Dahan dahan akong bumaba sa kama para maligo mamaya magkasabay pa kaming gumamit ng banyo nitong karoommate ko, mahirap na baka mahuli pa ako siguradong kataposan ko na pagnangyari yon.
" Ang sarap… " Damang dama ko ang pagdaloy ng tubig sa katawan ko habang naliligo pagkwan kinuha ko ang sabon saka pinahid sa katawan ko pero kalalagay ko lang ng shampoo ng may biglang kumatok sa pinto ng banyo.
" Hoy! Buksan mo 'toh! "malakas na pagkatok ni Aethan sa pinto ng banyo kaya nataranta ako bigla di ko na alam ang gagawin ko basta paikot ikot lang ako sa banyo para nga akong tanga.
" Naku! Anong gagawin ko...? " pagtatalon ko ayaw kasing gumana ng utak ko pagkwan dumako ang mata ko sa ginagamit ko para sa dibdib ko para maitago ito kaya mas lalo tuloy akong nataranta.
"Ahhhh punong puno pa nang shampoo ang ulo at sabon ang katawan ko" Pagtingin ko sa katawan ko saka tumingin sa may pintong kanina pa kinakatok ni Aethan.
" Ano ba?! " Pagkatok pa nito at ngayon mas malakas na.
" S-sa-san-dali " Paghinga ko ng malalim para kumalma at nong kumalma ako mabilis kong hinablot ang gamit ko para sa dibdib at ang tuwalya saka pinaikot sa buo kong katawan na siyang sakto namang nagbukas ng pinto at iniluwa nito si Aethan, ginamit siguro niya ang susi para mabuksan yon.
" Ano ba?! Talaga bang inaasar mo ako?!!!" Naiinis nitong tanong saka tumingin saakin ng masama pero ganon na lang ang pagtataka ko ng mapalitan din ng pagtataka ang mukha niya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
" Ano na naman ang problema niya? " Sa isip ko habang nakatago sa likod ko ang ginagamit ko para sa dibdib pagkwan marahan akong umatras sa may pader para madikit rito at masiguradong hindi siya makakapunta sa likuran ko para makita ito.
" Pasensya na bro naliligo kasi ako kaya hindi ko nabuksan agad " pagsasalita ko agad pagkatapos nitong alisin ang tingin saakin saka nagpunta sa may iniduro para maihi kaya mabilis akong tumalikod pero agad rin akong humarap ng maalala ko ang nilalagay ko sa dibdib kong itinatago ko sa may pader. Hindi naman actually makikita ang ano mang itinatago niya pero syempre, babae pa rin ako at galing sa probinsya at ang mga ganitong bagay ay never pa nangyari sa buhay ko. Ang manood ng lalaking umiihi gusto kong sumigaw pero bawal kaya mariin na lang akong pumikit.
" Hindi ka naman siguro bakla? " Agad akong napamulat ng mata pagkatapos kong marinig ang boses niya at mas dumikit ako sa may pader ng makitang nakatayo ito sa harapan ko.
" Oo naman! " Pagtayo ko ng maayos pagkatapos maalalang isa akong pichay na gulay at nagpapanggap na talong.
" Talaga lang ha? " Lapit pa nito pero pinigilan kong huwag umatras o umiwas rito kaya tumigil din ito pero di ko pa rin kayang makipagtitigan ang sama kasi ng mga tingin niya kaya ito, nakatingin ako sa gilid.
" Tsk! Uso ba sa probinsya niyo ang maligo habang nakatapis hanggang dibdib? " Pagbukas nito sa pinto at lumabas. Doon ko lang din nakita sa salamin ang hitsura ko habang nakatapis at punong puno ng sabon.
" kaya naman pala takang taka ang mukha niyang nakatingin saakin buti bakla ang inisip niya at hindi nasisiraan ng bait " Paglock ko ulit sa banyo at naligo ng mabilis saka ako nagbihis, saktong pagkalabas ko sa banyo kapapasok niya rin galing labas.
" Pasinsya na kanina, Bro " salubong ko rito.
" Alam kong ignorante ka pero bawasan mo yon pagdito ka sa loob! " masama nitong tingin saakin yumuko naman ako at umiwas rito ng tingin kahit nakakataas ng dugo ang sinabi niya.
" Makinig ka! kahit probinsyano ka hindi ko kokonsentihin ang ka-ignorantehan o katangahan mo! " Grabe, nagpantig yong tainga ko sa sinabi niya, sarap niya lang hamonin ng away tsk! kung ako lang si IP Man tinamaan kana saakin e.
" makinig ka! " Pag-upo nito " Dahil masyadong matagal ang one month may ilang rules ako sa loob ng kwarto na ito " Pagtingin nito sakin ng seryoso, mataman naman akong tumingin rito kahit naiilang ako sa mga mata niyang suplado.
" Una! ayaw ko ng nakabukas palagi yang bibig mo dito saa loob ng kwarto! " Suplado nitong pagsasalita " Hindi maganda ang boses mo, okay?! Kaya manahimik kana lang lalo na kung nandito ako " tumango naman ako rito kahit ayaw ko " Pangalawa! wag mong gagalawin o pakikialaman ang mga saakin! Dahil hindi tayo close para gawin mo yon, maliwanag?! At kahit kailan hindi mangyayari yon! " Hindi ko naman napigilang hindi manlisik ang tingin rito buti na lang sa iba siya nakatingin kaya binawi ko ito agad " Pangatlo! wag kang naglalock ng banyo! " Lingon nito saakin at dahil guilty ako agad akong yumuko " Walang papasok diyan na iba dahil tayo lang ang nandito at isa pa lalaki ako, hindi ako magkakainterest sa kung ano man ang itinatago mo " Paliwanag nito saakin ng mahinahon at maayos kung saan pakiramdam ko concern din ito sa pagsasama namin rito kaya nag-angat ako ng tingin saka tumingin rito pero natigilan ako ng mataman pala itong nakatingin saakin mula ulo hanggang paa o sa buong katawan ko kaya napahawak ako rito bigla pero binawi ko yon agad ng tumingin ito ng masama saakin kaya kunwari pinalo ko ang short ko.
" Pasensya na, Aethan hindi na mauulit" Sabi ko rito kahit ayaw ko sa mga sinabi niya tsss! paano kung bigla niya akong mapasokan sa banyo? kailangan ko talagang magdoble ingat.
" Mabuti naman! " Pagtayo nito.
" tsss! bakit kaya napaka seryoso nito sa buhay? " Paghinga ko ng malalim habang nakatingin sa kanya wala kasi talaga akong gusto sa mga rules niya.
" Ano yan napipilitan ka lang? " tingin nito saakin habang nakataas ang isa niyang kilay kaya agad akong ngumiti ng plastik rito.
" Ah? Hindi! sayo naman ito kaya rules mo ang masusunod " sabi ko pa nang hindi ito tinitingnan.
" Mabuti at nagkakaliwanagan tayo! " pagkasabi niya nun naglakad na siya papunta sa banyo siguro maliligo rin siya maaga kasi ang klase namin ngayon.
" Sandali how about my rules!? " Habol ko rito, muntik ko ng malimotan ang saakin tsk! kailangan may rules rin ako para sa kaligtasan ko noh.
" tsk! Lalayas ka rin rito kaya di mo kailangan magkaroon ng rules at isa pa hindi ako interesado sayo kaya hindi mo kailangan " Pagsara nito sa pinto ng banyo.
"Aba! Kung lalaki lang ako kanina ko pa talaga inupakan ang isang toh! " Pag-upo ko nang pabagsak sa kama niya pagkatapos akong balewalain.
" You break my rule number two!" Napalayo naman agad ako sa kama niya pagkatapos nitong magsalita. Grabe! may mata ba siya sa likod para makitang ginalaw ko ang kama/higaan niya.
" Ah one more thing! " Pagbukas nito bigla sa pinto kaya sa gulat ko napaupo ako sa sahig kaya kitang kita ko na naman yong tingin niyang nilalait ka sa utak niya.
" Ano yon? " Pagbawi ko sa naging reaction ko saka tumayo na para bang walang nangyari.
" Tsk! gusto ko lang sabihin na wag kang pakialamiro sa ano mang ginagawa ko dahil kung hindi BABALIIN KO TALAGA ANG LEEG MO!" Seryoso nitong sabi saakin at napalunok naman ako pagkatapos kong maalala ang nangyari kagabi tsk! uminom siguro ito ng isang tangking Memory Plus para maalala pa yon.
" Okay…." Matamlay kong tingin rito, siya naman pumasok na sa banyo at mga ilang minuto lumabas na rin siya at naka tapis lang siya kaya naman napatalikod na naman ako bigla "Ano ba Julian! lalaki ka! Hindi ka babae okay lang na tingnan mo siya! " pagsasalita pa ng isip ko " Pag-ikaw nabuko niyan kataposan mo na talaga! " Natigil lang ang pagsasalita ng utak ko ng magsalita siyang muli.
" Anong problema mo?" Suplado nitong tanong pagkwan humarap ako rito ng diretsong nakatingin sa mukha niya hindi ko talaga kayang tingnan ang katawan niya pakiramdam ko kasi sobra na ang ginagawa ko tama nang ang school lang ang lapastanganin ko wag na ang gwapong may ari ng school na ito at saka baka patayin talaga ako nito e.
" Ah sige, mauna na ako " Yan lang ang nasabi ko rito habang nakakunot siya ng noo saka ako naglakad palabas pero natigilan ako nang magsalita na naman siya.
" Your bag! "
" Ay! Oo nga pala " Mabilis akong bumalik tssst! natataranta ako sa Aethan na ito kung bakit kasi ang seryoso niya. Pagkwan nag tip-toe ako para abotin yong bag kong nasa ibabaw ng kama ko.
" Aisttt! bakit ba ang taas?!" Pagtigil ko sa pag-abot rito grabe pinagpawisan ako ah! aakyatin ko na sana pero bigla niya itong kinuha "ay! sus may itinatago rin palang kabutihan ang isang ito " sa isip ko.
" Tsk! hindi mo ba alam na maliit ka? " Patapon nitong pagbigay saakin sa bag ko at sa lakas nun inubo ako tsk! nagkamali ako sa sinabi kong mabait siya tss! puwedi namang tumulong ng walang panlalait, diba?
" Salamat! " Masama kong sabi rito saka lumabas " Paghindi talaga ako nagdoble ingat maaga akong mamamaalam sa lugar na ito at buti kung dito lang paano kung sa planetang ito Kung bakit kasi si Aethan pa ang kasama ko sa kwarto tsk! sa kanya lang ang batas! ayaw saakin! at palaging galit " Pagbuntong hininga ko pa ng maisip ang mga susunod na araw kasama si Aethan.
" Ang lalim non ah? " Pagsulpot na naman ni Jeremy sabay akbay saakin habang nakangiti pero diko na lang siya pinansin at sumimangot sa harapan niya.
" Okay lang yan magugustohan ka rin niyan ang bait mo kaya " Pagpapagaan nito sa loob ko habang nakangiti sa totoo lang sa lahat ng ngiti dito sa campus si Jeremy ang may pinakasweet na ngiti yong parang walang problema at sa lahat naman ng may masungit na mukha dito tsk! panalo yong ka roommate ko.
" sana nga... "
" Talaga bang ayaw niya sayo?! " Pagtingin pa nito saakin at ngayon seyoso na ang mukha niya.
" E mukha namang walang nagugustohan yon " Naiirita kong sabi at natigilan ako ng tumawa siya haist ano pa bang inaasahan natin sa isip batang ito.
" sa tingin mo?" pagtawa pa nito "Alam mo sa tingin ko magiging close kayo " Paghawak niya sa ulo ko, agad ko naman yon pinalo ginagawa niya akong bata e porke hanggang leeg lang ako sa kanya.
" Kalma lang pero seryoso ako maggugustohan ka rin niya pagnakilala ka pa niya " Pagngiti nito.
" Dapat kasi tayo na lang ang na isa ng kwarto" Pagtingin ko pa rito dapat talaga dalawa kami e.
" Magkakasundo rin kayo hintayin mo na lang na makilala ka niya ng lubosan o makilala niyo ang isa't isa "
" Kung ganon wala ng pag-asang maging close kami " Pagyuko ko pa.
" Wag ka ngang sumusuko agad ang cool mo kaya imposebling hindi ka niya magustohan " pagpapagaan nito sa loob ko " Ako nga gustong guto kitang kaibigan " akbay pa nitong may panggigigil.
" Tama ka! dapat malakas ang fighting spirit ko kahit ni minsan hindi niya ako tiningnan ng maayos, sinabihan ng maganda, at nginitian " pagpapalakas ko sa loob ko pero mas lalo lang akong napayuko sa sinabi ko at nadesmaya.
" Ganon ba talaga si Aethan? Buti na lang di ko siya nakasama sa kwarto " mahinang sabi nito habang hindi makapaniwala " Alam mo bang matagal ko ng pangarap na makasama siya sa iisang kwarto? napaka cool niya kasi!! " Hindi ko alam kung ayaw ba talaga niyang makasama si Aethan paano kasi ang lapad ng ngiti habang nagsasalita e.
" Hindi ko alam pero baka nga hindi ko pa siya kilala " Pag-ayos ko nang pag lalakad.
" Oo maghintay ka lang " Pagpasok namin sa classroom ng dumating kami at sobrang ingay na naman nila, pag-upo ko.
" Anong klaseng buhay kaya ang meron ako dati? Gaano kaya ako kasama at ganito kapangit ang buhay ko ngayon " Paglapag ko sa bag ko sa arm chair ko at pinatong rito ang ulo ko habang nakatingin sa upuan ni Aethan.
" Ang mukhang pusang yon na kinulang sa aruga bakit ang sama ng ugali niya? tsk! mukha namang nasa kanya na ang lahat pero bakit ganon ang ugali niya? " Natigilan ako sa pag-iisip ng mapansin kong biglang may umupo sa upuan ni Aethan at kamukhang kamukha niya ito kaya diko mapigilang tumitig rito habang nakaharap ito ng upo sa board kaya kalahati lang niya ang nakikita ko at kahawig nga ito ni Arthay.
" Tsk! ano? " Napatayo ako bigla ng lumingon siya saakin habang nakakunot ng noo at siya pala talaga yon pagkwan napansin kong nakatingin saakin ang mga kaklase ko sa pagtayo ko bigla.
" Dumating ka na pala akala ko kamukha mo eh " Pagbawi ko sa naging reaction ko sabay upo at hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng puwedi kong sabihin yon pa talaga ang lumabas sa bibig ko kaya ayon mas kumunot ang noo niya haist! hindi ko talaga maitindihan ang isang ito at gaya ng madalas niyang gawin walang reaction itong tumingin sa iba maliban sa masusungit niyang tingin.
At mga ilang minuto dumating si Sir at gaya ng madalas naming gawin bawat isa naglabas ng notebook para sa discussion ni Sir, math kasi kaya lahat matamang makikinig at gaya ng sabi ko kahapon mataman lang ritong nakatingin si Aethan wala siyang nilabas na kahit ano at para bang boring na boring siya sa lecture. Sa bagay naiitindihan ko siya math kasi itong topic namin kung hindi ko lang naiisip na kailangan kong ementain ang grade ko matagal na siguro akong nakatulog pagkwan nilingon ko si Jeremy at natawa ako ng makita ang reaction niya tuwing magsasalita si Sir paano kasi tatango ito saka magsasabi ng "ahhhhh" nakikita kasi yon sa bibig niya kaya kahit hindi ako malapit nahuhulaan ko at ito pa bawat sulat ni Sir sa board agad niya itong kinakopya disperado talagang makaproceed sa 2nd year college. At natigilan ako sa pagmamasid sa mga kaklase ko ng magsalita si Aethan.
" Hindi po kasi yan dapat ang ginamit niyong formula " Narinig niyo yon kinorek niya si Sir at gumamit siya ng PO! pagkwan tumingin ako sa board habang si Sir mataman rin itong tinitingnan hindi niya kasi makuha ang sulotion kaya kanina pa kami naghihintay sa tamang sagot.
" Mr. Villasore, solve it " Pag-upo ni Sir at tumayo naman si Aethan habang buong klase naming nakatingin sa kanya, sinusundan siya ng tingin hanggang sa makarating ito sa harapan at kinuha ang chalk at nagsolve habang nakapamulsa pa ang isa niyang kamay at sobrang bilis ano kayang meron sa utak niya wala kasi siyang gamit na calculator kaya itong mga kaklase ko lahat nakanganga maging si Sir at may iba pa ngang nagpunas ng laway. At mga ilang minuto bumalik na si Aethan sa upuan at grabe ganon lang pala yon kadaling isolve e si Sir kung ano ano pang ginagamit na formula.
"Ang galing mo" Nangingislap ko ritong sabi pero nipaglingon di niya nagawa.
" Class palakpakan si Mr. Villasore" Pumalakpak naman ang lahat habang nakatingin kay Aethan at syempre ganon din ako pero siya ito seryoso lang ang mukha.
" Talaga bang pati pagpalapak mo hindi mo alam?! " Natigilan naman ako sa pagpalakpak sa sinabi niya at doon ko rin napansin na ang lapit ng kamay ko sa mukha niya habang pumapalakpak.
" Sorry….. ang husay mo! " Pagthumbs up ko pa rito at ano pa bang inaasahan niyong response tsk! ayon ang paborito niyang gawin ang mag iwas ng tingin ng habang nakakunot noo.
" Sabi na bang ganito rin ang gagawin mo sa naiisip ko" Masayang sabi ni teacher na siyang nilingon ng mga kaklase ko kaya medyo nahiya tuloy si Sir tsss! pareho daw e halos mapunit na ang noo niya sa katitingin kong ano ba dapat ang formulang gagamitin niya kanina.
" Mahusay mr. Villasore! " Pagpalakpak pa ni Sir at pagkatapos ng klase namin ngayong araw si Aethan ang pinaka unang lumabas napipilitan lang siguro itong pumasok sa bagay mas magaling nga naman siya sa ibang teacher namin pero seryoso ba talaga yon, utak lang ang ginagamit niya sa pag-aaral? walang notebook o ano mang sandata para sa pag-aaral grabe siya. Namamangha kong pag iisip sa kanya ngayon lang ako nakakita ng tulad niya sa buong buhay ko.
" Julian, canteen tayo!" Pag-akbay saakin ni Jeremy tumanggi naman ako rito pero bago pa ako makaalis biglang umakbay rin saakin si Leo at iba pa naming kaibigan na lalaki at sa may canteen ang pinagdalhan nila saakin.