NILAKASAN ko ang aking loob. Tumayo ako nang tuwid at umarteng malakas sa kanyang harapan kahit pa ang totoo ay para akong mabubuwal. Ang matatalim niyang mga mata ay mapagbanta. “A-Ano pa ba’ng gusto mong makuha sa ‘kin, Vane? Nilinaw ko na ang lahat sa ‘yo,” matigas kong sambit. Ngumisi s’ya. “No, you’re wrong, Avianna. Hindi pa lahat.” Halos hindi na ako humihinga nang umangat ang isa n’yang kamay at humaplos sa aking pisngi. There’s fire in his touch. It’s not a full moon anymore, but he can still bring heat to my system. Ang masuyong haplos na iyon ay bumaba sa aking leeg at marahang sumakal sa aking leeg. Showing dominance. “V-Vane,” hingal kong sambit sa kanyang pangalan. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa aking pisngi. I can feel it. The excite

