meet our character
"I want to become a princess" Saad ng isang batang babae... sa kalaro nya.
"Then i'm your prince." Saad naman ng lalaki.
"Deal." Saad ng 7 taong batang babae habang inaabot ang kamay ng lalaki.
"Deal." Saad nmn ng lalaki at nakipag shake hands pa.
~♤~♡♡~♤~♡♡~♤~♡♡~♤~♡♡~♤~♡♡~♤~♡♡~♤~♡♡~♤
Nagising na si riobelle dahil sa tunog ng kaniyang phone.
Ito ay tinignan nya at nakita niyang 6:30 na ng umaga..
"Patay!!" Saad niya at dali daling bumaba sa kaniyang kama at iniligpit agad ito.
Napansin niyang may tumatawag sa kaniyang cellphone. Kaya tinignan niya agad kung sino ito.
Si Rain lng pala ang tumatawag. Si rain ay isa sa mga kaibigan ni riobelle. Hindi nya na muna iyon sinagot dahil nag mamadali talaga sya. May klase pa kase sya ng 7:30. Kaya kailngan nya ng mag madali or else lagot sya sa teacher nila.
Natapos ng mag ligpit si riobelle ng kaniyang higaan kaya. Kinuha na nya ang uniform nya sa kaniyang drawer at inilapag iyon sa kaniyang higaan. Pumasok na sya sa kaniyang bathroom. at naligo na.
Name: Riobelle Salvador
Age: 18
Birthday:feb. 8, 2002
2 silang mag kapatid. Siya at si alex. Wla na ang kanilang ina dahil nung pinanganak si alex ay hnd na niya kinaya. Kaya ang ama na lamang nila riobelle ang nag tataguyod sa kanila. Mahilig sa disney princesses si riobelle na mahahalata mo sa kaniyang kwarto. Mula sa unan, kisame, sahig, pinto, at syempre pati sa kanyang higaan.
"Nak! Kakain na!" Sigaw ng kanilang ama mula sa ibaba.
Dalawang floor ang bahay nila rio. Ang nasa second floor ay ang kwarto nilang mag aama.
Narinig iyon ni rio, ngunit hindi na sya sumagot. Dahil nag mamadali na talaga sya. Kahit paliligo nya ay minamadali na nya.
Lumipas ang ilang minuto at natapos na siyang maligo. Nag bihis na rin siya at bumaba na agad sa kusina upang kumain.
"May lakad ka dad?" Tanong ni rio. Sa kaniyang ama dahil naka pormal ito.
"Ahh oo nak. Nag apply kasi ako. And ngayon yung interview ko." Saad nito na halata mong medyo kinakabahan.
"Good luck dad." Saad naman ni alex. At sabay subo ulit sa kaniyang kinakain.
"Thank you nak." Saad naman ng kanilang ama.
Nag patuloy na sila sa kanilang pag kain. At ng makalipas ang ilang minuto ay nakatapos na sila. Si alex na ang nag hugas ng kanilang pinag kainan. Dahil mamayang hapon pa ang pasok niya. Naka alis na rin ang kanilang ama.
"Alex, aalis na ako ahh." Paalam ni rio ng nasa harap na sya ng pinto.
"Sige ate ingat." Saad naman ni alex.
Lumabas na ng bahay si rio at kinuha yung phone. Nakita niya ang 26 missed calls mula kay rain. Naka silent kasi yung phone nya hahaha.
Tinawagan na niya ang kaniyang kaibigan upang tanungin kung bakit ba sya tawag ng tawag.
"Hello beshiee." Saad ni rio sa kabilang linya.
"Ba't ngayun kalang tumawag! Tyaka asaan kana ba? Sayang hindi mo na abutan yung grupo ni Jr. May bago silang member at sobrang pogi niya!!" Saad ni rain sa kabilang linya na halata mong kinikilig.
"Baka naman bakla?" Saad sa kaniya ni rio.
Dati kasi may poging crush si rain. Talagang pogi. Kaso nalaman nilang may boyfriend na pla ito.
"Hindi ahh." Saad ni rain.
"Sige na papasok na ako." Saad ni rio at binaba na ang call.
7 na ng umaga ng makarating siya sa kanilang iskwelahan. sinalubong siya ni rain.
"Ang pogi niya talaga!" Sigaw sa kaniya ni rain at may pinakita pang picture.
Aminado si rio na talagang pogi ito, ngunit mukhang suplado.
"Ano gagawin ko dyaan? Mas pogi pa rin naman si jr." Saad ni rio. Oo matagal na kasing may gusto si rio kay jr.
"Puro ka jr." Saad ni rain habang masisilayan ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
"He! Tigil tigilan mo ako sa mga ngiti mong ganyan ahhh." Saad naman ni rio na nag pipigil na ng kilig. Hindi kasi alam ni rain na may gusto si rio kay jr.
"Tara na nga baka ma late pa tayo." Aya ni rio kay rain. At sabay na silang nag lakad.
habang nag lalakad sila ay bigla namang pinatawag si rain sa dean's office.
"Sige na aantayin na lng kita." Saad namn ni rio. At hinayaan ng umalis si rain. Tumakbo agad si rain papunta sa dean's office.
Nag tungo muna si rio. Sa comfort room upang mag ayos.
Nakita ni rio ang kwintas sa kaniyang leeg. At naalala kung kanino ito galing.
Binigyan kasi ng kwintas si rio ng kaniyang lola. Ang sabi ng lola niya ay may roon itong kapareho ngunit hnd nila alam kung nasaan, dahil sinadya daw itong pag layuin. Dahil ayon sa kwento ng lola niya ay. Pag nag dikit daw ang dalawang may ari ng kwintas ay mapupunta sila sa ibang mundo at makakabalik lang sila once na mahilakan nila ang isa't isa sa mundo na kanilang napuntahan. Lumabas na ng comfort room si rio at pumunta sa dean's office. Naka salubong na niya si rain kaya naman ay dumeretso na sila sa kanilang silid aralan. Mag katabi sila ng upuan at nagulat silang parehas ng dumating yung bagong myembro ng grupo ni jr.
"Btw class. Meet your new clasmate zeidon." Pag papakilala ng kanilang adviser.
"My name is ZEIDON VERGARA. 18 years old." Saad ng lalaki namay malamig na boses.
Titig na titig si rio kay zeidon dahil kinikilala niya ito ng mabuti.
"Baka malusaw yan." Saad ni rain ng mapansin niya ang titig ni rio kay zeidon.
"He! Tigilan mo ako." Saad naman ni rio.
Umupo sa tabi ni rio si zeidon.
Hala! bakit saakin kapa tumabi mr. Cold. Saad ni rio sa kaniyang isip.
Tinuon na ulit ni rio ang kaniyang isip sa kanilang adviser.
Hayyy ang pogi pogi mo talaga zeidon. Saad ulit ng isipan ni rio. hahahahahaha.
"Ms. Belle. Ms. BELLE!!," pasigaw na tawag ni Ma'am Cha kay belle.
"Y-yes ma'am?" Kabadong wika ni rio, dahil bakas sa mukha ng kanilang guro ang pagka-inis.
"Baka malusaw si mr. Zeidon kakatitig mo," deretsong sabi ng kanilang guro.
Pasimple namang tumawa si Rain dahil sa ng yari.
"Tsss," padabog na um-upo si rio sa kaniyang upuan at nag simula na ulit mag turo si ma'am Cha.