Chapter 6

2862 Words
" Anong sayo Julian? " Tanong saakin ni Grey pagkapasok namin sa canteen pero tumingin lang ako rito saka pinakitamdaman ang wallet ko " ubos nito ang pera ko" Naiiyak na sabi ng utak ko pero natigilan ako ng magsalita si Jeremy. " Libre ko! " Paglapag nito sa wallet niya, nagsigawan naman ang mga kasamahan namin ako naman pilit ring ngumiti at nakaginhawa ng maayos. At kung anong kinuha ni Jeremy yon rin ang kinuha ko at akala mo lang may gold itong mga pagkain rito para ganito kamahal. " Julian kamusta ang first night niyo ni Aethan? " muntik ng matapon ang iniinom kong juice bigla ko kasing naisip yong masungit na mukha ni Aethan sa tanong nila. " Balita namin ayaw niya sayo? " Dugtong pa nila at dahil totoo naman mahina akong tumango sa sinabi nila habang kumakain. " Ano bang ginawa mo sa kanya o nasabi? " Tanong ni Grey. " Tama, baka may nagawa ka sa kanyang hindi niya nagustohan? " Pagsang-ayon ni Leo kay Grey hindi ba nila alam na masama ugali nun? " Masungit siya pero hindi siya masama " dugtong pa nila at may punto naman sila sa tingin ko masungit lang talaga siya at hindi naman talaga siya masama pagkwan naisip ko bigla yong una naming pagkikita isali niyo na rin yong pusa saka ko kinuwento sa kanila. " Naku! kaya naman pala dahil tinangka mong saktan si Leugo!" Pag-iling pang sabi ni Jeremy natigilan naman ako sa sinabi niya. " Ano palang meron sa pusang yon? " " pusa? Making ka Julian hindi yon basta pusa lang... si Leugo yon ang pinaka mamahal na alaga ni Aethan, Oo pagmamay ari yon ni Aethan at mahal na mahal niya yon pero sa bagay kung hindi ko lang din naiisip na kay Aethan ang pusang yon matagal ko na rin yon nilason ang sungit kasi kaya naiitindihan kita " ani Jeremy. " Ganon pala kaya naman pala inis na inis siya saakin noong araw na yon pero kahit na hindi ba’t napaka babaw naman nun na dahilan tsk! nang dahil lang sa isang pusa para magalit yon saakin ng ganon " " E Julian hindi nga ordinaryong pusa si Leugo hindi ko alam kung saan, kailan at paano nakuha ni Aethan si Leugo kung bakit mahal na mahal niya ito maalala ko pa nong JHS pa kami ng may lumason kay Leugo grabe nong iyak ni Aethan at muntik na niyang mapatay ang lumason dito transferee kasi at hindi niya alam na kay Aethan yon, tulad mo at napagtripan niya ito first time kong mapatunayan na marunong rin pala umiyak si Aethn pero alam niyo kahit umiiyak siya napaka cool pa rin niya at yon na rin ang pinaka una at huli kong nakitang magalit si Aethan ng ganon " Pagkukwento ni Jeremy at base sa kuwento niya hindi nga basta pusa lang ang turing rito ni Aethan. " Oo na ayaw na saakin ni Aethan tsk! Sana naging pusa na lang ako e noh? " Pagsimangot ko sa harapan nila. " Okay lang yan Julian " tapik nila saakin " panigurado magugustohan ka rin nun " pagngiti pa ni Leo " Ikaw pa! " Paggulo nila sa buhok ko kaya masama akong tumingin sa kanila ano bang akala nila saakin bata? " Wag niyo ngang ginugulo ang buhok ko tsk! nakaka lalaki kayo ah " masama kong tingin sa kanila pagkwan tumawa sila. " Julian may nakapag sabi naba sayong ang cute mo? " Tanong ni Leo na siyang sinang ayonan ng lahat. " Tama! kung hindi kita kilala iisipin kong babae ka! " Napalunok naman ako sa sinabi ni Grey at natigilan ako ng suntokin niya pa ang braso ko at tumagos talaga ito sa kalamnan ko joke yon pero yong pagsuntok hindi ata e. " Tumigil nga kayo mga Bro nakakasakit kayo ng damdamin ah " Pagsuntok ko rin sa braso ni Grey para makaganti pero naibaba ko agad ang kamay ko sa ilalim ng mesa sabay massage rito ang sakit kasi, ang tigas ng braso niya. " Tama na nga yang pambobully" Sabi ni Jeremy sabay akbay saakin alanganin naman akong tumingin rito. Siya talaga ang shining armor ko sa school na ito kahit minsan mas isip bata pa siya kay special tatay. " Hi! boys " Pagtabi saamin ni Kristine, ngumiti naman silang lahat rito. " Umurong ka nga" Pagpapaurong niya kay Jeremy gamit ang paa niya para tumabi saakin. " Ano bang problema mo? " " tsk! tatabi ako kay Julian" wala namang nagawa si Jeremy kundi umurong at gaya ng gusto ni Kristine saakin nga ito tumabi. " totoo ba yong balita ko? magkasama kayo ni Aethan sa kwarto? " Tumango lang ako rito at bigla namang umabot ang ngiti nito hanggang tainga. " tsk! sinasabi na nga ba! hindi pa sila close kaya wag mo nang diskartihan si Julian, okay? hindi ka niya mailalakad kay Aethan " Pagboking ni Jeremy sa iniisip ni Kristine. " Ikaw!!! " Pagsabunot rito ni Kristine na may panggigigil. "Aray ang sakit " Pagsigaw nito habang inaalis ang kamay ni Kristine. " Paghindi mo talaga ako tinigilan sa pambabasag sa pagmamahal ko kay Aethan sa sunod yang ulo mo na ang tatanggalin ko" Pagtigil niya sa pagsabunot rito. " Ano bang masama sa katotohanan?" Naiinis na pagtingin rito ni Jeremy habang inaayos ang buhok niya. " Nakakainis ka talaga! " Pagsubo niya rito sa burger na siyang tinawanan naming lahat pero tumahimik rin silang lahat ng masama silang tingnan ni Kristine well, hindi maipapagkakailang close rin sa kanila si Kristine. " well, ayon nga kay Jeremy! sa mukhang alimangong ito dipa kayo close kaya saka ko na lang sasabihin ang sasabihin ko sayo " Pagngiti nito at tumango naman ako rito kahit pakiramdam ko hindi maganda ang sasabihin nito saakin. " Kung ako sayo Julian hindi na ako makikipagclose kay Aethan! " Sabay sabay nilang sabi saakin na siyang mas lalong nagpasalubong sa kilay ni Kristine. " Bakit ba kontrabida kayo sa pagmamahalan namin?!" Masama nitong tingin. " Koreksyon! Ikaw lang ang nagmamahal ni baka nga hindi ka kilala nun " Sabi ni Grey na siyang tinawanan nila bigla namang sumimangot si Kristine naiitindihan ko siya kahit joke lang yong sinabi nila masakit pa rin yon sa part nating mga babae ang hirap kayang magkagusto sa lalaki lalo na kung hindi ka gusto hindi kasi natin sila katulad na puweding manligaw at kung mabusted okay lang e tayo pagnalaman ng iba na nanligaw kang babae ka huhusgahan ka agad at para tayong pinatay ng paulit ulit pagbinasted pa tayo nang isang lalaki. " Tama na yan " pagtatanggol ko kay Kristine at gulat na gulat ako ng yakapin niya ako. " Salamat " Masaya nitong sabi saakin. " Ah, Oo " bahagya kong pagtanggal sa yakap niya " kasi alam ko yong pakiramdam na ganyan e " Sabi ko rito dati kasi crush na crush ko rin si Julian pero hindi ako nagbigay ng motibo ah para maging kami e kasi crush rin ako ni Julian dati may pagka torpe nga lang kaya medyo natagalan yong panliligaw. " First time na may kumampi sa tropa nila saakin tama nga si Jeremy kakaiba ka pala talaga sa lahat Julian " yakap nitong muli saakin na siyang nagpaalala sakin sa pagbabalat-kayo ko. " Huh? pero wag ka rin masyadong umasa kung talagang wala siyang gusto sayo " Pagbawi ko sa pagsang-ayon rito kakaiba daw ako e kaya naman agad niyang tinanggal yong pagkakayakap saakin. " Wala kang pinagkaiba sa kanila" Pagsnob nito at napahinga naman ako ng maayos sa sinabi niya. "Bakit ba ayaw niyo akong suportahan kay Aethan?! " Naiinis nitong tanong. " E kasi MASASAKTAN KA LANG! Alam mo yan " Sabay sabay nilang sabi rito. " Bahala nga kayo diyan palibhasa walang may mukhang prinsipe sa inyo ng tulad kay Aethan at walang may MATALINO sainyo!!!" Pagtayo nito at naglakad paalis wala namang may nagtangkang magsalita saamin. " At ikaw Julian bakit ang lambot mo? " Pagbalik nito sakin at napalunok naman ako. " Excuse me!! " pagkuha nito sa bag niya yon pala ang binalikan niya akala ko yong pagiging malambot ko e wala naman akong maisagot rito hindi ko alam pero kapag ang sikreto ko ang usapan nabablangko ang isip ko basta ayaw nitong gumana at yon umalis na nga ito. " Galit ba yon? " Pagtukoy ko kay Kristine. " Ganon talaga yon " tawanan pa nila " Hindi yon galit may pagka immature lang talaga siya" Sabi nila saakin. " Adik talaga yon kay Aethan higit pa nga sa artista ang turing niya rito kulang na lang magpalit yon ng pangalan at mukha para patunayan sa lahat na pagmamay-ari niya si Aethan mahal talaga niya yon___ ay! Mali, baliw siya dito " pangmamarites nila rito " tanongin mo siya ng tungkol kay Aethan siguradong masasagot niya " Ani Grey. " ang shampoo, perfume, mga paboritong pagkain ni Aethan ah basta kahit ano, ganon siya kaadik dito naging hobby na nga niya ang pag-alam nang tungkol kay Aethan " Pagkukwento ni Jeremy. " tama yon! at sa tingin namin isa yon sa dahilan kung bakit hindi siya magustohan ni Aethan ang ganda kaya ni Kristine, medyo matalino rin , at kilala ang pamilya niya pero yon na nga nakakatakot ang pagmamahal niya kay Aethan yong tipong handa siyang makipag away pagdating rito kaya yon siguro ang isa sa dahilan kung bakit hindi siya magustohan ni Aethan " Sabi pa ni Leo. " Oo, ang ganda kaya ni Kristine chicks na chicks ang dating e " sabi pa nong isa naming kasamahan at nagulat ako ng ibato rito ni Jeremy ang tira sa burger niya. " Sira! Wag kang ganon doon kahit baliw yon mahal ko yon " Seryosong sabi ni Jeremy na siyang nilingon nila ng sabay sabay sa nagsalita kanina sa tingin ko hindi nila nagustohan ang pagtawag nitong chicks kay Kristine. " E nagbibiro lang naman ako " Natatakot nitong sabi. "Ayaw ko ng binibiro ng ganon si Kristine tropa tayo at Alam mo kung gaano kahalaga si Kristine, diba? " Ani Jeremy, nakakainggit tuloy maging kaibigan ito. " Sorry Jeremy" Tumingin lang rito si Jeremy at muli na naman kaming nag usap usap ng mga walang kabulohan mga pasaway talaga at kahit ayaw ko sa usapan nilang patungkol sa mga babae nakikisama na rin ako at pagkatapos ng pag-uusap namin nagsi uwian na kami. " Sige, Julian mag iingat ka " Pagpapa-alala pa saakin ni Jeremy kay Aethan at pakiramdam ko na naman bumagsak saakin ang langit at lupa ng maalalang nasa kwarto si Aethan. At gaya ng madalas kong gawin sumilip muna ako bago pumasok at nakahinga ako ng maayos ng hindi ko siya nakita. " buti naman " Paghubad ko sa sapatos ko at pumasok saka ko naman hinubad ang bag ko at isa isa kong inalis ang butones ng polo ko pagkatapos itong isabit pero napasigaw ako ng bigla siyang lumabas sa banyo kasabay ng pagyakap ko sa katawan ko. " Ano yan? " Naiirita nitong tingin kaya agad kong binawi ang naging reaction ko. " Ah, kasi akala ko nasa labas ka " Pagtayo ko ng maayos. " Naka lock ba ang pinto? " Napaisip naman ako sa sinabi niya saka ako tumingin sa pintong hindi naka lock. " Bakit kailangan pa bang ilock? " Hindi ko alam kung anong iniisip nito seryoso lang kasi itong nakatingin saakin. " Tsk! ano bang ibig sabihin nito sa sinabi niya ang hirap naman niyang basahin " pag iisip ko pa " Noong pumasok ako hindi naka lock kaya hindi ko na rin nilock " Pag eexplain ko. " Hindi naman pala nakalock kaya paano mo naisip na wala ako rito?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. " Anak nang! yon ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya?" Nappailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. " bawasan mo nga kaingotan mo nakakataas ng dugo! " Pag-upo nito ako naman mabilis na nagtungo sa palitan ng damit. " sana puwedi ko ring sabihing ayaw ko sa seryoso, okay!? " Pagtingin ko pa rito bago pumasok at sakto namang tumingin siya saakin kaya nanlaki ang mata ko ng magtama ang mga mata namin. " Hi-Hindi kita sinilip o pinagmamasdan nagkataon lang yon " Pagpapaliwanag ko pa pagkatapos kong bawiin ang pagtatama ng mata namin, umiling naman ito yong akala mo kung ano ng sinabi ko para kasing hindi naniniwala saka ito tumayo at naglakad palabas. Ako naman mabilis nagpalit at nagtungo sa banyo kanina pa kasi ako naiihi kailangam ko talagang nakawin ang oras ko sa banyo para hindi siya makasabay pero natigilan ako ng makita ang shower kaya hindi ko napigilang hindi maligo at maayos naman yong pagligo ko gabi na kasi ng dumating itong si Aethan at may dala siyang pagkain pero hindi na ako umaasang mamimigay ito ang sungit kaya. " Kung gusto mo kumain ka " Sabi nito at hindi ko alam kung nang iinvite siya o ano wala kasing reaction ang pang-iinvite o ang boses niya. At pagkatapos niyang kumain nagtungo siyang banyo ako naman bumaba na rin ako at tiningnan ang pagkaing dala niya at daladalawa ito kaya sa tingin ko sinadya talaga niyang tagdalawa ito baka para saakin talaga. " Well, baka nga mabait nga siya " Pagkain ko rito pero natapon ang iniinom ko ng biglang mapunta sa harapan ko yong panty kong pambabae ito kasi yong nasuot ko nong pumunta ako rito nang dahil sa pagmamadaling magbihis ito ang nasuot ko at hello kitty design kaya ngayon nakatanga lang ako rito. " Kanino 'toh? " Napalunok ako sa sinabi niya saka ito alanganing kinuha at dahan dahang tumayo at ayaw magfunction ng isip ko hindi ko alam kung anong sasabihin ko habang nakatingin siya saakin ng mapangusisa. " Alam mo ba ang rules ng paaralan na ito?! " Kinilabotan naman ako sa sinabi niya hindi ko akalaing dahil lang sa isang panting may hellow kita design ang papahamak saakin naiiyak kong tingin rito. " Pagbibigyan kita! " Nagulat naman ako sa sinabi niya. " Papayagan mo ako kahit alam mo na ang lahat? sandali paano mo nalaman dahil lang dito nabuko mo na ako? Grabe ka ang talino mo talaga pero salamat at hindi mo ako paaalisin ang bait mo nga pala talaga!! " Paghawak ko pa sa kamay niya pero natigilan ako ng alisin niya ang pagkakahawak ko rito. " At anong maganda doon? ang lapad ng ngiti mo ah! Tsk! hindi ako bobo para hindi yon malaman at hindi kita pinapayagan dahil gusto ko pinagbibigyan kita ngayon dahil isa kang engot na probinsyano at wala kang alam sa school na ito at isa pa sayang naman ang scholarship mo kung paaalisin lang kita dahil diyan " Natigilan naman ako sa sinabi niya. " Palalampasin kita ngayon pero sa sunod na gawin mo ulit ito maghanap kana ng kwartong tutologan mo! " mas lalo naman ako nagtaka sa sinabi niya " makinig ka! isa sa rules ng school na ito ay ANG BAWAL NA PAGPAPASOK NG BABAE SA KWARTO NG MGA LALAKI at AYAW KO NANG NAGDADALA KA NG BABAE DITO!!!" Hindi ko pa rin siya lubos na maitindihan. " Sa sunod na magpapasok ka rito ng babae siguradohin mong hindi siya makakaiwan ulit ng panti dito dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari " Pagtingin nito saakin ng masama. " Ano? " yan lang ang lumabas sa bibig ko ng tumalikod ito pero napaatras ako bigla ng lingonin niya ako. " Tsk! Hindi ito MOTEL puwedi!? mukha ka pa namang baklang malnourished tas nailalagay mopa sa schedule mo ang mga babae? " Pag-alis nito sa harapan ko. " Muntik na ako doon ah! muntik ko ng mabuko ang sarili ko akala ko talaga nabuking na niya ako pero siguradong mas susungit pa ito saakin tsk! dahil sa panti na itong may design na hello kitty iniisip niyang isa akong baklang malnourished na babaerong ingot na probinsyano Haiist! nagmukha pa akong m******s sa paningin niya" Matamlay kong pagtingin sa panty. " Ang badoy ng type mo ha " Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Hello kitty!? " Natatawa nitong sabi na may halong panlalait. "Huh?" " Child abuse ka siguro! " Natigilan naman ako sa sinabi niya. "HINDI NOH!" sigaw ko rito "Wala kaya akong babae" Nakabusangot kong sabi rito. " Tsk! E kanino yan? Sayo!?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. " Sye-syempre hindi, ang ibig kong sabihin sa sinabi ko hindi ako child abuse " Napalunok ako ng tumingin ito saakin. " Pero hello kitty? " " Naku! Hindi naman yon sukatan ng maturity ah" Inis kong tingin rito at umakyat sa taas mamaya humaba pa ang usapan at madulas ako muntikan na nga akong maboking. " Tsk! Basta sinasabi ko sayo hindi ito MOTEL!" Pang-aasar pa nito. " Oo na ulitin pa e! " sabi ko rito nakakadiri kayang isiping may girlfriend ako at anong motel? tsk! Mga lalaki talaga paripariho rin ng takbo ng utak matalino man o kinulang sa utak. Motel? Babae?! Napatalukbong ako ng kumot sa naisip ko, kinikilabotan ako sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD