" Halika na sumabay tayo sa kanya!" Pagyaya ko rito ng makitang nalalayuan na saamin si Aethan.
" Huh?! Pero bakit?!" natatakot nitong tanong.
" E kasi nga para maging close siya yon ang plano natin diba?" paghila ko pa rito.
" Plano? e ikaw lang naman ang may plano nun tas bigla mo akong sinali" sabi pa nito pero hindi ko na siya pinansin at naiitindihan ko ang nararamdaman niya wala naman kasi kaming pinagkaiba.
" 'lika na, Bro" paghabol namin kay Aethan.
" Aethan hintayin mo naman kami " Sabi ko rito ng mahabol namin at si Jeremy ito parang tangang tumatango hindi talaga niya magawang magsalita at si Aethan, ayon diretso lang sa pagpasok papunta sa upuan niya ni paglingon di niya nagawa.
" Julian, wag na lang kaya natin ituloy kinikilabotan ako sa ginagawa natin e " sunod sunod nitong sabi habang nakayakap sa katawan niya at hindi ko maipaliwanag itong reaction niya parang natatakot na nahihiya? iwan akala mo rin imperador ng China itong pinansin namin para magkaganito.
" Ano ka ba sabi mo nga dapat malakas ang fighting spirit natin " pagtapik ko pa sa balikat niya at pumasok na rin kami.
" Aethan____"
" Hindi ka ba napapagod magsalita?" pagputol nito sa sasabihin ko.
" Okay, e gust_____"
" Just shut up!" pagputol na naman niya sa sasabihin ko at parang inis na inis ito kaya hindi na ako nagtangkang magsalita pa at saka dumating na rin kasi si Sir.
" Ano ba talagang merong ugali ang isang ito ang daling magalit wala naman akong maalalang nasabing masama pero Oo, ang ingay ko pero napaka liit pa rin yon na dahilan" Pag-iisip ko pa habang nakatingin kay Sir pagkwan nilingon ko si Aethan at pawis na pawis ito siguro hindi talaga maganda ang pakiramdam nito with aircon kasi itong classroom namin kaya paanong nagpapawis ito.
" Aethan okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong rito pero ayon parang hangin ang kinausap ko.
" Aethan are you okay?!" tanong ni Ma'am Villasore ng makapasok ito. Siya kasi ang sumunod sa teacher namin sa math. At napalingon naman ako kay Aethan at sa ngayon sigurado na akong hindi maganda ang pakiramdam niya ang putla na kasi ng labi niya. Bigla ko naman naalalang umulan nga pala kahapon at lumabas siya kaya panigurado naulanan ito. Pero gaya ng madalas niyang sagot kapag tinanong mo tas walang pakialam sa tanong mo ito ni pagtingin niya kay Ma'am di niya nagawa.
" Bro tinatanong ka ni Ma'am" Natahimik ako ng lumingon ito saakin ng masama at kasunod nun ang pagsasalitang muli ni Ma'am.
" Alam mo wala akong paki kung may sakit ka o ano pa yan pero ang akin lang ayaw kong manghawa ka dito, ayaw kong may pumapasok sa school na ito specially sa class ko kung may sakit dahil ayaw kong mahawaan ang mga taong nandito"
" Walang ganyang batas ang School na ito! ang school ng pamilya namin!" sa tono ng boses niya pinapamukha talaga niyang walang karapatan si Ma'am sa school at sampit lang ito " And this school don't tolerate that kinds of wont at puweding puwedi kitang tanggalin sa trabaho!" dugtong pa nito bigla talaga siyang nagiging madaldal kapag si Ma'am ang kausap ano ba kasing ikinakagalit niya rito.
" Ano yan tinatakot mo ako? Hindi dahil sayo itong School dapat ka nang magsalita ng ganyan!"
" Hindi kita tinatakot! next time you better shut your mouth kung takot ka rin palang mawalan ng trabaho" Hindi naman sumagot pa si Ma'am pero alam ko kung bomba siya kanina pa nawasak itong paaralan halata kasing malapit ng pumutok sa galit itong si Ma'am. At pagkatapos ng klase namin sa kanya may sumunod na naman hanggang sa matapos ang klase namin ngayong araw at si Aethan ito halatang masama na talaga ang pakiramdam.
" Aethan dapat kasi kanina ka pa umuwi " sabi ko rito hindi na ako makatiis e sa totoo lang kanina ko pa yon gustong sabihin sa kanya kaya lang beast mood siya mamaya sakin pa lumabas ang galit nito panigurado magba-viral na naman ako pagnangyari yon titig na titig rin kasi rito ang mga kaklase ko siguro nahahalata rin nila pero hindi na siya nagsalita at naglakad na ito palabas kaya ako niligpit ko ng mabilis ang gamit ko hindi kasi talaga yon gumagamit ng notebook iwan ko nga kung anong laman nong bag niya kaya naman pagkatapos ng lecture namin halos mauna siyang lumalabas sa mga teacher namin.
" Hindi maganda ang pakiramdam niya diba?" tanong agad saakin ni Jeremy nong makalabas si Aethan.
" Palagi namang hindi maganda ang pakiramdam nun pero Oo may sakit siya" pagmamadali kong maglakad para sundan ito at ganon din si Jeremy para sundan rin ako.
" Julian naiisip mo ba ang naiisip ko?" tanong pa nito pero hindi ko na siya pinansin sus! akala mo rin may maiisip siya asa pa " Pagkakataon na natin ito para mapalapit sa kanya " napatingin naman ako kay Jeremy sa sinabi nito pagkwan humarap ito saakin.
" Sumasang-ayon sa atin ang kalangitan binibigyan tayo ng chance para mapalapit kay Aethan, isipin mo ito kapag may sakit kailangan may mag-aalaga rito para gumaling agad at syempre paggumaling magpapasalamat yan sa kung sinong nag-alaga sa kanya " pagsasalita nito huminto pa nga kami para lang makapag-usap ng maayos.
" At tayo ang mag-aalaga sa kanya at ipaparamdam natin rito ang pagmamahal natin sa kanya at panigurado kapag gumaling siya magpapasalamat ito saatin at pagnagkataong ganon doon natin hihilinging maging best friend natin siya" Sabi nito at hindi ko akalaing makakapag-isip ng ganito kagandang plano si Jeremy at tama siya pabor saamin ang pagkakasakit ni Aethan pero syempre hindi naman kami masaya dahil may sakit siya pero sige, mga 50% masaya kami kasi nga pagkakataon na namin para mapalapit sa kanya.
" Okay ganito ang plano, ako na muna ang lalapit sa kanya tas kunwari hindi ko siya kayang alagaan tas hihingi ako sayo ng tulong bale doon kana rin papasok, okay ba?" natigilan ako ng nangingislap ang mata nitong tumingin saakin.
" Henyo ka talaga!!!" pagyakap pa nito saakin pero mabilis lang.
" Halika na!" Paglalakad ko ng mabilis agad naman itong sumunod at gaya ng plano namin hindi muna saakin sumabay si Jeremy papasok sa kwarto namin at pagkarating ko nga ito nakahiga si Aethan nasa tabi pa nga nito ang bag niya at gusto ko lang sabihin na hindi siya yong tipo ng taong burara sa gamit niya napakalinis niyang tao kung maka pasok lang kayo sa kwarto namin iisipin niyong may maid kami sa sobrang ayos at linis ng kwarto namin maliban lang sa higaan ko sa pagmamadali ko kasing maiwasan itong si Aethan hindi na ako nakakapag-ayos ng gamit pero feeling ko may naglilibot rin siguro para linisin ang mga gamit o kwarto ng mga boarders yong higaan ko kasi naaayos kahit hindi ko ayosin.
" Dapat kasi umuwi kana lang kanina ayan lumala yong sakit mo " hindi na ito sumagot pero ang lalalim nitong huminga.
" Dapat magtanggal ka ng uniform Bro " pagpatong ko sa bag ko sa kama ko at tumabi rito pero napahiga ako ng bigla itong bumangon nakakagulat kasi.
" Anong ginagawa mo?" Naiinis nitong tingin saakin kaya napatayo ako bigla.
" Kung may balak kang matulog don ka sa higaan mo tsk! " Pagtayo nito at kumuha ng tubig para uminom.
" Naka-inom ka ba ng gamot? " tanong ko pa rito.
" Ano naman sayo? " paghiga nitong muli.
" Hindi maganda ang pakiramdam mo kailangan mong uminom ng gamot " pangdidedma ko sa kasungitan nito pero gaya ng madalas niyang gawin hindi niya ako pinansin.
" Sandali lang ah " Pagkuha ko sa phone ko pagkakataon ko na para papasokin si Jeremy sa plano naming ito, agad ko siyang tinawagan at mabilis naman itong sumagot.
" Julian pasensya kana pero hindi kita masasamahan gusto akong papuntahin ni mommy sa bahay ngayon" sabi nito sa kabilang linya na halatang naaasar.
" ah, okay! mag iingat ka "
" Thank you, Julian " pagkasabi niya nun doon na rin natapos ang usapan namin pero nataranta ako bigla ng lingonin ko si Aethang may sakit sa totoo lang hindi naman ako marunong mag-alaga ng may sakit at ako yong tipo ng taong minsan lang magkasakit kaya ito di ko alam kung anong gagawin ko sa kanya.
" Aethan..." tawag ko rito pero hindi na ito sumagot kaya lumapit ako rito.
" Oyyy Aethan..." nag-aalala kong pagyugyog rito dapat kasi sumagot siya iba kasi yong alam mong may sakit siya at wala, normal lang sa kanya ang hindi sumagot pagkinakausap mo pero hindi normal sa kanya ang magkasakit kaya ako nag-aalala rito.
" Hindi pa ako patay at hindi pa yon mangyayari puwedi! kaya umakyat kana sa kama mo at tigilan mo na ako, nakakairita na yang boses mo!" kahit hindi maganda ang pakiramdam niya nakapag long speech pa ito para magsungit.
" Saan ba ang mga gamot mo? " pangungulit ko pa rito.
" Hindi pa ako mamamatay!" inis pa nitong sabi naalala ko naman biglang may mga gamot nga rin pala ako kaya mabilis akong umakyat sa kama ko at hinanap ito at pagkahanap ko bumaba na ako.
" Ito na uminom ka muna ng gamot " pagkuha ko pa ng tubig.
" Inomin mo " pagbibigay ko rito " kakain ka mo na? " tanong ko pa rito pero natigilan ako ng bumangon ito at kinuha nito ang gamot at kinain pero bigla niya rin itong niluwa.
" Ano bang gamot ito?" magkasalubong ang kilay nitong tanong saakin.
" Huh? Pagtingin ko rito maging ako hindi ko alam e sa pag-aalala ko hindi ko na nagawang basahin "sandali lang" pag kuha ko sa balat ng gamot at napalunok ako ng hindi ito gamot sa nararamdaman niya.
" Ikaw pa ata ang papatay saakin! " pagtapon nito sa gamot " Katangahan mo kahit kailan___! " pagpipigil galit nito at nahiga.
" Pasinsya na Bro natataranta kasi ako " sabi ko pa rito.
" Just shut up! okay?! Lalo mo lang pinapasama ang pakiramdam ko at saka kinakalimotan mo na ata ang rules ko! " sa sinabi niyang iyon tumahimik na ako, rules number 1 niya nga pala ang bawal mag-ingay kaya naman umakyat na ako at nahiga.
" Bahala siya mamaya ako pa ang sisihin nito paglumala ang pakiramdam at saka siguro parusa niya rin yan sa sama ng ugali niya tsk! siya na nga itong tinutulongan siya pa ang masungit! tsk! kakalimotan ko na rin yong kagustohan kong maging kaibigan ka! Ang sama ng ugali akala mo rin kung sino hindi kita kaano ano kaya wala akong paki sayo noh " pag-iisip ko pa ang sama naman kasi talaga ng ugali pagkuwan pumikit ako kaya lang ayaw magpahinga ng diwa ko pagkuwan sinilip ko si Aethan at ngayon mas malalalim na siyang huminga hindi na talaga maganda ang pakiramdam nito.
" Pasensya na, Bro pero hindi ko kayang matulog ng ganyan ang pakiramdam mo sa ngayon lalabagin ko muna ang mga rules mo " pagbaba ko at hinawakan ang noo nito hindi naman ito gumalaw o tumutol ng kahit ano o baka dahil hindi na rin niya kaya.
" Ang init mo ah " nag-aalala kong sabi rito " Magpadala kana kaya sa hospital?"
" No! " yan lang ang sinabi niya.
" Pero bakit?" hindi na ito sumagot kailangan talaga malaki ang pasensya mo pag-itong isa ang kausap mo. " kung ganon ipaalam na lang natin sa pamilya mo, tawagan natin sila "
" Nawala ang cellphone ko!" sa sinabi niyang iyon naalala ko biglang na saakin ang phone niyang nalimotan kong ibigay sa kanya pagkwan kinuha ko ito sa bag ko.
" Nasaakin" pagbibigay ko rito masama naman itong tumingin saakin at alam ko na ang iniisip nito.
" Kahapon naiwan mo kaya itinago ko " pagpapaliwanag ko.
" pinakialaman mo?!" hindi naman ako makapagsalita sa tanong niya panigurado uulanan na naman ako nito ng mapapait niyang salita pagsinabi kong nabuksan ko yong message niya hindi ko naman talaga kasi sinasadya bigla na lang talaga nabuksan.
" Pinakialam mo diba?!"
" Hindi naman sa ganon, kaya lang yong screen niyang phone mo nagpapindot bigla " pagturo ko pa sa screen ng phone niya " Pangako hindi ko talaga sinasadya pero Oo, sisilipin ko lang pero yon nga nabuksan bigla "
" Pinakialaman mo nga! "
" Pasensya na Bro" Hindi na ito nagsalita sa sinabi ko siguro dahil na rin sa sama ng pakiramdam pero alam ko galit ito.
" Tawagan mo na ang pamilya mo para malaman nilang may sakit ka para mapuntahan ka nila rito" suggest ko pa.
" may sakit rin ang kaisa isa kong pamilya " tipid nitong sagot.
" huh, wala ka nang Papa? pero ang pagkaka-alam ko mama mo lang ang nawala e " Hindi na ito nagsalita at tumalikod na ito ng higa at pakiramdam ko hindi niya nagustohan ang sinabi ko well, wala namang bago doon diba? Kailan pa nga ba siya may nagustohan.
" Pasensya na ulit, kung ganon punta na lang tayo sa clinic ng school "
" Dito lang ako!" seryoso nitong sabi.
" Pero hindi puwedi yon ,hindi ako doctor hindi ko alam anong gagawin sayo "
" Humingi ba ako sayo ng tulong?! Alam mo kung gusto mo akong gumaling manahimik kana lang!"
" Hindi nga ako makakatulog hangga't alam kong may sakit ka diba?, sige na wag ka nang magsungit ako ng bahala sayo hindi ako matutulog hanggat hindi ka okay " Tumingin naman ito saakin at ganon din ako.
" Hindi kita kailangan" hindi ko na pinansin ang sinabi niya pagkwan pumunta akong banyo at tinawagan ko si Tita kung anong gagawin ko. Agad naman nitong sinabi ang gagawin ko nong una nga akala niya ako ang may sakit kaya grabe ang pag-alala nito.
" Aethan aalis muna ako ah, kukuha lang ako ng gamot sa clinic " sabi ko rito and as usual ayon tahimik lang ito bale nagluto na rin ako ng lugaw sabi kasi ni Tita pakainin ko muna bago painomin ng gamot.
" Good morning po__! " nagulat ako ng biglang isalubong saakin ng doctor ba ito ng clinic o ano ang isang plastic ng gamot.
" Sige na alam kong hindi yon magpapadala rito kaya dalhin mo na yan sa kanya and please wag mo siyang iwan " sabi pa nito kaya naman nagtataka akong tumingin rito kaano ano kaya ito ni Aethan lalaki kasi at nabasa niyo naman ang mga sinabi niya.
" Pinapasabi po ng nagpapabigay niyang gamot " mas nagulat ako sa sinabi nito.
" Sino po? " tanong ko pa pero ngumiti lang ito saakin at isinara na nito ang pinto ng clinic.
" Sino ba yon?" nagtataka kong paglalakad at pagkarating ko hinanda ko na ang lugaw para makakain na itong si Aethan.
" Kumain ka muna, Bro " gaya ng normal niyang gawin hindi ito kumibo " Ang tigas ng ulo mo tsk! kakain ka o kakain ka?! Kung wala kang pakialam sa pakiramdam mo puwes may pakialam ako dahil hindi ako makatulog! sana isipin mo rin yong ibang taong nasa paligid mo " sa sinabi kong yon umupo ito at kinuha niya ang lugaw at kinain ito.
" OA ka lang mag-isip pero hindi ako mamamatay " mahina nitong sabi at pagkatapos niyang kumain ininom na rin nito ang gamot.
" Baka puwedi ka nang matulog?" pagkasabi niya nun nahiga na naman siya.
Aethans POV:
Hindi ko alam na ganito kakulit ang baklang malnourished na ito napaka over acting niya kung umasta akala mo mamamatay na ako but, I admit he has a pure heart hangga't kasi hindi ako nakainom ng gamot hindi ito tumigil sa kadadakdak at naaalala ko sa kanya si mommy alam ko weird kasi lalaki siya pero yong pag-aalaga niya pareho sila ni Mommy ng pamamaraan.
" Pero alam ko namang isa sa dahilan kung bakit niya ito ginagawa dahil gusto niyang makipag close at nahuli niya ako doon " pagpikit ko hindi ko alam kung saan nagpunta ang baklang malnourished na yon siguro naghahanda na rin para matulog.
" Magtanggal ka ng uniform " bigla nitong pagsulpot pero hindi ko na siya pinansin sobra na siya akala mo rin si mommy at nagulat ako ng tanggalin nito ang butones ng damit ko.
" Anong ginagawa mo? " Paghawak ko sa kamay niya.
" Sus! hindi ako interesado sayo noh sabi ni Tita dapat daw malamigan ka" pagtingin pa nito saakin " Wag mong sabihing may iniisip kang ano? tss! kung anong sayo gan-non din saakin?" Hindi ko alam pero hindi pa ata sigurado ang baklang malnourished na ito sa sinasabi niya pero tinanggal ko na ang damit ko baka iba pa ang isipin nito e.
" Alam mo ako yong tipo ng taong bihira lang magkasakit mabilang nga lang yong pagkakasakit ko " pagsasalita nito pero hindi ko na siya pinansin hinayaan ko na siya magsalita sa totoo lang kanina ko pa gustong matulog hindi ko lang magawa dahil sa ingay ng baklang malnourished na ito.
" Sa totoo niyan minsan hinihiling kong magkasakit ako tas yong hindi na ako gumaling tas mamamatay ako " gusto kung magsalita sa sinabi niyang ito habang pinupunasan nito ang mga braso ko ng malamig na tubig habang ang noo ko pinatongan niya rin at sa ginagawa niyang ito nakatulog na ako habang nagsasalita pa rin siya.
" Buti naman okay kana " Hating gabi ng magising ako bigla sa mga salitang yan at dinig na dinig ko boses babae ito kaya napamulat ako ng mata at medyo maganda na rin ang pakiramdam ko at wala na rin sa tabi ko si baklang malnourished siguro natulog na rin " pero kaninong boses yon? sino yon?" tanong ko pa.
" Baka guniguni ko lang " sagot ko rin sa mga tanong ko sabay pikit kong muli hindi pa rin kasi ako fully energized.
Julians POV:
" Buti naman at bumaba na ang lagnat nito " pagbalik ko rito pinalitan ko na naman kasi yong tubig ikatatlo na itong pagpalit ko ng tubig sa may palanggana habang pinupunas rito kay Aethan.
" Ang tigas kasi ng ulo kaya ka nagkasakit e buti na lang mahusay akong nurse " pagsasalita ko pa habang inaalagaan siya sa totoo lang para rin namang bata itong si Aethan kahit nakakunot ang noo nito habang natutulog para pa rin siyang bata at napansin ko always niyang binabanggit ang mommy niya siguro mahal na mahal niya talaga ang mommy niya siguro dinadamdam pa rin niya ang pagkamatay nito well, sino nga ba naman ang hindi nagmamahal ng magulang wala tayo dito kung wala sila diba? At yong case ko kasi yong pagkawala ni Mama medyo matagal na yon kaya hindi ganon kasakit pero itong si Aethan kailan kaya namatay ang mommy niya? Naaawa kong pagmamasdan rito.