“K-kailangan ko nang umalis,” nauutal kong paalam sa kanya. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad paalis nang habulin niya ako. “Wait! Jordan! He doesn’t know you’re here at hindi siya pumunta para hanapin ka rito,” saad niya na nagpahinto sa ‘kin. Huminto ako at hinarap siya. “Kung gano’n bakit nandito siya at kasama pa ang kalahati ng pack? Ano? Magbabakasyon sila?” sarkastiko kong saad. “It was business, okay! He’s here to talk to a man named Xellix. Sa pagkakarinig ko, siya ang alpha ng lugar na ‘to. They’ve been causing chaos to Alpha Vane’s territory,” mabilis niyang paliwanag. Saglit ko siyang tinitigan bago ako tuluyang naniwala sa kanya. I believe sa parteng masakit sa ulo ang mga miyembro ni Xellix. Kahit yata saang bahagi ay may nagrereklamo sa mga ito o ‘di kaya’y

