"And you, Kara, will be assigned to my team. Follow me," nagsalita ulit si Ma'am Z. Napatango naman ako sa sinabi niya. Nagsimula na kaming maglakad at tinahak ulit ang hallway. Nakasunod lang ako sa kanya. Ilang sandali ang lumipas, may binuksan ding pintuan si Ma'am Z. "Get in," aniya, at suminyas na mauna akong pumasok. Sumunod naman ako. Pagkapasok ko ay kaagad kong naagaw ang atensyon ng mga taong nasa loob. Kaagad akong nakaramdam ng ilang nang pagkatitigan nila ako. Marami pala sila sa isang team. Sa nakikita ko ngayon, nasa anim sila. Tatlong lalaki at tatlo namang babae. "Everyone, may I introduce our new member—Miss Kara Perez." Ngumiti lang ako sa kanila. Binigyan din naman nila ako ng ngiti at tango, iyong walang halong kaplastikan. Genuine silang nakangiti sa'kin. Unan

