Chapter 16

4066 Words
SABAY kaming pumasok ngayon ni Aethan ay! mali nakisabay pala ako. "Aethan anong laman ng bag mo?" Tanong ko rito sabay hawak sa bag niya naramdaman ko naman ang papel niya. "Ano sa tingin mo? " "Akala ko hindi ka nagdadala ng notebook at ballpen ni minsan kasi hindi kita nakitang nagsulat o kahit naglabas lang man ng libro " " Hindi ako nagsusulat dahil nasa libro rin naman lahat ng itinuturo saatin yong page lang ng libro ang tinatandaan ko" Sagot nito napaka cool talaga niya pagnag sasalita siya ng hindi galit yong normal lang. " Paanong nakakasagot ka kahit wala kang librong dala gaya ng hindi pa naituturo or yong kahapon lang natin na tackeled" " Nakikinig ako at lahat ng libro natin natapos ko nang basahin " Pagsasalita pa nito ng diretso lang ang tingin. " Naisa-ulo mo yon lahat?!" Hindi makapaniwalang tanong ko rito pagkwan humarap siya saakin kaya napaatras agad ako ng kunti. " Sa tingin mo makaka sagot ako kung hindi?!" Suplado nitong sabi saakin saka naglakad ulit " Basta mabasa o makita ko ang isang bagay hindi ko na yon makakalimotan " " Grabe ang cool mo naman pala isa kang henyo!!!" Pagtumbs up ko pa rito ng dalawa. "Kung hindi ko lang kailangan ng diploma hindi na ako mag-aaral kaya ko naman kasing turuan ang sarili ko" Sabi pa nito pero hindi na ako nagtataka kung ganito siya mag-isip. " Pero iba pa rin yong kaalamang natutunan mo sa klase kagaya ng mga performance task" " Ang mga katulad mo hindi talaga niyo maiitindihan ang sinabi ko" Tumaas naman ang dugo ko sa sinabi niya. Oo na siya na ang matalino at ang katulad niya rin kailan man hindi niya maiitindihan ang sinabi ko. " Excuse me, Aethan? " Pagharang nang dalawang JHS saamin ni Aethan. " Bakit?" Tanong ko tiningnan lang kasi sila ni Aethan. "Bakit daw? sige na!" Pagtusok nong babae sa kasama niya. "Aethan a-alamo dito sa campus num-number one fan mo ako gustong gust-" " You're a Grade 9?" Pagputol ni Aethan sa sasabihin nong babae agad naman itong tumango sa kanya. " Alam niyo bang in 5 minutes magsisimula na ang klase at alam niyo ring malayo ang building ng grade9 sa college building?" Napatango naman yong dalawa. " Bumalik na kayo sa classroom niyo dahil kung hindi sampong araw kayong maglilinis sa Grade9 office and as an SSG President hindi ako magdadalawang isip na gawin yon" Halata namang nahiya yong dalawa sa sinabi ni Aethan hellow magHi nga lang sa crush mo nakakahiya na magtapat pa kaya tas ito lang ang isasagot niya sayo, pabigti na tayo teh! " Pasensya na" Naiiyak na sabi nong babae habang umaalis sila. "Okay lang yan sinabi ko naman sayong masungit siya at saka hindi ganon kadaling mapansin ka niya hanap na lang tayo ng iba" Pagpapatahan nong kasama niya sa binasted ni Aethan. " Pero siya ang gusto ko" sabi pa nong babae sabay lingon kay Aethan. "Gustong gusto ko talaga siya" Malakas nitong sabi na halatang nagparinig tsaka tumakbo agad namang sumunod rito ang kaibigan niya. " Bakit ganon ka? " Masama ko ritong tingin. " Kung pinansin ko yon baka umasa pang gusto ko rin and she's not my type, anyways " Pagtingin pa nito saakin hindi ko alam pero nakatingin lang din ako sa kanya ayaw mag hiwalay ng mga mata namin. " Anong nangyari?!" Pag-akbay saamin ni Jeremy at doon rin naalis ang pagtutugma ng mga mata namin ni Aethan pero agad ring tinanggal ni Jeremy yong pagkaka-akbay niya kay Aethan ng maglakad kami pero saakin nakaakbay pa rin siya. " Si Aethan nambasted kawawa nga yong babae" Pagkukwento ko kaya asar na lumingon saakin itong tsinismis ko. " Because I don't like HER! " Masungit nitong sabi at ang cute lang niya tingnan. " Yon naman pala e bakit pala ikaw Julian liligawan mo rin ba pagnagtapat sayo?" " Syempre hindi!" Sagot ko agad hindi naman ako tomboy noh. " See?! ganon ka rin pala sakin " natutuwang sabi ni Aethan. " Hindi, magkaiba tayo ng kaso" " Bakit Julian anong kaso mo? " Pagngiti saakin ni Jeremy kaya bigla namang nablangko ang isip ko. " Bakla kasi yan!" Pagpasok ni Aethan sa classroom at natigilan naman ako sa sinabi niya. " Bakla ka ba talaga?" paglayo saakin ni Jeremy na mukhang naniwala talaga kay Aethan. " Hindi noh!" Depensa ko agad. " biro lang" tawa nito saka umakbay muli saakin pilit naman akong ngumiti rito at iwan kung nagbibiro ba talaga siya sa sinabi niya. " Hai! Julian " Natigilan ako bigla sa narinig kong boses. " Nandiyan na pala siya, sige mauna na ako" Pagpasok ni Jeremy at bago pa ako makasunod rito pumunta na saakin si Kristine. " Nakuhaan mo ba siya? " Pagsilip nito kay Aethan sakto namang nakatingin ito saamin kaya mabilis itong nagHi pero snob lang ang natanggap niya. "Hanggang ngayon nahihiya pa rin siyang umamin sakin" Napatingin naman ako rito sa sinabi niya ng hindi makapaniwala dahil wala naman talagang paki rito si Aethan makikita mo yon sa mga mata niya kanina hindi ko nga alam kung nakita siya nito pero mayamaya tumawa ito ng mahina. " Pangarap ko yon " pagngiti nito saakin "so Ano may picture ka na niya?" " Wala pa aware ka namang hindi siya mahilig ngumiti, diba? " Pagkamot ko pa sa ulo ko. " So wala pa? sige basta hihintayin ko" Pagkasabi niya nun sumilip siyang muli sa classroom pero hindi na nakatingin sa kanya si Aethan pero nagflying kiss pa rin ito sa kanya at nakita naman yon ni Jeremy kaya kunwari pinalo niya yong kiss ni Kristine kaya naaasar itong nagwalk out. " Paano ko naman makukuhan ng nakangiti itong si Aethan e palaging magkasalubong itong kilay niya" Pag-iisip ko sabay upo at hindi nagtagal dumating yong teacher namin hanggang sa last period na lang ang natira. "Good Afternoon class" Bumati naman kaming lahat. " Okay prefered 1/2 length wise we will have quiz today" Bigla namang nagkaroon ng ingay sa classroom namin lahat nasurprise, si Aethan lang ata ang hindi nasurprise at ako kinabahan naman ako bigla hindi ko kayang magQuiz ng walang review at isa pa paano kung hindi ako pumasa paano na ang scholar ko nakakaasar bakit naman may pasurprise quiz pa kung puwedi namang i-announce. " Okay are you ready? " Wala namang may gustong magsalita pero ako gustong gusto kong magtaas ng kamay para humingi ng palugit para magreview man lang kung para saaming lahat ako lang ang kawawa rito pagbumagsak. " Can you give us at least 5 minutes to study? " Napatingin naman kaming lahat sa pagtaas ni Aethan sa kamay niya at nagsalita panigurado naman kasing kahit international ito ipaquiz makakasagot pa rin ito kaya hindi kapanipaniwalang ginawa niya ito. "Okay 5 minutes only but pagmay narinig akong nag-ingay I will recoup that 5 minutes" Nagstart naman ang katahimikan sa classroom kaya agad akong ngumiti kay Aethan sa sinabi ni Sir. " mag-aral kana bago pa matapos ang 5 minutes! " Sabi nito ng hindi tumitingin saakin siguro nasisilip din nito ang mga ngiti ko mabait naman talaga ito basta maganda ang pakiramdam niya siguro napansin niya ang pamumroblema ko kanina pero nong three minutes pa lang biglang may tumawang klasmet ko habang nakikipag harutan sa kaklase ko rin kaya gaya ng sabi ni Sir pinutol niya ang 5 minutes kaya nagsimula na kaming magquiz 30items. "Grabe sa tingin ko kunti lang ang tama ko" Pangungumpisa ni Jeremy nong papalabas na kami ng mga kaklase kong lalaki. " Buti ka pa kunti lang ako nga may sagot wala namang tama" Sabi pa nong isa at mayamaya tumawa sila. "Ako nga blangko ang papel ko" Dugtong pa nong isa kaya mas lalong lumakas ang tawanan saamin sana ganiyan din ako sa kanila yong maliit/malaki ang makuha ko walang problema yong tatawa rin ako kahit zero ako. " Ikaw Julian? " Paglingon saakin ni Jeremy sa likod habang naka simangot. " Okay lang sa tingin ko nakakalahati naman ako" Matamlay kong sagot. "Ang cool mo naman pala kami nga zero siguro, sige lang bawi lang tayo" Pag-akbay saakin ni Jeremy sabay gulo sa buhok ko habang tumatawa. " Pero yong scholar ko kasi " Bulong ko pero narinig ata nila. " Okay lang yan hindi ka naman siguro maaalis sa Scholar nang dahil lang doon" Pagtapik pa nila sakin. " Bumawi ka lang sa next" Tipid na sabi ni Aethan. Oo, nakisabay siya saamin ay! Mali, kami pala ang nakisabay pero sa sinabi niyang iyon medyo gumaan ang pakiramdam ko tama siya at saka hindi rin naman ako zero. " Salamat!" Paglalakad namin at nang makarating kami sa building nang room namin naghiwahiwalay na rin kami at pagkapasok na pagkapasok ko umakyat agad ako sa kama ko at nahiga wala akong ganang gumalaw o magsalita sa ngayon paano kung hindi ako nakakalahati? paano ang scholar ko. " Marami pa tayong quiz at isa pa hindi pa naman exam" Dinig kong sabi ni Aethan kaya lang bakit bigla akong natakot sa sinabi niya paano kung bumagsak rin ako sa mga pagsusulit namin hindi ko naman kasi kasing talino si Julian. "Pero...." "Scholar ka at kaya mo yan! " Sabi nito kaya naman tumahimik na lang ako sa bagay tama siya kaya panininindigan ko na lang ang mga bagay na pagkakaalam nila ganon naman ang buhay ko at tinanggap ko na yon. " Hellow??? "Pagkatok ni Jeremy sa pinto kahit hindi ko siya nakita sigurado akong siya yong kumatok ka boses niya kasi. " Ano? " Pagbukas ni Aethan. "Si Julian?" Pagngiti nito agad habang kinakabahan ng bumungad rito si Aethan kaya naman agad akong bumaba. " Bakit Jeremy? " Paglapit ko kaya lumayo naman saamin si Aethan. " Sama ka saamin mamaya" Bulong nito saakin habang curious namang nakatingin saamin si Aethan. " Saan? " " Basta! pero wag mo nang sabihin kay Aethan sige na, hintayin kita sa pathway" Pagkasabi nun ni Jeremy umalis na siya hindi pa nga ako nakakasagot kung sasama ako o hindi. " Ano yon? " Tanong agad ni Aethan. " Wala may gagawin lang kami" Pagsuot ko sa sapatos ko nang makapagpalit ako ng damit pero bago pa ako makalabas nauna ng lumabas si Aethan magtatanong sana ako pero mabilis siyang umalis. " Halika na kanina pa nila tayo hinihintay" paghila saakin ni Jeremy mabilis naman akong sumunod pero natigilan ako nang sa may likod ng school kami sa tingin ko lalabas