Time to shine

1059 Words
Lumipas ng ilang buwan at ganun pa rin sitwasyon ni riobelle. Paulit-ulit lang ang ng yayari sa kaniya. Maagang gigising para mag luto ng almusal, then habang kumakain sila lady Tremaine nag lilinis naman si riobelle, after kumain ng almusal ng mag iina, huhugasan na ni riobelle ang kanilang pinagkainan, then tyaka palang kakain si rio. Minsan naman ay pag walang magawa ang mag kapatid na Anastasia at Drizella sinasadya nilang mag kalat at tyaka sasabhin sa kanilang ina na hindi nag lilinis si rio. Then. One day. May biglang kumatok sa kanilang pintuan. "Cinderella!" Sigaw ni Anastasia. "Bakit po ate?" Magalang namang saad ni rio (cinderella) "Huwag mo nga akong matawag tawag na ate, dapat ganito. Bakit po master," may paka mayabang niyang saad. "sige po," saad naman ni cinderella. "Buksan mo yung pinto. Tignan mo kung sino yung tao." Utos ni anastasia kay cinderella. "Ahh sige po master," saad niya at sabay yuko. Ang sarap mo talagang katayin. Saad na lamang ni rio sa kaniyang isipan. Pumunta na nga si cinderella sa may pintuan at tyaka ito binuksan. "Good morning, magandang binibini," magalang na bati ng isang lalaki. Mukha syang mayaman, dahil sa kaniyang kasuotan. "Ako po ay ang kanang kamay ng prinsipe," dagdag pa niya. Dali dali namang tinulak ni anastasia si cinderella upang siya ang makipag usap. "ano po ang pakay nila?" Magalang na saad ni anastasia. Angle ka girl? Tanong ni cinderella sa kaniyang isipan, dahil nagulat siya sa pinakita ni anastasia. "May gaganaping malaking sayawan sa susunod na buwan. Iniimbitahan ng mahal na hari ang lahat ng mamamayan sa kaniyang lugar," saad ng lalaki. "Ahhh sige po. Pupunta kami," saad ulit ni anastasia. Umalis na ang lalaki at sinarado na ni anastasia ang pinto. "Nakikinig kaba sa usapan namin?" Tanong ni anasatasia kay cinderella. "Ahhh ehhh. Baka po kasi importante," alanganing saad ni cinderella. Pak! Isang malakas na sampal ang ginawa ni anastasia kay cinderella. Sa sobrang lakas ay natumba si cinderella at parang nagulat siya. "Ba-bakit po?" Nangingiyak na saad ni cinderella habang hawak ang kaniyang kanang pisge. "Wala lang," saad naman ni anastasia at bumalik na sa upuan kanina. Kung pwede ko lang baguhin ang ugali ni cinderella, sigurado akong napatay na kita, saad ulit ni riobelle sa kaniyang isipan. Kahit ano kasing gawin ni riobelle. Hinding hindi niya mababago ang ugali at role niya sa kwento. Nag handa na ng makakain si cinderella para sa tanghalian. Kumain na sila Lady Tremaine, Anastasia, at Drizelle. Habang si cinderella ay nag lilinis. "Mom, may nag punta pala dito kaninang lalaki," saad ni anastasia. "Ano sabi?" tanong naman ni lady tremaine. "May gaganapin daw na isang malaking sayawan. Imbitado daw tayong lahat," masayang saad ni anastasia. Napangiti naman doon si cinderella, dahil makakapag pahinga na rin siya at makakapag saya. "Kelan?" Tanong ni Drizella "Sa susunod na buwan," saad naman ni anastasia. "Ahhh sige. Bukas na bukas din mag papatahi tayo ng mga susuotin ninyo," saad ni Lady Tremaine at pinag patuloy na ang pag kain. Nang makatapos silang kumain ay niligpit na ito ni cinderella. At hinugasan na rin. Kumain na si cinderella at umakyat na sa kaniyang kwarto.. upang mag hanap ng maari niyang isuot sa sayawan. "Wala bang matinong damit dito si cinderella," pag rereklamo ni riobelle. Dahil kanina pa sya nag hahanap ng damit pero wla siyang makitang matino. May nakita syang pink na gown.. kaso luma na. "Pede na nga ito." Kinuha ni Riobelle ang pink na gown. At tyaka niya ito inayos. Lumipas na ang usang buwan at mamayang gabi na ang sayawan. "Excited na ako mommy," maarteng saad ni drizella. "Igayak nyo nanyung mga susuotin ninyo." Utos ni lady tremaine sa dalawa niyang anak. Nag sipuntahan na sila sa kani-kanilang kwarto, upang ihanda ang kanilang mga gagamitn. Green na gown ang kay anastasia, habang kay drizella naman ay violet gown. Dumating na ang 7 pm at mag sisimula na ang sayawan. Naka gayak na si anastasia at drizella. Pati na rin ang kanilang ina. Bumaba ng attic (kwarto ni cinderella) si Cinderella habang suot ang pink na gown na suot nya. "Saan ka pupunta?" Nakataas kilay na tanong ni lady tremaine "sa-sayawan po," magalang namang sagot ni cinderella. Nag tawanan ang mag kapatid at sabay punit sa damit na suot ni cinderella. "What the heck!!!" Inis na saad ni cinderella. Wait what kaya ko ng maging masungit hahahaha. masayang saad ni riobelle sa kaniyang isipan... "Hoy! Huwag mo kaming sigawan ahhh," inis na saad ni lady tremaine. "Matagal na akong nag titimpi sa inyo my name is riobelle. ang babaeng magiging knight in shining armor ni cinderella. grabi kayo kung alilain nyo sya! Nakaka pag init kayo ng dugo.ang sarap nyong patayin. ang sarap nyong katayin nakakagigil kayo. Hindi nyo naman alila si cinderella pero kung ituring nyo sya para lng syang alipin ni hnd mo nga siya sinusweldohan ehhh." inis na saad ni riobelle. Sasabunutan na sana ni drizella at anastasia si cinderella pero napigilan ni cinderella ang mga kamay nito. "Don't you dare," saad ni cinderella sabay tinignan ng masama ang dalawa niyang step sisters. binitiwan na ni cinderella. Ang kamay ng dalawa. Umakyat na ng attic si cinderella at tyaka humarap sa salamin. "Ano bang ginagawa mo riobelle?" Tanong ng reflection ni cinderella. "Ipinagtatanggol ka." Saad naman ni riobelle. "Pero," hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil umalis na si riobelle sa harap ng salamin. Nag si alis na ang mga tao sa baba at pumunta na sa sayawan. Naiiwan mag isa si cinderella sa bahay. "AGHHH!" Inis na saad ni riobelle. "Naiinis ka ba ms. Riobelle?" Pang iinis na tanong ni fairlet. "Oo, fairlet," inis na saad ni riobelle. "Ohh sige na bibigyan kita ng gift." Itinaas na ni fairlet ang kaniyang magic wand. Nag bigkas na sya ng ibat ibang salita at tyaka itinutok sa suot na gown ni cinderella.. Naging isang magandang gown ang suot niya. "lumabas kana." Utos sa kaniya ni fairlet na agad naman niyang ginawa. Pag labas ni cinderella may nakita siyang isang karwahe at magagandang kabayo. "Pag patak ng hating gabi mawawala ang lahat ng iyan ahh," Saad ni fairlet "Hnd ba pwedeng i-extend?" Tanong ni cinderella. "Hindi." Madiing sabi ni fairlet. Bigla naman nag laho si fairlet Sumakay na si cinderella ng karwahe at pumunta na sa kaharian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD