Chapter 19

1142 Words
HINDI ako nakaimik. Ano pa ba ang idadahilan ko sa kanya? Nakita niya na ang pinaka-ebidensya na kukumpirma sa kaugnayan ko kay Vane. Wala na akong maitatanggi pa. Pabagsak akong naupo sa kama. I felt defeated. Kilala ko si Callie. Hindi niya ako isusuplong kay Vane. Ngunit siguro noon ‘yon na wala pa siyang kinikilalang pinuno. Callisto was Vane’s Delta. Sa oras na mamarkahan siya ni Callisto, Vane will become her superior. Her Alpha too. Ano’ng laban ko roon? “Jordan. . .” mahinang tawag niya. “Wala akong balak ipaalam sa kanya ang totoo, Callie. Kaya kung nagbabalak kang pilitin akong magsabi sa kanya, huwag mo nang gawin. Tulad ng desisyon kong umalis dito, hindi mo rin mababago ang desisyon kong itago sa kanya ang totoo,” seryoso kong wika. “B-But why? He is the Alpha! Nasa kanya na ang lahat. If you tell him the truth. You will not just have a home and a mate, you will also become the Alpha female of this group,” naguguluhan niyang tanong. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “I believe I already answered that, Callie. Hindi ko kailangan ng kaparehang mataas ang tingin sa kanyang sarili. Lalo na ang hindi marunong maging tapat sa itinakda sa kanya!” Napahawak siya sa ulo. Itsurang problemado. Mamomroblema nga naman siya sa oras na malaman ni Vane ang totoo at nakatakas na ako. He will surely interrogate her. “What’s your plan now? Paano ka makakatakas? Mas lalong pinaghigpit ni Alpha Vane ang seguridad sa mansyon,” nag-aalala niyang tanong. Pasimple akong nakahinga nang maluwag dahil hindi na siya nang usisa pa. Humugot ako nang malalim na paghinga. “Hindi ko alam, Callie. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay makatakas. Sa kahit anong paraan. Sooner or later, papasok na rito ang isa sa mga tauhan ni Vane. Kapag naabutan nila ako rito, I’m doomed,” namomroblema kong pahayag. “That’s for sure.” Napangiwi siya. “He’s very pissed. Kahit si Callisto, ayaw na siyang lapitan. Si Leo lang daw ang nakakatagal kasama si Alpha Vane.” Nahilamos ko ang mga palad sa mukha. Magulo ang puso at utak ko sa ngayon. My mind are thinking of ways on how to get out of here habang ang puso ko naman ay tutol sa lahat ng nais ko. My wolf’s constant whining and disapproval aren’t helping either. “Wait! Dito ka lang. Tatanungin ko si Callisto. He leads the pack in the forest. Baka alam niya kung kailan ang palitan ng mga bantay!” bulalas niya. “Callie! Mapapahamak kayong dalawa ni Callisto sa gagawin mo. Let me think of it, okay? Kung mananatili ka rito. Mas mabuting lalabas kang walang alam, okay?” utos ko sa kanya. “But Jordan!” protesta niya. “Ikaw na lang lagi ang nagliligtas sa ‘tin. Lalo na sa ‘kin. Let me at least do something for you.” “Kung ikakapahamak mo lang din naman ang pagtulong, huwag na, Callie. Siguraduhin mong ligtas ka kapag nakaalis na ako. That’s the most important thing,” ani ko. “Ah, basta! Gagawin ko pa rin!” pagmamatigas niya. “You stay here. Marami pa silang itsi-tsek bago tayo. I’ll be right back.” “Callie!” Hindi niya ako pinakinggan at diretsong lumabas ng kuwarto. Napabuntonghininga na lang at walang nagawa kundi ayusin na lang ang mga damit ko. Dumaan ang halos isang oras na tahimik at kinakabahan akong naghihintay kay Callie. Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Callie. Aligaga ito. “Callie—” “Bilis, Jordan! Walang bantay sa likurang bahagi ng mansyon. In the west wing! Nasa conference room ang lahat!” nagmamadali niyang saad. Mabilis kong kinuha ang bag ko at sumunod sa kanya sa paglabas ng kuwarto. “Take care, Jordan. I’m sorry. I can’t come with you,” malungkot na sambit ni Callie. Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti. “Naiintindihan ko. Alam kong matagal mo nang pinangarap ang mahanap ang para sa ‘yo. Mag-iingat ka rin, Callie.” Nanubig ang mga mata niya habang nakatingin sa aking pag-alis. I gave her one last look before running towards the west wing. Maingat ang kilos ko habang pababa ng hagdan. Tulad ng sinabi ni Callie. Wala ngang nakabantay rito. Maingat kong binuksan ang sliding door at lumabas. ‘Agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Kakalubog lang ng araw kaya madilim na ang buong paligid. Tama lang para sa pagtakas ko. I was about to switch into my wolf form when a deep and dangerous voice from behind stopped me. Kumalat ang lamig sa aking buong katawan. “Where are you going, Avianna?” Mabilis akong napaharap sa kanya. Si-Si Vane. Madilim ang mukha niya at nagtatagis ang mga panga. Nasa tabi niya si Leo na nagtatakang nakatingin sa akin. Napaatras ako nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin. His piercing eyes stared at my face before it went down to my chest. The part where the symbol lies. N-No. . . “I’ve asked you, Avianna. Saan ka pupunta?” His voice became even more dangerous. “A-Aalis na ako—” “Who gives you the right to leave this mansion? Hindi pa kita pinapaalis, Avianna. And I will not release you until I find what I need to find.” Sinubukan kong tumakbo ngunit nahablot niya ang braso ko. Napasinghap ako nang marahas niya akong hinila sa kanya. “Bitiwan mo ‘ko!” Nagpumiglas ako mula sa kanyang hawak ngunit kahit isang daliri niya ay hindi humiwalay sa aking balat. “Bakit ka tumatakbo, Avianna? Is there a reason you’re not telling me why you want to run away?” mapanganib ang boses niyang tanong. “W-Wala! Gusto ko lang umalis sa lugar na ‘to! Kaya pakawalan mo ako! Leave me alone, Vane!” asik ko. His jaw clenched. His eyes glaring murderously at me. “Not until I confirm you’re not my f*cking mate, Avianna.” Nanlaki ang mga mata ko nang tumaas ang isa niyang kamay at humawak sa neckline ng suot ko. He was about to pull it down when Alastair’s shout broke the night’s silence. “Alpha!” Sabay kaming napatingin ni Vane kay Alastair ngunit hindi iyon nagtagal nang mapansin kong may hila-hila siyang babae. Nanlaki ang mga mata ko. “Callie!” mahina kong sambit. N-No! Alastair caught her! Hindi maaaring mapahamak si Callie dahil sa akin! “What is it?” Vane spat. Mahina niyang itinulak si Callie papunta sa harap namin. Bumaba ang matatalim na mga mata ni Vane sa kanya. “I found her, Alpha. She has the symbol in her chest.” Nanigas ako sa aking kinatatayuan. H-Hindi! Huwag mong sabihing— “She’s your mate, Alpha. That b***h’s best friend, Callie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD