I CAN feel it. The heat that’s rushing through my veins. It was slowly building like it was preparing for something big. Hingal kong itinukod ang mga kamay sa lamesa upang suportahan ang aking sarili. Kahit wala naman akong ibang ginagawa bukod sa simpleng paglalagay ng damit sa bag, hinihingal na ako. Ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw. I can now even see a glimpse of the moon kahit na may kaunting liwanag pa sa labas. It was getting difficult. Kailangan kong makaalis dito bago pa dumating si Xellix. I don’t want to deal with him now that I’m dealing with myself. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pag-iimpake. Nang matapos ay kinuha ko ang maliit na cellphone sa gilid at inilagay sa bulsa. Sa kabilang bayan muna ako pansamantala. May nakita na akong tra

