H-HINDI ito maaaring mangyari! H-Hindi! H-Hindi! I can’t be mated to someone. Bakit ngayon pa? At sino? Who I am mated to—
Nanlamig ang mga kamay ko nang maalala ang usapan namin ni Callie kaninang umaga. Kumabog ang dibdib ko. Sobrang lakas na para akong aatakin. My breathing is not even anymore. Napailing ako. My head’s clouded with no’s.
“I-It can’t be him. H-Hindi puwede! Hindi!” Marahas akong napailing.
Napahawak ako sa aking dibdib nang muling manakit iyon. The symbol embedded in my skin glows like a fire. Pilit kong tinatanggi sa isipan ang kaalamang maaaring ang lalaking kinamumuhian ko ang siyang nakatakda para sa akin.
“I-It can’t be him, please?” Napaiyak ako. “It can’t be Vane!”
My inner wolf growl, telling me the truth I refused to accept. Napapikit ako. K-Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ng aking katawan pagdating sa kanya. Kaya pala sa simpleng masakit na salita mula sa kanya. Parang pinagpipiraso-piraso ang puso ko. Dahil ako pala.
Ako pala ang babaeng hinahanap niya. His mate he’s desperately wanting to have.
Hindi ako makapaniwala na ang pinag-uusapan lang namin kanina ni Callie ay totoo pala. Pagak akong natawa. Karma ko na yata ito dahil sa pagiging makasarili ko. Dahil sa hindi ko pagsasabi ng totoo kay Callie na ang ang nakatakda para sa kanya ay naririto lang.
Now, we’re going to be stuck here forever.
Biglang binalot ng kaba ang puso ko nang muling magbalik sa aking alaala ang mga inilahad sa akin ni Leo at ang mga salitang binitiwan ni Vane.
It’s not power he wants. It was his mate.
She can hate me all she wants, Avianna, but she can’t ever leave me.
Nanghihinang napakapit ako sa vanity table. Sa oras na malaman niya ang totoo na ako ang babaeng hinahanap niya. He won’t never let me leave this mansion. Hinding-hindi na ako makakabalik pa sa bayang pinagmulan ko.
“H-Hindi niya maaaring malaman.” My wolf growled in disagreement. Mahina kong tinampal ang aking dibdib. “N-No! Hindi ko hahayaang malaman niya ang totoo. Aalis kami rito ni Callie. I don’t care if he’s my mate! Aalis pa rin ako!”
Ipinikit ko ang mga mata at pinaulit-ulit ‘yon sa utak ko. My determination to leave this place must be stronger than the urge of surrendering myself to Vane.
Napapitlag ako sa boses na nagmula sa aking likod. Mabilis pa sa alas kuwartong napatayo ako nang manuot sa aking ilong ang pamilyar na amoy na iyon. Agad na kumabog ang aking dibdib nang magtagpo ang aming mga mata. Now that I know he’s my mate. The signs are much stronger and undeniable.
Kung hindi ko magagawang pigilan ang sarili ay baka basta ko na lang itapon ang sarili sa kanya.
Ang matatalim at malalamig niyang mga mata na nakatingin sa akin ay bumaba sa maliit na garapong binigay sa akin ni Leo.
“Not flirting, huh?” mapanuya niyang tanong.
Humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad ko. “N-Nagmamagandang-loob lang si Leo. Walang ibang ibig sabihin ang garapong iyan.”
Ismid lang ang nakuha ko mula sa kanya. “Are you sure?”
Pinangunutan ko siya ng noo. “Kailangan mo ba talagang itanong pa ‘yan? Kung sakali mang may namamagitan sa amin ni Leo, ano ngayon sa ‘yo? I am not your mate for you to interrogate me!”
Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Napamura ako sa isip. Kakasabi ko pa lang kanina na kailangan kong kontrolin ang sarili. I’d just given him an idea!
“You’re really good at pissing me off, aren’t you?” gigil niyang tanong.
Hindi ako umimik. Napaatras ako bigla nang maglakad siya palapit sa akin. Kahit may sapat na puwang ang mga katawan namin. Nararamdaman ko pa rin ang init mula sa kanyang katawan, and my body’s reflecting on it!
Umangat ang kanyang kamay at inabot ang aking mukha. Hindi ko napigilan ang sariling mapapikit nang humaplos ang likod ng mainit niyang palad sa aking pisngi. Saka ako natauhan nang maramdaman ang bigla niyang pagkatigil.
Magkasalubong na ang mga kilay niya at may pagtataka sa mga mata. Bago pa siya makapag-isip ng kung ano. Tinampal ko na ang kamay niya at lumayo.
“U-Umalis ka na!” asik ko.
Saglit siyang natigilan sa kinatatayuan bago tumalikod at walang salitang lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon at akmang lalabas nang muling magsalita.
“I don’t like you, but you better not be my mate or I will really interrogate you for the rest of our lives,” was all he said before leaving me cold and terrified in this room.