Dahil doon sa rules niyang bawal akong maglock ng pinto sa banyo ay ito mas maaga pa akong gumising sa manok namin sa probinsya. Kailangan ko talagang nakawin ang oras ko sa banyo dahil kung hindi baka maaga akong mamaalam sa school na ito, basta akala mo lang may contest akong sinalihan sa pagligo sa sobrang bilis ko.
At ngayon nakatayo ako sa buo naming kwarto habang pinapaikot rito ang mata ko at tanging paghinga ko lang ang naririnig ko. Natutulog pa rin kasi itong si Aethan kaya ito, para akong magnanakaw sa loob ng kwarto ko, iniiwasan ko talagang makagawa ng kahit anong ingay. Mamaya magising pa siya e masyado pang maaga para maghigh blood ito.
" Maliban kaya sa sarili niya ano pang mahalaga sa kanya? " Pagmamasdan ko sa kwarto namin wala kasi itong kalaman laman, wala kang makikitang kahit anong dekorasyon, curtain, at maging ang unan o higaan niya wala itong kadesign-design plain white lang ito at ni-isang litrato wala dito sa kwarto niya.
“ Hindi kaya galing ka sa ibang planeta? ngayon lang ako nakakita ng tulad mo ” pagtingin ko pa rito habang natutulog at infairness ang gwapo talaga niya kaya lang kahit natutulog siya nakakunot pa rin ang noo . Pagtingin ko pa rito ng malapitan at laking gulat ko ng bigla siyang gumalaw at sa may gilid humarap akala ko talaga nagising na dahil kung nagkataon baka mag almusal na naman ako ng mapapait niyang salita syempre kung may matatamis na salita may mapapait din at kay Aethan lang yon. Pagtayo ko at nagbihis ng pang uniform.
" Maaga na lang akong papasok para matawagan ko si Liya at saka may ireresearch rin ako sa library " Sa naisip kong ito mabilis akong nagbihis at ito para pa rin akong magnanakaw habang lumalabas mamaya magising pa itong mukhang pusang itong kinulang sa aruga at pagkakalmotin ako.
At pagkalabas ko nagtungo ako agad sa may science park at ako lang ata ang estudyante sa campus pero okay na rin yon dahil malaya akong gawin ang gusto ko lalo na ang magboses babae namimiss ko na rin kasi ang boses ko at ito na nga tinawagan ko na si Liya at panigurado tulog pa ito kaya mga dalawang missed call bago siya nakasagot.
"Cindy!!!" masaya nitong sagot sa cellphone kahit klaro sa boses niyang kagigising lang niya.
" Nasira ko ba ang tulog mo?"
" syempre hindi mas mahalaga ka sa tulog ko e" masaya nitong sabi kaya naman napangiti rin ako "E bakit nga ba ang aga mo atang napatawag? bakit may nangyari ba? okay ka lang ba? sunod sunod nitong tanong dumoble ata ang pagiging OA nito "
“ Okay lang ako " pagboboses babae ko.
" sinabi na ba may masamang nangyari sayo" Pag iyak nito ng malakas panigurado nagising na nito sila tita kung bakit kasi napaka OA nito.
" Anong nangyari saakin? " maging ako hindi ko alam kung anong nangyari saakin e "
“ Liya, ano ba yan? ang aga aga sumisigaw ka " dinig kong tanong rito ni Tita sabi na nga ba.
" E Mama si Cindy kasi e tumawag ng pagka aga aga at nagboboses babae baka po may nangyari sa kanya" pagkukwento niya rito kaya dinig na dinig ko yong paghablot ni Tita sa cellpone nito.
" Hello!? hija anong nangyari? paano nila nalaman? sinong nakaalam? okay ka lang ba? saan ka ngayon? sunod sunod rin nitong tanong don't tell me nahawaan rin ng pagiging OA si Tita kunsabagay hindi kasi friendly itong si Liya kaya panigurado si Tita lang ang kausap nito maghapon ngayong wala na ako doon kaya paniguradong nahawaan na talaga ito .
" Wala pong nangyari saakin nagboses babae po ako dahil wala rin naman pong tao dito" dinig na dinig ko yong paghinga ni tita ng malalim.
" mabuti naman, itong kaibigan mo kasi kahit kailan napaka OA pa rin" napangiti na lang ako sa sinabi ni Tita "kamusta kana ba diyan?" pagkalma nito.
" okay lang po kaya lang may konteng problima po e "
" huh?! ano yon?" nag aalala nitong tanong.
" e kasi po yong nakuwento ko sa inyong si Aethan na kasama ko sa kwarto ang anak ng may ari ng school na ito! tita, subrang sungit po at ayaw niya saakin at ang masama po doon napaka talino niya kaya hindi po malabo na baka mabuko niya ako at pagnangyari yon panigurado palalayasin ako o baka nga ipakulong ako e kasi nga po, ayaw niya saakin " matamlay ko ritong sabi.
“ Ganito Hija, maalala mo ba noong bata pa kayo ni Liya hindi ba't may aso yong bahay na malapit sa school na pinapasukan niyo at minsan nakaka takas ito at para makadaan kayo doon hindi ba't nagtatago kayo, iniiwasan niyo ito para hindi kayo mahuli at makagat at nong malaman yon ni Julian gumawa siya ng paraan para hindi na kayo matakot don, kaya naman araw araw sinasabayan niya kayong pumasok sa eskwela para don sa aso at araw araw may dala kayong hot dog para sa aso at nong tumagal napaamo niyo yong aso at bumait sainyo kaya hindi niyo na kailangan pang magtago para lang don sa aso na kinakatakotan niyo" pagkukwento ni tita at naalala ko yang kuwento niya nong G7 kami niyan ni Liya at Julian nakakatuwa lang isipin noon walang problima ang sayasaya namin sana ganon na lang hanggang ngayon edi sana hindi ako nagkakaganito pero ano bang ibig niyang sabihin sa pagkukwento niya.
" naiitindihan mo ba ang ibig kong sabihin?" Tanong nito hindi naman ako makasagot e wala naman akong naitindihan nakakahiya " Hindi ba't takot kayo doon sa aso at noong una ang ginagawa niyo ay tinatakasan niyo ito pero nandoon yong takot niyo na baka mahuli kayo' kagatin at ang pangalawa pinaamo niyo ito kaya naman mula noon hindi niyo na kailangan pang magtago rito dahil naging kaibigan niyo ito" Ngayon malinaw saakin ang ibig sabihin ni tita.
" Naiitindihan ko po"
" mabuti naman, ngayon may dalawa kang pagpipiliang gawin hanggat kasama mo si Aethan, una ang iwasan ito dahil sa takot mo rito pero sa oras na malaman niya ang sekreto mo tuloyan ka nang mamamaalam pero nandon rin yong posibilidad na baka hindi ka niya mahuli dahil iiwasan mo nga ito o pangalawa ang kaibiganin siya kaya naman nandoon yong malaking posibilidad na mahuli ka niya ng maaga dahil kakaibiganin mo siya kung saan magiging open kayo sa isa't isa pero ang maganda naman dito ay may dalawang resulta ito kung saan ang palayasin ka at ikulong o panatilihin ka dahil nandoon yong resulta ng pakikipag kaibigan mo sa kanya at alam natin na natuturuan ang isip na kumalimot ngunit ang puso ay mahirap at palaging puso ang nangingibabaw sa lahat kaya ngayon nasa saiyo ang disisyon kung paano mo pananatilihin ang sekreto mo Hija" iba talaga ang magulang mag isip pero tama si tita kailangan maging matalino rin ako para mabuhay ako.
" Tita, hindi po pala talaga biro ang pinasok ko at ngayon isa si Aethan sa una kong pagsubok at kalaban kaya kailangan talunin ko na siya bago pa dumating ang iba ko pang pagsubok at tama ka Tita, kakaibiganin ko siya dahil may dalawa itong resulta kahit papaano may nakikita ako ritong pag asa pero.. Opo, mapanganib masyado kaya lang doon po kasi sa iwasan siya iisa lang ang resulta kung saan ang palayasin o ikulong ako kaya KAKAIBIGANIN KO PO SIYA!" buong loob ko ritong sabi.
“ Yan nga!! hindi basta basta sumusuko ang sino mang parte ng pamilya okay!? " masayang sabi ni Tita natouch naman ako doon sa sinabi niyang parte ako ng pamilya nila.
" Opo, Tita!"
" Laban lang Hija! tandaan mo hindi ka nag-iisa ang laban mo laban din namin makinig ka mula pa man noon tinuturing na kitang anak at ngayon pang nasayo ang katauhan ni Julian at saka kung hindi rin namatay ang anak ko panigurado magiging anak rin kita bilang daughter in law pero namatay nga siya kaya lang nakuha mo na naman ang identity niya ang langit talaga ang gumagawa ng paraan para maging parte ka ng pamilya namin " masayang sabi ni Tita pero bago pa mahulog ang luha ko bigla kong narinig ang pagsasalita ni Liya.
" Akina nga po yang cellphone ko, ma! kami dapat ang mag uusap eh " naiirita nitong sabi kay Tita kaya wala namang nagawa si Tita kundi ibigay rito yong phone at yon nag-usap na nga kami.
Well, kamusta na nga kaya yong mukhang pusang kinulang sa aruga?"
AETHAN'S POV:
Kanina ko pa pinagmamasdan ang baklang malnourished na ito at hindi ko alam kung ano bang nakikita nito sa kwarto habang pinagmamasdan nito minsan kasi umiiling tas tatango bigla hindi ko alam kung anong iniisip nito tsk! weirdo talaga ang baklang malnourished na ito! siguro dahil taga probinsya siya? baka ganito talaga ang mga tagaprobinsya pagmamasdan ko pa rito habang kunwaring natutulog pero muntik na akong mapadilat ng mata nang pumunta ito bigla sa harapan ko at pinagmasdan ako habang natutulog hindi ko alam kung ano ang binubulong nito habang tinitingnan ang mukha ko kaya naman tumagilid ako ng higa mamaya hindi ako makapagpigil at masabihan na naman ito kung bakit kasi ang ingot niya at mga ilang minuto lumabas na ito sa kwarto na akala mo akyat bahay habang naglalakad palabas.
" Baliw ba yon?" pagbangon ko at diretso ang mata ko sa orasan ang aga kasing lumabas ng baklang yon e 9 pa ang klase namin at saka malapit lang naman kami sa school walang mangyayaring traffic para malate kaya iwan ko kung bakit nag-aga yon e 5 pa lang wala pang tao nito sa school at saka kahit ang mga P.E major na may zumba, 5:30 ang starting ng klase.
" Ang baklang yon may kikitain na naman sigurong babae tsk! talaga bang ganon ang mga tagaprobinsya sa ugali niya? kalalaki niyang tao pero iba siya kumilos hindi ko naman masabing bakla o lalaki wala rin kasi akong nakikitang malisya sa mga tingin niya saakin maliban lang doon sa tinatalikuran niya ako tuwing wala akong damit o tuwing naghuhubad siya o ako nang damit basta grabe siya makaiwas ng tingin, yong hindi siya makatingin saakin ng diretso at parang masyado siyang konserbatibo sa sarili niya tsk! baka iniisip non na magkakainterest ako sa kanya tsk! straight ako and besides hindi ko siya type " natigilan ako sa pagsabon sa katawan ko sa naisip ko.
" Ang baklang malnourished na yon pati ako nahawaan sa ugali niya tsk! hindi pa siya nagtatagal dito pero nahahawaan na ako paano na lang pagnagtagal pa yon dito baka tuloyan ng maalis ang character kong si Aethan the genious tsk! kailangan talaga maayos na yong CR sa room 18 para makalayas na siya rito!" Naiinis kong pagsabon sa katawan at pagkatapos kong maligo lumabas na ako at ngayon ko lang napansin na ang gulo na naman ng higaan niya yong damit niya nakasabit na naman sa kung saang parte ng kama niya at yong unan hindi man lang inayos.
" Iniinis talaga ako ng malnourished na yon pati pagiging malnourished ng utak pinapairal niya rito sa kwarto dapat siguro ilagay ko rin sa rules ang kalinisan" pag-ayos ko rito, naiirita talaga ako pagnakakakita ng marumi o makalat dapat pala nalagay ko yon sa rules at pagkatapos ko magbihis naghanda na rin ako ng makakain at noong dumating ang oras ng klase pumasok na ako at nakakapagtaka lang dahil wala dito ang malnourished na yon sabi naba babae na naman ang inatupag nun pag-upo ko at gaya ng madalas mangyari pakiramdam ko nakatingin na naman lahat ng mga kaklase ko saakin pero hindi na ako lumingon sa kanila para echeck pa yon normal lang naman ito sa everyday ko dito sa campus.
" Akala ko late na ako " pagsulpot bigla ni baklang malnourished sabay upo at pawis na pawis ito.
" dumating na ba si Sir?" katangahan nitong tanong isa talaga sa dahilan kung bakit naiinis ako sakanya dahil sa katangahan niya tsk! itanong ba naman ang mga obvious na bagay.
" Nakita mo siya? " masama kong lingon rito at gaya ng madalas niyang reaction nagtataka na naman itong tumingin saakin saka bubulong.
" Oo nga naman " pamamlastic nito ng ngiti kaya ito mukha siyang tanga! at mga ilang minuto dumating si Sir, late na naman siya.
" wag mong sabihing itatanong mo rin kung dumating na siya?" Tanong ko rito bago pa ito makapag tanong sabay lingon rito at hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko at halus lumabas ang mata nito sa gulat. At gaya ng madalas nitong sagot iiling mouna bago magsalita.
" syem-pre hindi "
JULIANS POV:
Natigilan ako ng tingnan ko ang oras pagkatapos kong magresearch sa library, late na kasi ako.
“ Hindi ba't ikaw yong transferee na kasama ni Aethan sa kwarto? at ayaw niya sayo diba?” salubong agad sakin ng grupo ng magkakaibigan, 5 silang lahat at iwan kung saan silang department.
“Paanong alam niyo?” tanong ko wala naman akong maalalang nakuwento ko ito sa iba sina Jeremy at Kristine lang naman ang nakaka alam nun.
" Karamihan sa mga mata dito sa campus kay Aethan naka tingin kaya naman posibleng lahat ng nakakoniktado rito ay nadadamay na rin well, mag iingat ka dahil ang ayaw ni Aethan! ayaw din ng karamihan dito sa campus " pagkasabi nila nun iniwan na nila ako hindi ko naman alam kung anong gusto nilang sabihin doon.
" tinatakot ba ako ng mga yon? " pag-iisip ko at natigilan ako ng maalalang late na nga pala ako kaya naman mabilis akong kumaripas ng takbo medyo malayo pa naman sa classroom iyong library kaya pagkarating ko dumiretso agad ako ng upo hindi ko na nga nasagot si Jeremy'ing nagtatanong kung saan ako ng galing.
" akala ko late na ako " Natigilan ako ng si Aethan pala yong kaharap ko mas nauuna kasi akong dumating rito kaya ganon na lang ang gulat ko ng makita ito at iiwas na sana ako rito pero bigla kong naalala yong napag-usapan namin ni Tita kaya nagtanong na lang ako rito imbis na umiwas na naman sa kanya.
" Dumating naba si Sir?" at gaya ng madalas niyang gawin ang tagal niyang sumagot pinag isipan pa kung sasagotin ba ako at gaya ng tanong ko yon rin ang tanong niya pangit talaga ang ugali.
" ano kayang masama ang sumagot sa tanong e noh? " bulong ko pa kaya naman pilit ako ritong tumingin at sumagot pero nagulat ako ng magsalita siyang muli ng dumating si Sir hindi ko talaga inaasahan yon kaya alanganin akong sumagot rito. At sa kung gaano kaliit ang sagot ko rito ganon din kabilis natapos ang usapan namin gusto ko pa sanang magtanong kaya lang nagsimula ng maglecture si Sir at history ito kaya boring na boring ako ayaw ko talaga nitong subject since JHS pagkwan nilingon ko itong mukhang pusang kinulang sa arugang katabi ko at seryoso lang itong nakikinig habang nakatingin sa harapan .
" Siguro noong nagpasabog ng kasuwertihan sa mundo nasalo ng isang ito" pagmasdan ko rito " napaka guwapo niya plus yong katanyagan niya sa buhay ayon sa mga tsismis na naririnig ko siguro kung may buhay ako ng sa tulad niya mas pipiliin kong mabuhay na lang ng walang katapuysan" pagbuntong hininga ko pero napangiti ako bigla rito ng lingonin niya ako naabotan niya kasi akong nakatingin sa kanya.
" Wag kang ngumiti ng walang dahilan para kang tanga!" Pagkasabi niya non inalis na nito ang tingin saakin pero hindi na ako sumagot rito e tuwing kakausapin ako nito laging may kasamang masasakit na salita ang lumalabas sa bibig niya.
" Dapat siguro doon na lang ako sa una ang iwasan siya panigurado namang hindi kami magiging close nito e" sa naisip kong yon pakiramdam ko gumuho sakin ang buong pilipinas ng paulit ulit habang nakatingin rito ng pasulyap.