" Pasaway na pusa yon hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya " Sa isip ko habang naglalakad patungo sa classroom.
" Hoy Po! " Panggugulat saakin ni Jeremy at bago ko pa siya malingon naramdaman ko na lang ang mga braso niyang pumatong sa mga balikat ko kung bakit kasi ang hilig hilig nitong mang-akbay.
" Kamusta kayo ni Aethan? " Natigilan naman ako sa tanong niya, yong pusa kaya talaga ang tinutukoy niyang Aethan.
" Oiiii tinatanong kita " Pagpitik niya sa noo ko nakatanga kasi akong nakatingin rito habang iniisip yong pusa "Ano sinungitan ka ba? "
" Huh? hindi, pagkarating nga niya nakatulog siya agad " Pagtukoy ko sa pusa, ngumuso naman ito habang tumatango na animo'y hindi naniniwala.
" Maganda ba? " Tanong nito bigla.
" Huh! anong maganda? " Nagtataka ko ritong tanong maaari kayang bakla itong tinutukoy niyang si Aethan pagnagkataon napaka suwerte ko naman.
" Kaninang gabi kasi pupuntahan sana kita para makipag kwentohan kaya lang nong malapit na ako sa room niyo may narinig akong babae sa kwarto niyo kaya hindi na ako tumuloy baka kasi dumating na si Aethan "
" E diba bawal magpapasok ng babae sa kwarto ng mga lalake? " Pag-iiba ko agad sa usapan.
" Tss! bawal lang naman yon pagmay naka alam pero kung wala, suwerte mo na yon " Pagngiti pa nito " So, ano maganda ba yong kasama ni Nathan na babae? " Sininok naman ako bigla sa tanong niya naalala ko kasi yong bigla akong napasigaw " Na ano ka? " nag-aalala nitong tingin saakin pero hindi ko na siya pinansin at mabilis na pumasok sa classroom nami nandito na kasi kami sa tapat ito.
" Beh, ang cute niya " Pagturo ng mga babae saakin at may mga lalake rin na nakatingin saakin na para bang pinag-aaralan ako.
" Tol! Transferee? " Paglapit saakin ng isang lalake hanggang sa pag-umpokan na nila ako. Ngayon lang ba nagkatransferee rito?
" Anong name mo? "pagpapa cute ng isang babae saakin kaya kinilabotan tuloy ako.
" Dude, ang gwapo ng gupit mo ah" Paghawak pa nong isang lalake sa buhok ko, tinaas ko lang rito ang dalawang kilay ko sabi kasi ni Tita iwasan ko daw ngumiti dahil nagmumukha akong babae at isa pa hindi ko alam kung totoo yong sinasabi niya tsk! si Tita kaya ang gumupit saakin, e ni bangs nga ni Liya di niya kayang gupitan pero sige lang, ang mahalaga mabuhay ako.
" May girlfriend ka ba? " paglapit pa nong ilang babae, puweding sumigaw? nakakatakot. Basta ang dami nilang tanong at sinasabi saakin hindi na nga ako makapagsalita, si Jeremy naman naka tingin lang at nakangiti na para bang nasisiyahan pa sa nangyayari buti na lang may dumating na teacher kaya nagsibalik sila sa kanilang mga upuan.
" Good morning class " Pagbati nito bumati naman ang lahat syempre nakisabay ako sa kanila "Aware naman ang lahat that you've your new classmate? " Tanong ng teacher, sumagot naman silang lahat at yong iba lumingon pa saakin nakakahiya tuloy at feeling ko ako lang ang transferee rito " Please introduce yourself " Pagtingin ni ma'am saakin, sumunod naman ako at pumunta sa harapan at nagpakilala pagkatapos non bumalik ako sa upuan ko at ngayon marami na silang nakatingin saakin pagkatapos nilang malaman na sa malayong probinsya pa ako nagmula at nakapasok ako sa university na ito dahil pumasa ako sa scholar kaya siguro, napaka talino ang tingin nila saakin ngayon. AT hindi nagtagal natapos ang klase, agad akong nag-ayos ng gamit para lumabas pero natigilan ako ng pag-umpokan na naman nila ako.
" Ang layo pala nang pinanggalingan mo " Pagsisimula na naman nila at tumatango lang ako sa mga ito bilang sagot gusto ko na talagang umalis pero hindi ako makalabas natigilan na lang ako ng biglang may humila saakin paalis sa umpokan na ito saka umakbay saakin.
" Ganon talaga sila sa mga transferee pero hindi mababait ang mga estudyante rito maliban saakin " Pagngiti pa nito well, sobrang cute ni Jeremy para siyang babae kung di lang lalakeng lalake ang katawan niya natigilan naman ako bigla sa mga naisip ko, hindi kaya tomboy rin ang isang ito sa isip ko habang pinagmamasdan siyang nagsasalita.
" Nga pala, Julian magkita tayo sa may science park mamaya "
" saan banda? at saka bakit? " Mga tanong ko rito.
" Basta pagkarating mo rito kumanan ka at sa dulo nito nandoon ang science park " paliwanag nito pagkatapos naming tumigil maglakad at ituro saakin ang daang tinutukoy niya patungong science park. At pagkasabi niya nito umalis na siya ng hindi sinasagot ang pangalawang tanong ko at napansin kong sa mga babae at lalakeng kumakaway sa kanya ang direksyon niya. Kaya naglakad na lang ako habang nakayuko namimiss ko na kasi si Liya gusto kong magkwento sa kanya lahat ng nangyayari saakin rito at yong mga gwapo rito mahilig pa naman yon ng gwapo, natigilan bigla ako ng makita ko yong pusang natulog sa kwarto ko habang nakahiga sa isa sa upuan sa may pathway.
" Ikaw!!! " Masama ko ritong tingin habang pumupunta sa direksyon niya. "Pasaway ka! ngayon ikaw naman ang hindi ko patutulogin " Pagpunta ko sa direksyon niya sabay kuha sa isa sa papel ko para iyogyog rito upang magising pero natigilan ako nang yoyogyogin na ito ng may humawak sa kamay ko.
" Anong gagawin mo? " Napatingin naman agad ako sa kamay na humawak saakin pagkatapos marinig ang boses nitong napakalamig pero hindi ko alam kung matatakot ako o ano, paano kasi napaka sexy ng boses nito at sa laki ng kamay niya hindi maipagkakailang lalake itong nakahawak saakin kaya pasulyap ko siyang tiningnan.
" Tinatanong kita? " Pagpapaharap nito saakin at sa lakas nito walang kahirap hirap niya itong nagawa kaya gulat na gulat ako sa pangyayari kaya naman ganon na lang ang pagkakapikit ko.
" Pasensya na " Paninilip ko ritong tingin pero napaatras ako ng makita ng kabuohan ang mukha niya habang nakahawak pa rin siya saakin paano kasi nakakatakot ng mga tingin niya pero napaka gwapo at ang tangkad niya at amoy na amoy ko ang pabango niya kahit malayo ako rito para siyang anghel na ibinaba rito sa lupa, nakakasilaw ang puti niya parang hindi pa siya natatamaan ng araw o ano mang makakasira sa balat mga limang paligo ata ang lamang niya kay Julian ko pero yon nga lang ang sungit ng tingin niya.
" Bakit ganyan ka makatingin?! " Masama nitong tingin saakin kaya agad kong binawi ang kamay ko at ang mga tingin ko.
" Pasensya na " pag-iwas ko rito ng tingin " yang pasaway na pusa kasing yan biglang pumasok sa kwarto ko kagabi at ginulo ang gabi ko " Natigilan ako ng tumaas ang isang kilay nito habang ang suplado ng tingin.
" Totoo ang sinasabi ko " depensa ko agad at mukhang hindi rin kasi naniniwala.
" At sinong nagbigay permeso sayo na pumasok sa kwarto niya?! " Napakunot naman ako ng noo rito, hindi niya ba narinig ang sinabi ko at saka paanong ang pusa ang nagkaroon ng kwarto wala ata akong alam na may paaralan din rito para sa mga pusa sayang ang gwapo pa naman niya tas bingi lang. Pagtingin ko pa rito mula ulo hanggang paa at natigilan ako ng kunin niya ang papel na hawak hawak ko.
" Isang pagtatangka mo pa kay Leugo masasaktan ka " Napatingin naman ako sa pusa, so, siya pala si Leugo ang sinasabi ni Jeremy kaya natawa na lang ako sa isip ko.
" Leugo?! " Natatawa ko pang sabi " Akala ko si Aethan yan " tawa ko pa saka lumingon rito at napaatras ako ng mas sumama ang tingin nito saakin ano bang problema ng lalakeng ito pagseryoso ko rin bigla.
" Tsk! wag na sana tayong magkitang muli " Masama nitong tingin saakin tsk! tama nga si Jeremy hindi lahat ng estudyante rito mababait sabihin na nga nating animal lovers siya pero tama bang sabihan ako ng ganito para sa kunting pagtatangkang yon para namang pinatay ko yang pasaway na pusa na yan.
" Pasensya na bro sana nga di na tayo magkita " Seryoso ko ding sabi tsk! sino naman sa tingin niya ang magkakagusto na makita pa siyang muli e mukhang kinulang sa aruga ang isang ito. Natigilan ako ng bigla siyang umupo at nilahad ang dalawang kamay niya tsaka mabilis ritong pumunta ang pusa at animo'y nagsusuplado ring tumingin sakin saka nila ako iniwan
" Sino ba yon? " Sa isip ko habang pinagmamasdan itong naglalakad at nang maglaho na sila sa paningin ko saka ako nagtungong muli sa room ko.
" Liya kamusta na diyan? " Pagkausap ko rito sa phone habang nakahinto sa may pathway pagkatapos niya itong sagotin wala namang masyadong tao rito dahil pagabi na kaya okay lang dito makipag-usap.
" Cindy ikaw ba toh?" Hindi makapaniwalang sagot saakin ni Liya sa kabilang linya nagboboses lalaki kasi ako mamaya may makarinig na naman saakin.
" Oo! Ilang araw lang akong wala diyan nalimotan mo na ako " Nagtatampo ko ritong sabi kahit hindi ko siya nakikita siguradong umiiling ito naririnig ko kasi ang sunod sunod nitong paghindi sa sinabi ko at maya maya sinundan ito ng pag-iyak.
"Cindy miss na miss na kita! " Pag-iyak nito kaya ako hindi ko rin napigilang hindi maiyak.
" Miss na miss din kita, Liya " Ang nangyari samin everytime na may magkukwento lagi naming iniiyakan "O sige na, Liya kikitain ko pa si Jeremy eh "
" Sino naman yang si Jeremy? "
" Liya, siya yong ini-imagine mong prinsipe " masaya ko ritong sabi dinig na dinig ko naman ang pagsigaw niya siguradong halos matumba na naman ang bahay nila sa kilig nito.
" Totoo? Guwapo ba talaga? Mala anghel ba pagngumiti? Ganon ba?" Sunod sunod nitong tanong.
"Oo at marami sila rito, nagkalat ang mga prinsipe mo dito" Sabi ko pa rito.
" Eehhhh! Nakakainggit gusto ko na rin magkaroon ng maraming utang sila mommy para mapunta ako diyan "
" Baliw! " Pagtawa ko rito at pagkatapos ng pag-uusap namin pumunta na ako sa may science park nakita ko naman agad si Jeremy sa isa sa upuan rito habang nakasandal ang ulo at nakapikit.
" Tulog ba ito? " Paglapit ko rito, gigisingin ko na sana ng bigla itong tumingin saakin.
" Bakit ang tagal mo? " Pagtayo nito.
" Pasensya na may ginawa kasi ako " Pagdadahilan ko.
" Halika na nga " akbay na naman nito saakin at yon naglakad na nga kami ng hindi ko alam kung saan.
" Saan tayo? " Pagtingin ko rito pero ngumiti muna ito saakin saka nagsalita.
" Yong gusto nating mga lalaking ginagawa? " Nagulat naman ako sa sinabi niya.
" G-gusto ano naman yon? "
" Ano ka ba isa ito sa madalas nating libangang mga lalaki " Pagtingin nito saakin.
" basketball kaya ang tinutukoy nito kaya lang medyo madilim na para maglaro " Sa isip ko.
" Ikaw Julian anong pinakagusto mong ginagawa? "
" Magshoot! " Sagot ko rito, basketball kasi ang nasa isip ko at natahimik ako ng tumawa ito.
" Sus! Babae na naman ang nasa isip mo sandali ilan ba naging girlfriend mo? "
" Huh? Babae? at saka anong girlfriend ikaw nga itong may iniisip diyan " Paglayo ko rito.
" wag ka nang mahiya tayo lang naman nandito" Pagbibiro pa nito habang natatawa pero di ko na siya pinatulan natatakot nga ako sa kalagayan ko ngayon sa mga babae syempre iniisip talaga nila na lalaki ako, sana di na lang ako naging straight para madali lang sakin mag-adjust.
" Teka! Saan ba tayo kanina pa tayo naglalakad " Tulad kanina tumingin lang ito saakin saka niya pinindot ang elevator at pumasok kami rito base sa pinindot niyang number sa tingin ko ito na ang pinaka last floor mga ilang minuto nakarating rin kami sa roof top. Ganon talaga itong school na pinasokan ko may pa elevator paano ba naman lahat anak mayaman ang nandito walang gustong magpawis.
" Saan ba talaga tayo? " paghinto ko.
" Ang arte nito para namang may gagawin ako sayo di ko type ang parehong lalaki, okay? kaya sumunod ka na saakin " Sumunod naman ako rito sa sinabi niya at huminto kami sa may isang pinto pagkwan pinihit niya ang door knob nito para mabuksan.
" Mauna ka " Tumanggi naman ako rito pero bago pa ako makalayo tinulak na niya ako sa loob at natigilan ako ng makita ko ang loob nito.
" Welcome!!! " Sigawan ng mga lalaki habang sinasalubong ako hindi naman ako makapagsalita.
" Nagustohan mo? kunting celebration para sa bago naming kaklase pero yon nga lang walang babae, walang shoot " Pagtawa nito sabay akbay saakin ni Jeremy hindi naman ako makasagot sa tuwa at natauhan ako ng buhosan nila ako ng alak sa ulo.
" Bro, welcome to our family!! " Pag suntok saakin nong isa kaya napakamot na lang ako sa lakas pwedi naman kasing tapik lang bakit kailangan pang manuntok.
" Bihira lang magka transferee rito kaya tuwing may nadadagdag saamin winiwelcome namin ng maayos para wag ng umalis " Pagkuha ni Jeremy sa baso ng alak.
" Totoo yon, sobra kasing expensive ng school na ito, matatalino lang at may kaya ang nandito kaya bihira lang may madagdag saamin o kung minsan man umaalis din o naaalis dahil bumagsak o di kaya hindi na kaya ang demand ng school " Pagsasalita pa nila hindi naman ako makapag salita sana nga di rin ako bumagsak pero nakakatuwa hindi ko naisip na ganito pala sila.
" Ito ang secret heaven namin " pagtawa ni Jeremy " pagmasaya kami dito kami pumupunta or nagcecelebrate ganon din pagbored kami kahit ang president ng school hindi ito alam kami lang na tropa but since family ka na namin kaya pinakita namin sayo" sabi ni Jeremy tumango naman ako bilang sagot ang ganda kasi ng tanawin kitang kita rito ang buong school ang mga ilaw at ang lakas ng hangin sobrang lamig nakaka relax talaga rito.
" Bro, umupo kana lets toss " Pagbibigay nila sakin sa beer inabot ko naman ito agad well, hindi niyo naitatanong magaling ako sa inoman isa kasi ito sa paraan ko para malimotan ko ang utang nila papa kahit ilang minuto at saka way ko rin ito para makakuha ng pera labanan kasi namin ito ng mga siga sa Probinsya namin kung sinong maraming mainom makakakuha ng 200 pesos.
" Yeahhhh! " Sigawan nila nong inumin ko yong beer, ito pala ang sinasabi ni Jeremy na libangan ng mga lalaki kaya pala ibang naisip niya nong magsabi ako ng gusto kong magshoot.
" Nga pala, Leo " Pagbibigay nito sa kamay niya nong maupo ako.
" Julian " Pakikipagkamay ko rin.
" Ako naman si Grey " Nakipagkamay rin ako hanggang sa lahat sila nakipagkilala sakin mga 10+ lang naman sila.
" Nga pala Julian mahilig ka sa sport? " Tanong ni Jeremy.
" Oo! " Sabi ko rito habang umiinom pero natigilan ako ng biglang hawakan ni Leo ang kamay ko.
" Tamang tama kulang ang team ko ng isa, marunong ka magsoccer? "
" Ah, hindi e wala kasi niyan sa probinsya namin" Nahihiya ko ritong sabi.
" Ganon ba.... pero mabilis kang tumakbo? "
" Oo " Tipid ko ritong sagot habang kumakain ng pulutan mabilis naman talaga ako tumakbo palagi kasi kaming naghahabolan ng pinagkakautangan ng pamilya ko.
" Kung ganon saakin kana lang " Paglagay ni Grey ng alak sa baso ko, inabot ko naman ito.
" Alam mo kasi kulang ang team ko ng tatlo wla kasi masyadong naglalaro ng baseball dito satin " Pagpapaliwanag nito at natigilan ako nang yong buong bote ng alak ang binigay saakin ni Leo.
" Mas nauna ako kaya saakin siya " sabi pa nito.
" Tsssss! At paano naman madidevelop ang husay niya sa pagtakbo sa soccer mo?" Pagkuha naman ni grey sa bote ng alak at pinalitan ito ng baso.
" Hindi ka ba nanood ng soccer? Anong akala mo rumarampa ang team ko pagnaglalaro? kailangan ang maliliksing paa at mabilis na takbo para maka points ka sa soccer " Pagpalit nitong muli sa bote ng alak.
" Ayan na naman sila " Bulongan ng mga kasamahan namin.
" Hoy! tama na yan idaan na lang natin yan sa labanan" Natahimik naman ang lahat sa sinabi ni Jeremy pero maya maya nagsigawan sila na para bang gumagawa ng malaking apoy ang sigawan nila para kasing sumasama ang tinginan ni Grey at Leo.
" Teka! Anong ginagawa niyo? Anong labanan? " Pagsigaw ko pero parang walang nakarinig saakin at maya maya nilagay nila yong isang case ng beer sa gitna ni Grey at Leo.
" Sinong mauunang malalasing yon ang talo at sinong mananalo don sasapi si Julian " Sigaw ni Jeremy m, natahimik naman ako ito bang sinasabi nilang labanan mga baliw talaga akala ko ano na, natawa na lang ako sa sarili ko. Talagang ang layo ng isip ng babae at lalaki mukhang mahihirapan ako bago makasabay sa kanila.
" The battle begin!!! " Sigaw ni Jeremy pero natigilan silang lahat ng kunin ko ang isang bote ng beer.
" Hindi kaya unfair saakin ang ginagawa niyo? sa totoo lang naman ayaw ko ng soccer at maging baseball player pero since family na tayo papayag akong masali sa kung sino man sa team niyo kung mananalo kayo saakin sa inuman pero pag ako ang nanalo ako ang pipili ng sport ko! GAME?!!" pagtaas ko sa bote sumang-ayon naman silang lahat.
" Bro, alam ko namang gusto mo lang uminom pero siguradong matatalo ka rin sakanila " Pagtapik saakin nong isa at tama nga naman siya ang lalaki ng katawan nitong dalawa e halatang captain ball talaga ang mga awra pero wag nila akong maliitin kahit maliit naman taga ako kumpara sa kanila pero hindi ako basta basta sumusuko.
" Fight!!! " Nagsimula na nga kami bawat isa saamin may taga lagay ng alak sa baso pero nong nakakailang bote na kami medyo bumagal ang pag inom nila.
"Ayaw ko na " nasusukang sabi ni Leo habang nilalayo ang baso ng alak.
" Panalo ka na! " Pagbaba ni Grey sa kanyang baso, nagsigawan naman ang lahat at si Jeremy nakatingin lang saakin na halatang hindi makapaniwala.
" Ano bang gusto mong sport?" Tanong ni Leo at lahat naman sila nakatingin na halatang naghihintay sa sagot ko.
" Basketball! " Pag-inom ko sa alak sa probinsya kasi namin may basketball girls at ako ang captain ball hindi naman ako ganon kagaling marunong lang pero natigilan ako ng sabay sabay silang natahimik at si Leo at Grey sabay na bumagsak ang ulo sa may mesa sa tingin ko tuloyan na silang nalasing.
" Good Luck na lang sayo!" Sabay sabay nilang sabi kaya napatingin naman agad ako kay Jeremy.
" baka nalasing ka rin bukas kana lang magdecide kung anong sport ang sasalihan mo" Pagngiti nito ng pilit, nagtataka naman akong tumingin rito.
" Tama bukas ka lang magdecide" sagot pa ng iba, nanatili lang akong tahimik ano bang mayron sa sasalihan kong sport at pagkatapos ng party namin sabay kaming bumalik ni Jeremy sa room namin bawat isa.