Chapter 4 (A)

4494 Words
Nathan's POV "Nate, gising na." Gising sa akin ni Mama. "Uhm." Ungot lang ang na-i-sagot ko sa pag-gising sa akin ni Mama. "Bilisan mo na. Gumising ka na diyan at baka magalit sa'yo ang Papa mo." Sabi niya sa akin. Biglang gumising ang kaluluwa't katawan ko sa sinabi ni Mommy. Tumayo na ako at sinabihan ko siyang maliligo na ako. Lumabas na siya at sinabihan akong pagkatapos kong maligo, bumaba na para kumain. Habang nasa CR ako, alam kong ngayon na ang first day of school. Umuwi pa kami ng Pilipinas para masimulan na ang aming paghihiganti sa mga Del Valle. Dahil hindi namin sila magalaw dahil teritoryo nila ang France. Pagkatapos naming malaman na magsasagawa pala ng Medical Mission si Director Knox o ang lolo ni Prince Casper sa Pilipinas, doon na kami nag-sagawa ng plano kung paano namin sila gagantihan. Pagkatapos kong maligo, nag-ayos na ako ng aking sarili at saka bumuntong hininga. "Kaya mo 'to." Sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at saka kumain. Nagtataka ako kung bakit wala pa si Papa. Hindi ko nalang 'yon pinansin at pinag-patuloy ang aking pagkain. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay Mommy. Nung palabas na ako ng pintuan may tumawag sa akin. Alam ko na kung sino 'yon. "Nate!" Tawag sa akin ni Papa. "Pa, yes po?" Tanong ko sa kaniya. "Nate, ngayon na ang umpisa ng first day of school mo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na tandaan mo na ang target natin dito ay ang inosenteng Del Valle." Sabi ni Papa, pa-tungkol kay Prince Casper. "Yes po, Pa." Sagot ko kay Papa. "Sige na. Mauna ka na. Gusto ko ikaw ang mauna kaysa sa kaniya. Manmanan mo kung saan siya pupunta. Kung kaya mo siyang saktan, saktan mo siya. Pero, saktan mo siya sa paraang hindi niya i-isiping galit ka sa kaniya. Saktan mo siya na i-isipin niyang aksidente lang ang nangyari. Sige na. Balitaan mo na lang ako pag-uwi." Mahabang sabi ni Papa. "Sige po, Papa. Mauna na po ako." Sagot ko sa kaniya. Tinanguan niya lang ako saka ako tumalikod at lumabas ng bahay para sumakay sa kotse. Habang nasa kotse ako, iniisip ko kung paano ko masasaktan ang Del Valle na 'yon. Siya ang target ng pamilya namin kasi wala siyang ka-muwang-muwang sa pagitan ng pamilya niya at sa amin. Sa pamamagitan nun, unti-unti na kaming makakaganti sa kanila. Makakaganti sa kasakiman nila. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ko, kung paano ko siya masasaktan. Tinawag na ako ng driver ko. "Sir, nandito na po tayo." Tawag sa akin ng driver ko. "Sige. Salamat. Mauna na ako." Sagot ko sa kaniya. Medyo malayo ang entrance ng eskwelahan base sa pago-obserba ko. Kaya kailangan kong mag-lakad ng medyo mabilis para hindi maubos ang oras ko at para na rin mauna ako kaysa kay Prince Casper. Pagkatapos ng ilang minutong lakaran, nandito na ako sa harap ng gate ng eskwelahan. Manila International School "Welcome students and our new Bearkada here in Manila International School. Kindly check your names in the billboard and go to your respective sections and rooms." Sabi ng Announcer. Pagkatapos ng ilang minuto kong paghihintay, nakita ko na ang inosenteng Del Valle papasok. Tumingin siya sa may billboard at naka-tanga lang siya doon. Ayaw niya bang lumapit para malaman niya ang section niya? Jusko! Ang inosente nga. Habang pinagmamasdan ko siya, bigla siyang napatalon sa gulat ng may magsalita sa gilid niya. "Hoy! Umaandar ang oras! Pumunta ka na do'n at tignan mo 'yung pangalan at section mo pagkatapos hanapin mo 'yung room ng section mo!" Singhal sa kaniya nung babae. He blink his eyes twice habang naka-tingin doon sa babae. Kahit ako, nagulat rin ako doon sa singhal ng babae sa kaniya. Ba't kaya siya galit? Medyo maganda naman siya pero hindi siya pasok sa taste ko. "Oh, tinitingin mo pa?! Pumunta ka na doon. 'Nak nang putcha! Ano, magtitigan nalang tayo dito?!" Bigla na naman siyang sinigawan nung babae. Ba't kaya siya galit? Hahaha! Namura ka pa, Prince Casper. Magiging remarkable ang first day of school mo. "Sorry po, Miss. Pupunta na ako doon sa billboard." Sagot niya sa babae. Tinanguan lang siya nung babae. Hahaha! Ang astig niya! Hahaha! Mukhang dalawa ang magiging kalaban mo, Prince Casper. Pumunta na siya sa billboard at sinunadan ko siya para tignan na rin kung anong section ako. "Excuse me!" Sigaw niya sa akin. Sige lang, Prince Casper. Sinabayan ko siyang maghanap. Pero, nauna siyang mahanap ang section niya kaya umalis na siya. "Asan ka na ba? Huli!" Sabi ko sa sarili ko. Grade 12: Sapphire #48 Nathan Vincent Gutierrez-Grison Pagkatapos kong mahanap ang section ko, umalis na ako doon. Hinanap ko na agad kung nasaan siya. Nakita ko siyang naka-tayo sa gilid ng pader at ino-obserbahan ang kabuuan ng paligid. Napatalon na naman siya sa gulat ng may magsalita sa tabi niya. Kaya medyo lumapit ako. Tinignan ko kung sino ang kausap niya at nakita ko 'yung babae na suminghal sa kaniya kanina. "Ano, nahanap mo ba?" Tanong nung babae kay Prince Casper. "Aalis ba ako doon kung hindi ko nakita?" Pilosopo niyang sagot. "Psh. Ano bang section mo? Para mahatid na kita." Tanong nung babae kay Prince Casper. Hindi siya sinagot ni Prince Casper at pinagpatuloy ang pag-obserba sa paligid kaya medyo umiwas ako para hindi ako makita. Maya-maya, biglang nagsalita 'yung babae. "Hoy! Tinatanong kita! Pasalamat ka at gwapo ka kasi kung hindi, baka binigwasan na kita." Sabi niya sa kaniya. "Sapphire." Sabi ni Prince Casper sa kaniya. "Naks naman! Magkaklase pa nga tayo. Tara sumunod ka sa akin. Magiging maganda ang pagsasama natin, Honey." Sabi niya sa malambing tinig. Hindi siya sinagot ni Prince Casper at inakbayan lang siya nitong babae patungo sa room ng Sapphire. Sumunod na rin ako sa kanila dahil doon rin ako patungo. Medyo malayo ako sa kanila at baka mahalata nila ako. Pero, itong si Prince Casper, parang tanga lang. Hindi umiimik. Hindi gumagalaw. Gumagalaw lang siya kasi naka-akbay 'yung babae sa kaniya. Matapos ang ilang paglalakad, huminto na sila bilang hudyat na nandito na kami sa classroom ng Sapphire. Naka-titig lang sila sa pintuan ng classroom at hindi nagi-imikan. Medyo matagal na silang naka-titig sa pintuan ng biglang magsalita itong babae. "Hoy! Buhay ka pa ba? Kung hindi ka lang gwapo i-isipin kong naka-drugs ka!" Singhal na naman sa kaniya nung babae. Hindi siya sinagot ni Prince Casper at pinagmamasdan ang nasa harapan niya at saka nagsalita. "Kanina pa tayo nandito?" Tanong ni Prince Casper sa kaniya. "Oo, gunggong! Kanina pa tayo nandito! Mga tatlong minuto na!" Singhal nung babae sa kaniya. Dumaan na ako sa likod nila at baka mapansin na ako ng tuluyan kasi kanina pa ako naka-sunod sa kanila. Habang papasok ako sa kabilang pintuan narinig kong sinabi ng babae. "Ano? Tatanga nalang tayo dito sa pintuan buong maghapon? Ayaw mong pumasok?" Tanong nung babae sa kaniya. Medyo natawa ako doon. Pagkapasok ko sa classroom. May isa pang bakanteng upuan sa fourth row kaya doon nalang ako umupo. Sakto, may dalawang bakante na upuan sa third row at nasa harapan ko pa. Sana sila ang umupo dito para bantay na bantay ko talaga ikaw, Prince Casper. Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok na sila. Halata sa mukha niya ang pagka-ayaw na makatabi 'yung babae. Umupo na sila at no choice naman siya doon. Bigla siyang nagulat na may isang 40's na babae ang pumasok. Base sa suot niya, baka siya ang magiging adviser ko. "Good morning, Class! I am Sherina Aldama and I'll be your adviser for this school year. Nawa maging mabait kayong estudyante sa taon na ito." Pagpapakilala ni Ma'am Sherina Aldama. "Ngayong araw, wala tayong gagawin kundi magpakilala lang sa isa't isa." Dagdag niya sa sinabi niya. "Okay. Ang pagpapakilala natin sa isa't isa ay magsisimula dito sa first row hanggang sa dulo. Pwede niyo ring lagyan ng mga kasabihan. It's optional naman. Okay. Let's start!" Sabi niya. Nagsimula na nga ang pagpapakilala. Pinanood ko sila kung paano sila magpakilala hanggang 'yung bakla na ang magpapakilala kaya medyo nagkaroon ako ng interes. Kasi, kung pagmamasdan ko kanina ang mga galaw nung bakla at nitong babae, halatang magkakilala sila. "Good morning everybody! Ang gwapo nung lalaki sa may bandang third row! Lalandiin ko 'yan mamaya pagkatapos nitong pagpapakilala natin. Anyway, I am Jio Valdez aka Chikanna. Jio sa umaga, Jia sa gabi. And to you, my Choupapi, kung hindi ako ang para sa'yo, kawawa ka naman. And I thank you!" Pagpakilala niya. Mas nagkaroon ako ng interes dahil ang magpapakilala ay 'yung babaeng kanina pang kausap ni Prince Casper, pagkatapos magpakilala nung babae, ang inosenteng Del-Valle na ang magpapakilala. "Good morning to my friends, to newbies and to my fellow students--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang sigawan ni Jio. "Hoy, gaga! Pagpapakilala tayo hindi speech sa SONA. Chusera! Ang daming good morning! Ayaw nalang sabihing everybody para tapos!" Sigaw ni Jio sa babae. "Hoy! Manahimik ka nga, Jio, kung ayaw mong bigwasan kita!" Sigaw nitong babae kay Jio. Pero, dinilaan lang siya ni Jio sabay irap. Hahaha! Astig! "From the top!" Sigaw ni Jio sa kaniya. "Good morning, everybody! I am Sarah Abigail Dela Veja at naniniwala ako sa kasabihang, Jio, 'wag ka nang magtaka kung pangit ka, nasa lahi ninyo 'yan. And I thank you!" Pagpapakilala niya. Medyo natawa rin ako doon. Sayang. Ang ganda ng pangalan mo pero hindi swak sa ugali mo. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jio saka biglang sumigaw kay Sarah. "Punyemas ka, Sarah! Ang bastos ng bunganga mo! Hindi mo na ako ginalang! You don't deserve to be happy! Leche ka!" Sigaw niya sa kaniya saka sabay-sabay kaming natawa. "Ano? Pagtatawanan niyo lang ako?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jio. "Tama na 'yan." Sabi nito ni Prince Casper. Kaya napunta ang atensyon ng lahat kay Prince Casper. Superman! Hahaha! "Ako na ang magpapakilala." Dagdag niya. Umalis na si Sarah sa harapan at bumalik sa kaniyang upuan. Habang papunta siya sa harapan, hinawakan siya sa kamay ni Jio saka nag-salita. "Thank you." Sabi niya saka ngumiti. "Your welcome." Sagot niya sa pagpapasalamat ni Jio. Biglang nagtilian ang mga babae at sinaway naman ito nila Sarah at Jio. Sinenyasan lang siya ni Sarah na magpakilala na. "Good morning everyone!--" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin, nang biglang magtilian ang mga kababaihan. Agad naman silang inutusan nila Jio at Sarah na manahimik. Buti naman at sumunod sila. Sinenyasan siya ulit ni Sarah na magpatuloy sa pagpapakilala. "From the top! Subukan ninyong mag-ingay sasampalin ko kayo isa-isa." Sigaw ni Jio sa kanila. "Good morning everyone, I am Prince Casper Blancaflor Robles Laurent-Del Valle. And I believe that, efforts are always better than promises. Thank you!" Pagpapakilala niya. "Woohhh!" Tili ng mga kababaihan at maging si Jio. Natapos ang pagpapakilala niya at ng iba pang mga students hanggang sa ako na ang susunod na magpapakilala. "Good morning, guys. I am Nathan Vincent Gutierrez-Grison. And I believe that, to seek greatness is the only righteous vengeance. Thank you." Pagpapakilala ko. Natapos ang pagpapakilala at dumating na rin si Ma'am Sherina at saka sinabing gawin na namin ang mga gusto naming gawin dahil bukas, simula na ng eskwelahan. 2:00PM Niyaya siya nila Jio at Sarah sa Track and Field para doon tumambay. Sumunod lang ako sa kanila at pinapanatili kong malayo ako sa kanila pero rinig ko dapat ang kanilang pinag-uusapan. Nang makahanap sila ng upuan, biglang nagsalita si Jio. Isang table lang ang pagitan namin. Katabi ko sila. Kunyari nagse-cellphone ako pero nakikinig ako sa kanila sabay ng aking pagre-record sa kanilang pinag-uusapan. "Ano nga ulit pangalan mo? Ang haba kasi. Ewan ko kung tama ba ang mga narinig ko." Tanong ni Jio kay Prince Casper. "My name is Prince Casper Blancaflor Robles Laurent-Del Valle. Four names kasi ang ibinigay sa akin ng family ko. Si Mommy, she called me Prince. While my Lolo called me, Casper. And, Daddy called me Blancaflor. And Lola called me Robles. Then, Laurent middle name. Del Valle, surname. That's it. Hahaha! Ang haba 'di ba?" Mahaba niyang sagot kay Jio. "Kaloka! Buti hindi ka nahihirapan magsulat ng name mo sa Intermediate Pad. What if, may pa quiz ta's nagsusulat ka pa lang ng pangalan mo ta's kami, number 5 na?" Tanong sa kaniya ni Jio. "Pag-quiz and exams, Prince Casper Del Valle lang ang pinapalagay nila sa akin kasi nga masiyadong mahaba." Sagot niya kay Jio. "Taga saan ka, Prince?" Tanong sa kaniya ulit ni Jio. Sige lang, Jio. Magtanong ka pa. Dagdag impormasyon 'yan. "Taga Alabang." Sagot ko. Taga Alabang. Nagpaulit-ulit 'yung salita na 'yun sa aking pandinig. Dahil, hindi ako makapaniwalang nasa Alabang sila naka-tira. Ang huli naming nakalap na impormasyon ay sa Makati sila naka-tira. Nakumpirma namin na doon nga sila naka-tira dahil binantayan namin sila. Paano kung palabas lang nila ang pag-tira sa Makati? Hindi kaya alam nila na minamatyagan namin sila? Lintek kayo mga Del Valle! Lalo niyo lang pinapagulo ang aming isipan! "Naks naman! Big time!" Sabi niya ni Jio. Ngayong nasa Alabang kayo, ang hahanapin nalang namin ay kung saan kayo mismo naka-tira. What if, pagsisinungaling niya lang na nasa Alabang sila naka-tira? Putangina! Ang gulo! Nagkwentuhan lang silang tatlo pero lamang pa rin si Jio ng mga katanungan. Nagpatuloy pa rin ako sa pakikinig sa kanila. T'wing magtatanong si Jio, nakikinig lang si Sarah na akala mo walang paki-alam sa paligid. 2:45PM 45 minutes sila nagtanungan sa isa't isa at nagkwentuhan. Nang mapansin kong medyo madilim na, iniwanan ko na sila at saka tumakbo palabas ng Track and Field. Habang tumatakbo ako, naisip ko na kung paano ko siya sasaktan na i-isipin niya lang na aksidente. Kapag bumuhos ang ulan, tatakbo sila papunta dito dahil wala namang bubong o kahit ano na pwedeng pag-silungan sa Track and Field. Kaya naisip ko, kapag pumasok sila dito, doon ako sasandal sa may bandang locker at saka i-wawagayway ang aking paa upang maging dahilan para siya ay bumagsak sa sahig. Nice. Nice idea, Nate. Saktong-sakto, pagka-pasok ko, biglang bumuhos ang sobrang lakas na ulan. Nakita ko silang tatlo na tinatakbo ang pintuan palabas sa Track and Field. Medyo malayo ang gate palabas ng Track and Field kasi nasa gitna kaming banda kanina. Medyo basa na sila ng maka-pasok sa loob ng school. Pumwesto na ako sa may bandang locker at medyo basa na rin ang sahig dahil sa mga estudyanteng nagsipag-pasukan para sumilong. Nakita kong naglalakad na sila papunta sa gawi ko kaya sinimulan ko na ang pag-wawagayway sa aking paa. Pagkatapos ng ilan niyang paglalakad. Boom! Bigla siyang natumba. Hahaha! Hindi ko pina-halata na natatawa ako, kaya medyo umiwas ako ng tingin sa kanila. Hahaha! Inosenteng Del Valle nag-dive sa sahig na walang masiyadong tubig. Hahahaha! Nasisiguro ko na masakit ang kaniyang katawan dahil sa malakas na pag-bagsak. Sabay na napalingon sa kaniya sila Jio at Sarah. Kitang-kita sa mukha nila ang pagka-gulat. Tinulungan nila siyang tumayo. Pagkatapos nila siyang i-tayo, biglang nag-iba ang itsura ni Sarah at napalitan ng galit. Nawala bigla ang matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Sino ang pumatid dito?!" Sigaw niya sa lahat habang nakaturo ang hintuturo niya kay Prince Casper. "Sino ang pumatid sa'yo?" Mahinahon niyang tanong sa kaniya. "Hindi ko alam. Bigla nalang akong natumba jan. Nasisiguro kong may pumatid sa akin. Kasi, kung madudulas ako, napa-upo dapat ako hindi 'yung naka-dapa ako. Parang nag-dive tuloy ako sa swimming pool na hindi puno ang tubig." Mahabang sabi ni Prince Casper sa kaniya. "Lagot kayo sa akin kapag nalaman ko kung sino ang pumatid dito!" Sigaw niya. "Tara na Sarah. Pabayaan nalang natin. Sa tingin ko, hindi naman na niya u-ulitin 'yon, kung sino man siya." Sabi ni Prince Casper sa kaniya. Jan ka nagkakamali. Kung iniisip mong hindi ko na u-ulitin 'yun, pwes! Jan ka nagkakamali. Hahaha! "Sige. Kung 'yan ang gusto mong mangyari." Sagot niya sa kaniya. Pagkatapos ng nangyari, dumiretso na siya sa comfort room saka nag-palit ng T-shirt. Pagkalipas ng ilang minuto, nandito na ang sundo niya. Nagpaalam na siya kanila Sarah at Jio na bukas nalang sila mag-kita. Kasabay ng pag-sara niya ng pintuan ng van saka naman ang pag-dating ng mga sundo nila. Bago ipaandar ang kotse, tinitigan kong mabuti ang plate number para alam naming sa mga Del Valle ang van na 'yon. NAR 4016. Matapos kong makita ang plate number ng van nila, dumating na rin ang sundo ko. Pagka-sarado ko ng pintuan ng kotse, may naalala lang ako. ~Flashback~ "Mga putangina talaga 'yang mga pesteng Del Valle na 'yan! Mga leche sila!" Sigaw ni Papa. "Anong nangyari?" Tanong ni Mama. "Ang mga pesteng Del Valle, binili na naman ang lupain natin! Hindi pa ba siya kuntento sa mga lupa na binili niya?! Maging ang aking paboritong lupa, binili niya rin. Tapos, nagpatayo pa ng ospital sa tabi ng ospital natin. Anong gustong palabasin ni Chairman Del Valle? Na siya ang malakas?! Anong mangyayari sa ospital natin, magkakaroon pa ng kakumpitensiya?! Peste! Peste talaga!" Mahabang sabi ni Papa habang naka-sigaw. "Anong gagawin mo ngayon, Papa?" Tanong ko kay Papa. "Hindi ko pa alam. Kung pwede lang ratratin silang lahat baka ginawa ko na. Pero, hindi pwede. Kasi, marami tayong makakalaban. Lesteng pamilya!" Sagot sa akin ni Papa. Huminga ng malalim si Papa habang pilit siyang pinapakalma ni Mama. Salamat naman at kumalma siya. Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming tatlo, nagulat kaming tatlo na may magkasunod na katok ang kumatok sa pintuan. "Pasok." Pilit na tinatago ni Papa ang pagkakaba. "Good afternoon, Sir." Bati ni Miguel sa kaniya. "Ano 'yon, Miguel?" Tanong ni Papa kay Miguel. "Sir, nabalitaan po namin na binili ni Chairman Del Valle ang lupain ninyo ulit. Ano po ang gagawin natin? May plano na po ba kayo?" Tanong ni Miguel sa kaniya. "Hindi ko pa alam. Sapagkat, kapag ginalaw natin sila dito sa France, tayo ang lalabas na talunan sa huli. Imbes na isa lang ang kalaban natin, baka dumami pa sila. Kaya, maghintay nalang tayo ng tamang tyempo. Alam kong darating rin tayo sa oras na 'yon. Sa ngayon, magpatuloy lang kayo sa pagi-imbestiga at pagsunod sa kanila. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Chairman Del Valle. Hindi rin natin alam kung ano ang susunod niyang plano. Base sa pagkakakilala ko sa kanilang lahat, lahat sila may angking talento. Kaya mahihirapan tayong kalabanin sila kung pai-iralin ko ang aking galit." Mahabang sagot ni Papa kay Miguel. Tumango lang si Miguel sa sinabi ni Papa ng may biglang kumatok na naman sa pintuan. "Pasok." Utos ni Papa. "Sir, good afternoon." Bati ni Blake kay Papa. "Ano 'yun, Blake?" Tanong ni Papa kay Blake. "Sir, may nakuha akong impormasyon. Planong mag-sagawa ni Director Knox Del Valle ng Medical Mission sa Pilipinas. I-sasama ang mag-asawang Del Valle pati na rin si Prince Casper." Sabi ni Blake kay Papa. Napa-ngiti si Papa sa i-binalita ni Blake. "Kung ganon, i-sasama nila ang inosenteng Del Valle." Mahinahon na sabi ni Papa. "Sir, inosenteng Del Valle?" Tanong ni Blake kay Papa. "Oo, ang tinutukoy kong inosente ay si Prince Casper. Dahil, wala siyang alam sa pagitan ng pamilya niya at sa pamilya ko." Sagot ni Papa kay Blake. "Pa, ngayong alam mo na u-uwi ng Pilipinas ang mag-asawang Del Valle kasama si Prince Casper, ano ang plano mo?" Tanong ko kay Papa. "Doon na natin sisimulan ang paghihiganti. Bago 'yan, gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga nalalaman ko sa mga Del Valle." Sabi ni Papa. Kumuha ng litrato si Papa at saka pinakita sa aming apat. "Ito si Luis Fernando Montenegro-Del Valle o mas kilala bilang Chairman Del Valle. Siya ang great-grandfather nila Prince Casper at Athara Nicole. Siya ang pinaka-matalino sa angkan ng mga Del Valle. Ngunit, wala akong balita sa kaniyang asawa. Hindi niya sinasabing patay na ito o buhay pa. Gayunpaman, wala na akong paki-alam doon." Pagpapaliwanag sa amin ni Papa. Kumuha ulit ng litrato si Papa at pinakita ito ulit sa amin. "Ito naman si James Knox Montesa-Del Valle o mas kilala bilang Director Knox. Siya naman ang grandfather nila Prince Casper at Athara Nicole. Siya ang pinaka-magaling gumamit ng mga espada. Ganun rin sa tatay niya, hindi ko na alam kung buhay pa o patay na ang asawa niya." Pagpapaliwanag niya ulit sa amin. "Ito. Siya si Maria Luisa Hernandez-Alfonso o mas kilala bilang Agent Queen. Siya naman ang grandmother nila Prince Casper at Athara Nicole. Dahil siya binansagang Agent Queen, dahil siya ang pinaka-magaling sa pag-spy at queen siya ng pamilya Hernandez-Alfonso-Del Valle. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ko na alam kung buhay pa ba siya o patay na." Paliwanag ni Papa sa amin. "Ito naman si Diana Olivia Margarette Castañeda-Laurent o mas kilala bilang Monarch. Siya ang nanay nila Prince Casper at Athara Nicole. Binansagan siyang Monarch dahil siya lang naman ang nagi-isang babae sa pamilya ng Laurent. Ang pamilya Laurent ang pangalawa sa pinaka-mayamang pamilya sa buong mundo. Una ang mga Del Valle sunod ang mga Laurent. Siya ang pinaka-magaling sa paggamit ng mga baril. Kahit anong klaseng baril, basta't mahawakan niya lang, kahit lasing pa siya, asintado siya. Bigyan mo 'yan ng mga hard drinks, ikaw patay na pero siya hilo-hilo pa lang. Pero, once na maka-hawak 'yan ng baril. Kahit gaano pa karami ang na-inom niyang hard drink, asintado pa rin siya. Ewan ko kung paano niya nagawa 'yun." Mahabang paliwanag ni Papa sa amin. Maging ako ay humanga sa kakayahan ng nanay ni Prince Casper. Kumuha ulit ng mga litrato si Papa at pinakita sa amin. Nagtataka ako kung bakit may litrato siya ng mga Del Valle at base sa pananalita niya ay mukhang kilalang-kilala niya ang mga ito. Malakas ang pakiramdam ko na may hindi pa siya sinasabi sa amin. "Siya si Foster Andres Alfonso-Del Valle o mas kilala bilang si Agent Brave. Siya ang father nila Prince Casper at Athara Nicole. Binansagan naman siyang Agent Brave sapagkat, mababa ang kaniyang pain tolerance. Sa katunayan, isang beses ko pa lang siya nakitang nakikipaglaban at doon ako humanga ng matindi sa kaniya dahil ang mga kalaban na ang sumusuko sa kaniya. Hindi rin maikakaila na maganda ang kaniyang mukha at pangangatawan kaya maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya." Paliwanag ni Papa sa amin. Kumuha siya ulit ng litrato at saka pinakita sa amin. Sobrang ganda nung babae. Para siyang reyna. Sa tingin ko, mas matanda siya kaysa sa akin. "Maganda siya, 'di ba?" Tanong ni Papa sa aming apat. "Sobrang ganda." Sabay-sabay na sagot naming apat kay Papa. "Siya si Athara Nicole Laurent-Del Valle. Siya ang ate ni Prince Casper. Hindi maikakaila na nakakabaliw ang sobrang kagandahan niya. Pero, kung gaano kaganda ang kaniyang mukha't katawan, siya ring ganda ng mga kilos niya. Kung ihahalintulad siya sa isang Marvel Character, ang character niya kapag nakikipaglaban ay si Black Widow. Magaling na, mabilis pa. Para siyang kidlat kung gumalaw. Kaya, mag-ingat kayo sa kaniya." Paliwanag ulit ni Papa sa amin. "Last but not the least, Prince Casper Blancaflor Robles Laurent-Del Valle. Siya ang may pinaka-mahabang pangalan sa pamilya Del Valle. Mukhang wala naman kakayahan ang batang 'to. Gaya nga ng sabi ko sa inyo kanina, hindi niya alam ang mga nangyayari sa pagitan ng pamilya niya at sa atin. However, hindi ko maikakaila ang ka-gwapuhan niya. Nakuha niya lahat ng mukha ng mga Del Valle. Nakuha niya ang mukha ni President, Chairman, Director at ni Foster. Likas na guwapo, makarismatiko, at makamandag ang hitsura't tindig. Kaya lang wala namang alam sa pakikipaglaban." Mahabang paliwanag ni Papa. "Kaya na-isip ko na siya ang gagamitin para sa ating paghihiganti. Maliban sa wala siyang ka-muwang-muwang, mahina at higit sa lahat napaka-walang kuwenta niya! Basura lang siya! Hahaha!" Dagdag pa ni Papa. "So, anong plano po ninyo ngayon, Sir?" Tanong ni Blake kay Papa. "Sa ngayon, susundan na natin sila. Kailangan nating malaman kung saan sila titira sa Pilipinas. Alam kong hindi papayag si President Del Valle na huminto sa pag-aaral si Prince Casper. Kaya, kailangan rin nating malaman kung saang school siya mag-aaral. Kapag nalaman natin kung saan siya mag-aaral, doon ka na rin mag-aaral, Nate. Magkasing edad lang naman kayo ni Prince Casper kaya, mataas ang tyansa na maging magkaklase kayong dalawa. Kapag nangyari 'yun, gusto kong saktan mo siya." Mahabang sabi ni Papa. "Hindi kaya, Pa, ma-expulsion ako diyan?" Tanong ko kay Papa. "Hindi mo naman siya sasaktan as a bully. Sasaktan mo siya sa paraang i-isipin niya na aksidente lang ang lahat. Kapag sa tingin mo medyo nasaktan mo na siya na hindi niya ikaw nahahalata, doon ka ngayon makikipag-kaibigan. I know it sounds crazy pero anong masama sa mag-try, 'di ba? Gusto kong kunin mo lahat ang alam niyang impormasyon at kapag nangyari 'yun, mapapadali na ang pagpapabagsak natin sa mga letseng 'yun." Sagot sa akin ni Papa. "Oh siya, 'yun muna. Nate, Blake and Miguel, pwede pa magbago ang plano, pero sa sinabi ko about sa mga Del Valle, 'yun ang hindi magbabago." Sabi sa amin ni Papa. Tinanguan lang siya nila Blake at Miguel at saka sumenyas na a-alis na. Pagkatapos nilang dalawa umalis, biglang nagsalita 'tong si Mama. "Anong gusto mong meryenda?" Tanong ni Mama kay Papa. "Ikaw, kung ano ang gusto mo." Sagot ni Papa kay Mama. "Sige. Tara, Nate, samahan mo ako." Sabi sa akin ni Mommy at saka tumango lamang ako at kumaway na kami kay Papa at saka lumabas ng kaniyang silid. ~End Of Flashback~ Hindi ko na natapos ang aking ini-isip ng may tumawag sa akin. "Sir! Sir, nandito na po tayo." Tawag sa akin nung Driver. "Sige, salamat!" Sagot ko sa kanila at naglakad na patungo sa pintuan. Kumatok ako ng ilang beses at ang bumungad sa akin ay si Mama. "Good evening, Anak! How's school?" Bati at tanong ni Mommy sa akin. "Okay naman po." Sagot ko sa kaniya. "Sige. Tara na kain na tayo." Yaya niya sa akin. "Sige po, Ma. Magpapalit lang po ako ng aking damit." Sabi ko kay Mama. "Sige." Sagot ni Mama. Tumalikod na si Mama at umakyat na rin ako sa aking kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ko, hinubad ko na ang aking mga saplot sa katawan at kumuha ng isang pirasong t-shirt at short. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at nakita ko sila Papa at Mama kasama sina Blake at Miguel sa lamesa na nagkwe-kwentuhan. "Hi, Pa!" Bati ko kay Papa. "Oh, hi, Nate!" Bati rin sa akin ni Papa. "How's school?" Tanong niya sa akin. "All good po, Pa." Sagot ko sa kaniya. "Kamusta siya? Nagawa mo ba?" Tanong niya pa-tungkol kay Prince Casper. "Okay naman siya. Yes po." Sagot ko sa kaniya. "Wow! That's good. Can you tell me kung ano ang ginawa mo?" Tanong niya ulit sa akin. "Hahaha! Very interested, huh?" Sabi ko sa kaniya. "Well, I'm very interested. Spill it. Anong nangyari? Tell me simula sa umpisa." Sabi sa akin ni Papa. P R I N C E O F L A U R E N T S
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD