CHAPTER 7 : Letter

1485 Words
Kaagad kong sinundan si Mama sa kusina. Dumiretso siya sa lababo at kumuha ng baso. Nilapitan ko siya at inalalayan. "Ma, okay lang po ba kayo?" Pinaupo ko siya sa silya. Mabilis kong kinuha ang pitchel sa lamesa at nilagyan ng tubig ang basong hawak niya. Kaagad niya ring ininom ang tubig. "Okay lang si Mama, Anak. Nahilo lang." "Sa pagod po siguro, ma. Pahinga po muna kayo. Ako na po ang bahala rito at sa dalawa." Hinagod ko ang likod niya. Nasobrahan na kasi sa trabaho si Mama. Oras na talaga na ako naman ang magtrabaho para sa kanila. Ngumiti naman si Mama sa'kin at tumango. "Sige, Anak, salamat." Kaagad na siyang tumayo at nagsimulang maglakad. Aalalayan ko sana siya, ngunit itinaas niya naman ang kanyang kanang kamay, pahiwatig na ayaw niyang magpaalalay. "Okie lang ako. Kaya ko. Bantayan mo na lang ang dalawa. Aakyat na muna ako sa kwarto." "Pero, Ma-" Tutol ko sana, kaso kaagad niya ng iniwakli ang aking kamay na hahawak sana sa kanya. "Sige na, gusto ko munang mapag-isa, Anak." Tuluyan ng tumalikod si Mama. Natulala na lamang ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Wala na si Mama sa harapan ko at tuluyan na siyang naka-akyat sa itaas. Nabigla ako sa inasal niya. Pero baka dahil sa pagod lang kaya biglang naging gano'n ang asal niya. Nagtungo ako sa sala. Napatitig ako sa may sala. Nanonood pa rin sila ng cartoon sa t.v. Mabuti naman at hindi sila nagbangayan ngayon. Napasilip naman ako sa watch wrist ko at tiningnan ang oras. Malapit na pa lang mag‐ala sais. "Psst...kayong dalawa, lalabas muna si ate, ha." Inagaw ko ang pansin ng dalawa. Kaagad naman silang napalingon sa'kin. "Saan ka pupunta, Ate?" tanong ni Claire. "Sa tindahan ni Aling Marites, bibili ng coke si Ate." "Wow, Coke! May birthday po ba?" "Hmm... wala. Bibili lang si Ate. Rea, bantayan mo si Claire," bilin ko kay Rea. "Yes, Ma'am!" Sumagot naman siya at sumaludo, ngunit 'di man lang ako tinapunan ng tingin. Tinalikuran ko na sila at mabilis na lumabas ng bahay. Medyo makulimlim na ang paligid. Natanaw ko kaagad ang tindahan ni Aling Marites, na pinapaligiran na naman ng mga kapwa niya marites. Pansin kong naagaw ko ang kanilang atensyon, dahil na sa'kin na ngayon ang kanilang paningin. Ang lakas talaga ng radar ng mga 'to. Nasa may pinto pa nga lang ako, pero naramdaman na kaagad nila ang presensya ko. Napangisi na lamang ako sa aking isipan. Nagsimula na akong maglakad. Nakita ko naman silang na-alarma, kaya kaagad nilang tinigil ang bulungan nila. 'Di na talaga sila nagbabago at araw-araw na lang silang ganito. Nakapagsaing na kaya sila? Mag-aalas sais na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos sa tsismisan nila. Pagkarating ko galing palengke kanina ay nakita kong nakapwesto na si Aling Marisol sa tindahan ni Aling Marites. Tapos ngayon, kompleto na talaga silang magMari. Mga marites. Pero seryoso, mga 'Mari' talaga iyong pangalan nila. Big coincedence nga, e. "Kagandang bata talaga nito," puri nila sa'kin nang medyo nakalapit na ako sa kanila. "Oo nga, mana sa nanay, eh," ani Aling Marissa. Pilit akong ngumiti sa kanilang kaplastikan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalapit na ako sa tindahan ni Aling Marites. "Isang litro po ng Coke, Aling Marites." Hindi ko nilingon ang mga ale dahil wala akong planong makipagplastikan sa kanila. Pinapaligiran lang naman nila ako ngayon. Nasa left side ko si Aling Marissa, na katabi si Aling Maris. Sa right side ko naman ay si Aling Marissol at Aling Marieta, at ang nasa gitna naman ay si Aling Marites, ang kanilang leader, na nasa loob lang ng tindahan niya. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagsuri nila sa buo kong katawan, mula ulo hanggang paa. Napa-ayos na lang ako ng postura habang naghihintay kay Aling Marites. "Hoy, alam mo, may narinig akong ingay kanina sa loob ng bahay nila. Ano kayang nangyari? Anong ganap sa bahay niyo, hija?" Biglang pag-usisa ni Aling Marisol. "Ay, oo nga! Ang lakas ng sigaw mo, hija, e," ani Aling Marissa "Rinig ko rin yon," pagsang-ayon naman ni Aling Maris. "Kwentohan mo naman kami," biglang sabat ni Aling Marieta. "Po?" Kaliwat-kanan akong bumaling sa kanila. "Ah..eh, bingi ka ba, hija?" Nagpanting bigla ang aking tainga sa tinuran ng matandang si Aling Marisol. "Hindi po ako bingi. Ang ibig ko pong sabihin ay ano pong mayro'n? Bakit n'yo po tinatanong?" ani ko. Tinago ko ang inis na nagsisimulang bumalot sa kaluluwa ko. "Ah..eh, baka kase may nangyari... alam mo na. Kunwari, baka na looban kayo tapos walang mababait na kapitbahay na katulad namin ang sisilip sa inyo. Oh, baka ano pang mangyari, walang makasaklolo." "Tama, kaya 'wag mo sanang masamain ang tanong namin." Ay, bilib naman talaga ako. Nililinis niyo pa talaga ang reputasyon niyo, ah. "Ano nga ang nangyari sa loob ng bahay n'yo kanina, hija?" Gusto kong matawa sa kanila kahit naiinis na ako. Hindi ko na lamang sila pinansin. "Kara." Nabaling ulit ang paningin ko nang magsalita si Aling Marites. Inabot niya na sa'kin ang isang litrong coke. Kaagad ko naman itong kinuha at inabot sa kanya ang bayad. "Ano ba 'yan, nag-iinterview pa kami kay Kara, e," reklamo ni Aling Marisol. Narinig ko rin ang pagmamaktol ng tatlong matatanda, dahil wala silang natanggap na kahit anong sagot mula sa'kin. Hindi ko naman kasi sila pinansin. "Salamat po." Kinuha ko ang sukli kay Aling Marites. Tumalikod na ako. Hahakbang na sana ako, nang tawagin naman ulit ako ni Aling Marites. "Ah, hija, sandali." Nabaling ulit ang paningin ko sa kanya. Napansin ko ang paglabas niya ng bahay at kaagad na paglapit sa'kin. Nang tuluyan na siyang makalapit, bumaba naman ang paningin ko sa hawak niyang sobre. Ano naman kaya ang laman niyan? "Kanina pala, wala ang Mama mo diyan sa bahay niyo. May lalaking nagpunta riyan sa inyo at hinahanap ang Mama mo, kaso nga wala ang Mama mo, kaya nilapitan ko ang lalaki at may inabot siyang sobre sa akin. At dahil mabait ako, sinabi kong ako na lang ang magbibigay nito sa Mama mo," mahabang saad ni Aling Marites. "Ano pong laman ng sobre?" tanong ko, habang ang mga mata ay nakatingin sa hawak niyang sobre. "Ay, hindi ko alam. Bubuksan ko na ba?" Sisimulan na sana niyang buksan ang sobre, ngunit kaagad ko naman itong inagaw sa kanya. "Akin na po. Maraming salamat, Aling Marites." Kaagad na akong umalis at naglakad ng mabilis. "Kung gusto mo, ako na lang ang magbabasa, hija!" habol na sigaw ni Aling Marites. Hindi na ako lumingon pa at mabilis akong naglakad hanggang sa dumating ako sa bahay. Kaagad akong pumasok sa loob. Madali kong isinara ang pinto at napasandal ako rito. Para akong hinabol ng kabayo! Naagaw ko naman ang atensyon ng dalawa kong kapatid, dahil ngayon ay nakatitig na sila sa akin. "Ate?" tanong ni Rea. "Ha? Bakit?" "Ba't ang tagal mo sa labas?" kunot-noo niyang tanong. "Ah, si Aling Marites kasi." Nagsimula na akong lumapit sa kanila. "Ano pong meron kay Aling Marites?" "May inabot siyang sobre. Ito, oh. Paki-lagay naman itong coke sa lamesa," utos ko kay Rea na kaagad niyang sinunod. Napatingin ulit ako sa sobre na hawak ko. Sealed pa naman siya. Buti naman at hindi pinakialaman. Nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Pagkarating ko ay kaagad akong kumatok sa pinto ng silid nila Mama. "Ma, may sobre pong dumating." Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at kaagad na inagaw ni Mama sa'kin ang sobreng hawak ko. "Kailan ito dumating? Pinakialaman mo ba ang laman nito!?" natataranta niyang tanong. "Po? Hindi po. Sa katunayan, inabot lang po sa'kin 'yan ni Aling Marites. Sabi daw po kasi, may lalaking pumunta rito kaso wala naman kayo, kaya kinuha niya." "Pinakialaman niya ba 'to?" Kumalma na si Mama habang nananatiling nakatitig sa sobreng hawak niya. "Hindi po, kasi sealed pa po siya." Nagbuntong-hininga siya. "Ewanan mo muna ako." "Hmm.. Sige, ma." Umalis na ako. Parang iba talaga ang mood ni Mama ngayon. THIRD POV Tulala si Maria habang nakatitig sa sobreng hawak ngayon ng kamay niya. Kinakabahan siya at hindi niya alam ang gagawin kong bubuksan ba ang sobre o hindi. Pero sa huli, nagdesisyon siyang buksan ito. "Ang kasunduan ay kasunduan. Tinupad ko ang mga kahilingan mo, tuparin mo rin ang hiling ko. Mananatiling lihim ang nakaraan." Makahulugan ang minsahe ng liham. Kaagad niya itong pinunit at itinapon sa basurahan. Napatakip siya ng bibig at hindi malaman ang gagawin. Lumuluha ang kanyang mga mata sa matinding takot dahil alam niyang may darating na trahedya sa kanyang pamilya, lalo na ngayong hindi pa siya sigurado kung aling pamilyang Smith ang magiging amo ng kanyang anak. Handa siya sa anumang parusa ang darating sa kanya dahil walang lihim ang hindi nabubunyag. Ngunit gagawin niya rin ang lahat 'wag lang mapahamak o mawala sa kanya ang kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD