BINIGYAN ko ng nagbabantang tingin si Callie nang makalabas si Vane. Hindi tumalab ang pagbabanta ko dahil nakangisi pa rin siyang lumapit sa akin. Nilapag niya ang hawak na tray sa nightstand. Sa couch na siya naupo. “Malapit na ba kami magkaroon ng little alpha?” nang-aasar niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin bago umupo sa kama. Sinilip ko ang laman ng tray na dala niya. Kumulo ang tiyan ko nang makita ang masasarap na pagkain. “Huwag mo nang asahan, Callie, dahil hindi mangyayari ang bagay na iniisip mo,” seryoso kong saad. Para siyang hindi nakakarinig kung paano niya baliwalain ang aking sinabi. Nakangiti pa rin siya sa akin. Nang-aasar. Lihim na lang akong napailing saka inabot ang pagkain. “Ilang araw na ba akong tulog?” tanong ko na lang nang matigil na siya. “Hmm

