Chapter 4 (B)

907 Words
"So, nung nandoon na ako sa school, medyo malayo pala ang gate mismo ng paaralan. Kailangan ko pang tumakbo para lang maunahan ko si Prince Casper. Nagtagumay naman ako. Ako ang nauna kaysa sa kaniya. Matapos ng ilang minuto kong paghihintay, dumating na siya. Hindi halata sa itsura niya na pagod siya pero ramdam kong hiningal siya, maging ako ay hiningal rin. Sabay biglang nagsalita ang announcer na pumunta sa may billboard upang tignan namin ang aming section at room. Matapos magsalita nung announcer, naka-tingin lang siya sa may billboard at hindi lumalapit. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi siya lumalapit doon. Tapos, may biglang nagsalita sa tabi niya, siya si Sarah Abigail Dela Veja. Laging galit ang kaniyang tono ng pananalita. Pagkatapos siyang singhalan ni Sarah, pumunta na siya doon sa may billboard. Sumunod na ako sa kaniya upang tignan ko na rin kung anong section ko. At kapag sinuswerte ka nga naman, magka-klase pa kami. By the way, ang section namin ay Sapphire. Then, sinigawan na naman siya ni Sarah, kasi, lagi siyang naka-tanga. Halata tuloy na inosente siya, sobrang inosente. Nang makarating kami sa aming room, nauna na ako pumasok. Naupo ako sa fourth row, ta's silang dalawa sa third row kasi pagpasok nila, wala nang bakating upuan. Hahaha! Kaya for sure, no choice siyang makatabi si Sarah. Dumating na ang aming adviser, siya ay si Sherina Aldama. Inutusan niya kaming lahat na magpakilala simula sa first row hanggang sa fourth row. Matapos ang aming pagpapakilala, sinabi niya sa amin na gawin na namin ang mga gusto naming gawin dahil bukas simula na ng pag-aaral. 2:00pm, niyaya siya nila Jio at Sarah sa Track and Field upang doon magkuwentuhan. 45 minutes silang nagkwentuhan at iniwanan ko na sila ng mapansin kong malapit ng umulan. Tumakbo ako palabas ng gate sa Track and Field kasi medyo malayo rin ang labasan sapagkat nasa gitna kaming banda. Nung makapasok ako sa school, biglang bumuhos ang napaka-lakas na ulan. Nakita ko silang tumatakbo papunta sa gawi ko upang sumilong rin. Doon ko na-isip kung paano ko masasaktan si Prince Casper. Nang maka-pasok na sila, biglang huminto si Prince Casper. Tinanong siya ni Sarah kung okay lang ba siya, tumango lang siya at sinenyasan sila ni Sarah na sumunod. Habang naglalakad siya, winasiwas ko ang aking paa upang maging dahilan para siya ay matumba. Hahaha! Kung makita mo lang talaga siya, Papa, nag-dive siya sa swimming pool na hindi pa puno ang tubig at nakaka-siguro rin ako na masakit ang kaniyang katawan. Hindi naman niya alam kung sino ang pumatid sa kaniya, kaya, safe pa rin ako. Hahahaha! Pagkatapos nun, pumunta siya sa CR at nagpalit ng kaniyang damit at pagkatapos hinintay niya ang kaniyang sundo. Nung hinatid siya kaninang umaga, hindi ko alam kung ano ang ginamit na sasakyan dahil nagmamadali ako na mauna kaysa sa kaniya. Van ang sundo niya nung pa-uwi na siya. Ang plate number ay NAR 4016. 'Yun ang nangyari ngayon araw, Papa." Sobrang haba kong kwento kay Papa. "Nice! Ang galing mo na, Nate. Tama na muna ang naramdaman niyang sakit sa kaniyang katawan. Pag-tingin mong hindi na masakit ang katawan niya. Saktan mo siya ulit." Sagot niya sa napaka-haba kong kwento sa kaniya. "Miguel, ngayong alam na natin ang plate number ng van nila, gusto kong manmanan mo sila." Utos ni Papa kay Miguel. "Sige po, Sir." Sagot ni Miguel kay Papa. "Pa, before I forgot, saan nga ulit naka-tira ang mga Del Valle?" Tanong ko kay Papa. "Sa Makati sila ngayon naka-tira, Nate. Bakit mo na-i-tanong?" Sagot at tanong sa akin ni Papa. "Kasi, Pa, nung nasa Track and Field kami panay ang tanong ni Jio kay Prince Casper. Tapos, nag-tanong si Jio kung saan siya naka-tira. Ang sagot niya sa Alabang. So ibig sabihin, hindi sila naka-tira sa Makati, kasi nasa Alabang sila. Tama ba, Pa?" Tanong ko kay Papa. "Ano?! Sa Alabang na sila naka-tira! Lintek talaga 'tong pamilya na 'to! Hindi kaya palabas lang rin nila 'yan?" Tanong sa akin ni Papa. "Nung una, Pa, na-isip ko rin na baka palabas lang nila ang pag-tira sa Makati. What if, kung hindi talaga sila sa Makati at Alabang naka-tira?" Tanong ko kay Papa. "Ang gulo naman ng pamilya na 'yan! Pero, possible rin na mangyari 'yan. Tayo ang pinaglalaruan nila! Letse!" Sagot sa akin ni Papa. "Huminahon ka nga muna." Sabi ni Mama kay Papa. "Kumain muna tayo." Sabi ni Mama sa amin. "Pa, habang kumakain tayo, pakinggan mo 'to. Ni-record ko 'yung pinag-usapan nila." Sabi ko kay Papa. Ngumiti lang siya at sinenyasan kami na magsimula ng kumain. Hanggang sa matapos kami kumain, nakikinig pa rin kami sa recording. Inutusan ako ni Papa na-ipasa ko sa kanila ang recording at ginawa ko 'yon. Matapos kong mapasa sa kaniya ang recording nag-paalam na ako sa kanila na matutulog na ako at maaga pa ako bukas. Tumango lang sila at umakyat na ako. Pagkapasok ko sa kwarto, dumiretso na agad ako sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo, nag-bihis na ako. Humiga muna ako sa aking kama at ngayon ay naka-tingala at iniisip kung ano ang mga susunod na mangyayari. Sa aking pag-iisip sa mga pwedeng sumunod na mangyayari, nakaramdam na ako ng antok pero hindi ko 'yon pinansin hanggang sa hindi ko namalayan na hinala na ako ng antok at naka-tulog na ako. P R I N C E O F L A U R E N T S
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD