MAHINA akong napaungol dahil sa sakit at bigat na nagmumula sa aking hita. Nanlalabo pa rin ang aking paningin nang magmulat ako. Pamilyar na mga dingding ang bumungad sa ‘kin. Hindi ko na kailangan pang tingnan ang kabuuan para malaman ko kung kaninong kuwarto ito. Kahit nanghihina, pinilit ko pa ring ibangon ang sarili upang makaupo. Siniyasat ko ang sugat sa aking hita. Nakabenda iyon at may bakas pa ng dugo. Inabot ko iyon at tinanggal ang benda. I don’t need this. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog, but it should be close to heal by now. Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking puso nang ilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. It was still the same. His scent still lingers in everything here. Nawala roon ang atensyon ko nang makita kong may pumuhit pabukas

