"Cindy tahan na " Paghagod ni Liya sa likod ng kaibigan niya habang dumadaloy ang mga luha nito sa takot.
" Liya paano? Anong gagawin ko? Papatayin nila ako o baka anong gawin nila saakin? " tanong pa nito habang pinipigilan nito ang takot niya.
" Wag kang mag-isip nang ganyan " pagpapakalma niya rito " Hindi ka nila pupuntahan rito sa bahay kaya tumahan kana " yakap niya pa rito habang awang awa sa kaibigan niya.
"Okay lang naman saakin kung papatayin nila ako ng diretso pero paano kung ibenta nila ako or gawing p********e? " At mas lalong lumakas ang luha nito sa naisip niyang iyon.
" Tahan na.. ssssshhh " mga yakap niya rito at natigilan sila nang may kumatok sa kwarto ni Liya.
" Pasok po " Pagkasabi nun ni Liya ay bumukas agad ang pinto at iniluwa nito ang mommy niyang may hawak hawak na folder kaya agad napatayo itong si Cindy kung saan mabilis ding pagpunta ni Liya sa harapan nito para harangan ang mama niya mula sa direksyon nito.
"Pasensya na po kung nandito na naman ako " Sabi nito ng hindi matingnan ng diretso ang mama ni Liya habang dumadaloy ang mga luha sa mata nito.
"Ayaw ko man gawin ito dahil hanggang ngayon galit pa rin ako sayo at sinisisi kita sa pagkamatay ni Julian__ "
" Mama, kung nandito ka para awayin lang si Cindy, sisihin at kamunghian! please Ma! Maawa ka naman sa tao " pagputol nito sa pagsasalita ng mama niya " alam ko na alam mong wala siyang kasalanan sa pagkawala ni kuya, girlfriend siya ni Kuya kaya natural lang na ipagtangol niya si Cindy sa gustong manakit sa kanya pero mama hindi ba't mga pulis o doctor din mismo ang nagconfirm na hindi ang putok ng baril ang pumatay kay Kuya kundi ang heart disease nito, mahina ang puso ni Kuya at tanggapin na po natin yon dahil hindi siya matutuwa kung patuloy natin isisisi kay Cindy o sa pinagtanggol niya sa mga kriminal na yon para mawalan lang ng saysay ang ginawa niyang pagtatanggol " may halong inis at lungkot nitong sabi bago pa pagtabuyan na naman ng mama niya si Cindy.
Tama ang pagkabasa niyo, namatay ang boyfriend nito dahil sa pagtatanggol sa kanya mula sa pinagkakautangan ng mga magulang niya.
FLASHBACK:
" Congratulations, Mahal!!! " Sabay abot saakin ni Julian sa isang stick ng flower at chocolate pagkatapos akong pumasok sa top at tapos na din kasi ang school year.
" Paano ba yan ikaw naman ang top sa buong campus pero wala naman akong maibigay sayo " Nahihiya ko ritong sabi habang nagbibiro pero tinawanan niya lang ako tsaka niyakap ng mahigpit pero natigilan kami ng may biglang magsalita mula sa likuran namin, pagabi na dahil malayo ang school sa bahay at nakagawian na namin ni Julian maglakad pauwi dahil masarap ang simoy ng hangin at bonding na rin namin parang simpleng date.
"Sinasabi na nga bang may iniwan ring pambayad saatin si Mario " Nakangiting sabi nang lalake saamin kasama ang tatlo pa niyang kasama na kapwa may mga baril. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Julian sa kamay ko siguro naramdaman niyang nanginig ang mga tuhod ko sa takot pagkatapos makilala ang mga lalakeng ito.
"Cindy nandito lang ako " bulong nito saakin saka ngumiti kaya pakiramdam ko nawala bigla ang takot ko sa mga ngiti niya pero nawala rin agad yon ng magsalitang muli yong lalaki.
" Ibigay mo saamin ang babaeng yan___ ah! Mali, Hoy! Babae, halika rito " nanlamig ako sa takot dahil sa sinabi nito.
" Wag kang matakot " Paghawak pa ni Julian sa kamay ko para maibaling rito ang atensyon ko.
" J-ju-julian? " natatakot ko ritong titig.
" Pagbilang ko nang tatlo tumakbo ka " mahina niyang sabi pero klaro saakin lahat ng salita niya.
" P-pero paano ka? Ayaw ko, hindi kita iiwan " Nanginginig ang boses kong sabi rito sa takot.
" Susunod rin naman ako sayo, pangako! pero sa ngayon, Makinig ka muna sakin, okay!? hindi naman ako ang pakay nila kaya pipigilan ko muna sila hanggang sa makalayo ka para hindi ka nila masundan at saka naman ako susunod sayo " Ilang segundo naman nanatili saamin ang katahimikan pagkatapos kong pakiramdaman ang mga sinabi niya at dahil naniniwala ako sa lahat ng sinasabi niya kaya pumayag ako rito.
" Pangako?! Masasaktan ka talaga paghindi ka sumunod " pagbabanta ko rito at tumango lang siya saakin bilang sagot saka ngumiti. At tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Julian nawawala bigla ang takot ko at gaya ng sabi niya ganon na nga ang ginawa namin habang tumatakbo ako hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan habang pinipigilan niya yong mga pinagkakautangan ng mga magulang kong gustong sumunod saakin pero pakiramdam ko huminto bigla ang mundo ng biglang matumba si Julian kasabay ng pagputok ng isang baril hindi ako makagalaw, nawala ang panginginig ng katawan ko, ang panlalamig ng katawan ko at ang takot ko biglang nawala, tanging ang pintig lang ng puso ko ang aking naririnig at ang alam ko pumupunta ako sa direksyon ngayon ni Julian, wala na akong pakialam kahit nandito pa yong mga lalakeng pumatay at gustong pumatay saakin o pambayad sa kanila habang hinihintay nila ako at nakangiti na para bang tuwang tuwa pa sila sa nangyayari pero wala na akong pakialam basta ang akin lang mayakap si Julian, siguradohing buhay siya, wala akong paki kahit patayin rin nila ako.
" Umalis kana... " Nahihirapang sabi nito at hindi ko mapigilang hindi maiyak kahit sa kahulihulihang buhay niya kaligtasan ko pa rin ang iniisip niya.
" Sorry..." Yan lang ang lumabas sa bibig ko habang nagtutungo sa direksyon niya.
" Babalikan ka namin!!!! " sigaw saakin ng mga pinagkakautangan ni Papa, napadako naman ang mata ko sa mga police kung saan doon sila nakatingin habang tumatakbo.
End of flashback:
" Sorry po " Nakayuko nitong sabi muli sa mama ni Julian habang nakatayo ito sa harapan nila at nakatingin sa kanya pero natigilan ito nang hilahin siya nito bigla at yakapin.
" sinayang nang anak ko ang buhay niya para lang sayo at ayaw kong masayang lang din yon " sabi nito agad bago pa makapagtanong si Cindy pagkwan tumingin ito sa kanya saka ngumiti kaya naman hindi nito napigilang maiyak muli pagkatapos mapagmasdan ang mga ngiti nito kung saan parehong pareho sila ng mga ngiti ni Julian.
" So, it means Ma, tutulongan mo si Cindy na makabayad ng utang? "
" Kahit ibenta natin lahat ng mayron tayo hindi pa rin natin mababayaran ang utang ng Papa mo kung saan ang laki mag-interest at ang masama pa doon sindekato hindi natin yon mababayaran ng basta basta, mamaya buhay pa natin ang kunin nilang kabayaran " paliwanag nito, at sa katunayan yong bumaril lang kay Julian ang nagbayad sa pagkawala ni Julian at ang mga kasamahan niya ay malaya kaya mas doble na ngayon ang takot ni Cindy pagkatapos makulong ng mga kasamahan niya nang dahil sa kanya.
" Eh! ano pong naiisip niyong paraan? Akala ko pa naman pumunta kayo rito para sulosyonan itong problema ni Cindy " nakangusong sabi ni Liya.
" Kailangan mong mamatay! " nagulat naman ang dalawa sa bigla nitong sinabi.
"Ma! akala ko pa naman okay na kayo tas papatayin niyo rin naman pala siya?! tsk! hindi na ako magtataka kung mumultohin ka ni Kuya " Kakatapos lang magsalita ni Liya hinampas siya agad ng mommy niya gamit ang dala dala nitong envelope.
" Ang ibig kong sabihin sa kailangan mong mamatay ay kailangan isipin yon ng mga pinagkaka-utangan mo na patay kana " Pagpapaliwanag nito.
" Maganda nga po yan kaya lang paano po? "
" Kailangan mong pumunta sa ibang lugar, yong walang nakakakilala o makakakilala sayo "
" Ma! naisip na namin yan but how? Hindi naman siya makalabas dahil nakakalat sa lugar natin yang pinagkakautangan ng magulang ni Cindy "
" Here! " Pagbibigay ng mommy nito sa envelop pero bago pa niya ito maabot nauna na itong si Liya at halos mapunit na ito sa pagbukas niya rito habang hindi makapaghintay na makita itong tinutukoy ng mommy niya pero napatingin rito si Cindy ng bigla itong sumigaw at binalik muli ang documents sa mommy niya.
" Aanohin naman ni Cindy yang form ni kuya sa pagpasok niya sa Empire University? " nakakunot noo pa nitong tanong na maging si Cindy hindi maitindihaan itong mommy ni Liya kaya nanahimik na lang din ito.
" Diyan ka papasok! "
" What?! " react na naman ni Liya, siya nga naman kasi si Cindy at nasa situwasyon nito, OA eh.
" Pumasa si Julian sa scholarship ng school na yan " panimula nito bago na naman magreact si Liya at naalala naman ni Cindy na minsan rin ito nakwento ni Julian sa kanya na may dumating na scholarship sa school nila galing Manila pero ayaw niyang mag-aral doon dahil ayaw niyang malayo rito minsan na nga nila itong pinag-awayan, ang gusto kasi ni Cindy ay mag-aral siya doon dahil sayang naman ang talino ni Julian kung dito lang siya sa probinsya nila at naniniwala soyang mas madi-develop ang galing nito sa lahat kung sa syudad siya mag-aaral pero sa huli ayaw pa rin ni Julian dahil ang gusto niya nasa tabi niya lang si Cindy.
" Tapos ano naman ngayon, Ma? Hindi nga makalabas ng bahay si Cindy, eh sa probinsya pa kaya natin at isa pa form yan ni Kuya at mahirap mamuhay sa manila "
" Yan ang dahilan kung bakit ko sinabing kailangan mong mamatay dahil kailangan mong kalimotan na babae ka, mamumuhay ka bilang lalake hanggang sa tuloyan ka ng kalimotan ng mga pinagkakautangan ng papa mo "
" Wha____ ?!!" Hindi na naituloy ni Liya ang sasabihin nito ng takpan ng mama niya ang bibig nito.
" Manahimik ka nga parang ikaw naman si Cindy, ang OA mo anak e! " napangiti na lang si Cindy sa sinabi nito.
" Tita, okay lang po saakin ang plano niyo pero hindi ko pa rin po lubos maitindihan ang iniisip niyo " Nalilito ko nitong sagot.
" You need to live as my son, kakalimotan mong babae ka, mamumuhay ka bilang isang lalake hanggang sa tuloyan ka ng malimotan ng pinagkakautangan ng papa mo at kusa nilang iisipin na patay kana "
" Pero Ma, babae po si Cindy paano naman siya magiging isang lalake nang walang nakakaalam? " tumango naman si Cindy bilang pagsang-ayon.
" Oo nga po Tita at isa pa paano ko makukombinse ang Empire University na ako si Julian, na isa akong lalake?! "
" Don't worry nagtake ng exam si Julian dito sa probinsya natin hindi nila nakita in person, letrato lang niya kaya malabong mahalata nila, ang gagawin mo lang ay maging magaling na artista "
"Ang galing mo talaga mama pero paano po yong gastosin ni Cindy? Sigurado mahal sa syudad, e baka mamulubi naman siya doon, mas mahihirapan pa siyang mabuhay " ani Liya at hindi naman mapigilang mapangiti ni Sandie dahil sa pag-aalala rito ni Liya.
" Pumasa doon nang scholar ang kuya mo at libre na yon lahat, doon na sa loob ang dorm niyo kung saan nandoon lahat ang kailangan niyo pero Cindy kailangan ma-maintain mo ang grade mo dahil pagnaalis ka sa scholar mawawala sayo ang lahat magiging isa kang ordinaryong estudyante, babayaran mo ang lahat kaya dapat mong iwasan yon "
"Naku!!! Paano naman mapapantayan ni Cindy ang mga grade ni Kuya? baka nakakalimotan niyong siya ang nangunguna sa lahat ng asignatura sa school natin dinaig pa nga niya ang mga teacher sa school sa husay niya actually hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ka nagustohan ni kuya eh " Natatawa nitong sabi, nagagawa pa rin nitong magjoke sa kabila ng problema nila pero may punto naman siya sa sinabi nito mahihirapang abotin ni Cindy ang marka ni Julian.
" Hindi mo naman kailangan abotin lahat basta ma-maintain mo lang ang scholarship mo, ang hindi ka maalis at saka alam ko kaya mo yan, top 3 ka nga sa school niyo " pagcheer nito kay Cindy kaya napilitan na rin itong sumang-ayon dahil kahit ayaw nito naman wala din naman siyamg choice kahit masyadong delikado kailangan nitong makipagsapalaran kay sa makuha ito ng mga pinagkakautangan ng magulang niya at masayang ang sakripisyo ni Julian.
_ _ _ _ _
" Okay lang Liya hahaba rin naman ito " Pagngiti nito habang pinuputolan ng mama ni Liya ang buhok nito sa bakuran nila pero hindi na naman nito mapigilan ang mga luha nitong gustong kumawala sa mga mata niya
" kung hindi lang kasalanan ang pagpapakamatay matagal ko nang ginawa at higit sa lahat kung hindi ko lang naiisip ang sakripisyong ginawa ni Julian para mabuhay ako matagal na talaga akong nagpakamatay, ano nga rin ba kasi ang dapat kung maramdaman sa ginawa ni Papa para magka-ganito ako? dapat ba akong magalit sa kanya o matutuwa dahil alam ko namang nagawa niya iyon dahil kay Mama at saakin after we had a car accident kung saan nadala kaming pareho sa hospital kaya napilitang mangutang si Papa kahit malaki ang interest para sa kaligtasan namin pero sa huli namatay rin si mama ako naman ilang araw na coma. okay pa naman nong buhay si Papa dahil pinapayagan nilang hulogan niya ang utang niya pero nong mamatay siya ng dahil na rin sa sakit doon na nagsimulang ako ang singilin ng mga pinagkakautangan ni Papa at ang masama doon tinatakot nila akong buhay at katawan ko ang kabayaran " pag-iisip nito kaya tuloyan ng kumawala ang mga tubig sa mata niya.
" Akala ko ba hahaba rin yan? " pagpunas ni Liya sa mga luha nito kung saan bakas sa mukha nito ang awa pilit namang ngumiti rito si Cindy habang ginugupitan ng mama ni Liya dahil hindi naman ito pweding lumabas dahil baka may makakita sa kanya at isa pa nasa business trip ang asawa nito kaya siya ng gumupit kay Cindy at hindi naman ganon kasama.
" Ngayon bibigyan kita ng tips paano kumilos si Julian "
" Mama, no need naman yan satingin ko nga mas kilala pa ni Cindy si kuya paano kumilos " pagbibiro ni Liya pero kahit ganon tinuruan pa rin ito ng mama ni Liya, mula sa mga dapat na kilos ng isang lalake at hindi pa siya nakontento pinanood niya pa ito ng mga movie para obserbahan ang ugali nila at ang mga kilos ng isang lalake.