"Julian canteen tayo" Paghila saakin ni Jeremy pagkatapos ng klase namin kaya napilitan na akong sumunod rito. Pagkarating namin sa canteen nag-order ito agad, ako naman umupo ako sa isa sa mesa rito.
" Julian ito na" Pag-upo nito sa tabi ko at hindi nagtagal dumating ang ilan sa mga kaklase kong lalaki sina Leo at Grey at iba pa pagkuwan saamin sila tumabi mahahaba kasi ang mesa rito at saka lahat kasi ng mesa sa canteen halos may tao na at yong mga mata ng mga babae nasa direksyon namin.
" Hoy! Pakopya lang ng assignment" Kalabit nong isa kong klasmet sa katabi niya.
"Tsk! Hindi pa nga ako nakaka sagot" Irita nitong sagot.
" Nga pala Julian pasensya na doon sa nangyari sa Basketball court " Pagsosorry nong ilan sa pinagsabihan ako.
"Okay lang yon"
" Di bale starting today puwedi kang humingi ng tulong o magpaturo saamin". Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi nong isa sa team ko.
" Bakit may ginawa ba kayo sakanya?! " Pagtingin ni Leo sa mga kaTeam ko, agad naman silang nag-iwas ng tingin rito.
" Siya ang pinaka matanda rito kaya maraming takot sa kanya bilang respeto" Bulong ni Jeremy pero iwan kung bulong pa yon ang lakas kasi ng pagkaka bulong niya kaya kakatapos lang niya magsalita binatokan agad ito ni Leo kaya nagkaroon tuloy ng tawanan saamin pero ako pinilit kong hindi tumawa baka na naman masabihan ako ng babae ng mga ito e.
" Matanda ka diyan isang taon lang naman ang agwat natin "
" Isa?!!! " Sabay sabay nilang tanong rito at nanunudyong tingin.
" Dagdagan niyo ng dalawa" pag-inom nito ng Juice kaya nagtawanan na naman sila.
" Ikaw Julian ilang taon kana? "
" 20 " tipid kong sagot.
" Ilan ang kapatid mo? may kapatid ka bang babae yong kasing cute mo" Pagkasabi nila nun tumawa na naman sila ako naman masamang tumingin sa kanila hindi naman kasi ako tumawa o ngumiti pero sinasabihan pa rin nila ako ng babae nakakaasar.
" Pero seryoso may kapatid ka ba?" Tanong ni Jeremy ulit.
" Wala akong kapatid nag-iisang anak ako" Pag-inom ko ng juice.
" Sayang akala namin meron pero babae lang ang gusto naming kapatid mo " tawanan na naman nila grabe ang ingay namin gusto ko na ngang umalis pinagtitinginan na kasi kami rito sa loob hindi ko alam dahil ba sa mga gwapo sila o dahil sa ginagawa nilang ingay paano kasi ang dami nilang topic tas itong si Leo may pagkajoker rin kaya ayon kanina pa kami tumatawa. Oo, tumatawa na rin ako total sinasabihan rin naman nila ako ng babae kahit tumawa ako o hindi at saka ang hirap magpigil sa joke ni Leo.
" Umurong ka! " Natahimik naman ang lahat ng may biglang magsalita sa likod ko kaboses kasi ni Aethan at nanlaki ang mga mata namin ng si Aethan nga ito talaga pagkatapos naming lingonin habang may dalang pagkain kaya mabilis akong umurong hindi ko na nga napansing nahulog ang bag kong nasa kandungan ko first time kasi itong sasabay saamin kaya ito biglang nalagyan ng glue ang bibig ng mga ito tanging paghinga lang namin ang maririnig mo.
" Okay lang ba kung dito ako?" Pagsasalita ni Aethan at iwan kung nagpapaalam siya nakaupo na kasi.
" Okay lang yon " Sabay sabay nilang sagot at kung kanina ang ingay nila ngayon wala man lang may nagsasalita.
" Nahulog ang bag mo! " Ani Aethan nang makaupo ito pero bago ko pa ito maabot kinuha agad ito ni Jeremy.
" Sandali may nahulog sa loob " pagbibigay nito saakin inabot ko naman ito ng hindi pinapansin ang sinasabi niyang nahulog siguro ballpen lang o baka papel.
" Sino ito Julian? " Napalingon naman ako kay Jeremy sa tanong nito at nabitiwan ko yong iniinom kong juice sa gulat nang makita yong litrato namin nila Julian at Liya habang hawak hawak nito.
"Mag-ingat ka nga! " Iritang sabi ni Aethan medyo tumalsik kasi yong juice na nabitiwan ko.
" Pasensya na " Pagpunas ko sa natalsikan sa kanya.
" Hayaan mo na" Pagkasabi niya nun inagaw ko agad kay Jeremy ang picture at kitang kita kong liningon rin ito ni Aethan ng pasulyap at yong mga kaklase ko halatang gusto rin nilang tingnan.
" Bakit may problema ba? " Nagtatakang tanong ni Jeremy kaya pinakita ko na lang sa kanila ang litrato huli na kasi para itago ko mas lalo pa silang magtataka pagganon ang ginawa ko kaya pinakita ko na di bale mag-iisip na lang siguro ako ng dahilan pagnagtanong sila.
" Sino ba ang mga ito? " Tanong nila agad.
" Mga kaibigan ko " Pag-inom ko ng juice kinakabahan na talaga ako sana hindi ako magkamali ng sagot sa mga itatanong nila saakin at hindi nila mapansing ako yang nasa litrato, G8 pa naman ako diyan at medyo madumi ang litrato kaya baka hindi rin nila makilala.
" Kaibigan? " Tumango lang ako bilang sagot " Bakit kamukha mo itong isa?" Tanong nila bigla na siyang nagpatahimik saakin inaasahan ko na ito pero di ko alam paano itatago ang kaba ko hanggang sa umikot na yon saamin at kay Jeremy ang pinaka huling napasahan kung saan magkatabi lang kami ng upo kung saan nasa pagitan nila ako ni Aethan habang tahimik na kumakain buti na lang talaga wala siyang pakialam sa mga ganito.
"Oo nga Julian" Pagkwan nilapit niya pa sa mukha ko kaya pakiramdam ko nilamig na ako sa mga tanong nila panginoong maykapal patnubayan niyo ako.
" Kamukha mo talaga, ang mga mata niyo, ilong, siguro kung mahaba ang buhok mo ikaw na talaga ito ang ibig kong sabihin kamukha mo talaga" mapangusisa nilang tingin saakin.
" Ah.... kasi, kapatid ko yan! " Napapikit pa ako at yumuko nang sagotin ko sila at alam ko tinitingnan ako ni Aethan o silang lahat.
" Ahhh kaya naman pala kamukha mo " Paniniwala nila at nakahinga naman ako ng malalim pagkwan nilingon ko si Aethan pakiramdam ko kasi nakatingin saakin at tama nga ako nakatingin siya saakin pero agad siyang nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin.
" Pero diba sabi mo kanina wala kang kapatid?!!!!" Sabay sabay na naman nilang tanong kaya pakiramdam ko nanlumo ako sa tanong nila feeling ko wala nang dugo ang katawan ko.
" Ang ibig kong sabih-hin s-sa wala akong kapatid e... Kasi... Kakambal ko siya!!" Napakagat na lang ako sa dila ko habang iniiwasan ang mga tingin nila.
" Kakambal?! pero sabi mo only child ka?" tanong pa ni Grey na siyang sinang-ayonan pa nila.
" Ah, ang ibig ko doon sabihin para naman talaga kaming only child talaga, e kasi kambal kami nag-iisang anak ni mama at papa na babae at lalaki ganon kasi sa probinsya namin pagkambal na lalaki at babae only child ang tawag " pagsisinungaling ko pa at mga ilang minuto bago silang nagsalita muli.
" Totoo na ba talaga yan? " Tumango na lang ako hindi ko na magawang magsalita.
" sino yong Julian, Liya , at Cindy?!!!" Napalingon naman ako sa tanong ni Aethan paano niya alam ang mga pangalan namin wala naman akong nakwento sa kanya ah o maalalang napag-usapan namin " Hindi kaya nagsasalita akong tulog at napanaginipan ko sila at nabanggit ang mga pangalan nami habang tulog kaya alam ni Aethan____ "
" Nakasulat kasi sa likod" Pagsasalita nito ulit dahilan para matigil ang pagsasalita ng utak ko tssst! bihira lang siya magsalita at tipid pero nakaka blangko naman ng utak. Agad namang tiningnan ng mga klasmet ko ang litrato at binasa yong mga pangalan naming nakasulat doon.
" Ah mga pangalan nila yan ito si Liya (pagturo ko kay Liya) tas si C-cindy (pagturo ko sa litrato ko) at ni Ju-julian(pagturo ko sa boyfriend ko)"
" Kapangalan mo? " Tanong ulit ni Aethan nakakaasar bakit ngayon pa ito naging madaldal.
" Oo, magkaibigan ang mga parents namin kaya napag-usapan nilang isa lang ang ipapangalan sa lalaking magiging anak nila at ako ang kumuha sa litratong yan kaya wala ako " Pagsisinungaling ko pero infairness ang husay ko magsinungaling sana lang maniwala sila.
" Uso pa pala yon sa probinsya niyo ang mga ganyang tradition " Pag-inom nila ng juice at sa pagkakataong ito tinago ko na ang litrato mamaya magtanong na naman sila sa tingin ko pa naman naniwala sila pero natigilan ako ng pagbalik ko sa litrato ko at tumingin sa mga ito ay nakatingin na silang lahat saakin.
" Ang ganda mo pala kung sakaling naging babae ka talaga " Pagtawa na naman nila.
" Try mo kaya minsan magweg at magpaka babae " Pagbibiro pa nila saakin.
" Luko talaga kayo lalaki ako noh! totoong lalaki! " Pagsabay ko sa mga joke nila.
" Pero para ka namang bakla umasta" Natahimik naman kami sa sinabi ni Aethan hindi kasi namin alam kung joke ba yong pagsasalita niya o seryoso wala kasing feelings pero maya maya tumawa rin kami pero naasar ata biglang nag-walk out e.
" Hoy! Sandali lang " Pagsunod naming lahat pero hindi man lang kami nilingon pero kung gaano siya kasungit ganon din kami kakulit and starting this day medyo bumait na talaga sa lahat si Aethan pero pagseryoso siya bumabalik kami sa dati nong stranger pa kami sa bawat isa.
" Julian!!! bilisan mo pa ang pagtakbo!!!" Sigaw saakin ni Jeremy habang tumatakbo ako sa field isa daw kasi ito sa training para maging mahusay na basketball player sunday ngayon kaya wala masyadong tao rito. Tinuturuan talaga niya ako kapag may free time kami at nakakataba lang ng puso kasi sa dami ng practice namin ni minsan hindi ako nakashoot pero hindi pa rin siya sumusuko saakin.
"Pagod na ako" Paghinto ko, agad naman itong tumakbo saakin.
"Mag tubig ka mo na"
"Salamat" Pag-inom ko pero napalingon kami ng bigla kaming tawagin ni Kristine habang ang lapad ng ngiti at kumakaway kaway.
"Julian takbo na may masama akong pakiramdam sa mga ngiti niya" Paghila saakin ni Jeremy kahit pagod na pagod na ako sumunod pa rin ako.
"Anong masama?" katatapos ko lang magsalita tinamaan agad ng sapatos si Jeremy at sa tingin ko galing yon kay Kristine at sakto ito sa ulo niya kaya sa lakas nun napayakap ito sa may lupa.
"Naabotan ko rin kayo " Hingal na hingal nitong sabi habang masama ritong nakatingin si Jeremy pagkatapos tumayo at ako nagtataka lang ako sa mga nangyayari.
" Oh ito!" Pagbibigay ni Kristine sa pagkain at galing ata sa Jollibee may tatak jollibee kasi ang plastic.
" Huwag mong abutin!!! " Pagsigaw pa ni Jeremy pero huli na dahil naabot ko na at nagtatalon naman si Kristine sa tuwa na iwan ko kung bakit imposible namang nang dahil lang sa pagbibigay niya ng pagkain saamin dapat nga ako pa ang magtatalon dahil ako ang binigyan nalimotan ko part II nga pala ito ni Jeremy ng ugali.
" Bakit mo inabot?" Paghablot ni Jeremy sa binigay sakin ni Kristine at binalik niya ito dito pero ayaw nang tanggapin ni Kristine at ayaw rin namang tanggapin ni Jeremy.
" Ano bang meron?" Nagulat ako ng ibigay sakin ni Kristine pero mabilis din naman itong hinablot ni Jeremy at binalik kay Kristine pero mabilis rin namang binalik sakin ni Kristine at kukunin sana ito ni Jeremy ulit pero mabilis na kinuha ni Kristine ang kamay ni Jeremy at kinagat niya ito.
" Ahhhh!!! "Sigaw ni Jeremy habang hawak hawak ang kamay niya.
"Ayan nakagat ka tuloy kung bakit kasi inaagaw mo hindi naman sayo binibigay"
" Aso ka na ba ngayon?!!! pag-ako narabiesan ipapalagay kita sa Zoo" Pagbabanta rito ni Jeremy pero pinigilan ko lang matawa sa sinabi niya plus yong mukha nitong parang bata.
" Heh!!! Manahimik kana nga diyan" Sigaw rito ni Kristine kaya napilitan na ding manahimik itong si Jeremy.
" Ah nga pala Julian alam mo ba matagal ko na kayong sinusubaybayan pero ngayon lang ako nagka-teyimpo para kausapin ka" Paghawak pa niya sa kamay ko tama nga si Jeremy sumama rin ang pakiramdam ko sa paghawak niya sa kamay ko may masama nga itong iniisip.
" Ah ganon ba, bakit ka nga ba nandito?"
" Julian, napansin ko kasi medyo nakaka usap na nila Jeremy si Aethan at balita ko ikaw ang dahilan at isa pa ang pagkakaalam ko ikaw ang pinaka close kay Aethan" Mahinhin nitong pagsasalita pero ramdam na ramdam kong may masama talaga rito.
"Hindi naman kami ganon ka close basta nakakausap lang namin siya minsan"
"Yon na nga at dahil doon binigyan kita niyan" Pagturo niya sa binigay niya sakin.
"Tsk! Akala mo naman kung ano ng binili mo e galing jolibee lang naman yan" Pang-aasar rito ni Jeremy pero dinedma lang siya ni Kristine basta fucos na fucos siya sakin.
"Don't mind him". Pagngiti nito tumango lang naman ako.
" Julian aware ka namang wala ng libre sa mundo lahat may kapalit hindi ba?" Napalunok naman ako sa sinabi nito.
" Ayan na sinasabi ko na ba" Pagtawa ni Jeremy yong tawang pilit na halatang naaasar lang.
" Manahimik ka sabi!" Pagsigaw rito ni Kristine pero inisnob lang siya ni Jeremy.
"Julian tulongan mo naman akong maging close rin kay Aethan? Pleaaase? " Pagkitty eyes nito sakin.
"Kristine hindi naman kasi yon ganon kadali at saka hindi naman kami ganon kaclose kay Aethan sa katunayan kinakausap lang naman kami non paggusto niya" Paglayo ko rito ng kunti agad naman akong inakbayan ni Jeremy at nang-aasar na ngumiti kay Kristine.
"Tama yon!" Pagtango pa ni Jeremy nakasimangot namang tumingin samin si Kristine pero mayamaya ngumiti rin.
" Kung ganon kunan mo na lang ako ng picture niya yong nakangiti siya yon lang kasi ang wala akong shoot niya" Kinikilig pa nitong sabi.
" Stalker ka talaga kung ako si Aethan naku! ipapakulong kita" Sabi rito ni Jeremy.
"Sus! maging ikaw si Aethan?! wake up!!!" pagtusok ni Kristine sa ulo nito " Well, sa totoo niyan matagal naman akong kulong, nakulong sa puso niya" Grabe nagbablush talaga siya.
" Okay Julian? Pumayag kana! sige na!?" Pangungulit nito hindi naman ako makasagot hindi naman siya ganon kadaling kunan nang litrato habang dilat ang mga mata nito baka ako pa ang ipakulong niya pagnahuli ako at saka nakangiti? naku! sa pamamalagi ko rito hindi ko pa nakikita ang mga ngipin ni Aethan tsk! hindi ko nga alam kung marunong yon ngumiti.
" Tingnan mo oh! nakangiti lang talaga ang wala akong picture niya" Pagpapakita niya sa mga picture ni Aethan sa phone niya, nagtotooth brush, natutulog, bagong ligo, naliligo, kumakain, naglalakad sa pathway, at papasok sa CR karamihan sa School lahat ng kuha niya.
" Nong G9 kami nito nong nagboyscout/girlscout kami" Pagturo niya sa mga bagong ligo/naliligo si Aethan kaya naman pala medyo iba ang mukha niya rito.
" Sige susubokan ko " Pagkasabi ko nun bigla niya akong niyakap.
" Aasahan ko yan!!!" Masaya nitong sabi at pagkasabi niya nito umalis na siya.
" Kaya ko bang kunan siya ng picture ng hindi niya nalalaman?" Tanong ko kay Jeremy.
" Kaya nga binalaan kitang takbohan siya at saka bakit ka pumayag?" Panirmon agad ni Jeremy.
" Aba! sino kaya yong nadapa kaya tayo naabotan at saka hindi ko naman alam na ganon si Kristine dapat binalaan mo ako sa kanya ikaw ang higit na nakaka kilala doon" Paninisi ko na naman sa kanya sanay na kasi ako sa ugali nito at saka pakiramdam ko nga hindi ito marunong magalit kaya medyo inaabuso ko talaga ang kabaitan niya.
" paano na toh ngayon?" Pagtingin ko rito.
"Kung ako sayo kukunan ko na lang nang maaga si Aethan dahil siguradong araw araw kang kukulitin ni Kristine asahan mong palagi siyang nakabuntot sayo hangga't hindi mo naibibigay sa kanya ang kailangan niya" Pananakot pa ni Jeremy.
" Bahala na nga! " Matamlay kong tingin rito " tayo na nga" Pag balik namin sa room at natigilan ako sa pagpasok ng marinig kong nagagalit si Aethan at sa tingin ko sa phone ang kausap niya.
" Dad I told you hindi ako babalik diyan hangga't nasa bahay ni mom ang asawa mo!" Galit nitong sabi saka binabaan ng linya ang kausap niya na sa tingin ko ang daddy niya.
"Hello!" Pagbati ko saka umupo sa tabi ng upuan niya pero parang hindi niya ako nakita sabi naman sainyo namamansin lang ito paggusto niya.
" Nga pala may dala akong pagkain pagsaluhan natin" Paglabas ko sa binigay saakin ni Kristine ay! mali suhol pala.
"May ice cream pa?" gulat kong paglabas sa ice cream kumpleto ah! infairness hindi sayang ang inutos niya saakin.
" Ninakaw mo ba yan at hindi mo alam ang laman?" Pagtingin nito saakin ng suplado.
" Grabe ka! Hindi ba pweding binigay? sandali kukuha lang ako ng kutsara"
" Sino naman ang nagbigay? " tanong pa nito.
" Kaibigan lang" Tipid kong sagot.
" Babae o lalaki? " Tanong pa nito tumingin naman ako sa kanya nang masama kakain na nga lang ang dami pang tanong siya na nga itong pinapa-share at isa pa kailan pa ito naging madaldal?
" Babae!" Tipid kong sagot habang ibinibigay rito ang kutsara niya para sa ice cream.
"Girlfriend!" Inubo naman ako bigla sa sinabi niya.
" Tsk! sayo na nga yang ice cream mo mamaya mahawaan pa ako ng sakit" Pagbaba niya sa kutsara.
" Sakit agad? nagulat lang naman ako sa sinabi mo"
"Bakit hindi ba totoo? well, Sino nga bang Girlfriend mo?!" Tanong na naman nito mas gusto ko talaga pagtahimik lang siya ang hihirap kasing sagotin nang mga tanong niya pagnagiging madaldal siya.
" Dati meron, isa" Sagot ko rito baka paghinalaan pa ako pagsinabi kong hindi pa ako nagkaka girlfriend at wala akong balak.
" Anong nangyari iniwan ka ba o niloko mo?" Pagkain nito sa ice cream wow! Ha may pagka bitter rin pala itong si Mr. Aethan the pusang kinulang sa aruga.
" Pagkinuwento ko ba magkukwento ka rin saakin pagmay tinanong ako sayo?" Pagsubo ko pa.
" Depende sa kung gaano kabigat ang story mo kong interesting or not"
"Ang daya mo rin! "
" I'm just practical, so ano ngang nangyari iniwan ka ba at pinagpalit sa iba o ikaw ang nagloko?"
" Namatay siya" Pagtukoy ko kay Julian but this time ako yong lalaki at siya yong babae, kitang kita ko naman yong gulat sa mukha ni Aethan.
" Alam mo ba wala siyang katulad lahat ginagawa niya para saakin pero ako ni isa walang nagawa sa kanya" Habang kinukwento ko si Julian bumabalik saakin ang mga alaala naming gustong gusto kong balikan na kasama siya kaya naman ramdam na ramdam ko yong pag-iinit ng mga mata ko na sa tingin ko may lalabas ritong tubig sa ano mang oras.
"Sa totoo niyan may pagkakapareho kayo" Sa pagkakataong ito hindi lang si Aethan ang nagulat kundi maging ako.
"Ang ibig kong sabihin, alam mo kasi matalino rin siya, siya nga ang dahilan kaya ako nandito I mean tinutulongan niya ako noon na maging mahusay sa lahat ng asignatura " Pagpunas ko sa mga luha ko tuloyan na kasi akong naiyak.
"Sorry" Tipid nitong sabi napatingin naman ako sa kanya alam niya rin pala ang salitang yon biroin niyo yon.
"E anong dahilan at namatay siya?" Natigilan ako sa tanong niya saka nag flash back saakin ang pagkamatay ni Julian kaya naman biglang umagos ang mga luha ko. Isa ito sa mga masasakit na pangyayari sa buhay ko kung saan hindi ko talaga mapigilang hindi maiyak kapag naiisip yon.
" Hindi mo kailangang sagotin" Talagang hindi ko na siya masasagot pa sariwa pa kasi saakin ang pagkamatay ni Julian masakit pa rin e kaya naman napayuko ako at umiyak ramdam ko naman yong paghagod niya sa likod ko.
" Naiitindihan kita ikaw nawalan ka ng girlfriend ako naman nawalan ng Mommy!" Ramdam ko sa boses niya ang galit at lungkot kaya naman napatingin ako sa kanya pero mabilis naman siyang umiwas saakin ng tingin hindi ko na sa kanya binanggit pa ang tungkol sa pagiging ulila ko mamaya mawala pa ang topic namin mukhang magkukwento pa naman siya tungkol sa buhay niya at isa pa hindi na ganon kasakit yong nangyari kila papa nasanay na kasi ako at saka matagal na yon.
" My mom's die last year then, after two weeks my father brings another woman in our house at ang masakit doon may anak na siyang 6 years old on that woman ang sakit lang isipin na hindi pa patay si mommy naghanap na siya ng ibang babae, my mom got commatose more than 6 years but at last she did not survive nagising siya ng isang araw but that day! she just say goodbye and i love you at binawian na siya ng buhay at ang sakit nun " Pagtalikod nito at kahit hindi ko nakita sigurado akong nagpunas siya ng luha masakit naman pala talaga ang nangyari sa mommy niya kaya naman pala ganon na lang ang galit niya kay Ma'am Villasore, sa stepmom niya.
"And I really hate my Dad for that and his affair!!!!" Galit na galit nitong sabi habang namumula ang mata nito at kagat kagat niya ang ibabang labi niya halatang galit na galit siya first time ko siyang makitang ganito ito.
" Sabi nila lahat ng bagay nangyayari dahil may plano dito ang diyos" Pagyakap ko rito habang pinapagaan ang pakiramdam niya at napansin ko lang yon ng tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kanya pagkatapos ng ilang segundo at saka nagsink-in sa utak ko na isa akong lalaki at bilang mga lalaki ang sagwa nun tingnan.
" Lilipas din yan!" sabi ko rito hindi naman siya sumagot at biglang lumabas kaya mag-isa akong kumain di ko na tinanong wala kasi sa mood at ngayon alam ko na kung bakit siya ganon kay Ma'am ang sama rin pala ni Ma'am ibig sabihin pinatulan niya ang papa ni Aethan kahit may asawa ito.