KINABUKASAN naghanda agad ako nang almusal namin ni Aethan para sumipsip na naman rito.
" Aethan kain na tayo! " pagpapakita ko rito sa fried rice at fried egg dito lang kasi ako magaling magluto kahit sino nalilimotan ang pangalan pagnakakain nito, ganon ako kagaling magluto nito.
" Hindi ako mahilig ng fried rice " Pagkuha nito ng kanin kaya biglang natanggal ang mga ngiti ko pero binawi ko rin ito at masaya ritong tumingin first time kasi naming kakain ng sabay. At yon kumain na nga kami at napapanganga ako rito habang kumakain ang ingat kasi akala mo lang prinsipeng kumakain.
" Ano?!" naiinis nitong tingin saakin kaya agad kong binawi ang pagmamasid ko rito.
" Salamat nga pala kagabi " masaya kong sabi rito para putolin ang katahimikang biglang namutawi saamin pero tumingin lang ito saakin.
" ah, nga pala bukod sa coffee at fried rice ano pang hindi mo hilig kainin?" Pagtatanong ko pa rito medyo okay na nga kasi ang relasyon namin kaya ito sinasamantala ko kapag may gana siyang kausap ako.
" Fish! " tipid nitong sagot.
" Isda? masarap yon ah, pero bakit?" tanong ko pa rito pero tahimik lang ito kaya inulit ko rito ang tanong mamaya hindi niya naitindihan o narinig.
" Bakit ayaw mo ng isda? " makulit ko ritong tanong at natigilan ako ng tumingin ito saakin.
" Tinanong mo ako? sinagot kita! kailangan ba may dahilan?! " seryoso nitong tugon " At puwedi ba, wag kang nagsasalita ng may laman ang bibig mo dahil para kang tanga!" pagkasabi niya nun tumayo siya at hinugasan ang platong nagamit niya saka ito pumasok kaya hindi na ako nakapagsalita pang muli.
AETHAN POV:
"Hindi ko alam pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa baklang yon, Mukha naman siyang mabait pero tuwing naiisip kong baka bakla talaga siya naaasar ako" Paglalakad ko sa pathway hindi naman ako anti-LGBT pero ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay yong pinagsisinungalingan ako kung bakla siya dapat aminin na lang niya saakin sana wag na niyang hintayin na ako ang makaalam.
"Salamat nga pala kagabi" Pagsulpot bigla ni Jeremy at sumabay saakin pero tiningnan ko lang siya habang ang lapad ng ngiti niya.
"Kamusta nga pala si Julian?" Tanong pa nitong halatang kinakabahan at hindi ko alam kung bakit ganito ang mga school mates ko pagkinakausap nila ako.
" Ang baklang yon? ayon ang aga aga ang ingay ingay" at iwan ko anong sinabi ko para bigla siyang tumawa ng malakas.
" B-bakla?! tama ka para nga siyang bakla ang lamiya niya kasi" Pagtawa pa nito pero nang mapansin niyang tahimik lang akong naglalakad agad siyang tumigil sa pagtawa.
"Pasensya na Bro" Tahimik lang akong lumingon rito bilang sagot at pagkapasok namin tahimik na lahat at mga ilang minuto dumating rin ang baklang si Julian.
"Good morning class" bati nang bago naming teacher sa P.E. sa SHS na kasi nalagay yong dating teacher namin dito as an adviser at bumati rin naman lahat ng mga kaklase ko sa bago naming teacher.
"Since every Friday lang tayo magmemeet kailangan bilisan natin ang lesson natin para hindi mahuli ang subject natin its that clear?"
"Yes sir!!!" Sagot ng mga kaklase ko at wala atang tatalo sa sigla nitong katabi kong baklang malnourished full charge ata.
"And since our topic is all about sport I want you to make a club or sumali sa mga club ng sport if what is your passion at kung saan kayo magaling" Sabi ng teacher namin pagkwan nagturo ito ng estudyante para edefine ang sport at mayamaya itinuro niya si Baklang Julian agad naman itong tumayo.
"Your name? Transferee?!" Tanong ni Sir actually, matagal namang teacher ito rito nameet na namin ito sa G11 maliban sa Julian na ito.
"Julian Reyes po" Sabi pa nito kahit anong tago pa niya sa kaba niya nahahalata ko pa rin ito.
"Anong sport mo?saan ka magaling? " Napatingin naman ang lahat kay Baklang Julian at maging ako curious rin saan rin ba magaling ang baklang ito.
" Basketball po! " Gulat naman ang buong klase sa sinabi niya habang nakatingin saakin, ako kasi ang captain ball ng basketball at alam nilang lahat na ayaw ko nang mga bagohan o hindi marunong kaya wala masyadong sumasali sa basketball club kahit marami ang gustong sumali pero ang team ko lang din naman ang pinaka sikat sa campus na sport at ni minsan hindi kami natalo.
" I see... kung ganon kay Aethan ka magpapalista" Kitang kita ko naman sa mukha ng bakla ito ang gulat o hindi siya makapaniwala sa sinabi ng teacher namin at gaya nang madalas niyang gawin bumulong na naman ito saka tumingin saakin at natigil sa pagsasalita ang teacher namin ng may biglang dumating na estudyante.
"Excuse me sir kailangan niyo daw pong pumunta sa faculty"
" Sige" Pagkasabi nun ni Sir umalis na rin yong babae.
"Class your performance in my subject in first sem. is based on your actual performance in sport at aware naman kayong every september Annieversary ng school natin which we celebrate it through sport, theater, poem and etc. and gusto kong paghandaan niyo ang Annieversary natin at gusto ko ang team natin ang mananalo every sport, maliwanag?!!"
"Yes Sir!!!" Sagot nang mga kaklase ko at itong baklang si Julian halos maputol na ang leeg sa katatango may kakaiba talaga sa kanya.
"And I want you to make this day as a starting of your practice sa mga club na sinalihan niyo o sa sport na pinili niyo since pinapatawag ako sa faculty at hindi tayo makaka paglesson" Pagkasabi nun ng teacher namin lumabas na siya at yong mga kaklase ko nagsilabasan na rin nagsipunta sa kanikanilang club at yong mga natira ay mga team ko.
" Ilista mo lang ako sa team mo ah" pagkalabit saakin ni baklang Julian pero tiningnan ko lang siya tsaka naglakad palabas hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip non at mabilis naman akong sinundan ng team ko at si Jeremy tinulongan magligpit ng gamit si Baklang Julian.
JULIAN POV:
" Bakit ganon familiar saakin ang mukha ng bago naming teacher hindi ko alam kung saan ko siya nakita o ano " Pagsunod ko ng tingin kay Sir ng lumabas ito pero natigilan ako ng maglabasan ang mga kaklase ko kaya agad kong pinansin si Aethan at sinabing pasalihin ako sa team niya pero gaya ng madalas niyang gawin tiningnan niya lang ako ganon pa rin kasi siya, paghindi interesado sa sasabihin mo wag ka nang umasang sasagotin ka at lumabas na ito kaya mabilis kong niligpit ang gamit ko para sumunod rito pagkwan pumunta saakin si Jeremy.
" Sigurado ka bang sa Basketball club ka sasali?" Tanong agad ni Jeremy ng matapos kami magligpit ng gamit ko.
" Oo naman yon lang ang alam kong sport e" paglalakad namin habang sinusundan sina Aethan "nakakaasar siya hindi man lang ako sinagot kong isasali ba niya ako sa team niya o kung ililista niya ba ako" pagiisip ko.
" Pero alam mo kasi malupit si Aethan sa mga bagohan ayaw niya ng mahihina lalo na kung may pagka TANGA! ayaw niya nang mahirap turuan o mahirap maka itindi" Pag-eexplain ni Jeremy natakot naman ako bigla Oo captain ball ako saamin pero mga babae naman ang mga kasama ko hindi maliliksi, mabagal tumakbo, at higit sa lahat ang lalamya nila at sigurado akong yon ang mangyayari sakin sa team ni Aethan kahit balik baliktarin pa man isa pa rin akong babae at pangbabae lang din ang kaya kong gawin wala ako sa kalingkingan nila kaya handa na ako sa mga sigaw, panlalait, o sa kung ano pa man ang gagawin o sasabihin saakin ng Aethan na yon.
" Pero wag kang mag-alala nandito lang ako" Pag-akbay nito saakin saka ngumiti.
"Salamat Bro" Agad niyang tinanggal ang pagkaka-akbay sakin ng dumating kami sa Basketball court.
" Grabe ang lawak walang wala ang basketball court namin" namamangha kong sambit at ang ku-cool ng mga player ako lang ata ang pinaka maliit at mukhang malnourished ang lalaki kasi ng katawan at halatang matitigas.
" Halika na Julian nandito rin pala lahat ng kadepartment natin o ang team natin" pagturo niya sa mga tao sa basketball court.
" Mga third year yan diba?" pagturo ko sa mga nasa tabi ni Aethan minsan ko na kasi nakita yong iba sa building ng third year.
" Oo, siguro may meeting ang mga teachers ng team natin pinaghahandaan kasi talaga ng school ang every foundation kung saan ang mga kalahok o naglalaban laban ang every department halimbawa ang education department, criminology department, engineering, bussiness ad., at iba pang course magkakalaban yan at hindi sa pagmamayabang pero sa sport ng basketball ang team natin ang always champion kung saan si Aethan ang captainball at ang matindi nating kalaban ay ang team ni Jacob mababagsik rin ang engineering department" Pagpapaliwanag ni Jeremy.
"Ang hirap naman pala ng labanan pero Sino naman si Jacob? Bakit ngayon ko lang narinig, sandali? Katulad rin ba ni Aethan? "
"Tsk! isa siyang jerk!!! " Nagulat naman ako sa pagsingit ni Kristine.
" Wala kang klase?" tanong agad rito ni Jeremy umiling naman ito rito bilang sagot.
" Nagmeeting rin ang mga teachers namin para sa papalapit na foundation ng school natin"
" Kung ganon... ba't nandito ka hindi ka ba magpapractice?" pagduro dito ni Jeremy.
" Bakit pa? Ako rin naman ang pinaka magaling na player dito sa Table tennis kaya panonoorin ko na lang si Aethan's Honey" Kinikilig pa nitong sabi kaya napabuntong hininga na lang si Jeremy.
" GO!!! NATHAN!!!!" Sigaw pa nito mayamaya sumunod ring sumigaw yong mga babaeng dumating pagkwan hinila na ako ni Jeremy pababa kila Aethan.
" Dumating na naman sila practice lang naman ito" Naaasar na sabi ni Jeremy.
" Hindi naman ikaw ang pinuntahan nila" Katatapos ko lang magsalita nang may magcheer sa pangalan niya at may sumunod at sumunod pa ako lang ata ang walang fans e.
"Egnore them! " Malumanay na sabi ni Aethan.
"Lahat naman tayo dito marunong magdribble at mag shoot and alam niyo rin ang rules and regulation nang paglalaro ng basketball? " Pagsasalita ni Aethan at mas lalo siyang gumugwapo pagnasa loob pala siya ng basketball court o nagsasalita siyang normal lang.
"Yes Captain!!!" Matikas nilang sagot at natigilan ako ng lumingon silang lahat saakin bukod kasi sa huli akong sumagot ang lamya rin kinakabahan kasi ako sa kanila.
"Isa lang ang rules ko sa Team natin ayaw ko nang TANGA!!!" Sabi nito habang nakatingin sakin tsk! hindi naman ako tanga kinakabahan lang talaga ako.
" Hahatiin natin ang team natin sa 2 groups at ang team na yon ay magkalaban and it will start today that's the system of our practice at gusto kong seryosohin niyo ang laro" Pagkasabi nun ni Aethan naghubad lahat sila ng uniform sa pangitaas syempre magpapawis sila at saka surprise rin kasi itong pagpapapractice namin kaya ang iba hindi nakadala ng extra shirt.
" Magtanggal kana nang damit" Napatalikod ako bigla ng sa harapan ko magtanggal ng damit si Jeremy.
"Hoy! Anong problema, Julian? " Pagkalabit nito sakin agad ko namang binawi ang naging reaction ko at humarap rito buti na lang nakasando siya yong iba kasi as in walang sando.
"O ikaw bakit hindi ka pa nagtatanggal ng polo?" pagpunta sakin ni Aethan ng nakasando lang at aware naman siguro kayong hot talaga itong si Aethan at nalimutan ko ding sabihin may abs po siya same with Jeremy at Oo, hot din siya.
"Ha?! Wala akong sando kasi.. " Sabi ko rito sa totoo lang meron naman talaga pero hindi ako pweding maghubad dahil makikita nila ang tinatago ko kung saan yong pinapaikot ko sa dibdib ko para maitago ito at siguradong katapusan ko na pagnakita nila.
"Player ka walang masama doon at isa pa hindi lang ikaw ang walang damit!!!" Pagtalikod saakin ni Aethan.
" Pero pwedi namang maglaro nang naka uniform hindi ba?" Natigilan ako ng huminto ito sa paglalakad at bumalik saakin.
"If you can't follow may rules then leave!" Pagkasabi niya nun umalis na siya.
" Hayaan mo na pwedi rin namang maglaro ng naka uniform pero siguradong maliligo ka sa pawis istrekto lang talaga si Aethan" Pagngiti saakin ni Jeremy.
"tsk! bakit ba hindi mo sinabi saakin na si Aethan ang may hawak ng basketball club? " Masamang tingin ko kay Jeremy.
"Kaya nga sinabi kong baka nalasing ka rin nong sabihin mong basketball ang sasalihan mong sport at kaya paulit ulit kitang tinatanong kong sa basketball club ka talaga "
" Oo nga pero di mo naman sinabing si Aethan ang may hawak ng baskteball club edi, sana mas napaghandaan ko " Paninisi ko kay Jeremy hindi naman ito magagalit e sa kunting panahon ko rito kilala ko na siya.
" Sa totoo lang sinadya ko ring wag yon ipaliwanag sayo ayaw ko namang sirain ang pangarap mong makalaro ng basketball at saka panigurado namang makakaya mo ring sumali sa club niya kung nagawa mo nga siyang samahan ng ilang araw sa kwarto niyo ito pa kayang kasama mo ako at isa pa close mo na siya ng kunti at saka gusto ko rin kasing isa lang tayo ng sport na sasalihan" pagngiti nito kaya tumigil na ako sa kunwaring paninisi rito may point rin kasi ang pinagsasabi niya.
" Pero ang lupit niya practice lang naman ito ah" Pagbusangot ko pa at natigilan ako ng gulohin ni Jeremy ang buhok ko.
"Okay lang yan Bro" Pagkasabi niya non lumapit na kami ni Jeremy sa team namin at agad kaming pinaform ni Aethan ng two lines at sa huli ako nalagay napaka liit ko kasi at hindi sa unahan nilalagay ang maliliit kundi sa huli kung saan mararamdaman mo talaga na hindi ka priority.
"Just count one! Two! yong lahat ng one yon ang team at lahat ng two yon ang team" Pagpapaliwanag ni Aethan at hinihiling ko na hindi kami team pero kailan pa ba ako humiling na natupad gaya ng ayaw kong mangyari yon ang nagyari team ko si Aethan at si Jeremy hindi.
" Okay Jeremy ikaw ang leader ng team niyo" Pagkasabi nun ni Aethan pumunta na siya saamin which is kami ang team niya agad niyang itinuro ang maglalaro kaya agad akong nagtago sa likod ng pinaka malaki sa team namin at saktong tinuro siya ni Aethan na sa tingin ko palalaruin niya.
"Tayo ang unang maglalaro" Pagkasabi nun ni Aethan umabante agad yong pinagtaguan ko pero nagulat ako nang ako ang tinuro ni Aethan.
" Ikaw ang unang maglalaro"
" Huh, ako? Pwedi mamaya na lang? " Natahimik ako nang masama lang itong tumingin saakin kaya napilitan na akong sumunod mamaya hindi na talaga ako pasalihin sa team niya.
"Ang kailangan niyo lang gawin ay depensahan ang kung sino mang dapat ay depensahan wag na wag niyo silang hahayaang makalusot o maka-shoot" Pagkasabi niya non nilabas nila lahat nang kanang kamay nila saka tinaas at nagsabi ng FIGHT! na pinangungunahan ni Aethan at sa tingin ko ganon din ang team ni Jeremy grabe may pagka seryoso rin pala siya.