na naman kami. " Hindi ako sasama! " angal ko agad pero bago pa ako makaalis mabilis akong binuhat ni Jeremy at nanlaki ang mata ko ng may humila saakin paitaas sa may bakod. " Tama nga si Jeremy hindi mo kayang umakyat" Pagtawa ng mga kaklase kong lalaki. " Napaka malnourished talaga niya" Pagtalon ni Jeremy mula sa itaas ang dali lang talaga sa kanila ang maglabas pasok dito sa may pader. " Tayo na! " Pagtakbo pa nila na para bang nakatakas sa hawla. "Jeremy hindi ba kayo natatakot?" Tanong ko rito. " Palagi namin itong ginagawa at nakadalawang beses lang kaming nahuli at saka masaya namang lumabas rito ng magkakasama" Pag-akbay nito. " Pero..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko bigla ko kasing naalala ang score ko kanina dapat imbis na lumabas ako ngayon dapat nag-aaral na lang ako pero ayaw kong sabihin yon mamaya isipin nilang KJ ako at trying hard maka pag-aral dito pero tama rin naman pero hindi ko nga lang wants kundi needs. " Sa totoo niyan wala talaga kaming balak lumabas pero ang sabi kasi ni Jeremy kailangan mong malimotan ang nangyari kanina kaya makisabay ka naman para malimutan mo yon dahil mag-eenjoy tayong gabi " Pag-akbay nila saakin kaya naman tumigil na rin ako sa kadadrama pero nakakailang lakad lang kami habang nagkukwentohan ng mga nakakatawang bagay ay bigla kaming natigilan ng makasalubong namin si AETHAN!!! " Talikod!!!" Bulong ni Grey sabay sabay naman kaming tumalikod bale 9 kaming lahat ngayon. "Bakit nandito siya?" Tanong pa ni Grey habang naglalakad kami ng parang robot. " Sandali!" Natigilan kami ng magsalita si Aethan saka kami humarap habang nakataas ang kilay niyang nakatingin saamin. " Aethan ikaw pala!" Pagngiti nila kunwari hindi nila alam nakisabay naman ako pero seryoso pa rin ang tingin niya paano nga ba at maluluko namin ito. " Alam niyo ba kung ano ang parusa niyo sa ginawa niyo?" Nakapamulsang tanong nito at tumango naman silang lahat at nakisabay na naman ako habang may pagtataka ang mukha. " Ikaw " turo nito saakin siguro napansin nitong nakikisabay lang ako sa kanila dahil ang totoo wala naman akong alam " alam mo bang pweding maalis sayo ang scholar mo once na mahuli ka? " Napatingin naman ako kay Jeremy pagkatapos matakot sa sinabi nito mamaya nagbibiro lang ito pero kahit biro pa hindi nakakatuwa. " Hindi ko alam yon pero talaga Aethan?" Paglapit ni Jeremy pero tiningnan lang siya ni Aethan bilang sagot. " Pero ang sabi mo pagnahuli ako so hindi pa ako nahuhuli I mean hindi mo ako hinuhuli o isusumbong o paparusahan? " Pagtingin ko rito. " Ano sa tingin mo?" " Aethan pagbigyan mo na kami sa totoo niyan kaya kami lumabas dahil nalulungkot kami sa score namin kanina at gusto naming malimotan yon kaya kami lumabas" Sabi ni Leo tumingin naman saakin si Aethan iwan ko basta biglang naalis yong masungit niyang tingin. "Ngayong araw lang! " Pagkasabi niya nun tumalikod na siya sina Leo naman akala mo ano nang sinabi niya gulat na gulat sila halatang hindi makapaniwala sa sinabi ni Aethan. AETHANS POV: Kung hindi lang talaga emotional ang Baklang Julian na yon hindi ako papayag dahil may mga consequences pagnalaman ng school na kasabuwat nila ako kahit akin ang school namin napaparusahan rin ako dahil nandoon ang kabit ni papa na nangangarap maangkin ang school at yon naman ang hindi ko papayagan pinaghirapan ito ng angkan ni Mommy at pinahalagahan kaya hindi ko dapat mabigyan ng dahilan ang babaeng yon na maalis ako dito para tuloyang maangkin ang mga pagmamay-ari ni mommy. " So saan ka Aethan? " Paglapit nilang lahat saakin nangunguna rito si baklang Julian. " diyan lang " Tipid kong sagot. " Sama kami?! " Paglapit pa nila saakin at natigilan naman ako actually magkikita kami ngayon ng kapatid ko kalalabas niya lang kasi sa hospital sana nga tuloy tuloy na ang paggaling niya pero mamaya pa yon. " E kayo saan ang punta niyo? " Balik ko sa tanong nila ano nga rin ba ang gagawin nila pamilya rin kaya nila ang dadalawin nila. " Sasama ka ba?" Pagngiti nila saakin ng sabay sabay pero si Baklang Julian nagtataka ring tumingin saakin sa kanya kasi ako nakatingin at mukhang wala siyang alam sa tumatakbo sa isip ng mga ito. " Sama kana lang Aethan siguradong mag-eenjoy ka" Pag-akbay saakin ni Jeremy pero tumahimik na lang ako. " Silence means yes, Tayo na!" Sigawan nila saka tumakbo medyo gabi na rin kasi kaya wala na masyadong tao. " Bilisan mo! " Paghila saakin ni Baklang Julian nakatayo lang kasi ako habang nakatingin sa kanila. " Hindi ba tayo pweding maglakad na lang? " " Hindi puwedi mas masaya yong ganito at saka kailangan natin makasakay agad dahil kung hindi maiiwan tayo" Sabi pa nila at maya maya may nagparang jeep kunti lang ang tao nito at natigilan ako ng patakbo silang sumakay rito nagising nga lang ako ng hilain ako ni baklang Julian. "Julian dito ka sa tabi ko" Paghila sa kanya ni Jeremy, tumabi naman siya rito at sa kanila na rin ako tumabi. " Yohooo!!!!" Sigawan nila wala silang pakialam kahit maraming nakakarinig sa kanila. " Julian subokan mong ilabas ang kamay mo ramdam na ramdam mo ang pagdaloy ng hangin parang tubig na umaagos sa kamay mo" Sabi rito ni Jeremy sinubokan naman ito agad ni baklang Julian mayamaya ngumiti siya at natigilan ako sa mga ngiti niya bakit ganon? mas nagmumukha pala siyang babae pagngumingiti akala ko kapag natutulog lang siya. " Subokan mo" Pagkuha niya sa kamay ko at bigla niyang nilabas at tama siya para itong tubig na dumadaloy sa kamay pero natigilan ako ng may kakaiba akong naramdaman habang magkadikit ang mga kamay namin at lalo na nong maramdaman ko ang hininga niya sa braso ko. " Tama na!" Pagbawi ko sa kamay ko nakangiti naman itong tumingin saakin. " Ang ganda sa pakiramdam hindi ba?" Pagngiti rin rito ni Jeremy. " Oo, ngayon ko lang yon nalaman" Masaya nitong sabi. " Sabi naman sayo mag eenjoy ka" Masayng sabi ni Jeremy. " Ikaw rin, Aethan" " Iwan lang pero hindi ako childish" Sabi ko pero sabay lang nila akong nginitian. " Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw ikaw ang patutunguhan at pupuntahan pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw mula noon bukas at kailan man" pagsabay nila sa kanta sa jeep at imibis na magalit yong mga tao sa jeep sa ingay nila nakisabay rin silang lahat na para bang sanay na sanay sila sa mga ugali nila Jeremy. " Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw" pagkalabit saakin nila Julian kaya napilitan na rin akong kumanta paulit ulit niya kasi akong kinalabit pero sa chorus lang ako dahil familiar lang ako sa music. " manong dito lang " Pagbaba namin masaya naman kaming kinakawayan ng mga tao sa jeep habang nagpapaalam sina Baklang Julian sa tingin ko hindi lang ngayong araw lumabas ang mga ito sa school ng walang permeso parang kilalang kilala na sila dito e pati nga yong driver ng jeep wagas rin makangiti. " Bilisan niyo sa paglalakad excited na ako!!!" Hindi makapaghintay na sabi ni Jeremy habang naglalakad kami. " Saan ba tayo?" Sabay naming tanong ni Baklang Julian habang nagmamadaling lumakad. "Kayo kakain ba tayo o ano?" Tanong nila. " Kain muna" Suggest ni Jeremy. " Okay, tayo na!" Sumunod naman kami kay Leo pero natigilan ako ng sa may ihawan kami nagpunta basta ngayon lang ako nakakita ng ganitong kainan o lugar at saka ang daming tao. " Nagpupunta kayo sa ganitong lugar?" Tanong agad ni baklang Julian habang umuorder sila ako naman nakatingin lang ako hindi nga ako sure kung pagkain talaga ang mga toh. " Oo naman ang sarap kaya nito" Sabi ni Jeremy habang inaabotan ng pagkaing inihaw si baklang Julian. " Ang alam ko hindi alam ng mayayaman ang mga ganitong lugar o baka naman hindi talaga kayo mga anak mayaman" Pagkain pa nito hindi ko alam kung napapansin ba nila akong nakatayo sa harapan nila o baka ayaw lang talaga nila akong alokin sa mga pagkaing itong ngayon ko lang nakita. " Nakikita mo ba yon? " Pagturo ng isa sa kasama namin sa isa sa mga building na natatanaw mula saamin agad namang tumango si baklang Julian. " Amin yan" Pagyayabang nito na sinundan pa ng kasama namin o halos silang lahat kaya hindi naman makapaniwala itong si Baklang Julian. " Puwedi ko na pala kayong kidnapin" Pagbibiro nito. " alam mo kasi pagmagkakasama kami nakakapunta kami sa ibang planeta at nagagawa namin ang mga bagay na gusto namin" Masaya nilang sabi pero natigilan ako sa pagmamasdan sa kanila ng lingonin nila ako ng sabay sabay. SOMEONES POV: " O ito para sayo" Pagkuha ni Julian sa isaw at binigay kay Aethan alanganin naman niya itong inabot. " Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" sabay sabay nilang tanong rito pero hindi na lang sila sinagot ni Aethan. " Silence means yes!" sabi nila. " Kainin mo na pero isawsaw mo muna dito" Pagturo ni Julian sa sawsawan. " Pero hindi ba't tira na yan ang dami ng sumawsaw diyan" " Pero ganyan yan kainin Aethan" paglapit rito ni Jeremy. " Kainin mo na ang bakla nito para kainin lang e natatakot ka pa" Pagtawa rito ni Julian ganon din sina Jeremy halata namang naasar si Aethan. "BAKLA? ANG KAPAL NG BAKLANG ITO PORKET KAYANG KUMAIN NG PAGKAING GALING IBANG PLANETA!!!" sa isip nito "at sinong natatakot?" " Ay! sus, walang lason yan tingnan mo katatapos lang namin kumain diyan at walang hinimatay saamin ligtas yan Bro! " Pagtapik pa rito ni Julian na halatang nang-aasar. "KUNG SA MUNDO MO O SA SCHOOL HINDI KITA PWEDING PAGYABANGAN PWES DITO MAKIKITA MO ANG TINATAWAG MONG BAKLA" sa isip ni Julian. " Kainin na yan!!! Kainin na yan!!!" Pag-uudyok rito nila Jeremy para talaga silang mga bata. " Fine! " Pagkain rito ni Aethan pero dalawang kagat pa lang umayaw na siya kainin ba namang hindi isinasawsaw tira nga daw kasi. " Ayaw ko na!!!" Asar na asar siya ng tinatawanan siya nila Jeremy. " May hindi ka rin pala kayang gawin!" Sigawan pa nila rito habang tumatawa habang si Aethan halos masuka na. "Uminom ka muna" Pagbibigay rito ni Julian ng ice tubig na halatang nagGuilty sa pambubully kay Aethan. " Ano na naman yan?" " Wag kang mag-alala hindi lang ito nakalagay sa mineral bottle pero lasang tubig pa rin ito" Sabi rito ni Julian pero asar na asar si Aethan ng sumaboy sa kanya ang tubig butasan ba naman ng malaki kaya ganon na lang ang tawanan nila Jeremy pero isang sulyap lang ni Aethan para silang pagong na nagsibalik ang mga ulo sa bahay nila sa takot pagkatapos tumalikod ng mga ito pero kahit nakatalikod sila halata pa ring nagpipigil sila ng tawa mga pasaway talga. "Anak mayaman ka nga talaga bakit mo kasi binutasan ng malaki" Pagkwan kumuha ulit si Julian at siya na ang nagbutas rito. " O(tubig) wag kang mag alala walang sira ang ngipin ko at hindi ko nalawayan yan" Pagpapaliwanag rito ni Julian tiningnan lang kasi ito ni Aethan pero mayamaya Inabot niya rin ito at ininom. " Ice cream na lang tayo" Paghila ni Jeremy kay Julian. " Mabuti pa nga para maalis yong lasa ng kinain mo sa bibig mo" Sabi ni Leo kay Aethan tumango naman siya rito yong tangong cool lang. " Okay tayo na! " sabi ni Grey at naglakad na ito ng mabilis sumunod naman sila rito. " Pass na lang muna ako diyan" Sabi nong isa sa kanila nang madaanan nila yong nagbibinta ng ice cream kaya lang pinilit pa rin nilang kumain ito kaya wala siyang nagawa kundi sumunod ganon kasi sa kanila bawal ang kill joy. " Anong klasing ice cream na naman ito?" Naaasar na tanong ni Aethan habang binibigyan siya ni Julian. " ice cream! Hindi lang siya nakabalot ng maayos pero nakakain pa rin naman ito " Sagot ni Julian habang dinidilaan ang ice cream niyang binigay lang nila sa maglalako ng ice cream sa labas. " Kayo na lang " maarteng sabi ni Aethan habang magkasalubong ang kilay. " malinis ito " Pagkain pa ni Julian kaya naman kahit ayaw ni Aethan napilitan siyang kainin nakatingin kasi silang lahat rito plus nasa bibig pa rin niya yong lasa ng isaw. " Tayo na maglakad na tayo" " Kakainin natin ito habang naglalakad? Seryoso ba kayo?" Iritang tanong ni Aethan. "Oo, tayo na!" Paglalakad nila. " Childish! kumakain habang naglalakad? para tayong mga tanga nito!" Natigilan naman sa paglalakad sina Jeremy sa sinabi ni Aethan kung halata sa boses niya ang inis. " Sige, kainin muna natin" Pagkain nila sa ice cream pero natigilan sila ng magkatitigan silang lahat habang kinakain ang ice cream kaya biglang nagkaroon sa kanila ng tawanan. "Tayo na nga" Pangunguna ni Aethan habang pinipigilang matawa habang ang lakas ng tawanan ng mga kasama niya. " sabi naman namin sayo e, mas masaya kung kakainin natin habang naglalakad". Sabi pa nila Leo habang natatawa pagkwan nilampasan nila si Aethan. " But this is not my style! " Itatapon na sana ni Aethan ang ice cream ng biglang hawakan ni Julian ang kamay niya. " Sumama ka kaya makisama ka" Tumingin naman siya rito. " Halika na kasi, alam mo kung hindi natin sila sasabayan hindi tayo mag-eenjoy" Paghila rito ni Julian. " Pang childish naman kasi ito" " Alam mo minsan bawas bawasan mo ang pagiging seryoso mo sige ka maaga kang kukulubotin " Paghawak pa ni Julian sa nakakunot noo ni Aethan saka ito naglakad hindi naman nakareact pa si Aethan. " Julian halika na nandito na tayo" Paghila ni Jeremy kay Julian pero natigilan si Julian ng makita niya ang pupuntahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD