" BAR?!!!" malakas na pagbasa ni Julian sa pinagdalhan sa kanya nila Jeremy pero bago pa siya makapag reklamo hinila na siya ng mga ito sa loob.
"Kung alam kong dito ang tungo niyo walang makakalabas sainyo" Seryosong sabi ni Aethan na siyang nagpahinto sa excitement nila.
"Sang-ayon ako" Dugtong pa ni Julian "At isa pa sa probinsya namin pinagbabawalan ang mga babaeng pumasok sa ganito " Pagtingin ni Julian sa loob.
" Wag mo ng kampihan baka parusahan pa tayo niyan, sige ka " bulong rito ni Grey kaya napalunok naman itong si Julian.
" E wala naman tayo sa probinsya niyo at isa pa hindi ka naman babae e " Sabi pa ni Leo at umakbay kay Julian.
"Oo nga Julian at isa pa nandito na tayo e at saka ngayon lang naman President" Pagpunta ni Jeremy kay Aethan.
" Oo at saka siguradong malilimotan ni Julian ang score niya kanina" Pagsayaw pa nila habang nakatingin sa floor na punong puno ng taong nagsasayaw habang paiba iba ang ilaw nito.
" Aethan for Julian!!!" Paglapit ni Jeremy habang may dalang dalawang basong may beer.
" Sige na Aethan" Pagbibigay ni Grey sa beer rito.
" Julian kausapin mo nakuuu! Kapag talaga naparusahan tayo " pagbulong rito ni Grey alam kasi nilang kaya lang naman pumayag at sumama itong si Aethan e dahil kay Julian.
" Oo, nga-ngayon lang naman Aethan " nauutal pa nitong sabi.
" Fine basta ngayon lang!" Napatingin naman agad si Julian kay Aethan pero agad siyang nag-iwas ng tingin rito at pumunta sa isang bakanteng mesa agad naman silang sumunod rito pero si Julian nakatingin lang siya sa kanila habang ang daming nagsasayaw at saka first time niyang pumasok sa ganitong lugar kaya nalalasuwaan talaga ito sa mga nakikita niya.
" Halika na!" Pagbalik rito ni Jeremy sabay akbay rito.
" Ang saya talaga dito pakiramdam ko nalilimotan ko ang mundo pagnandito ako" Sabi pa ng kasama nila habang umiinom.
" Wag kayo masyadong maglalasing dahil walang maghahatid saatin" Banta ni Leo pero ngumiti lang silang lahat rito at habang nagsasaya sila tahimik lang si Julian isa rin naman siyang desenteng babae at hindi niya pangarap makapasok sa ganitong lugar ang daming naghahalikan at yong mga babae halus mahubaran na sa mga suot.
"Julian alam ko mahilig ka nito" Pagbigay ni Jeremy sa beer kay Julian kaya agad naman niya itong ininom na siyang dahilan para mapalingon rito si Aethan at magtaka.
"Hindi mo naitatanong Aethan pero itong si Julian ko walang makakatalo sa kanya sa inuman " Natapon naman nilang lahat ang iniinom nilang beer sa sinabi ni Jeremy.
"Julian ko?!!! " Tawanan nila " bakla ka na ba ngayon?" Tawanan pa nila.
" Alam niyo kasi ako at si Julian ay mag BFF, Bestfriend Forever" Paggulo pa ni Jeremy sa buhok ni Julian kaya hindi napigilang matawa ni Aethan.
" bff?! bago yon ah "Pagtawa pa nito yong tawang nang aasar.
" Oo nga " Nahihiyang sabi ni Julian.
"Hai boys " Paglapit ng grupo ng mga babae dahilan para maputol ang usapan nila.
"Hello" Paglingon nila rito maliban kay Julian at Aethan.
" Wanna dance?" Pagpapa cute pa nila saka pumunta sa dance floor at para namang mga batang sumunod rito sina Leo akala mo sa Jollibee pupunta.
"Julian tara na sayaw tayo, Aethan?" Tinaas lang ni Aethan ang baso ng beer hudyat na mas gusto niyang uminom kaysa magsayaw.
" Ah Jeremy ikaw lang muna mas gusto kong uminom din " Paglagok ni Julian sa beer sa totoo lang ayaw niya talagang sumayaw naiinis kasi siya sa mga babaeng akala mo linta kung makadikit sa mga lalaki at hindi naman talaga siya lalaki at hindi niya kayang asiwaing makipag lampongan sa kanila.
" Sige pero susunod ka ah?! " Tumango lang si Julian kay Jeremy at nagpunta na nga ito kila Grey at nagsayaw.
" Ang ingay naman" Pabagsak na paglagay ni Julian sa baso ng beer.
"Magdahan dahan ka naman" Naasar ritong sabi ni Aethan.
" Pasensya na, Aethan sabihin mo nga paano niyo nagagawang mag-enjoy sa ganitong lugar ang daming tao, ang ingay, nakakahilo ang ilaw, puro kalaswaan, at lahat ata ng tao rito lasing"
" Akala mo naman hindi ka nag-eenjoy sa iniinom mo? Tsk! Napakapayat mo pero kung makainom ka ng alak akala mo wala ng bukas at saka hinay hinay lang walang aalalay sayo pagnalasing ka" Pagkuha ni Aethan sa beer na iinomin palang ni Julian " Isa pa mukha ba akong nag-eenjoy? "
" Akina yan! " Paghablot rito ni Julian at diretso sa bibig niya.
" Hai! Boys " Pagtabi nang dalawang babae kila Aethan sabay hawak kay Julian.
"Hello" Paglayo ni Julian sa babae akala mo kakainin nito sa layo ng space niya dito.
"Erica" Pagpapakilala niya rito.
" Alam mo hindi tayo talo " Paglipat ni Julian sa ibang upuan napakunot naman ng noo yong babae sa sinabi niya.
" Jessy and you? " Tanong rin nong isa kay Aethan habang nagpapacute rito.
" I'm not interested, just leave!" Pagsnob ni Aethan sa babae.
" Halika na nga mga bakla ata ang mga ito eh! " Asar na pag-alis nang dalawang babae.
" Sayang ang guguwapo pa naman" Bulong pa ni Jessy.
" Diyos ko kinikilabotan ako" Pagsandal ni Julian sa upuan niya akala mo pinagsakloban ng langit at lupa.
"Bakit rin ba kasi ako pumasok rito" paghawak niya sa mga hinawakan sa kanya ng babae.
" So bakla ka nga talaga?" Natigilan bigla si Julian sa sinabi ni Aethan.
" B-bakit mo ba ako tinatawag na b-ba-bakla?"
"Dahil yon ang nakikita ko grabe ka maka iwas sa babae kanina ah"
" Ikaw rin naman ah sabi mo pa nga " I'm not interested, just leave! " Paggaya pa nito sa boses ni Aethan.
" Pero iba tayo ako hindi lang interesado pero ikaw nandidiri ka sa kanila e kasi nga Bakla ka" Pagtabi pa ni Aethan rito .
Aethan POV:
Tama nga ang hinala ko baka bakla nga talaga itong si Julian pagtabi ko pa rito at halatang halata siya hindi siya makatingin ng diretso saakin.
" Kung babae ka la-lang haha-hahali-hahalikan talaga ki-kita" Nauutal pa nitong sabi kaya hindi ko tuloy napigilang matawa.
" Baka gusto mo kamo akong halikan?" Pagtingin ko pa rito habang nakangiti pero natigilan ako ng titigan niya ako.
" Aethan wag mo akong subokan baka magsisi ka sa pangungulit mong bakla ako" Pagkindat niya pa saakin hindi naman ako makagalaw.
" Ae..than....." Pagkagat pa niya sa ibabang labi niya habang nakangiti at lumalapit saakin at hindi ako makagalaw paghinga ko nga lang ang naririnig ko habang yong ilaw nagpapalit palit at tumatama kay Julian at bakit ganito nagmumukha siyang babae???.
" Lalaki ako!" Sabay suntok saakin ni Baklang Julian sa dibdib at don na rin ako nagising at hindi ako makapaniwala sa panaginip ko kanina.
" Kunti lang naman ang nainom ko paanong nalasing na ako" Sa isip ko habang bumabalik sa isip ko yong pagkakita ko kay Julian kaninang nagmukhang babae hindi kaya ako ang nababakla? natigilan ako ng lumabas si baklang Julian ng magring ang phone niya.
"Aethan ano bang iniisip mo?!" Pag-inom ko ng alak nakakaasar nang dahil sa baklang yon kinakausap ko ang sarili ko.
JULIAN POV:
" Liya?" Pagsagot ko sa tumawag sa phone ko.
" Oo, bakit ngayon ka lang sumagot nalimotan mo na ba ako? " Pagdadrama nito.
" Pasensya kana ang ingay kasi don sa loob hindi ko narinig agad"
"Bakit nasaan ka ba?"
" Wag kang mag iisip ng ano ah pero nandito ako sa Bar"
" What?!!! Cindy mag-iingat ka tandaan mo isa ka pa ring babae mag-iingat ka bestfriend! alam ko maraming lalaki diyan siguradong ganyan yong mga napapanood ko mag-iingat ka baka may ilagay sila sa baso mo o inumin mo" sabi nito kasasabi ko lang na wag mag-isip ng iba.
" Liya tandaan mo rin na isa akong lalaki sa mga mata nila sa totoo niyan kanina pa nga ako nandidiri ang dami kasing babaeng tumitingin saakin at lumalapit gwapong gwapo sila saakin" Dinig na dinig ko yong pagtawa niya samantala ako asar na asar.
"Cindy baka magkaroon ka diyan ng girlfriend ah?! baka talunin mo pa si kuya sa panliligaw " Pang-aasar pa nito habang tumatawa.
" Manahimik ka nga nakakadiri ka" Mas lumakas pa ang tawa niya sa sinabi ko.
"Hoii! " Pinutol ko agad ang linya ng marinig ko ang boses ni Aethan.
" Bakit na naman?" Asar ko ritong lingon mamaya mang-asar na naman ito.
" Mauuna na ako sabihan mo lang sila" Pagkasabi niya nun naglakad na siya habang nakapamulsa ng kamay at sobrang cool talaga ng lalaking ito.
" Sama ako! " Paghabol ko rito at tumigil naman ito saka tumingin saakin.
" Paano yong BFF mo iiwan mo?" nang-aasar na naman ba ito, bully rin pala siya.
" Tsk! Hindi naman kami mga bata para maghintayan etext na lang natin sila ayaw ko na rito sobrang ingay at nakakahilo yong ilaw"
" Baka naman naiinggit ka sa mga babaeng sexy doon sa loob?"
" Sabing lalaki ako! " Sigaw ko rito sa asar.
" Okay hindi mo kailangan sumigaw" Pagpara ni Aethan ng taxi at pagkapasok nila sinabi niya agad ang direksyon nila.
" Teka! hindi yon ang address ng school ah "
" Dadaan muna ako sa bahay bago umuwi puwedi ka rin namang magpahatid sa kanya kung ayaw mong sumama saakin since isa lang ng way ang bahay at school"
" Kung uuna ako paano ako makaka pasok? hindi ko naman kayang akyatin ang pader ng school at saka paano kung nakauwi na rin sina Jeremy edi hihintayin ko rin siya sa labas" Pag-iisip ni Julian.
"Sama na lang ako kung hindi masyadong nakakahiya"
"Sumama ka" Yon lang ang sinabi ni Aethan at hindi nagtagal dumating sila.
" Good Evening, sir " Pagyuko ng mga dinadaanan nila Aethan pagkapasok nilang gate habang naglalakad sila papasok sa bahay nito.
" Grabe ang laki naman pala ng bahay mo at sino ang mga yon bakit parang presidente ang tingin nila sayo grabe makayuko at bumati ang gagalang " Bahagya namang napangiti si Aethan sa madaldal na pagsasalita ni Julian.
" Mga bayaran sila dito sa bahay, they are our maids "
" Kuya!!!!! " Napaatras bigla si Julian ng pagkapasok na pagkapasok nila sinalubong agad ng yakap ng kapatid niyang babae si Aethan.
" Akala ko hindi ka na darating" Pagsimangot pa nito.
" Pwedi ba naman yon? Pagngiti niya rito.
" Who is he kuya? " Pagtingin nito kay Julian.
" Julian! " Pagpapakilala nito agad pagkatapos siyang lingonin ni Aethan.
" Samantha but you can call me Sam" Pakikipagkamay nito ganon din naman si Julian pero natigilan siya ng ayaw bitiwan ng kapatid ni Aethan ang kamay niya.
" Ka-kamay ko" Paghila nito sa kamay niya abot tenga namang nakangiti rito ang kapatid ni Aethan.
" Sorry, balita ko mabait ka? " Ngumiti lang ng fake si Julian sa sinabi ng kapatid ni Aethan.
" ah kuya tara na sa loob "
" Hintayin na lang kita rito " ani Julian pagkatapos pagmasdan ang labas pero bago pa siya makatalikod sa dalawa mabilis itong hinila ni Sam.
" Nope! bisita ka rito kaya sasama ka saamin" Yakap nito sa braso ng dalawa pero napaatras bigla si Julian ng salubongin sila ni Leugo.
" Bakit nandito yan? " Natigilan siya ng umupo si Aethan at kinarga yong pusa.
" He's my cat! inuwi ko muna rito sa bahay dahil hindi ko na siya maasikaso dahil nagstart na ang klase"
"Mabuti naman" Malapad na ngiti ni Julian pero natigilan siya ng yakapin ni Sam ang braso niya.
" You know what you're so cute! " Pagngiti pa rito ni Sam kaya agad siyang lumayo rito habang nakangiti ng pilit.
" You're here son " Pagyakap ng dad ni Aethan rito pero hindi man lang ito sinuklian ni Aethan.
" Aalis rin kami agad" Suplado nitong tugon.
"Ano? Akala ko dito kana titira ulit ngayong nandito na ulit si Samantha"
" Dad pweding tigilan mo na yan! at wag mong dinadamay ang kapatid ko" Naiinis ritong sabi ni Aethan.
" But son.. namimiss kana namin rito" Sabi pa rito ng papa niya pero hindi na nagsalita pang muli si Aethan hindi man niya aminin pero namimiss na rin niya ang bahay nila kung saan ang bawat sulok nito ay may alaala ng mommy niya.
" Aethan buti naman at umuwi ka " Pagpunta rito ng step mom niya pagkwan dumako ang mata niya kay Julian na katabi ni Sam.
" Mr. Reyes what brings you here? alam mo bang bawal lumabas ng school without the permission of your parents?" Nakakunot noong tingin nito kay Julian.
"Nagpasama ako sa kanya" Masama ring tingin rito ni Aethan tumango naman si Julian bilang pagsang-ayon niya habang natatakot.
" What?! pati ba si Julian may permet na rin sa paglabas pasok sa school?"
"Tita that's enough... ngayon lang naman po " Pagpunta rito ni Sam kaya kumalma na rin ito.
" Dad nandito ako para kay Sam at hindi sainyo" ani Aethan at tinalikuran na niya ang daddy niya na siyang sinundan ni Sam kung saan hilahila niya si Julian. At mga pass 9 na nong umuwi sila.
" Dumaan ka na sa may pader dito na ako sa gate dadaan" Sabi rito ni Aethan pero natigilan siya ng bababa na siya sa may sasakyan ng yakapin ni Julian ang braso niya.
" Anong problema mo?! " Nakakunot noo niya ritong tingin ska binawi ang mga braso niyang yakap yakap nito.
" Hindi ko kayang mag-isa " Pagtingin rito ni Julian.
" Baka puweding diyan na rin ako dumaan sa gate total sayo rin naman itong school " tingin niya rito " sabihin mo rin yong sinabi mo kay Ma'am na pinasama mo ako" Pamimilit rito ni Julian.
" Alam mo kahit akin itong school kailangan lahat ng gagawin ko nasa proseso, ang ibig kong sabihin hindi kita puweding isama sa labas ng wala ang permission ng DEAN nang school natin para ipakita sa gaurd! Naiitindihan mo ba ang sinabi ko?"
"Syempre hindi, hindi detailed e" Napabalik naman ng upo sa sasakyan si Aethan sa sinabi ni Julian.
" Makinig ka kahit akin ang school na ito hindi ako puweding magpalabas pasok ng istudyante ng walang naipapakitang permit sa guard!!! " Naiinis ritong sabi ni Aethan.
" Paano na yan hindi ko kayang mag isa, madilim e " Dahilan nito pero ang totoo hindi niya kayang umakyat sa pader mag-isa pagkwan sumininyas si Aethan sa driver na doon niya sila dalhin sa may likod ng School.
" Tayo na " Pagbaba nito, mabilis namang sumunod rito si Julian.
" Sir kailangan niyo pa po ng tulong?" Tanong ng driver kay Aethan nagpahatid kasi siya sa isa sa mga driver nila.
" Hindi na, umuwi kana! " Pagkasabi niya nun naglakad na sila.
"Salamat at sinahan mo ako"
" Ito ang una at huling kokonsetehin ko ang kabaklaan mo" Hindi naman nagsalita pang muli si Julian at yon naglakad na nga sila pero natigilan si Aethan ng makita niya ang pader at napalunok ito pagkatapos maisip na dito sila dadaan first time niya kasing dadaan rito.
"Mauna kana Julian" Sabi rito ni Aethan nag-aalanganin kasi siyang akyatin kaya inisip na lang niyang pagmakaakyat si Julian don na lang siya dadaan sa may gate.
" Ah, eh, ikaw na ang mauna" Balik rito ni Julian.
" Hindi, mauna kana " Pilit ritong ngiti ni Aethan.
" Ikaw na" Ngiti rin rito ni Julian ng pilit " Sigurado namang hindi ito papayag na umapak ako sa kanya para makaakyat kaya magpapahila na lang ako sa kanya kapag nakaakyat na siya kahit hindi ko kaya kailangan pilitin ko, dapat pala hinintay ko na lang si Jeremy o sumabay sa kanila " Sa isip nito.
" Aakyat kaba o dito ka matutulog!? " Sigaw rito ni Aethan at sasagot na sana si Julian ng biglang magsalita ang guard.
" Sinong nandiyan? May tao ba diyan?!" Tanong pa nito.
" Ikaw kasi ang ingay mo" Bulong rito ni Julian.
" E sino ba itong ang tigas ng u____ " nanlaki ang mata ni Aethan nang biglang takpan ni Julian ang bibig niya bago pa ito makasigaw muli habang ang lapit ng mukha niya rito sinisilip niya kasi kung saan nanggagaling yong ilaw.
" Anong ginagawa mo?" Pagtanggal ni Aethan sa pagkakahawak ni Julian sa bibig niya.
"Wag kang maingay" Pagpunta ni Julian sa harapan ni Aethan nakatayo kasi siya sa pader ng school kung saan may maliit ritong poste lumabas kasi ang gaurd habang iniilawan ang madidilim na parte ng pader ng school kaya pumunta siya sa harapan ni Aethan para magtago sa pader si Aethan lang kasi ang natatakpan nito kaya sa oras na mailawan sila ng guard siguradong mahuhuli siya.
Aethans POV:
Hindi ako makagalaw ng halos naka yakap sakin ang baklang Julian na ito pero napakunot ako ng noo ng tuloyan na itong yumakap saakin habang yong ilaw ng guard ay papalapit saamin at sa tingin ko pumupunta ito sa direksyon namin lumalakas kasi ang yabag ng lakad niya.
" wag naman sana tayong mahuli" Dinig kong bulong niya habang papalapit saamin yong guard at hindi ko alam pero pakiramdam ko para akong tuod, hindi ako makagalaw paghinga ko nga lang ang nagagawa ko ganitong ganito yong naramdaman ko sa Bar kanina at napatingin ako bigla kay Julian ng maramdaman ko ang heart beat niya o heart beat ko? pero bakit? Anong meron at nararamdaman ko ito?
" Wala na siya " Pag-alis nito sa pagkakayakap saakin at ako ito parang tanga hindi pa rin ako makakilos.
" Aethan....? "
"Just SHUT UP!" Pag-alis ko sa harapan niya bago pa niya ako mahawakan at gulat na gulat naman ito sa naging reaction ko.
" Aethan... " paghawak nito saakin kaya naman sa gulat ko naitulak ko siya naiinis kasi ako sa naramdaman ko kanina first time yon na nablangko ang isip ko.
" Julian! " Pagpunta ni Jeremy rito kung saan nagmula siya sa taas kaya iniwan ko na sila at sa may gate na ako dumaan.
" Okay ka lang? " Pag tulong ni Jeremy ritong tumayo.
" Oo, e ikaw bakit lumabas ka? May pupuntahan kana naman ba?"
" Wala, kararating rin namin pumunta ako sa kwarto niyo pero wala kayo kaya bumalik ako rito para abangan ka alam ko kasing hindi ka makaaakyat" Sabi pa ni Jeremy habang nakaluhod, naghubad naman si Julian ng sapatos at ginawang hagdanan si Jeremy.
" Salamat" Sabi pa rito ni Julian habang naglalakad sila ng makapasok sila.
" Okay lang yon" Pagkamot pa ni Jeremy sa buhok niya hindi ko sinasabing kinikilig siya ah, pero parang ganon na rin.