Chapter 12

1110 Words
“STOP saying nonsense things, Callie. I’m not mated to anyone,” masungit kong saad. Nawawalan ako ng ganang kumain sa narinig ko. Bakas na ang inis sa mukha ko pero mukhang walang balak tumigil si Callie mang-asar. “What if lang naman, ‘diba? What would you do kapag ikaw pala ang mate ni Alpha Vane?” tanong niyang muli. “Callie!” saway ko. “Huwag mo ‘kong tanungin ng mga ganyang tanong!” “Sige na! Kahit isang sentence lang! Please?” pangungulit niya. Marahas akong napabuga. “I hate him. So if I am his mate, I will reject him.” That’s what I would totally do kapag nangyari ang kasuklam-suklam na pangyayaring ‘yon. Kahit pa sarili ko ang kalabanin ko, I won’t ever let him marked me. Napanguso siya sa sinabi ko. Magkasalubong ang mga kilay na parang hindi katanggap-tanggap ang sagot ko. “But why? He’s the Alpha. He has everything,” nagtataka niyang tanong. “Hindi matutumbasan ng kahit anong kapangyarihan, lakas at impluwensya ang mabuting puso, Callie. Sa pagmamahal, puso ang ginagamit at hindi titulo bilang pinuno o kahit ano pa mang meron siya,” seryoso kong paliwanag. Ano’ng gagawin ko sa mga bagay na mayroon siya kung respeto wala siya? “You have a point,” saad niya. Hindi na ako muli pang umimik at nagpatuloy na lang sa pagkain. Bakit ba namin pinag-uusapan ang lalaking ‘yon? Hindi ko na nga siya nakikita pero naririnig ko pa rin ang pangalan niya.. Pasimple akong napabuntonghininga. I hope they find the asshole’s mate soon nang sa ganoon ay makaalis na kami ni Callie. I can’t wait to leave this place and go back to our town. Live back to our normal life again. Without the annoying and evil Alpha in my sight. TANGHALING tapat noon at nasa balcony, sa ikalawang palapag ng mansyon, ulit ako nakatambay nang biglang sumulpot si Minerva. Alam ko na kaagad na may balak itong masama dahil sa malademonyang ngiti nito sa labi. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. “Tuyot na ang mga halaman sa labas.” Binato niya sa akin ang tabo. “Water it, b***h! Hindi libre ang pagtira rito. Matuto kang kumilos!” Napabuga na lang ako ng hangin. Ayoko nang makipag-away sa babaeng ‘to. Nakakaubos ng oras at lakas ang pakikipagtalo sa mapagmataas. “Alin sa mga halaman sa labas?” mahinahon kong tanong. Ngumisi siya. “All of it. Kung gusto mo, isama mo na rin pati mga puno sa kakahuyan para naman may mapala ako sa pagiging sipsip mo,” mapang-asar niyang saad bago ako iniwan. Their laughter echoed in the hallway. Parang sirang radyo na nakakairita sa pandinig. Nagtagis ang mga ngipin ko nang makita ang tirik na tirik na araw. Hindi ako bampira. Hindi ako masusunog sa araw. Pero siguradong heat stroke ang makukuha ko nito. Mabigat ang dibdib na tumayo ako at bumaba sa ika-unang palapag. Nadatnan ko ang ibang babae sa sala na nag-uusap. Kaagad na dumapo ang nang-uusisang tingin nila sa akin. Hindi ko sila pinansin saka dumiretso sa labas. Ngunit malas yata talaga ang araw na ‘to dahil sa aking paglabas, halos sampung kalalakihan ang nadatnan ko sa mahabang lamesa. Lahat sila napalingon sa akin. Maging ang demonyo sa pinakadulong upuan. Nagtagis ang mga ngipin ko. May mas ilalala pa ba ang araw na ‘to? Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nagpanggap na hindi ko sila nakikita. Pinanatili kong kaswal ang paglapit ko sa malaking drum at pagsalok ng tubig sa tabo. Napapikit ako nang tumama ang mainit na sikat ng araw sa aking balat. Hindi lang inis, sama ng loob at hiya ang makukuha ko sa araw na ‘to. Pati yata sunburn! Humigpit ang pagkakahawak ko sa tabo nang marinig ko ang nang iinsulto nilang halakhak. Nangunguna ang kay Alastair. Hindi man lang nahiyang hinaan! “Poor little b***h,” nang iinsultong komento ni Alastair na rinig na rinig ko. Balak ko na sanang ibato sa kanya ang hawak kong tabo ngunit nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Vane. “Shut the f**k and listen to what I am saying!” nagngingitngit na sigaw niya. “I didn’t summon all of you here to chit-chat!” “I apologize, Alpha,” paumanhin ni Alastair. Napaismid na lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa. Deserve. MAHAPDI ang aking mga balat nang magbalik ako sa kuwartong pansamantala kong tinutuluyan. Namumula ang mga braso ko at bahagyang namamaga. Napakasakit niyon kapag hinahawakan lang. Marahas akong napabuga ng hangin. Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi pala ako uuwi ng tahimik! Susunugin ko talaga ang buong mansyon na ‘to bago ako umalis! Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Sunod iyong bumukas at inilabas si Leo. “Are you okay?” tanong niya. Hindi ako sumagot. Nakayuko lang ako habang ang braso ay nasa ibabaw ng vanity table. Dini-distract ko kasi ang isip para kahit papaano ay maibsan ang sakit. “I knew it was Minerva’s doing. Here.” May inilagay siyang maliit na garapon sa vanity table. “It was made of herbal plants. It will help lessen the pain and heal your skin fast.” “Salamat. . .” mahina kong sambit. “I can’t do anything if Minerva do this again. Hindi siya marunong makinig. So, this is the only thing I can do para mapagaan ang loob mo.” Napatitig ako sa lumang librong inilapag niya sa tabi ng garapon. Ang librong binigay ni Lola Mariana! Nanginginig ang kamay na kinuha ko ‘yon at dinala sa aking dibdib. He is right. Napagaan nga no’n ang pakiramdam ko. “T-Thank you, Leo,” basag ang boses kong pasasalamat sa kanya. “Don’t mention it. I’ll go now.” Tumango ako. Narinig ko ang paglabas at pagsarado niya sa pinto ng kuwarto. Mula sa aking dibdib. Dinala ko ang libro sa vanity table at binuklat. Ang huling bukas ko nito ay noong nasa bayan pa ako. Noong sabihin ni Callie na may nakita siyang tatlong itim na lobo. Sa pagbuklat-buklat ko sa bawat pahina. Isang simbolo ang kumuha ng atensyon ko. Nangunot ang noo ko nang maalala kung saan ko ito nakita. Mabilis kong ibinaba ang neckline ng suot kong bestida at pinagmasdan ang marka sa dibdib ko na bigla na lamang sumulpot. Nanlaki ang mga mata ko. Ito ang simbolo sa libro! Muling bumaba ang mga mata ko sa libro at binasa ang unang pangungusap na nakadetalye roon. Nagimbal ako sa nabasa. T-The s-symbol. . . I-I a-am. . . I a-am. . . I am already mated to a male werewolf!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD