay-sabay silang natawa. Maging ako ay natawa rin.
Si Jio, ang sama-sama ng tingin kay Sarah at halos magyakapan na ang kilay sa galit. Hahaha! Kung pwede niya lang sakalin si Sarah, baka nasakal na niya kanina pa. Hahaha!
"Punyemas ka, Sarah! Ang bastos ng bunganga mo! Hindi mo na ako ginalang! You don't deserve to be happy! Leche ka!" Singhal niya kay Sarah para maging hudyat ng pag-tawa namin ulit. Ako normal lang na tawa, 'yung iba halakhak pa talaga kasabay pa ang pagpalo sa tyan.
"Ano? Pagtatawanan niyo lang ako?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Jio.
"Tama na 'yan." Sabat ko. Dahilan para sa akin mapunta ang atensyon nila na kaninang nakila Sarah at Jio.
"Ako na ang magpapakilala." Dagdag ko. Umalis na si Sarah sa harapan at nung papunta na ako doon, hinawakan ako sa kamay ni Jio.
"Thank you." Saka ngumiti.
"Your welcome." Sagot ko sa pagpapasalamat niya.
Biglang nagtilian ang mga babae at sinaway naman ito nila Sarah at Jio. Sinenyasan ako ni Sarah na magpakilala na.
"Good morning everyone!--" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin, nang biglang magtilian ang mga kababaihan. Agad naman silang inutusan nila Jio at Sarah na manahimik. Buti naman at sumunod sila. Sinenyasan ulit ako ni Sarah na ipagpatuloy ko ang aking pagpapakilala.
"From the top! Subukan ninyong mag-ingay sasampalin ko kayo isa-isa." Sigaw ni Jio sa kanila.
"Good morning everyone, I am Prince Casper Blancaflor Robles Laurent-Del Valle. And I believe that, efforts are always better than promises. Thank you!" Pagpapakilala ko.
"Woohhh!" Tili ng mga kababaihan at maging si Jio. Nakangit lang sa akin si Sarah, kaya nginitian ko nalang siya.
Natapos ang pagpapakilala at dumating na rin si Ma'am Sherina at saka sinabing gawin na namin ang mga gusto naming gawin dahil bukas, simula na ng eskwelahan.
2:00PM
Niyaya ako nila Jio at Sarah sa Track and Field para doon kami tumambay. Nang makahanap kami ng upuan, biglang nagsalita si Jio.
"Ano nga ulit pangalan mo? Ang haba kasi. Ewan ko kung tama ba ang mga narinig ko." Tanong ni Jio sa akin.
"My name is Prince Casper Blancaflor Robles Laurent-Del Valle. Four names kasi ang ibinigay sa akin ng family ko. Si Mommy, she called me Prince. While my Lolo called me, Casper. And, Daddy called me Blancaflor. And Lola called me Robles. Then, Laurent middle name. Del Valle, surname. That's it. Hahaha! Ang haba 'di ba?" Explain ko sa kanila.
"Kaloka! Buti hindi ka nahihirapan magsulat ng name mo sa Intermediate Pad. What if, may pa quiz ta's nagsusulat ka pa lang ng pangalan mo ta's kami, number 5 na?" Tanong sa akin ni Jio.
"Pag-quiz and exams, Prince Casper Del Valle lang ang pinapalagay nila sa akin kasi nga masiyadong mahaba." Sagot ko kay Jio.
"Taga saan ka, Prince?" Tanong sa akin ni Jio.
"Taga Alabang." Sagot ko.
"Naks naman! Big time!" Sabi niya.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo pero lamang pa rin si Jio ng mga katanungan. T'wing magtatanong si Jio, nakikinig lang si Sarah na akala mo walang paki-alam sa paligid.
3:00PM
Isang oras kami nagtanungan sa isa't isa at nagkwentuhan ng biglang umulan. Sobrang lakas ng ulan, buhos kung buhos.
Tinakbo namin ang pintuan palabas sa Track and Field. Medyo malayo ang gate palabas ng Track and Field kasi nasa gitna kaming banda. Medyo basa na kami ng maka-pasok sa loob ng school.
Bigla akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kaninang umaga.
~Flashback~
May biglang sumigaw na naman ng pagka-lakas-lakas. Alam ko na kung sino 'yun. "Wait!"
"Ano po 'yun?" Tanong ko kay Mommy.
"Extra shirt para incase na may mangyari, may pamalit ka." Sabi ni Mommy.
"Thank you po. I have to go, Mom. 25 minutes left." Pagpa-paalam ko sa kaniya.
"Sige, bye and good luck! Hihihi!" Pagpa-paalam sa akin ni Mommy.
~End of flashback~
Ngayon, naniniwala na ako sa salitang Mother knows best. Biglang nawala ang pag-iisip ko ng biglang magsalita si Sarah.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Sarah. Rinig sa boses niya ang pagaalala.
"Okay lang. May naalala lang." Sagot ko sa kaniya saka ko siya nginitian.
Tumango lang siya. At, sinenyasan kami ni Jio na sumunod na sa kaniya at mag-ingat dahil basa ang sahig dahil sa ulan.
Pagkatapos ng ilang lakaran, bigla akong natumba. Nasisiguro kong may pumatid sa akin. King ina! Nakakahiya! Nag-dive ako sa sahig ng walang masiyadong tubig. Bwiset!
Sabay na napalingon sa akin sila Jio at Sarah. Kitang-kita sa mukha nila ang pagka-gulat. Tinulungan nila akong tumayo, medyo masakit ang katawan ko, marahil sa malakas kong pagka-bagsak.
Pagkatapos nila akong i-tayo, biglang nag-iba ang kaniyang itsura, biglang siyang naging galit. Kung paano ko siya nakita kanina at ngayon i-isa lang. Nawala ang matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Sino ang pumatid dito?!" Sigaw niya sa lahat habang nakaturo ang hintuturo niya sa akin.
"Sino ang pumatid sa'yo?" Mahinahon niyang tanong sa akin pero bakas pa rin ang galit sa kaniyang mukha.
"Hindi ko alam. Bigla nalang akong natumba jan. Nasisiguro kong may pumatid sa akin. Kasi, kung madudulas ako, napa-upo dapat ako hindi 'yung naka-dapa ako. Parang nag-dive tuloy ako sa swimming pool na hindi puno ang tubig." Mahabang sabi ko sa kaniya.
Alam kong 'yung lalaking naka-sandal doon sa locker ang pumatid sa akin. Bago ako tuluyang mag-dive sa sahig, nakita ko ang pangalan niya sa ID. Ang pangalan niya ay si Nathan Vincent Gutierrez-Grison.
Magaling rin ako sa mga bagay na ginagawa ng spy. Pero, hindi nga lang ako masiyadong bihasa. Tinuruan ako ni Lola dati kasi may kalaban daw ang mga Del Valle na ibang pamilya. Hindi nila sinasabi sa akin kung sino 'yun at anong apelyedo.
"Lagot kayo sa akin kapag nalaman ko kung sino ang pumatid dito!" Sigaw niya na patungkol sa akin.
"Tara na Sarah. Pabayaan nalang natin. Sa tingin ko, hindi naman na niya u-ulitin 'yon, kung sino man siya." Sabi ko sa kaniya.
Hindi ko nalang sinabi sa kaniya ang pangalan dahil kapag sinabi ko pa 'yon, lalaki ang gulo. Ayokong ma-bad shot dahil maliban sa baguhan lang ako, first day of school pa lang.
"Sige. Kung 'yan ang gusto mong mangyari." Sagot niya sa akin.
Pagkatapos ng nangyari, dumiretso na ako sa comfort room ng mga boys saka nag-palit ng T-shirt.
Pagkalipas ng ilang minuto, nandito na si Mang Dante.
Nagpaalam na ako kanila Sarah at Jio na bukas nalang kami mag-kita. Kasabay ng pag-sara ko ng pintuan ng van. Saka naman pag-dating ng mga sundo nila.
Nagpaalam ako kay Mang Dante na matutulog muna ako. Pumayag siya. Masakit pa rin ang katawan ko.
~Pagkalipas ng ilang minuto~
"Sir, gising na po. Nandito na po tayo sa bahay ninyo." Gising sa akin ni Mang Dante.
"Sige po." Tugon ko sa pag-gising niya sa akin.
Tumayo na ako at siya na ang nagdala ng bag ko. Ini-insist ko na ako na ang magdala pero siya na daw. Hindi ko na siya pinilit.
Kumatok na ako sa pintuan. Pagkatapos ng ilang katok. Bumukas iyon at ang sumalubong sa akin ay si Mommy.
P R I N C E O F L A U R E N T S