SHE ( I'm In Love With Julian )
Teaser:
"Aethan na saan si Julian?!" Pagharang sakin ni Jeremy sa pathway.
"I'm not in a mood!" Masama kong tingin rito pero imbis na umalis siya sa harapan ko masama rin itong tumingin sakin.
" Sandali, pinalayas mo ba siya dahil nalaman mong totoo siyang babae at iniisip mong niluko ka niya dahil minahal mo siya at pakiramdam mo ginago ka niya!? " asar nitong tanong saakin na para bang ako pa ang may kasalanan kaya mas lalong sumama ang tingin ko rito at paghindi siya tumigil isasama ko siya sa Julian na yon na palalayasin rito.
"Alam mo pareho naman tayong biktima ng pagpapanggap niyang lalaki eh " Pagkalma nito pero ako pakiramdam ko napukaw na naman ang galit ko kay Julian, ang babaeng yon ang kapal ng mukhang pumasok sa paaralan ng angkan namin bilang isang lalaki tsk! pasalamat siya at pinalayas ko lang at hindi ko pinakulong.
" Kung wala ka nang matinong sasabihin umalis ka sa harapan ko " Paglampas ko rito ng hindi ito nakinig saakin kaya nasagi ko ng bahagya ang braso niya pagkatapos nitong hindi tumabi pero natigilan ako ng magsalita siyang muli.
"Biktima ba talaga tayo o siya ang biktima?" Napalingon naman ako sa sinabi niya, anong gusto nitong palabasin sinasabi ba niyang ako ang may kasalanan kaya siya pumasok rito at lukohin kaming lahat? ako ba ang nag-utos sa kanya!?
" Nagagalit ka dahil niluko ka niya! Nagagalit ka dahil akala mo lalaki siya at isa kang bakla! "
" Ano?! " Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya pagkwan tumingin ito saakin at pumunta sa direksyon ko.
"Tsk! Matalino ka diba? pero bakit hindi mo kayang intindihin o tanggapin sa sarili mo na mahal mo si Julian at kaya ka nagagalit sa kanya dahil pakiramdam mo pinaglaruan ka niya! pakiramdam mo ginawa ka niyang tanga! dahil iniisip mong bakla ka kasi nahulog ka sa isang tulad niya na inaakala mong lalaki rin tulad mo! hindi ba?" Sa sinabi niyang iyon ay tinalikuran ko siya. Ano nga kung ganon mapapalitan ba nun ang katotohanang niluko pa rin ako ni Julian ay mali, ni Cindy pala.
"Pero naisip mo rin ba kung bakit niya yon ginawa? palibhasa kasi sa sarili mo lang ang atensyon mo tsk! " Isa pang salita masasaktan talaga ito saakin " Nga pala pakihingi na lang ako ng excuse letter sa mga teacher o sayo total sainyo rin naman itong school gusto ko lang siguradohin kung dumating ng maayos si Julian sa probinsya nila " pagsasalita nito agad bago ko pa maibuka ang bibig ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Natigilan ako ng may iabot siyang lumang notebook sakin at kung hindi ako nagkakamali minsan ko na itong nakita kay Julian.
" Basahin mo yan hihintayin kita ng ilang minuto sa labas baka sakaling mabago niya ang isip mo " Pagkasabi niya nun umalis na siya pagkarating ko naman sa kwarto linapag ko ang notebook sa table tsk! para saan pa at babasahin ko? pero napansin ko na lang nakahawak na ako ritong muli kaya binasa ko na lang panigurado naman kasing hindi ako matatahimik kung hindi ko gagawin at dito ko nalaman ang buhay ni Cindy kung bakit siya napilitang pumasok sa school na ito at kung ano ang dahilan. At sa mga nabasa ko sobrang pangit ng buhay niya ulila na siya at yong boyfriend niya namatay ng dahil sa pagtatanggol sa kanya kung ganon ang nagawang pagsasakripisyo ng una niyang minahal maari pa bang magkaroon ako ng space sa puso niya sa kabila ng p*******t at pagpapahirap ko sa kanya?
Well, I'm Nathan Villasore ang lalaking magkakagusto sa inaakala naming lalaki lahat kaya ayaw na ayaw ko din talagang tanggapin ang pag-ibig na yon pero love is so magical! It has no gender, age, color, it's something we felt whether we choose it or not. Abangan niyo paano ba at I'm In Love With Julian!!!
Abangaaan....!
PS/ ITO AY HANGO SA DRAMANG " HANA KIMI "