Chapter 9

2807 Words
MUNTIK na akong mahulog sa may hagdanan ng makita kong natutulog si Aethan sa kama niya " kung ganon dumating pala ito kagabi ng hindi ko man lang alam " pag-iisip ko habang nakatingin rito kaya naman bigla na naman naghabolan ang kaba sa buong katawan ko. " Kalma lang Cindy kakaibiganin mo pa yan" sabi ko sa sarili ko habang dahan dahang naglalakad sa banyo. syempre kahit kakaibiganin ko kailangan ko pa rin sundin ang mga rules nito mamaya masabihan na naman ako ng tanga syempre kailangan kaibiganin ko siya ng may kasamang utak at saka pagbanyo ang usapan walang kaibigan kaibigan saamin kailangan magdoble ingat talaga ako sa banyo baka mapasukan pa ako nito eh. " Okay, Cindy hinga ng malalim at simulan ang mission mo! " sabi ko pa sa harapan ng salamin sa banyo tapus na akong maligo at narinig kong gising na rin si Aethan. " Good Morning...? " bati ko agad paglabas ko sa banyo at natigilan ako ng sa may tapat siya ng pinto nang banyo at magkaharap kami eye to eye, nose to nose, face to face ah basta magkaharap kami at nakakunot siya ng noo wala namang bago doon diba kaya lang pakiramdam ko wrong timing ata ako at bakit ata parang namumutla ito. " puwedi bang lumabas kana! " sabi nito habang ang sungit ng mukha pero ngumiti pa rin ako agad rito sabay atras. Oo, hindi ako lumabas tapos naman ako sa banyo siya lang ang gagamit kaya puwedi ko siyang samahan dito luh! wag kayong ano diyan ah, hindi ko naman siya titingnan/bubusuhan paraan ko lang ito para makipagclose sa kanya. " Hindi mo ako narinig? " sabi nito sabay kuha sa toothbrush niya senyales na siya naman ang gagamit sa banyo. " Ang sabi mo okay lang na magkasabay tayo sa banyo dahil kung anong meron ka, meron din ako" sabi ko pa rito "at saka magto-toothbrush rin ako Bro " pagpapakita ko pa rito sa brush ko tumahimik naman ito at nagpatuloy sa pagto-toothbrush. " Siguro pampaputi talaga ito ng ngipin e noh?" pagkuha ko sa toothpaste niya at ni paglingon di niya ginawa. " sige pa Cindy magtanong ka pa baka maisipan niya ring sumagot, kailangan magtagumpay ka " pag-iisip ko habang nagmumomog actually, naka toothbrush na ako ang sakit ngang umilit ng wala ka man lang kinakain kaya lang gaya nga ng sabi ko isa ito sa way ko para maging close sa kanya. " Ang puti kasi ng ngipin mo sa sunod ganito rin ang gagamitin ko" sabi ko pa rito. " wala yan sa toothpaste na ginagamit o toothbrush nasa tamang pangangalaga yan " suplado nitong tingin sa toothbrush kong binalik ko na tapos na kasi ako, eh! kasi nga nakatoothbrush na ako kaya iniisip siguro nito na ganon talaga ako kabilis magtoothbrush yong dinaanan lang nito ang ngipin ko pero maputi rin ang ngipin ko ah yon nga lang lamang lang ng dalawang toothbrush itong si Aethan. " Alam ko naman yon " naiinis kong sabi rito sa tingin ko wala talagang pag-asang maging close kami, ang yabang rin niya. " Tsk! kung alam mo bakit ka pa nagtatanong?" Pagmumog rin nito sa wakas tapos na siya. " Tsk! sana alam mo rin kung paano magpasalamat pagmay pumuri sayo e noh? " pabigla kong sabi rito kaya naman masama itong tumingin saakin may mga oras talagang hindi ko rin nakokontrol ang bibig ko. " eh! opinion ko lang naman " alanganin kong ngiti rito pagkwan binalik nito ang toothbrush niya. " Kung sayo ako magpapasalamat wag mo nang asahan! " pagtalikod nito "dahil ayaw ko ng ingot!" habol pa nito at ako ito nagpipigil ng galit sabi ko naman hindi ako kakausapin ng isang ito ng walang halong masasakit na salita. " Alam ko naman yon Bro pero sana maging magkaibigan pa rin tayo " pagkalma ko pa rin pero napaatras ako nang bigla itong lumingon saakin. " Nag-iisip kapa ba? " hindi makapaniwalang tanong nito akala mo rin kung ano nang sinabi ko para makipag kaibigan lang e. " se-seryoso ako " sabi ko pa rito. " tsk! hindi ako interesado sayo!" pagkasabi niya nun nagtanggal ito bigla ng damit kaya agad akong tumalikod. " Anong ginagawa mo? " Kinakabahan kong tanong rito. " Malamang maliligo! " Masungit nitong sabi " tsk! puwedi ba lumabas ka na! " Mahina nitong pagsipa sa likuran ko dahilan para mapayakap ako sa pinto. " Tsk! bakla ka ba talaga? Akala mo naman ang lakas ng pagkakasipa sayo " agad naman akong umayos ng tayo sa sinabi niya dapat kasi sanay ako sa ugali nito ang hirap niya talagang pakisamahan. " Kung wala ka ng gagawin baka puwedi ka nang lumabas?" tahimik naman akong lumabas sa sinabi niya sa tingin ko wala na talaga akong pag-asang maging close ito kung bakit kasi noong umulan ng kasungitan sinalo lahat ng Aethan na ito. Aethan's POV: "May sakit ba yon? Tsk! e kahapon akala mo lang akyat bahay kung umiwas saakin tas ngayon biglang gusto niyang makipag kaibigan? tsk! " Pagligo ko habang iniisip ang baklang yon siguro nasasaktan siya sa mga sinasabi ko sa kanya lalo na doon sa sinabi kong hindi ako interesado sa kanya hindi na kasi ito sumagot pa at klaro yon sa mukha niya pero tama rin naman yon kesa naman sa bigyan ko siya ng pag-asa, kung talaga namang ayaw ko sa kanya at isa pa hindi siya yong klase ng kaibigang gugustohin ko napaka ingot niya at isa pa wala rin namang nagtatagal sa mundo and besides wala akong balak mainvolve sa buhay ng iba dahil hindi biro maiwan. Pagkatapos kong maligo lumabas na ako pero natigilan ako ng sumalubong na naman ito saakin sa may pinto habang may dalang dalawang baso. " Good morning ulit!" masigla nitong bati na naman pero tiningnan ko lang siya siguro may sakit talaga ito. " Ah, nagtimpla ako ng coffee para saatin wag kang mag-alala malinis ito" Masaya pa nitong sabi. " Hindi ako mahilig ng kape " seryoso ko pa ritong sabi at gaya ng madalas niyang gawin bumulong muna ito bago nagsalita. " Ganon ba? Edi akin na lang " Sabi pa nito at ako ito naiinis ritong nakatingin wala ba talaga siyang balak umalis sa harapan ko nakaharang pa kasi ito saakin. " Talaga bang may utak ka? " naiinis ko ritong tanong at nagtataka naman itong tumingin saakin kaya naman iwinasiwas ko ang kamay ko senyales na umalis ito sa harapan ko agad naman itong umurong na parang tanga hindi ko alam pero hindi talaga kilos lalaki ang baklang malnourished na ito pero hindi naman talaga siya bakla wala kasi akong nakikitang malisya sa mga tingin niya saakin tinatawag ko lang siyang Baklang Malnourished kasi wala ng bagay ritong pangalan . " Nga pala, seryoso talaga ako doon sa sinabi kong maging kaibigan ka " napalingon naman ako rito talaga bang ipaglalaban niya ang idea niyang iyon. " Oo! Hindi ka interisado saakin pero ako interisado ako sayo!" Natigilan naman ako sa sinabi niya buong buo kasi nitong sinabi yong walang halong kaba o kabaklaan. " Ayaw mo saakin pero gusto kitang maging kaibigan kaya naman gusto kong maging close sayo " Muntik na akong matawa sa sinabi niya seryoso ba toh!? " Tsk! at umaasa ka talaga doon?" natatawa kong sabi rito pagkwan lumunok ito at tumingin saakin. " Oo naman!!! basta magti-tiyaga akong magustohan mo bilang kaibigan" masaya nitong sabi. " Isipin mo matagal rin tayong magsasama rito kaya dapat maging magkaibigan tayo hindi naman maganda kung strangers tayo sa isa't isa diba? Wag kang mag-aalala susundin ko pa rin naman ang rules mo wala akong lalabagin doon" Sabi pa nito habang nakapikit at umiiling sa huling sinabi niya tungkol sa rules ko tsk! Hindi ko talaga maitindihan kung anong ugali ang mayron ito. " tsk! Dapat lang dahil kung hindi maghanap kana ng lilipatan mo pero lilinawin ko lang ah! hindi tayo magsasama ng matagal dahil sa oras na matapos ang CR sa dapat mong kwarto lalayas kana rito" sabi ko pa rito " Kaya walang rason para maging close tayo!" dugtong ko pa. " Ay! tama nga pala, kung ganon naman pala bakit ko pa siya kakaibiganin kung mahihiwalay rin ako sa kanya? hindi na ako makapag hintay sa araw na yon" hindi ko alam kung anong ibinubulong nito basta sa tingin ko makikinabang siya sa iniisip niya ang saya kasi ng mukha pagkwan tumingin ito saakin. " Yon na nga mabilis lang tayong magsasama rito tas di pa tayo magiging close ang pangit naman non Bro" sabi nito pero hindi ko na siya pinansin pero napalingon ako rito sa sunod na sinabi niya. " Bakit ba ayaw mo saakin? Kung yong pusa pa rin ang isyo mo sorry na Bro lahat naman tayo may kinakatakotan diba?" napalingon naman ako sa sinabi niya, sinasabi ba niyang takot siya sa guwapo kong pusa tsk! baka bakla nga talaga ito pero ayaw ko nang buksan ulit yong pananangka niyang saktan si Leugo mamaya tumaas na naman ang dugo ko rito. " Makinig ka hindi ko sinabing ayaw ko sayo at gusto kita! ang sabi ko hindi ako interesado sayo kaya wag mo ng ituloy kung ano mang plano mo" tingin ko rito ng mariin. " E pareho lang naman yon" pag-upo nito hindi lang pala siya tanga ang kulit niya rin. " Alam kong alam mong tanga ka pero dapat iniitindi mo rin kung anong sinasabi ng kausap mo! " Bigla namang kumonot ang noo nito alam ko ayaw niya don sa sinabi ko pero katotohanan naman kaya walang masama. " tsk! Oo na! tanga na ako Bro, e sa wala talaga akong maitindihan sa mga sinabi mo " masama nitong tingin saakin. " Makinig ka! magkaiba ang ayaw ko sayo at hindi ako interesado dahil kapag sinabi mong ayaw mo sa isang tao may tendency na magustohan mo rin ito pero paghindi ka interesado wala ng pag-asang maging close kayo, kasi nga hindi ka interesado at hindi ka magkaka-interest na bigyan ito ng kahit kunting oras o bigyan ito ng chance!!! at ganon ako, wala akong balak na bigyan ka ng oras dahil pagsasayang lang yon ng panahon, naiitindihan mo?!" Natigilan ako ng pumunta ito sa harapan ko. " Gaya ng sabi ko interesado ako sayo" seryoso nitong sabi nababaliw na siya. " Tsk! magsasayang ka lang ng oras!" naiinis kong sabi rito ang kulit niya rin tsk! wala talaga akong balak na maging kaibigan siya tsss! ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang magkaroon ng kaibigan at lalo nang tulad niya. " Siguro hindi ka pa nagkakaroon ng kaibigan kaya ka ganyan pero mahalaga ang may kaibigan Bro, mas masaya yon" masaya pa nitong sabi. " Para saakin walang halaga yon! maging magkaibigan man tayo o hindi dahil maghihiwalay rin naman tayo! at isa pa hindi nga ako interesado sayo" diretso kong sabi rito bigla namang napalitan ang awra nito basta biglang bumaliktad ang labi niya. " Alam ko masakit ang sinabi ko pero mas okay na yon kaysa naman sa umasa kang magugustohan kita hindi ba? Alam mo kasi totoo akong tao kaya sinasabi ko sayo ang totoo dahil ayaw na ayaw ko ng sinungaling!" seryoso kong sabi rito agad naman ito nag-iwas ng tingin saakin na para bang may tinatago itong sekreto kaya naman mariin akong tumingin rito. " Ah, eh, lahat naman ata tayo ayaw ng sinungaling..." sabi pa nito kaya inalis ko na rito ang tingin ko sa kanya mabuti at alam niya. " Pero hindi naman lahat ng nagsisinungaling gusto nila yong iba napipilitan lang___" pagtigil nito ng lingonin ko siya. " at meron din namang sinasadya talaga para sa sarili nilang pakinabang!" inis kong sabi rito pinapaalala lang niya sakin ang dahilan kung bakit wala akong tiwala sa mga tao at sa sinabi ko hindi na ito sumagot pa siguro naitindihan niya ang sinabi ko at yon nag handa na ako para pumasok sa klase at itong si baklang malnourished kanina pa tapos. Julian's POV: " Sabi na nga ba may pinagdadaanan ito kaya lang baka dumoble lang ang galit nito saakin pagnalaman niya ang sekreto ko " Sa naisip kong yon nawawala bigla ang fighting spirit kong kaibiganin siya. " Mabibigo ka lang! " Napatingin ako rito ng bigla siyang magsalitang muli habang naglalakad siya palabas kaya mabilis kong kinuha ang bag ko at sumunod rito. " Bigyan mo ako ng chance!" sabi ko pa rito interesado na talaga akong kilalanin ang pagkatao niya dahil sa mga nalaman ko sa kanya ngayon. " Hindi nga ako interesado sayo diba?" Sabi na naman nito haist! kaya ko na ngang ii-spell ito ng pabaliktad. " At gaya ng sabi ko interesado ako sayo!" sa sinabi kong yon hindi na ito lumingon siguro nakulitan na rin baka nga kaya na niya ring ii-spell ito ng pabaliktad. Sa ngayon buo na ang pasya kong maging kaibigan siya masyado kasing mahiwaga ang pagkatao ng Aethan na ito at ako yong tipo ng taong madaling sumuko pero pag-ako nagka interest sa isang bagay wala sa bokabularyo ko ang sumuko. Pagsunod ko pa rito at natigilan ako ng biglang umakbay saakin si Jeremy. " Akala ko late kana naman " bungad nitong sabi saakin. " Ah, hindi dahil sumabay ako kay Aethan " " Okay na kayo?! sabi na nga ba" masaya nitong sabi wala namang bago doon kay Jeremy masayahing tao talaga siya. " Hindi pero yon ang plano ko " Gulat na gulat naman ito sa sinabi ko. " Sa tingin ko okay naman ang pakiramdam mo?" paghawak pa nito sa noo ko para echeck kung may sakit ako. " Ano ka ba! sabi niyo nga diba magugustohan niya lang ako kung makikilala niya ako e kung strangers kami sa isa't isa paano yon mangyayari? " " Sa totoo lang sinabi lang namin yon para hindi ka mawalan nang pag-asa e sa totoo lang wala pa namang nagiging kaibigan dito si Aethan kasi nga ang hirap niyang basahin o unawain masyadong malalim ang pagkatao niya" sabi nito at Oo, aware na ako sa sinabi niya. " Kung ganon dapat tayo ang una niyang maging kaibigan " Masaya kong sabi rito habang nakangiti at natigilan ako ng tumitig ito saakin habang nagtataka ang mukha at doon ko lang naalala na nagmumukha nga pala akong babae pagngumingiti ako. " Ano sa tingin mo Bro?" pag-akbay ko pa rito para bawiin yong naging reaction ko kanina at ang hirap lang ah, ang tangkad niya kasi. " Oy! " sigaw ko rito sabay suntok sa braso niya tulala lang kasi ito. " Ano ba yong naisip ko? " bulong pa nito pero hindi ko na siya pinansin mamaya yong pagngiti ko pa ang nagpapabagabag sa kanya.. " Pero Julian hindi ba't mukhang malabo yong iniisip mo? " nag-aalala pa nitong sabi. " Alam ko pero isipin mo ito pagnaging close natin yan panigurado perfect natin lahat ng quizess at exam natin at diba gusto mong maka proceed this year sa second year college? " pagturo ko pa kay Aethang naglalakad sa unahan namin para kombensehin ito, hindi naman kami naririnig nito medyo malayo na kasi siya saamin. " at saka diba bestfriend tayo? at pagmagkaibigan dapat magkasama sa lahat at kung hindi ka ganon naiitidihan kita syempre alam ko naman na transfe___ " " wag ka ngang ganyan Julian! syempre bestfriend tayo at mula ng makilala kita ni minsan hindi kita tiningnan bilang transferee hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko pagkasama kita seryoso pero ibang iba ka sa lahat ng kaibigan ko" pagngiti nito napatango naman ako rito ng alanganin maaari kayang nakakahalata na nga talaga ang isang ito. " Sasamahan kita! kahit malabong maging close natin si Aethan wala pa nga kasi siyang naging kaibigan dito at malabong magawa natin yon. Ni ako nga hindi ko siya kayang kausapin ng mata sa mata " sabi nito habang nakatingin kay Aethang naglalakad habang nakapamulsa ng kamay. " magiging kaibigan natin siya!!! " Pagtaas pa nito sa kamao niya nagulat naman ako doon kaya ito nakatingin lang ako rito. " Akala ko ba desperado kang maging close siya? " Tumango lang ako rito bilang sagot " Itaas mo rin ang kamay mo pampataas ito ng kumpiyansa sa sarili!" huminga naman ako ng malalim sa sinabi niya pagkatapos kong maalala yong saamin ni tita, kakaibiganin ko siya para sa aming pakinabang kung saan baka maalis ang kasungitan nito at saakin naman ay para mas maalagaan ko pa ang sekreto ko at mabuhay pa ng matagal. " Tama, para saaming dalawa!" pagtaas ko rin sa kamay ko pero nagtaka ako ng ibaba ni Jeremy ang kamao niya. " sandali, diba dapat saating tatlo? Ulitin natin" sabi pa nito at ganon na nga ang nangyari minsan kasi talaga sinasapian ito ng pagiging isip bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD