Chapter 18

4732 Words
Halos masugatan na ang bibig ko sa pagtotoothbrush pakiramdam ko kasi nasa bibig ko pa rin yong mga pinagkakain namin kahapon. Tsk! iwan ko rin ba kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako sa kanila. Well, nandon na ako sa point na gusto kong magkaroon ng kaibigan since bata kasi ako wala pa akong naging kaibigan hindi kasi madaling makuha ang attention ko ng isang bagay pero nang dahil kay Julian biglang gusto kong magkaroon ng kaibigan o maranasan, iba kasi yong closeness nila ni Jeremy pagmagkasama sila akala mo wala silang problema kung makatawa and I want to feel that also. Oo, nasabi ko ng ayaw ko kay baklang Julian at hindi siya yong klase ng taong gusto kong maging kaibigan pero nong alagaan niya ako nong may sakit ako biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya yon kasi ang unang may ibang taong nagmalasakit saakin iwan ko kung ayaw nila saakin o takot sila saakin kahit nong nabubuhay si Mommy wala akong kaibigan hindi kasi ako nagkaka interest sa iba o ibang bagay sa totoo lang ayaw ko rin ang habbit kong iyon kaya lang wala akong magawa talagang ganon ang ugali ko kaya naman hindi ko pa naranasang alalahanin ng ibang tao at saka hindi ko alam pero lahat ng taong nakapaligid saakin akala mo nangangain ako ng tao kung maka-iwas saakin kaya lang ano ba yong mga werdo kong naramdaman sa Julian na yon kahapon. " Baka dahil siya pa ang unang nakakausap ko ng matagal at nakakasama araw araw" Paglabas ko sa banyo . " Mauna na ako pupunta kasi akong library " sabi nito ng lumabas ako sa banyo. " Sige " tipid kong sagot rito pagkwan kinuha nito ang bag niya sa taas ng kama pagsunod ko rito ng mata at biglang kumulo ang dugo ko ng makitang ang gulo na naman ng higaan niya. " Sandali! " " Huh? " nagtataka nitong lingon saakin. " Yong kama mo ayosin mo muna " Pag-upo ko habang magkasalubong ang mga kilay ko at nagtutuwalya ng buhok at tamad naman itong sumunod. " Araw araw naman itong inaayos ng tagalinis nitong buong dorm ah, tsk! bakit hindi pa hintaying siya na lang ang maglinis nagmamadali yong tao e " bulong pa nito pero sapat na ang pandinig ko para marinig ito at ang pagkaka alam ko walang tagalinis ng kwarto dito saamin. " anong naglilinis?" " e kasi pagdumating ako rito after class maayos na ang higaan ko imposible namang ikaw ang may gawa diba?" Nanlaki ang mata niya ng tingnan ko lang siya ng seryoso naitindihan naman niya ang reaction ko, kilala na nga ako ng baklang ito. " Talaga?! Ikaw ang naglilinis? " tumango lang ako rito habang asar ritong nakatingin Well, bobo pa rin talaga siya. " Ang bait mo nga talaga, hindi ko talaga naisip na ikaw ang gumagawa " pagngiti pa nito at ayaw kong ngumingiti siya sa harapan ko dahil nararamdaman ko na naman ang werdo kong pakiramdam sa kanya ang pagmumukha niyang babae. " Tama yon pero hindi ako mabait!!! Ayaw ko lang ang pagiging makalat mo kaya sa sunod na iwan mong makalat ang mga gamit mo sa labas mo makikita" seryoso kong sabi rito kaya naalis bigla ang mga ngiti niya buti na lang baka ano na naman kasi ang makita kong hitsura niya. " Opo " pagkasabi niya nun umalis na siya at natigilan ako ng may kumatok sa may pinto pagkatapos nitong isara pero hindi na ako nagsalita at hinintay ang magsalita ang sino mang tao rito at saka hindi naman naka lock kung sakaling gusto nitong pumasok at saka baka si baklang Julian lang yan na bumalik wala naman kasing pumapasok ritong iba maliban kay Jeremy na naghahanap sa kanya. " Aethan! I mean Mr. Villasore " Tumayo naman ako agad at binuksan ang pinto ng marinig ko ang tagapamahala ng kwarto baka palilipatin na si Julian lumampas na rin kasi ang hiningi niyang palugit sa pagpapalipat rito. " Palilipatin mo na ba siya? "tanong ko rito agad. " Hindi pa po Aethan I mean Mr. Villasore e kasi po hindi pa naayos yong room na lilipatan niya " pagpapaliwanag nito na halata sa hitsurang naghahanda sa sirmon ko. " okay " tamad ko ritong tingin " Basta kung maayos palipatin mo na agad si Julian " Kita ko naman ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko well, hindi ko alam pero komportable na akong kasama ang bakla na yon kahit may pagka-ingot pa rin kaya okay lang saakin kung makakalipat siya nang kwarto ganon din kung hindi. " Seryoso ka Aet- I mean Mr. Villasore?" hindi pa nito makapaniwalang tanong. " Kung gusto mong nagjojoke ako sige " Pagbalik ko sa upuan at mabilis naman itong sumunod saakin kahit wala akong sinasabing pumasok siya. " Kayo naman, sige Aethan I mean Mr. Villasor pagkatapos na pagkatapos ng room na lilipatan niya ililipat ko po agad si Mr. Reyes" pagngiti pa nito at tumingin lang ako rito kaya lumabas na rin siya. Julian's POV: " Julian ano na nakunan mo ba? " Pagsalubong saakin ni Kristine habang naglalakad ako papuntang library. " Kristine wala pa pero pwedi bang ako na lang ang magbigay sayo wag mo na akong puntahan? " Kahit saan kasi ako pumunta nakakasalubong ko itong si Kristine, kahapon ng umaga sa CR naming mga lalaki nag-aabang, ngayon naman sa library at araw araw na lang nagtetext sakin. " Kung hindi kita pipilitin hindi mo gagawin saakin " Pagkasabi niya nun umalis na siya ang kulit rin e kailangan talaga makunan ko na ng litrato si Aethan para tigilan na niya ako " pero sa ngayon magrereview muna ako dahil malapit na ang exam namin " Pagpasok ko sa library dito lang talaga ako nakaka pag-aaral sa library ng maayos palagi kasing nakabuntot sakin si Jeremy pinaninindigan talaga ang pagiging BFF namin kahit nga sa kwarto hindi niya pinapalampas kahit pinapalayas siya ni Aethan pabalik balik pa rin siya naging FC na talaga siya kay Aethan kung bakit rin kasi hindi siya pinagsasabihan nun. At pagkatapos kong mag-aral lumabas na ako. " Julian kanina pa kita hinahanap" Pagsalubong saakin ni Jeremy ng papasok na ako sa classroom. " Bakit may problema ba?" " Wala naman na miss lang kita" Pag-akbay na naman nito saakin. " Umayos ka nga bro nababaklaan ako sayo " Pagbibiro ko rito pero kung lalaki talaga ako iisipin ko talagang bakla ito. " Sa tingin mo ba?" Nagtataka pa nitong tanong habang nakatingin sa katawan niya kaya humarap ako rito. " Biro lang " Pag-upo ko tahimik naman itong umupo sa upuan niya habang nagtataka ang mukha niya at pagkatapos ng klase namin agad lumabas si Jeremy hindi ko alam kung bakit hindi niya ako hinintay napikon ata sa sinabi kong bakla siya pero binawi ko naman ah. " Hindi ka ba talaga nag-aaral?" Tanong ko agad kay Aethan ng makapasok kami sa kwarto ni minsan kasi hindi ko talaga nakitang nagbasa o tiningnan nito ang notebook niya. " Sinabi ko na diba? tapos ko nang basahin lahat ng book natin kaya ano pang babasahin ko?" " Sige daw subokan kita " Agad akong nagtanong sa kanya at kung gaano ako kabilis magtanong ganon din siya sumagot grabe isa nga talaga siyang henyo. " Paanong naisaulo mo lahat e hindi ka namam nagbabasa o nag-aaral?" " Nong buhay pa si Mommy palaging nakasuksok ang ulo ni kuya sa mga libro niya o sa mga books" Nagulat naman kami sa paglabas ni Sam mula sa banyo. " Kanina ka pa nandiyan?" Tanong agad rito ni Aethan saka ito hinalikan sa pisngi. " Yes na miss kasi kita agad kuya" Sabi nito habang pumupunta sa direksyon ko. " Ako ba talaga ang namiss mo?" Pag-upo na rin ni Aethan at nagtataka naman akong napatingin kay Sam ng may ibigay siya saakin. " Ano 'toh?" " Kunin mo na" Pagluklok nito saakin saka nito mabilis na niyakap athinalikan si Aethan at umalis. " Sana magustohan mo" Bago ko pa maibalik sa kanya umalis na ito. " Ano ba yan? buti ka pa may regalo" Tanong pa ni Aethan at nahinto ako ng isang relo at sa tingin ko mamahalin ito. " Bakit naman niya ako bibigyan nito?" Pagpapakita ko sa relo pero natahimik ako ng iabot saakin ni Aethan ang phone niya habang nagpipigil ng tawa. " Sabihin mo kay Julian na etext niya ako kung nakita na niya ang laman ng binigay ko sa kanya" Pagbasa ko sa text ni Sam kay Aethan. " Pweding ikaw na lang magsabi na hindi ako tumatanggap ng mga bagay na walang dahilan" Pagbibigay ko rito sa relo pero hindi niya kinuha. " Sa tingin ko gusto ka ni Sam " Pagtawa pa nito kaya naasar tuloy ako, gusto agad hindi ba pweding friend muna? " Mukhang mabait ang kapatid mo kaya siguro niya ako binigyan nito" Pagtanggi ko doon sa sinabi niya " Mali ka! si Sam wala pang nagugustohan yon maliban saakin ayaw nga nun na nakikipag-usap sa iba nagulat nga ako nang pansinin ka noong sumama ka sa bahay" Seryoso nitong sabi siguro nga tama siya hindi malabong nagmana ito sa kanya. " kung totoo ang sinasabi mo e bakit naman ako?" Nag-aalala kong sabi alam niyo namang babae ako. " Aminin mo na lang kasi sa kanyang bakla ka para tapos" Sabi pa nito saakin at hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso ba siya sa sinabi niya. AETHANS POV: " Sabing lalaki ako! " Pagtayo pa ni Baklang Julian habang asar na asar. " Bakit hindi mo magustohan si Sam?" Pang-aasar ko pa rito kitang kita ko naman yong nagiging reaction niya pagmay nagpapapansin sa kanyang babae yong parang diring diri. " So bakit nga?" Tanong ko pa rito asar na asar naman itong tumingin saakin. " Una masyadong bata si Sam! pangalawa hindi ganon kadaling magmove on sa boyfri___ ang ibig kong sabihin gi-girlfriend ko siya pa rin ang laman ng puso ko! " Tumahimik naman ako sa sinabi niya tungkol sa ex niya hindi kasi biro yong nangyari sa kanila. ****************** Pagkatapos kong mag-Uniform nauna na akong pumasok kay Aethan. " Jeremy!" Pag-akbay ko rito agad. " Julian ikaw pala" Pagngiti nito. " Galit ka pa rin ba?" " Ano? Ako galit, kanino naman?!" " Akala ko napikon ka kahapon nong sabihin kong bakla ka" Natigilan ako ng tumawa siya. " Hindi ah para doon lang at saka hindi naman ako bakla talaga?" Alanganin nitong sagot pero hindi ko na yon pinansin basta panatag na ako ngayon alam kong hindi pala siya galit saakin nakaka lungkot kasing magalit sayo ang tulad ni Jeremying palaging nakangiti. " Halika na Julian" Paghila nito sakin sa loob ng classroom dumating na pala kami at mga ilang minuto dumating na rin si Aethan. " Good Morning class" Pagpasok ni Mrs. Villasore at bumati naman kaming lahat. " Since ang subject natin ay Technology For Teaching and Learning gusto kong gumawa kayo ng Video filming and that will be your exam on me where you will going to create a group at least three group " Nagkaroon naman ng ingay sa classroom sa announcement ni Ma'am. " At ako ang magbibigay ng storyang gagawan niyo ng Vedio Filming" " Excuse me, Ma'am can we ask?" Pagtaas ng kamay ng mga klasmet ko. " Sure, what is it?" " Kami na ba ang bahalang pumili ng grupo namin?" " Of course not! that will be unfair ako ang magu-group sainyo" Pagngiti nito klaro naman ang dissapointment nong iba habang nakatingin sa mga boys lalo na kay Aethan. " I hope maka group natin si Aethan" " Saakin okay lang si Jeremy" Kinikilig pa nilang sabi. " Akin kahit kanino na pero mas gusto ko si Aethan, Jeremy at si Julian" Kinikilig nilang sabi kinilabotan naman ako paano kung love story ang theme ni Ma'am at maging bida akong lalaki luh! hindi ko ata kaya yon mamaya masabunotan ko kapartner ko. " Ang napili kong story na gagawin niyo nang Video filming is one of the famous work of William Shakespears which is The Romeo and Juliet pero hindi niyo kailangan iplay lahat nong story gusto ko magfocus lang kayo sa ending at yong unang pagkikita nila Juliet and Romeo what I mean yong highlight lang ng story ang kukunin niyo kayo na ang bahalang magsummary" Pagpapaliwanag nito. " But wag niyong iisipin na hindi ko bibigyan ng grades ang acting niyo in the front of Camera at tandaan niyo ako ang pumipili ng ilalaban sa sadusadulaan sa School Foundation natin and dito na ako magbabase sa gagawin niyong Video filming" " Okay Ma'am" Masayang sabi ng mga kaklase ko maliban kay Aethan. " Okay, yan na muna sa ngayon" Pagkasabi ng teacher namin umalis na siya late kasing dumating kaya madaling naubos ang oras niya. " Nakakaasar hindi pa sinabi ni Ma'am ang grupo para makasimula na tayo magpractice hindi pa naman ako magaling umarte" Panimula ni Leo sa sinabi ni Ma'am Villasore kanina habang naglalakad kami papuntang canteen. " Sana ako na lang si Romeo kung sakali" Kinikilig pang sabi ng isa sa kasama namin. " Ay! sus si Romeo ba o doon sa magiging Juliet mo?" Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Jeremy. " Sinong o-order?" " Ako na lang, anong sainyo?" Pagtingin ni Aethan saamin. " Seryoso ka Aethan?!" Sabay sabay naming tanong ngayon lang kasi ito nagpresenta ng sarili prinsipe nga kasi kung ituring namin ito. " Kung ayaw niyo wag na lang " Pagtalikod nito saamin. " Syempre gusto namin!!!" Halos sabay sabay naming sabi rito. " Akin beefstick wice and Juice, Burger saakin fries at juice, fried chicken and fries lang saakin, akin tulad ng kay Leo burger fries and Juice *blah *blah" Halos sabay sabay naming sabi kay Aethan pero natigilan kami ng tumingin siya saamin. " Isa isa kasi!" " Tama si Leo dahan dahan lang hindi naman machine si Aethan para isaulo ang order natin ang gugulo niyo" " Burger fries and juice saakin" Panimula ni Grey. " Akin naman___" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Aethan. " Beefstick and rice kay Leo, burger, fries and Juice sayo Grey, burger and fried chicken and Juice sayo Jeremy, burger and juice sayo Julian at ikaw ang gusto mo tulad kay Grey ganon ka din hindi ba?" pagturo niya sa mga kasamahan namin lahat naman tumango at nakanganga sa kanya habang pinagsasabi niya yong order namin isa nga talaga siyang henyo para maisaulo yon at yon na nga umorder na nga siya. " Grabe napaka cool niya talaga sana kasing husay ko rin siya" Pagsasalita ni Jeremy habang naka-upo at tinitingnan si Aethan. " Asa ka pa diyan kung mangangarap ka yong kaya mo lang abotin" Pagtawa pa nila nakasimangot namang lumingon sa kanila si Jeremy. " Okay lang yan lahat naman tayo may nakakamanghang katangian" Pagtapik ko sa likod ni Jeremy pero nagulat ako ng yakapin niya ako bigla. " Tama ka Julian!!!" " Ahhh Oo pero hindi mo naman ako kailangang yakapin" Sa sinabi kong yon nagtawanan bigla sina Leo kaya inalis ni Jeremy ang pagkakayakap niya saakin. " Kunin niyo na lang yong sainyo" Pag upo ni Aethan kung saan yong akin lang at sa kanya ang dinala niya. " Sige, salamat" Pagtayo nila Leo para kunin ang inotder sa kanila ni Aethan. " Bakit hindi mo dinala dito lahat?nag-order ka pa " Pagkuha ko sa pagkain ko. " Hindi naman ako waiter at isa pa ang sabi ko naman ako ang mag-oorder hindi ko sinabing ako ang magdadala" Pag-eexplain nito hindi ko enexpect na ipapaliwanag niya kaya natawa tuloy ako. " Bakit? baka gusto mong ibalik ko yang inorder ko sayo?" Naaasar nitong sabi. " Hindi naman ikaw ang tinatawanan ko ah" " Bakit natatawa ka diyan Julian ano bang usapan niyo?" Tanong agad nila Jeremy ng makabalik sila. " Wala, gusto ko talaga ang burger rito sa canteen" Sabi ko agad para ibahin ang usapan tumango naman silang lahat at habang kumakain kami at nagkukwentuhan natigilan kami ng mag silabasan ang mga nakapila sa canteen para magOrder ng pagkain. " Nandiyan na naman sila" Naiiritang sabi nong mga tao sa canteen habang nagbubulongan at napatingin kami sa direksyon ng mga mata nila kitang kita ko yong pagkunot ng noo nila Jeremy nang makita nila ang grupo ng mga lalaking kapapasok lang sa canteen pinangungunahan ito ng lalaking nakatali ang buhok sa itaas at lahat sila hindi naka ayos ang uniform hindi ko alam kung hindi nila ito napapansin o style nila yong isa kasi halos maging sando na ang polo, ang isa naman naka open lahat ng butones ng polo, at yong iba ginawang 3/4 ang pants hindi naman sila mukhang dugyotin sa katunayan bagay nila ang pinaggagawa nila sa uniform nila halos kasi lahat ng nag-aaral dito guwapo/maganda. " Wag mo silang pansinin Julian" Nakakunot noong sabi ni Jeremy. " Sino ba sila?" Bago pa ako masagot ni Leo biglang inapakan nong lalaking may tali sa buhok ang bakanteng upuan sa gitna namin ni Aethan. " Andito rin pala kayo ang tagal na ng pasokan ngayon lang tayo nagkitakita" Pagkuha nito sa fries ko at kinain, walang respeto umayon rin pala sa pananamit niya ang ugali niya walang ayos. " Nagpapractice na ba kayo ng basketball para sa foundation ng School?" Nanatiling tahimik ang mga kasama ko para ngang hangin itong lalaking may tali sa buhok. " Well, payong kaibigan lang ah wag kayong makalimot magdala ng panyo dahil siguradong mag iiyakan kayo kasi humanda na kayong matalo" Pagtawa pa nito. " Alam mo imbis na dumaldal ka diyan puweding magpractice na lang kayo mamaya kainin mo yang sinabi mo" Naasar na sabi rito ni Jeremy nagpipigil naman ng tawa sina Leo. Si Grey nga natapon ang iniinom niyang Juice kaya agad umayos ng tayo itong lalaking may tali sa buhok. " Kalma ka lang Jeremy pinapayuhan ko lang naman kayo diba? " Paglingon nito saakin pero maging ako naaasar na rin sa kanya ang yabang pala talaga ng isang ito. " Bago ang mukha mo ah! " Titig nito saakin " so, ikaw ba ang nababalitang transferee rito? ang bagong lampa ng team ni Aethan?! ay lahat naman pala kayo lampa" Hindi ko alam kung naghahanap ba ito ng away ang sama ng tabas ng bibig e at itong si Aethan na masungit nanatili lang nakatingin sa pagkain niya habang lumalamon hindi niya ba narinig na tinawag siyang lampa. " Ang lambot naman pala ng isang ito eh! " Pagpalo niya sa likod ko kaya naman biglang kumulo ang dugo ko kanina pa ako nagtitimpi sa mayabang na ito e. AETHANS POV: Paghindi ako nakapagpigil sasamain talaga saakin ang isang ito kung hindi ko lang naiisip na away lang ang laman ng utak ng Jacob na ito papatulan ko talaga siya. " Owh! pikon ka ba? " Paglayo ng kunti ni Jacob kay Julian ng tumayo ito sa tingin ko galit na rin siya. " Magbabanyo lang ako!" Naiirita nitong sagot at nagtawanan naman ang grupo ni Jacob sa sinabi niya na ngayon lumapit na rin saamin. " Bahag pala buntot nito! " Tawanan pa nila habang inaasar itong si Julian. " akala ko ano nang gagawin niya nasiCR lang pala " " naiihi sa takot!" Tawanan pa nila. " Tayo na nga wala naman tayong mapapala sa mga lampang ito" Pag-alis nila pero natigilan kaming lahat ng hilain ni Julian si Jacob kaya napaharap ito sa kanya. " Alam mo ang laki ng katawan mo kaya lang hangin lang ata ang laman niyan tsk! mag-iingat ka baka tangayin kayo ng sarili niyong hangin!" Matapang ritong sabi ni Julian halata naman ang pagtaas ng dugo ni Jacob ang dali kasing magalit ng isang ito kaya nga pinapalampas na lang namin at sa tingin ko nahawaan na rin niya si Julian pero sa bagay hindi pa nga naman siya sanay sa ugali ni Jacob kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi siya nakapagpigil. " Matapang! Matapang!!!" Pagpalakpak pa nila kay Julian habang pinagtatawanan siya at nong hahawakan na siya ni Jacob bigla siyang nilapitan ng kasama niya hindi ko alam kung anong binulong niya rito basta nakatingin ito saakin at ganon din si Jacob bago umupo, si Julian naman dumeretso na sa banyo. " Hindi ko masisisi si Julian ang yabang kasi talaga ng gorillang yan " Naasar pang paglingon rito ni Leo. " Tsk! Aethan sabihin mo lang babasagin namin ang pagmumukha ng mga iyan" Naaasar pang sabi ng team ko isa kasi sa rules ko ang iwasang makipag-away kila Jacob dahil ang taong gago pagpinatulan mo magiging gago ka rin. " Naghahanap ng away ang mga iyan at pagpinatulan niyo para na rin kayong natalo" Tumango naman silang lahat tuwing magsasalita talaga ako sa harapan ng mga ito akala mo emperador ako kung makinig sila pero natigilan kami ng tisudin ng isa sa grupo ni Jacob ang isang lalaki sa canteen saka nila ito tinawanan. " Mas maganda siguro umalis na tayo hindi ko na talaga kayang magpigil" " Mabuti pa nga" Pagtayo namin pero bigla kaming natigilan ng tulongan ni Julian yong lalaking tinisod nila naghahanap na rin talaga siya ng away napakaliit naman tssst!. " Hoy!!! Talaga bang ugali niyo ito o nagyayabang lang kayo dahil maraming nakatingin sa inyo feeling niyo ba natatakot sila sa ginagawa niyo?" Liningon naman agad ni Jacob ang tinutukoy ni Julian kaya agad itong nagsilabasan. " See? Takot silang lahat at magiging isa ka sa kanila" Pagtaas nito sa kamao niya para suntokin si Julian. JEREMY POV: Natagilan kaming lahat ng itaas ni Jacob ang kamao niya basta ang alam ko sa oras na dumapo ang kamao niya kay Julian babasagin ko rin ang pagmumukha niya, BFF ko yan e pero bago pa dumapo ang kamao niya kay Julian nasalo ni Aethan ang mga suntok niya at hindi ko napansin yong pagpunta niya sa direksyon nila Jacob. " Aethan?!!!" Gulat nilang tingin rito. "Pinabayaan ko kayong gawin lahat ng gusto niyo sa school na ito but as an SSG President hindi ko mapapatawad ang harap harapang paglabag niyo sa rules and regulation ng school at bilang students leader of this school mula ngayon hindi ako papayag na ganyan ang pagsuot niyo sa ating identical uniform at ayaw kong makarinig na may binubully kayo dito sa loob ng campus bilang President at nagmamay-ari ng school sa oras na labagin niyo ang sinabi ko identity niyo ang tatanggalin ko sa paaralan na ito" Paglapit pa sa kanila ni Aethan grabe nanayo yong mga balahibo ko sa sinabi niya ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan bilin kasi talaga niya saamin palampasin namin sina Jacob para iwas away at ngayon kitang kita ko ang takot sa mga mukha nila naalis ata ang hangin sa katawan nila ayon nga kay Julian lumiit kasi ang mga katawan. " Hindi ako magdadalawang isip na tanggalin kayo sa paaralan na ito! sa oras na hindi kayo sumunod sa sinabi ko, MAGHANAP NA KAYO NG PAARALANG PAPASOKAN NIYO!" Tumango naman silang lahat at yon lumabas na nga kami at yong iba sa grupo ni Jacob sinimulan ng ayosin ang kanilang uniporme sa tingin ko gusto na rin ni Aethan si Julian ko bilang bestfriend para ipagtanggol ito. " Ang cool mo talaga Aethan para silang mga baloon na pumutok sa mga sinabi mo sa kanila" Masayang sabi rito ni Julian ko masaya naman akong sumang-ayon rito pero natigilan kami ng tumingin rito si Aethan. " Sa sunod na ulitin mo pa yon mag-iisa kang haharap sa gulong papasokin mo" Pagkasabi niya nun humiwalay na siya saamin wala namang may sumunod sa kanya nakakatakot kaya yon magalit at sa tingin namin galit nga siya. " Takot rin ba siya sa lalaking yon kanina?" Tanong agad ni Julian. " Si Jacob?" " Jacob? so siya pala si Jacob? Takot nga don si Aethan?" " Hindi noh walang kinakatakotan yon para saaming lahat siya ang nakakatakot sa lahat nakita mo naman yong pamumutla ni Jacob sa sinabi ni Aethan warning lang yon paano kaya kung totoong nagalit yon baka tumakbo yong si Jacob " Tawanan pa namin. " Sa bagay pero kayo halatang takot kayo sa kanila" Pagtawa niya mag-isa at natigilan naman siya bigla ng magsalita kami ng sabay sabay " HINDI NOH!!!" "Alam mo sinusunod lang namin ang totoong kinakatakotan namin at isa sa rules ni Aethan sa team niya sa basketball ay ang palampasin sina Jacob palagi kasi namin silang kalaban at tuwing natatalo sila palagi silang naghahanap ng away at nong una pinapatulan namin pero nakakasawa rin makipag-away lalo na sa tulad nila Jacob na ginawang habit ang pakikipag-away kaya naman linagay ni Aethan sa rules niya ang palampasin sina Jacob dahil ayon sa kanya pagpinatulan mo ang isang Gago magiging Gago ka rin" Pagpapaliwanag ko rito, mataman naman itong nakikinig at ito yong isa sa nagustohan ko kay Julian ang mga ugali niyang werdo yong tatango siya tas kukunot ang noo at ngingiti. " Ganon ba yon " mahina nitong sabi habang nag-iisip pagkwan tumingin itong muli saamin " sige mauna na ako " saka ito tumakbo at hindi ko alam kung saan ang tungo niya. SOMEONES POV: Pagkarating ni Julian sa pinto ng room nila ni Aethan inayos mona niya ang sarili para kunwari hindi siya tumakbo at pagkapasouk niya nakita niya agad si Aethan. "Aethan....? " " Bakit?" " Gusto ko lang magthank you at magsorry na rin" Napatingin naman sa kanya bigla. " May kinuwento kasi saakin sina Jeremy at pasensya na kung ng dahil saakin nalabag mo yong ginawa mong rules hindi ko kasi alam" " Hayaan mo na nangyari na " Napatingin naman rito si Julian pagkatapos nitong maramdaman sa boses ni Aethan na hindi na ito galit. " Pero alam mo akala ko nong una takot ka sa kanya ayaw mo kasi ng maingay at saka tumabi pa nga siya sayo para magyabang grabe nilait lait ba naman ang team natin tas tahimik lang kayo" Pagsasalita ni Julian hindi man lang niya nakikita ang hitsura ni Aethan habang magkasalubong ang kilay na para bang nagtataka kung saan nanggagaling ang mga salita sa bibig nito. " rule number 1! " napatingin naman bigla rito si Julian at naalala ang mga rules ni Aethan. " BAWAL ANG MAINGAY! "Pabulong nitong sabi. " mabuti naman at naaalala mo pa, nga pala " Sabi rito ni Aethan habang may inaabot siyang maliit na papel. " Ano naman ito?" " Number yan ni Sam etext mo daw mukhang may crush nga siya sayo" " Huh, p-pero alam mo namang kagagaling ko lang sa isang matinding break up hindi ba?" Nagpapanic nitong sabi habang kinakabahan. " Simple lang naman yan kung etetext mo magiging text mate kayo pero paghindi magiging room mate kayo" " A-ano? pero diba bawal dito ang babae at lalaki sa isang room?!!!" Gulat na gulat nitong tanong. " Oo pero pagdating kay Sam lahat binibigay sa kanya ni daddy at isa pa kasama rin naman ako, ang kuya niya" " Hindi ba't unfair yon?" " Kay Sam lahat pantay, unfair man o fair" " Tssst! E bakit naman siya titira rito? " Pagtalikod nito. " Kasi nga kung etetext mo magiging textmate kayo pero kung hindi paniguradong dito yon titira para lang makita ka araw araw at maka-usap " ilang segundo na namang nanahimik si Julian habang naaasar hanggang sa maisip ito. " Okay... pero sa isang kondisyon magpipicture kang nakangiti " ganun naman ang gulat nito sa sinabi niya " tsk! pinagti-tripan ba ako nito?" masamang tingin rito ni Aethan. " May sakit ka???" " Alam ko werdo pero tulong mo na rin saakin, huwag mo nang itanong kung bakit " Pagyuko pa nito napapayag naman si Aethan sa reaction nito mukha kasi siyang seryoso. " Okay!" tipid ritong sabi ni Aethan kaya ganon na lang ang ngiti ni Julian at nang makapagpalit ito ng damit saka niya tinext si Sam kahit labag sa kalooban niya. " Madaling magsawa si Sam kaya pagbigyan mo na" Napatingin naman si Julian kay Aethang nagsalita mula sa ibaba ng kama niya. " IWAN KO LANG KUNG ANONG GAGAWIN NIYO SAKIN PAGNALAMAN NIYONG AKO SI IBARRA PERO HINDI NAGPAPANGGAP NA EUROPA KUNDI ISANG BABAE " paghinga nito ng malalim napatingin naman sa taas si Aethan naramdaman niya kasi ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD