KABALIKTARAN ng inaasahan kong gulo ang nangyari nang umalis si Vane. The mansion was eerily quiet. Kung normal na tao ay iisiping wala lang ang katahimikan, but not to us. It is like the calm before the storm. Nasa malalim akong pag-iisip nang masalubong ko si Callie. May pag-aalala sa kanyang mukha na matagal ko nang hindi nakikita. Balak ko sana siyang tawagin nang biglang may pumasok. “Hazel?” gulat kong bulalas. Napatingin kaagad sa akin ang mag-ina. Tulad ni Callie, may pag-aalala rin sa kanyang mukha. Bahagya siyang yumuko bago tuluyang lumapit sa ‘kin. “Ano’ng nangyari? Sinugod na naman ba nila Hellix ang lugar ninyo?” tanong ko. I will really kill that man if he’s the reason behind this. Mahina siyang napabuga ng hangin bago tumango. “Yes, Jordan. Hindi rin namin inaasah

