NASH
"Woy, Nash, saan ka pupunta?!"
"Sinong hinahabol no'n?"
"May hinahabol na babae, boy!"
Pagkarating ko rito sa second floor ay hindi ko na siya naabutan. Ang bilis naman nakatakbo no'n? at bakit siya tumakbo?!
Ramdam ko ang pagsunod ng mga kaibigan ko, at ramdam kong nasa likuran ko na sila.
"What the hell, bro? Ano 'yon?"
"Ang isang Nash Smith na ngayon ang humahabol sa babae? Akala ko ba, babae lang ang humahabol sa'yo?"
Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi ng mga fuckboy kong kaibigan. Sila lang naman talaga itong babaero. Lapitin ako ng mga babae pero mabait ako, no. Hanggang hawak lang ako, wala pang experience. Hehe! Come on, lalaki pa rin ako.
"Tsk, ang ingay niyo kasi. Nawala tuloy."
Palinga-linga pa rin ako sa paligid. Nakatago kaagad siya?
Tiningnan ko ang gawi kung saan kanina ay may naka-usap siyang lalaki. Wala na rin naman doon ang lalaki. Kung bakit ba kasi, kinausap pa niya 'yon. Hindi niya ba alam na nagseselos ako? Tsk.
Tinanaw ko ulit ang mga hallway kung saan pwede siyang makadaan. Pero wala na talaga siya.
"Men, sino ba kase 'yon?" tanong ni Rowan.
"Kita niyo naman 'di ba? Babae 'yon, magandang babae," nakangisi kong sagot.
"Bagong babae niya yata 'yon." Nagbulungan pa ang dalawa. Kaagad naman silang nagtawanan.
"Talaga? Ba't hindi namin alam? Naglilihim ka na pala sa'min, men?! 'Di ba may ibang babae ka namang gusto?"
"Shut up! Mga walang alam! Gumagawa pa ng kwento. Tsk! Bakit ko naman ipapaalam sa inyo? Sa'kin lang 'yon, hoy!"
Humalakhak naman sila ng malakas at nagsisikohan pa ang mga mokong.
"Joke lang nila 'yon, men. Gusto lang naman naming makilala ang babaeng kinababaliwan ng kaibigan namin," sagot ni Yatt habang may ngiti sa labi.
Sa aming apat, si Yatt lang yata ang pangalawa sa matino. Syempre, ako ang pinakamabait. Pero 'yong dalawa? Madami na silang na dungisan.
"Paano niyo makikilala, tinakbohan nga ako!" inis kong sagot sa kanila.
"Hayaan muna 'yon, hanap na lang tayo nang iba, iyong tatakbo para sa 'yo," nakangising saad ni Mike sabay akbay sa balikat ko.
Hinila na nila ako paalis dahil pinapaligiran naman ulit kami ng mga kababaehan. Kaagad din naman silang hinarangan ng mga security guard.
Kaya nagpapa-utos na lang kami sa mga katulong dahil parang wala na kaming lugar sa labas. Hanggang bar na lang talaga kami.
Hindi naman kami mga artista pero pinagkakagulohan nila kami. Ang hirap nga naman maging gwapo. Hayss.
Dumiretso na kami sa parking lot, sa underground nitong mall para sandaling makatakas sa itaas.
Nawalan na naman ako nang gana, pero nabigyan ulit ng pag-asa. Nagkita ulit kami....Ibig sabihin, magkikita at magkikita ulit kami. Hindi na ako makapaghintay!
KARA
Habol-hininga ako ngayon sa loob ng C.R. Sobrang bilis nang t***k ng puso ko, hindi lang dahil sa bilis ng pagtakbo ko, kun'di dahil sa lalaking 'yon.
Kung hindi na lang sana siya tumakbo, eh. Natakot ako bigla dahil sa ginawa niya. Nakakainis talaga. Parang may kasalanan tuloy ako.
Hays. Ayaw ko na siyang makita pa ulit kung ganito ang epekto niya sa'kin. Isa siyang tukso!
Bago ako nadesisyon na lumabas, huminga naman muna ako ng malalim. Sana, wala na siya doon.
Pagkalabas ko ng cubicle ay kaagad kong nakita ang aking sarili sa salamin. Namula-mula ang aking pisngi at pinagpapawisan ako ng husto sa buong mukha.
Itinaas ko ang aking damit at 'yon ang ginamit kong pangpunas ng mukha. Wala kasi akong dalang face towel. Maghilamos na lang din ako.
Dahan-dahan na akong naglakad pagkalabas ko ng comfort room. Hindi ako mapakali at palinga-linga akong tumitingin sa paligid, dahil baka nandoon pa sila at hindi pa umaalis.
Hindi na sana ako babalik kung saan nangyari ang eksena kanina, kaso do'n lang ang malapit na exit. At kung pupunta pa ako sa ibang daan ay mapapalayo na ako.
Nang matanaw ko na ang hallway, napansin kong wala nang masyadong tao. Hays, mabuti naman at wala na sila.
Binilisan ko na ang paglalakad papuntang first floor. Muntik ko pang makalimutang bumili ng pasalubong para sa dalawa kong kapatid.
Lintik talaga 'yong lalaking 'yon.
Binili ko na kaagad ang pakay ko at nagmamadali nang umuwi.
***
Pagkauwi ko ay sakto namang nasa bahay na ang dalawa kong kapatid.
"Ma," bati ko kay Mama na kalalabas lang ng kusina. "Mano po." Kinuha ko ang kamay niya at nagmano.
"Ate!"
Kaagad namang lumapit sa'kin si Claire at yumakap. Nakasunod naman sa kanya si Rea at nag-flying kiss lang sa'kin.
"Bakit ang tagal mo, anak? May pinuntahan ka pa bang iba?" tanong sa'kin ni Mama.
"Ah, opo, Ma. Pumunta ako ng mall, iyong malapit sa palengke. Bumili kasi ako ng notebook, at nagpalamig din ako roon."
Bumaling ako sa dalawa at inabot sa kanila ang aking dalang pasalubong.
"Oh, may pasalubong ako sa inyo."
"Wow! Sarap naman nito, ate!" natutuwang sabi ni Claire habang sinisipat ang loob ng supot.
Inilabas niya rin doon ang mga sweets na binili ko kanina sa mall.
"Mas masarap 'yong bumili," saad naman ni Rea nang makalapit sabay kuha ng chocolate.
Kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata dahil sa kanyang sinabi. Saan naman kaya niya iyan napulot na salita?
"Hoy, ang bata-bata mo pa!" saway naman ni Mama kay Rea.
"Saang lupalot ka naman natuto niyan?" tanong ko sa magaling kong kapatid.
"Mga naririnig ko lang po." Sinubo niya na kaagad ang chocolate sa kanyang bibig at mabilis na tumalikod at umupo sa kawayan namin na upuan. Sumunod din sa kanya si Claire at magkatabi na silang nanonood ng TV.
Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan sila. Minsan ay hindi sila nagkakasundo, pero may mga oras din talaga na sweet sila sa isa't isa. Kay gandang pagmasdan.
"Hay, naku, ibang-iba na talaga ang mga bata ngayon."
Nabaling ang atensyon ko kay Mama nang magsalita siya. Tinalikuran niya na kami at pumasok sa kusina, dala-dala iyong mga binili ko kanina.
Nakangiti naman akong sumunod sa kanya.
Nakita ko siyang nagtungo sa lababo. Inilabas niya ang isda sa supot at sinimulan niya na itong linisan.
"Ano pong lulutuin niyo, Ma?" Paglalambing ko sa kanya.
"Ano bang gusto mong gawin natin dito sa malaking isda?" sagot naman ni Mama habang nagpapatuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
"Hmm...gusto ko po eskabetche!" natutuwa kong sagot sa kanya. Favorite ko talaga ang isda. Nakakaganang kumain, lalo na kapag may sawsawan.
"Oh, hala, sige. Basta kung anuman ang request ng panganay ko ay lulutuin ni Mama!"
Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa sagot ni Mama.
"Thank you, ma!" 'Di ko naman mapigilang yakapin si Mama sa likod at halikan siya sa pisngi.
The best Mama talaga! At saksi ako sa kabaitan nito, silang dalawa ni Papa. Napakabait na mga tao.
Bumitaw na ako sa pagyakap kay Mama, at bumaling sa mga sangkap.
"Ano pong pwede kong gawin, ma?" tanong ko kay Mama.
"Hiwain mo na lang muna itong carrots, at iyang red pepper. At saka iyong bawang at luya na rin."
"Sige po." Kaagad akong kumilos at kinuha ang isa pa naming kutsilyo sa lababo.
"Maghugas muna ng kamay, ha," habol na sabi ni Mama na kaagad ko namang sinunod.
"Opo, ma."
Mabilis ko nang hiniwa ang mga sangkap. Inuna ko ang carrots at ni-slice ko ito ng stick. Sinunod ko na rin ang iba pang mga sangkap, hanggang sa matapos kong hiwain ito lahat.
Nagpasya naman akong umakyat muna sa itaas para makapagpalit na rin ng damit.
"Ma, akyat na muna ako."
"Sige, Nak."
Kaagad na akong tumalikod at umakyat sa hagdan. Pagkarating ko sa itaas, makikita rito ang kwarto nila Mama at Papa na malapit lang sa hagdanan. Katabi naman nito ang kwarto ng dalawa kong kapatid, at sa akin naman ang pinakadulo na kwarto.
Kaagad na akong pumasok sa kwarto ko. Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa na katabi nitong kama. Mabilis kong hinubad ang mga damit ko at nagtungo sa closet.
Naghanap ako ng oversize white t-shirt at short para presko sa pakiramdam. Mas comfy kasi talaga ang oversize na t-shirt.
Nabigla naman ako at napalingon sa phone ko na ngayon ay nagri-ring. Napatitig ako roon at sandaling natulala.
Ito na ba ang tawag na hinihintay ko?
Patakbo akong lumapit sa lamesa at kaagad na dinampot ang phone. Kaagad kong sinagot ang tawag.
"H-Hello?"
"Is this Kara Perez who applied to our company last two weeks ago?"
"Yes po, ma'am, Si Kara Perez nga po."
Shocks, ito na nga!
"Congrats! You're hired, Miss. Perez. Mr. Smith was very impressed by your background, and wants you to work in his company. Your skills is indeed needed in our company. We also need a very trushworthy person in the company."
"Talaga po?!" Napatakip naman ako ng aking bibig. Hindi ako makapaniwala!
"Yes. Your training will start on monday. See you soon, Miss Perez."
"Okay po. Thank you so much!"
Kaagad ko nang pinatay ang linya.
Nag-uumapaw ang saya ko at hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko!
Nilingon ko ang damit na hinubad ko kanina. Kaagad ko itong inilagay sa basket at mabilis na tumakbo pababa ng bahay.
"Mama!" sigaw ko sa tuwa.
Lumapit naman kaagad si Mama na may pagtataka.
"Natanggap na ako!" Parang maiiyak na akong binalita kay Mama na natanggap na ako sa trabaho.
Kaagad namang namilog ang mata ni Mama at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Talaga anak?!" Hindi na rin maitago sa mga mata ni Mama ang tuwa sa binalita ko.
"Oo, Ma!"
"Ano po, Ate?" Nabaling naman ang paningin ko sa dalawa nang magtanong si Claire.
"Natanggap si Ate sa trabaho, kaya may trabaho na si Ate!" magiliw kong sagot sa kanya at kaagad ko siyang binuhat at isinayaw.
"Wow! Congrats, Ate!" Kiniss niya ako sa pisngi na siyang lalong nagpasaya sa'kin.
"Thank you, thank you!" Napapunas na ako ng luha dahil sa tuwa.
"Kailan ka raw magsisimula, anak? Naku, matutuwa si Papa mo nito!"
Kinuha sa'kin ni Mama, si Claire.
"Sa monday daw po, then training pa raw. May sahod na siguro 'yon. Sana meron."
"Gano'n ba, anak. Matanong ko nga muna, kilala mo ba ang nagmamay-ari ng kompanyang pinasukan mo?"
"S.G.C po. Smith Group of Company. Family business ng mga Smith. Nagmamay-ari sila ng mga hotels dito sa Pinas, kaya ang swerte ko po na nakapasok ako sa kompanya nila," nakangiti kong sagot kay Mama.
Napansin ko namang bumaling si Rea. Nagtaas siya ng kamay at nakipag-fist bump lang sa'kin. Pero nilapitan ko naman siya at hinalikan sa noo.
Nilingon ko ulit si Mama dahil napansin ko na nanahimik siya bigla.
"Mga Smith ba kamo?"
"Hmm." Tumango ako.
"May nakita ka bang mga pictures nila?"
"Wala po, eh. Hindi ko rin tiningnan. Hindi naman kailangan, e." Nagtaas-balikat ako.
Mapait na ngumiti si Mama sa'kin, na bigla kong pinagtatakahan.
"Pagbutihin mo ang magiging trabaho mo, anak." Kaagad na siyang tumalikod at bumalik sa kusina.
"Anyari do'n?" Nakakunot-noo kong tanong sa aking sarili habang nakahabol ng tingin kay Mama. Bakit biglang nag-iba ang mood no'n?
"Nasunog na ang luto ni Mama," sagot naman ni Rea.