This is it! Monday na ngayon at first day na ng work ko! "Magandang buhay!" kaagad kong bati sa kanila pagkababa ko ng hagdan. Hindi matanggal ang ngiti sa aking mga labi, dahil masaya talaga ako ngayon. "Naks, ang aga mo ngayon, Ate, ah!" Banat kaagad sa'kin ni Rea. Napalingon na rin sila Mama, Papa at Claire sa akin. Pakimbot naman akong naglakad palapit sa kanila at tiningnan ang ulam na nasa lamesa. "Syempre, first day, e. Wow, sarap naman ng ulam niyo." "Umupo ka na," ani Mama habang nagpatuloy lamang siya sa pagkain. Iba pa rin ang mood ni Mama hanggang ngayon. Si Claire nga ang gumising sa'kin kanina. Napapansin ko rin ang paglayo niya sa'kin at parang hindi niya kayang salubungin ang aking mga mata. Hinahayaan ko na lang siya. Kinausap ko na si Papa tungkol sa pagbabago

