Nagsimula na nga ang laro grabe ang init nang laro akala mo lang magkakalaban talaga basta lahat ng bolang napupunta kay Aethan walang ligtas magaling siya sa lahat hindi maipagkakailang captainball talaga siya, si Jeremy ang cool niya rin pero fucos ata siya sa dunk ang galing niya kasi doon, ang iba naman magagaling din pero minsan sumasablay din hindi nila naipapasok ang bola at ako kanina pa ako sinisigawan ng iba kong team at si Aethan tinitingnan lang ako ng masama na para bang lalamonin ako ng buhay si Jeremy lang ata ngumingiti sakin paano ba naman lahat nakakaligtas sakin kung si Aethan walang nakakaligtas, sakin naman lahat nakakaligtas at kung magshoot pa ako sablay paano kasi ang taas nang ring at ang tatangkad nila, ang liliksi at ang lalakas hellow babae po ako, at gaya ng sabi ni Aethan unano ako.
" Aethan palitan mo na si Julian kung totoong laro ito siguradong matatalo tayo" Utos nang isa sa team ko tahimik lang naman akong nakikinig sus! pabor pa nga yon sakin sige udyokin niyo pa si Aethan.
"Oo nga hindi ata yan marunong maglaro" Naaasar pang sabi nong isa.
" Chinese garter lang ata ang isang yan" Pagtawa pa nong isa karamihan sa nagreleklamo sa ibang section galing o year level nang galing.
" Hayan niyo na bagohan kasi" Paglapit ni Jeremy saakin at doon rin ay medyo lumayo sila saakin.
" Pero kahit bagohan kailangan marunong ka rin maglaro at kung hindi ka matututo maghanap ka ng ibang club " Pag-upo ni Aethan para magpahinga after ng first match nila, natahimik naman ako sa sinabi niya o nilang lahat masakit pala yong mapag kaisahan ka feeling ko maiiyak ako bakit naman ang lulupit nila pero bago pa mag-init ang mata ko at may lumabas ritong tubig naramdaman ko ang kamay ni Jeremy na humawak sa ulo saka nito ginulo ang buhok ko.
"Okay lang yan.. ganyan din ako nong una wag kang mag-alala practice lang ito di bale pag may oras tuturuan kita" Pagkasabi nun ni Jeremy pumunta na rin siya sa team niya ako naman ganon din sa team ko kahit asar na asar sila sakin.
" Lahat nang naglaro kanina palitan" Nakahinga naman ako sa sinabi ni Aethan sa wakas makaka pagpahinga na rin ako hihimatayin talaga ako pagnag tagal pa ito.
" Ikaw! " pagturo nito saakin " mananatili ka!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
" Magsimula na!" Sigaw nito bago pa ako makapagreklamo kaya nagsimula na nga kami, syempre full charge silang lahat ngayon lang naglaro e ako naman malapit nang malow bat ilang beses na nga akong natumba at feeling ko sinasadya talaga nila akong banggain para matanggal pero iwan ko bakit ayaw pa akong tanggalin ni Aethan pagod na talaga ako.
AETHAN POV:
" Aethan hindi mo ba talaga ipapa-sub si Julian? " Paglapit saakin ni Jeremy pero tiningnan ko lang siya nang masama alam kong close sila ni baklang malnourished kaya ito ganito mag-alala pero wala akong pakialam doon dahil basta practice, practice! walang kaibigan kiabigan o kajejemonan pa diyang relasyon.
" Kung hindi magaling ang isang player subokin mo ang determinasyon niya sa laro " pagmamasdan ko rito " kung talagang interesado ang baklang yan na masali sa team ko hahayaan ko siya pero pag sumuko siya maganda na rin yon" Pag-iisip ko habang tinitingnang naglalaro ang baklang Julian na ito at wala talaga siyang pag-asang maka shoot bukod sa hindi siya marunong magshoot hindi rin niya magawang depensahan ang kalaban niya napaka lamya niya at ano bang meron sa katawan niya at todo iwas niya ito sa sa mga team niya at higit sa lahat mabilis rin siyang mapagod pero maliban doon medyo okay siya sa dribbling at mang-agaw ng bola potential niya ang pagiging maliit niya pero sa tingin ko hindi niya yon alam hindi kasi siya naka fucos doon at base sa nakikita ko ngayon interesado talaga siyang masali sa team ko.
Someone's POV:
Natigilan sa pagmamasid si Aethan kay Julian ng bigla itong matumba.
"Aethan si Julian!!! " Sigaw nang mga team nila habang pinag-uumpukan nila ito agad namang tumakbo rito si Jeremy at Aethan habang si Jeremy akala mo lang kung ano nang nangyari kay Julian sa pag-aalala nito.
" Layuan niyo siya! " Sigaw ni Aethan, sumunod naman silang lahat rito tsaka nito tiningnan kung humihinga pa ba itong si Julian at nong maklaro nitong humihinga ito marahan nitong itinaas ang mga paa ni Julian na mas mataas pa sa posisyon ng puso nito upang bumalik ang daloy ng dugo sa utak niya, matalino kasi talaga itong bida natin kaya namang manghangmangha rito ang mga nanonood sa kanila pagkwan linuwagan nito ang collar o damit ni Julian para makapasok ang hangin at makahinga siya ng maayos pero natigilan siya ng hawakan ni Julian ang kamay niya.
" Julian...? " Nagguiguilty niyang tingin rito.
" Wag.... dalhin mo na lang ako sa kwarto" Mahina nitong sabi kay Aethan.
" Kamusta siya Aethan?! Okay na ba siya? Julian?! Bestfriend?!! " Nag-aalalang mga tanong ni Jeremy pero hindi na siya sinagot ni Aethan at mabilis na binuhat si Julian para dalhin sa clinic.
"Sumobra na naman ata ako sa kanya" Pag-iisip nito habang buhat buhat si Julian.
" Hoy! Julian buhay ka pa ba?" Tanong nito habang magkasalubong ang kilay pero ramdam mo rito ang pag-aalala pilit naman nitong minulat ang mga mata niya.
" Dadalhin kita sa clinic " Sabi pa rito ni Aethan.
" W-w-W-ag" Yon lang ang nasabi ni Julian rito at tuloyan na itong pumikit nagtataka namang napatingin rito si Aethan hindi na kasi nakapag boses lalaki si Julian ng dahil sa nararamdaman niya.
" Bakit ganon iba yong boses niya bakit boses babae? at bakit ayaw niya bang magpadala sa clinic?" sa isip nito habang tinitingnan si Julian pero sinunod niya pa rin ito sa kabila ng kalagayan niya at yon na nga sa kwarto niya ito dinala.
" Julian?" Sambit nito sa pangalan niya nang makapasok sila hindi naman nito magawang sumagot pero gising na ito wala lang siyang lakas pagkwan linuwagan ni Aethan ang mga daanan ng hangin sa katawan nito, ang sapatos nito saka mabilis na hinawakan ang butones ng polo ni Julian para tanggalin ito pero natigilan siya ng biglang dumating si Jeremy hindi na nga ito kumatok basta na lang pumasok habang alalang alala ang mukha.
"Aethan bakit dito mo siya dinala? dapat sa clinic" Pagpasok nito.
" Okay lang siya kailangan lang niyang makapagpahinga" Tumahimik naman si Jeremy sa sinabi nito.
" Anong ginagawa mo?" Paglapit ni Jeremy rito habang binubuksan ni Aethan ang butones nang damit ni Julian kaya masama nitong liningon si Jeremy makahulogan kasi yong mga tingin nito.
" Kumuha ka ng tubig tsaka palakasin mo yong aircon" Sumunod naman agad si Jeremy sa sinabi nito pero natigilan sa pagtanggal ng butones ni Julian si Aethan nang hawakan nito ang kamay niya kung saan nagpapahiwatig na wag nitong tanggalin ang butones ng damit niya.
" Gusto kong sumigaw habang tinatanggal ni Aethan ang mga butones ng polo ko katapusan ko na talaga pagnabuking ako kaasar kasi! Bakit walang salitang gustong lumabas sa bibig ko " naiiyak nitong pag-iisip " buti na lang matalino siya hinawakan ko lang ang kamay niya naitindihan na nito ang gusto kong sabihin " pag-iisip nito.
" Aethan ito na " dinig ni Julian kay Jeremy.
"Julian kaya mo bang tumayo?" uminom ka ng tubig para malamigan ka pag-alalay ni Aethan rito tumayo at pagka inom nito pinahiga niya rin agad.
AETHAN POV:
"Aethan tanggalan kaya natin siya ng damit? " Paghila ni Jeremy sa polo ni Julian hindi pa nga ako nakakasagot pinaalam pa saakin pero hindi naman niya ito tuloyang natanggal sa katawan ni Julian dahil mabilis ko itong pinigil ayaw nga kasi itong ipatanggal ng baklang ito siguro ganon talaga pagtaga probinsya kahit sa kapwa lalaki masyadong konserbatibo sa katawan ganon kasi ang isang ito pero natigilan ako nang mapansin ang dibdib niya bakit parang may nakapalibot rito na bandage kaya mabilis kong binalik ang polo niya sa tingin ko hindi naman yon napansin ni Jeremy baka itong ang dahilan kaya ayaw niyang magpadala sa clinic at ipatanggal ang damit niya.
" Ayaw niyang ipatanggal " mahina kong lingon rito pagkatapos magtaka sa ginawa kong pagbalik sa polo ni Julian " Jeremy puwedi ka ng bumalik sa iba nating subject ako ng magbabantay sa kanya"
"Aethan puwedi bang bantayan ko na rin siya? " Nahihiya pa nitong sabi.
" Kung babantayan mo siya ako na lang ang papasok para sabihin kung bakit kayo wala " Pagtayo ko ganon din kasi kaclose ang dalawang ito kaya naiitindihan ko ang nararamdaman ni Jeremy.
" Sige pero wala ba akong gagawin sa kanya?" Nag-aalala niyang tanong.
" Wala, bantayan mo lang siya hintayin mong magising at kung sakali mang may masamang mangyari dalhin mo na lang sa clinic maliwanag? "
" Sige, salamat Aethan!" Pagkasabi niya nun umalis na ako magkaibigan nga sila ni Julian parehong ingot ako nga ang dahilan kaya yon nagcolapse nagawa pa niyang magpasalamat saakin.
JEREMY POV:
Pagkalipas ng ilang minutong pagbabantay ko kay Julian nagising na rin siya kanina pa talaga ako nag-aalala rito.
"Julian okay kana ba?" Pag-alalay ko rito habang bumabangon at gaya ng madalas niyang gawin umiwas na naman siya sa mga kamay ko nabawasan pa nga ito kasi nong una talaga akala mo lang may sakit akong nakakahawa kung umiwas ito matagal na talaga akong nagtataka rito ganon ba talaga ang mga taga probinsya lahat conservative akala mo naman may gagawin akong masama sa kanya unless babae siya baka? joke lang ginagalang ang pamilya namin at wala pangnakasuhan sa henerasyon ko nang r****t at ayaw kong ako ang maunang makasuhan saamin joke ulit tawa tayo diyan kahit sobrang corny.
" Salamat Jeremy" base sa boses niya magaling na nga siya.
" Okay ka na ba? sa ibang club kana lang kaya?" Nag-aalala ko ritong sabi pero umiling lang siya saakin kaya napatingin lang ako sa kanya matagal ko na talagang napapansin ang mga kilos ni Julian ibang iba siya sa mga kilos naming mga lalaki pero hindi naman siya bakla amoy ko kasi ang mga bakla hindi ako bakla pero parang dito na kasi ang tirahan ko at marami akong nakasamang bakla sa kwarto ko pero panandalian lang iba rin kasi ang kwarto ng mga bakla sa kwarto ng mga lalaki.
" Bakit? "Nagtataka nitong tanong saakin habang tinitingnan ko siya.
" Ahh magaling ka na ba talaga?"
" Oo, anong oras na ba? baka puwedi pa tayong humabol sa klase" Pagbangon nito.
"In 15 minutes tapos na rin ang klase natin ngayong araw " Pagtingin ko sa relo ko umupo naman siya sa may upuan mayamaya narinig kong tumunog ang tiyan niya.
" Punta tayo sa canteen libre kita" Pagtayo ko, sumunod naman siya saakin alam ko namang wala siyang pera kaya nililibre ko na lang minsan ko kasing nasilip ang wallet niya wala man lang siyang credit card.
" So sa basketball club ka na ba talaga? " pag-akbay ko rito alam kong ayaw niyang inaakbayan siya pero sorry siya yon ang hilig ko e! siya na lang mag-adjust pero sa tingin ko medyo nasanay naman siya sa ugali kong ito at saka gustong gusto ko talaga siyang kaibigan kakaiba kasi siya.
" Oo, sa basketball club na talaga ako" Pag-upo nito habang magkasalubong ang kilay determinado talaga.
"Pero may ilulupit pa doon si Aethan sa nangyari sayo kanina" Sabi ko rito nang maka-order kami.
" Kapag nagdesisyon ako hindi na yon mababago pa at kung pahihirapan niya ako edi magkukunwari ulit akong hinimatay" Natawa naman ako sa sinabi niya samantalang seryosong seryoso siya sa sinasabi niya kaya masama niya akong nilingon.
"Sige susuportahan kita kung gusto mo samahan pa kitang magcolapse doon" Pagtawa ko at sa sinabi ko hindi niya rin napigilang hindi matawa pero bakit ganon iba pagngumingiti siya pagtitig ko pa rito bakit nagmumukha siyang babae?
" Hindi na baka mas lalo lang maasar ang Aethan na yon pag dalawa na tayong buhat buhat niya higante ka pa naman" Pagsasalita nito habang pinipigilang matawa ng malakas.
" pero totoo ngayon ko lang siya nakitang ngumiti o tumawa ng matagal" Natigilan ako ng para bang nagslow ang lahat habang tumatawa siya hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa loob ng katawan ko yong mga pulso ko sa katawan may nangyayari sa kanila ang bilis nila at bakit ganon pakiramdam ko siya lang ang nakikita ko.
" anong nangyayari saakin?"
"Jeremy bakit? May sakit ka ba?" Nag-aalala niyang paghawak saakin at doon rin ay natauhan ako.
"Julian hindi kaya babae ka nong last life mo?" pabigla kong sabi rito kaya gulat na gulat ito.
" Huh?! ano ka ba Bro anong pinagsasabi mo?" Pag-iwas niya sakin nang tingin.
" Mukha ka talagang babae lalo na pagngumingiti ka" Pagngiti ko rito huli na kasi para bawiin ko pa yong sinabi ko pero hindi na niya ako sinagot at mabilis niyang inubos ang inorder namin at nag paalam na babalik na sa kwarto niya hindi naman siguro siya na offend? paano kasi tahimik lang siya pero hindi ko na siya pinigilan magkikita rin kami bukas at pagkatapos ko ring kumain lumabas na rin ako para bumalik sa kwarto ko.
"Kamusta si Julian?!!" Tanong saakin ng mga kasamahan namin sa pathway pagkatapos ko silang makasabay.
" Okay na siya pero sana sa sunod wag na kayong sumali pagpinag sasabihan ni Aethan si Julian alam niyo namang bagohan siya at wala pa siyang masyadong kaibigan saatin" Panirmon ko nahiya naman sila sa sinabi ko sila kasi yong ilan sa mga nagreklamong hindi marunong maglaro si Julian.
" Mamaya madepress siya paghindi siya nasali sa basketball team sa tingin ko pa naman pangarap niya talaga maging player ng basketball at mahirap na paghindi niya naabot baka mastress siya at humantong sa suicide" Hindi ko alam kung bakit sabay sabay nila akong binatokan sa sinabi ko.
" Baliw! suicide agad? " Masama nilang tingin saakin.
" Tama, diba puweding magdrop out mo na sa school? " Asar nilang tingin saakin habang umiiling.
"Akala pa naman namin nagmatured kana! Isip ka pa rin pala mag-isip" Naasar nilang sabi.
" Anong isip bata doon totoo yon"
" Iwan namin sayo maiwan kana nga lang namin" Pagtitinginan nila.
" Saan tayo? " Tanongan pa nila.
" Kumain na lang? " Tanongan ng mga ito.
" Sa labas kaya tayo?"
" Sama ako " Sabi ko sa mga ito pero sabay sabay silang lumingon sakin at...
"WAG NA BAKA SA LUCKY MO NA NAMAN TAYO MAPUNTA!" Pag-alis nila at hindi na ako sumunod sa kanila sana nga mahuli na lang ang mga pasaway na yon at nagtungo na ako sa kwarto ko hindi ko alam kung nasaan na naman ang mga kasama ko sa kwarto pagkwan nahiga ako at nagcellphone saka nagpicture.
"Ang gwapo ko talaga" Natigilan ako nang makita ang isa sa picture ko sa pathway kung saan nasali si Julian habang nakasimangot kaya agad ko itong zinoom.
" Bakit kaya minsan tingin ko mukha siyang babae? hindi ko alam kung kailan nagsimula itong weird kong feeling kay Julian siguro dahil sobrang close na namin " Pag-upo ko pa at tiningnan siya ng maayos at gaya kanina iba na naman ang ang nararamdaman ko hindi ko alam pero parang kinakabahan ako para bang nahihirapan akong huminga kaya agad kong tinapon ang cellphone ko at nagkumot.
" Bakit parang nakikita ko yong mukha ni Julian habang tumatawa?" pagkwan nilingon ko yong unan kong burger at nanlaki ang mata nang maging mukha ni Julian ang burger.
"HINDI MAAARI!!! ANONG NANGYAYARI SAAKIN HUHUHU!!!
JULIAN POV:
Pagkarating ko uminom agad ako ng tubig sariwa pa saakin ang sinabi ni Jeremy na mukha akong babae kung bakit rin kasi tumawa ako ganon na ba kalala ang pagcolapse ko pati utak ko naapektohan para malimutang isa akong lalaking nagpapanggap.
" Okay ka na ba? " Tanong agad ni Aethan muntik ko na tuloy mabitiwan ang basong hawak ko sa gulat.
" Oo, salamat nga rin pala " Pagbalik ko sa baso at medyo naiinis kong sabi rito tsk! kasalanan rin kaya niya bakit yon nangyari saakin kaya lang di man lang niya yon napansin sus! asa pa ba akong magsosorry ito.
" Bakit nga pala ayaw mong magpadala sa clinic? " Paglapag ni Aethan sa bag niya at nablangko naman ang isip ko sa tanong niya.
" Well, never mind pareho naman tayo " Pagtingin nito saakin doon naman ako nakahinga ng maayos.
" Pero kaya ba ayaw mong magtanggal ng damit dahil diyan sa bandage sa dibdib mo? " Feeling ko wala na akong buto sa sunod sunod na tanong ni Aethan naboking na kaya niya ako?! diyos ko anong gagawin ko.
" May sugat ka ba sa dibdib?" Tanong pa nitong muli kaya pumasok na ang dila ko dahilan para hindi ako makasagot hanggang sa may biglang pumasok na idea sa isipan ko habang nakatitig ito saakin.
"Ahh Oo... sa likod pe-pero pawala naman " Natahimik ako nang may bigla siyang ibigay saakin.
"Ano toh? " Nagtataka kong tanong.
" Gamot daw yan sa sugat " Sabi nito ng hindi tumitingin saakin kaya medyo natouch naman ako, mabait naman talaga siya masungit nga lang minsan pero minsan yong madalas at iwan ko na lang kung anong gagawin nito saakin pagnalaman niyang isang dibdib ang itinatago ko.
" Salamat ulit pero pawala naman siya "
" Pero uminom ka pa rin para siguradong gagaling yan at kung hindi magpatingin ka na sa clinic sasamahan kita o kaya si Jeremy " Sabi pa nito ng hindi tumitingin saakin at iwan ko kung nahihiya ito.
" ano toh, concern siya saakin? " pag-iisip ko.
" Ayaw kong mahawaan kaya dapat gumaling na yan " Sabi nito ng magsasalita na sana ako pero hindi ko inaasahan ang sunod na sinabi niya.
" Welcome to basketball club! "
" Kasali na ako?! Talaga?! akala ko wala na akong pag asa... salamat!!! " hindi maubos ubos kong salita rito akala ko talaga wala na akong sport na masasalihan.
"Ginawa ko yon dahil naaawa ako sayo" Sabi nito at wala na akong pakialam doon buti nga at naawa siya saakin at pinasali niya ako.
" Wala ka kasing potential sa larong basketball, wala kang future doon but since pinakita mo kaninang determinado ka talaga kaya sinali kita" Pagtingin nito saakin.
" Oo, gusto ko talaga! Salamat!!! "
" Tsk! ito lang ang sasabihin ko sayo, wag mo ako bigyan ng dahilan na tanggalin ka! " Seryoso nitong sabi tumango naman ako rito kailangan yes lang ako kahit ayaw ko.